Download App
50% Mysteries of Vengeance / Chapter 10: Chapter 10-(Purge Academy)

Chapter 10: Chapter 10-(Purge Academy)

"H-hindi. Ka-kaibigan ko siya na kasama kung nagbabakasyon din dito pagbreak. A-anak siya ng mayor, h-her name is Sandra Scay at kasama kong nag-aral noon sa Manila ng Culinary Arts. Kasalukuyan siyang nakikitrabaho sa family restaurant namin doon. Yung isa naman ay ang kapatid ko na nakakabata sa akin ng isang taon. Pagkatapos din ng taong ito ay magtatapos na siya, siya pala si Larni." Turan nito at napatingin sila sa kapatid nito.

"Ay swerte naman, so single ka pa yehey!." turan ni Ran dito at namula pa ito lalo. Napangiti siya, ang cute talaga nito kung namumula.

"Tamah na nga yan mga babes, look at poor Conor he is already looking like a red tomato. Hmnnn poor Conor, shooo shooo layas kayo jan and let my Conor be." Pagtataboy ni Bri sa kanila ni Ran saka lumapit ito kay Conor at kumapit sa braso nito.

"Hahaha bakla ka, uyyyy selfish na s'ya ohhhh." Turan ni Maha na pinagbabato ito ng nahawakan nitong beans sa may mesa.

"Na ah he's off limit. Hands off barakudas." Taas kilay nito sa kanila ni Maha.

Napatawa nalang si Ran at halos mapahawak ito sa kanyang tiyan. Namula naman si Conor ng tuloyan at nakikitawa na yung iba na kanina pa nanonood sa kanila.

"OHHH MY GOSH, sorry Conor. Tama na yan, magdasal na tayo para kumain na tayong lahat. Ahh Conor saluhan n'yo na rin kami ha. Sandra, Larni kayo rin." Turan ni Ran nang mahimasmasan na ito.

Nakita ni Ran na namula bigla yung dalawang babae nang mapatingin silang lahat sa kanila pagkabangit ni Ran sa mga pangalan nila. Tumango sila at nagsimula na nga silang magdasal at pagkatapos ay kumain na ang lahat ng tahimik. Masayang nakikipag-usap sina Ramhil, Mark, Sofan at Jovy sa mga bagong kakilala at sa nakikita niyang madali nga silang maging kaibigan. Napangiti naman si Ran nang makita niyang pinagsasandok ni Conor ng adobo si Maha na nasa tabi nito, hindi na ito namumula at mukhang nakabawi na rin ito sa ginawa nila kanina.

"Come on guys hurry up?" narinig ni Ran na sigaw ni Maha mula sa labas ng bahay. Nag-aayos na sila upang pumunta sa paaralan na pagtuturuan nila.

"Ay wow Maha excited much. Anjan na po." Sigaw din niya rito at lumabas na siya sa bahay kasunod sina Ramhil at Jovy.

Nasa labas silang lahat at hinihintay si Mark na sinasara yung pinto. Now she can see how beautiful the place they were staying, malawak iyon at napakaganda ang pagkakagawa. Nang makalapit na si Mark sa kanila ay napakapit siya sa braso nito, well! naging habit na niya iyon kaya naman parang nakasanayan na nila ngunit nakikita niyang natitigilan sa gulat yung iba sa kanila pagginaganon sila.

"Hmnnnn Ran makakapit ah. Ang dikit-dikit oh parang linta lang." Turan ni Maha sa kanya na umiiling.

"Bweee ingit ka lang. Diba Mark?" ngiti niya rito at nakita niyang namula ito habang sina Ramhil ay umiiling nalang.

"Ah ganon!." Turan naman ni Maha saka kumapit din sa braso ni Ramhil na namula naman habang napapailing.

"Wahhahahahaha ingit nga." Pang-aasar pa niya rito.

"Unfair! Kami rin." Sigaw nina Bri at Jovy na kapwa napakapit sa braso ni Sofan.

"Kayo talaga tara na nga." Turan naman ni Ramhil na napapailing habang nililipat ang hawak ng kanyang kamay na yakap ni Maha na bag na naglalaman ng kanyang libro, notebook at iba pang materials sa kabila niyang balikat.

Naglalakad na sila nang sumalubong sa kanila si Conor at ang dalawang babaeng magaganda na kasama nito kagabi, sina Sandra at si Larni na kapatid nito. Naka t-shirt ng blue si Conor that is covered by his white jacket and he is wearing jeans with a matching hiking shoes. Sandra on the other hand is wearing a simple pink blouse and a skinny jean with a matching pink sandal. Larni is wearing a green t-shirt and she matches it with her green skirt. She is also wearing a brown sandal and her short black hair is being blown by the wind. Sandra on the other hand had tied her hair on a bun on her the back of her head.

"Oh hi! Let me guess, you're escorting us?" turan ni Ran sa maga ito at ngumiti naman sila na tumango.

"Yes, sabi ni kuya Fred ay hindi n'ya raw kayo masasamahan dahil may pagkakaabalahan sila ngayon. Sa tingin ko kasama nila sina Ashton at si Sethorne doon sa gubat." Turan ni Conor.

"Hmnnn bakit naman kaya?" tanong ni Jovy na nakayakap pa sa kabilang braso ni Sofan.

"Hmnnn ewan pero tara na para naman maipakilala kayo sa flag ceremony nila mamayang 7:30." Turan ni Conor at tumango sila.

Habang sila ay naglalakad ay nagkwekwento si Conor tungkol sa buhay nito sa Manila. Nakakapit na sa braso nito si Jovy na inaasar ito kanina pa kaya naman napilitang magkwento si Conor habang tahimik na naglalakad sa tabi nila sina Larni at Sandra. Nakakapit pa si Maha kay Ramhil, si Bri kay Sofan, Jovy kay Conor at si Ran naman kay Mark na tahimik lang na naglalakad at nakikinig sa kwento ni Conor.

"Oh my! That really IS a creepy mansion. Maganda sana yan teh bakit hindi nila renenovate, nakakatakot tuloy." Turan ni Bri na nahahaluan ng pagka gay lingo ang salita nito.

Napahinto silang lahat at napatingin sa mansion na malapit na nilang lampasan. Nakakatakot nga ito kahit hindi na madilim. Sira-sira yung mga pintura nito at may mga tanim na tumubo na rito at halos tinatakpan na iyon. Para itong typical haunted house na lagi nilang napapanood sa mga pelikula o kaya na babalitaan sa mga news.

"Scary ayaw ko dito nakakatakot. Gura na tayo please." Turan ni Jovy na lalo pang niyakap ang braso ni Conor kaya namula tuloy si Conor.

Nangilabot si Ran nang makita niya yung poste at naalala niya yung nangyari nang napadaan sila roon noong kararating lang nila. Naalala niya yung babaeng nakaputi at kung pano iyon biglang lumapit sa kanya sa isang iglap na halos magkalapit na ang kanilang mga mukha nangilabot siya dahil malinaw pa sa kanya yung itsura niyon at yung mga dugong umaagos sa mukha nito. Dahil sa naalala niya iyon ay napayakap siya nang husto kay Mark at tulad ni Jovy ay halos idikit na niya ang kanyang sarili sa braso ni Mark. Naramdaman siguro ni Mark na nanginginig siya kaya tumingin ito sa kanya na namumula yung pisngi.

"A-Ayos ka lang ba Ran?" turan nito sa kanya.

Napatingin si Ran kay Mark at nakita niya yung concern at worry sa face nito. Well! Mark is a corny person pero pagsumeryuso na he is a sweet and a thoughtful guy. Isang week lang nila itong nakakasama ay halos magkakaibigan na sila. Bago kasi sila ipinadala roon ay nagkaroon ang grupo nila ng isang bonding sa isang park kaya close agad silang lahat.

"Nanlalamig ka." Turan nito nang 'di niya namalayan ay hawak pala nito yung kamay niyang nakakapit sa damit nito.

"A-Ayos lang ako. T-This place.....is creeping me out." Nanginginig na turan niya.

Mark slowly takes off his jacket kaya napilitan siyang bitawan ang braso nito upang matanggal nito iyon. She was stunned when he put it into her shoulder so she has no choice but to put it on. He zips the jacket at dali-dali niyang hinuli yung braso nito at muling niyakap iyon ng mahigpit. Napabuntong hininga na lang ito and he walked faster kaya nauna na sila.

"Sa daan lang ang tingin Ran." He said as he walks even faster and she was stepping wider to match his speed.

"Wait up you guys nang-iiwan kayo." Narinig nilang tawag ni Maha sa kanila habang humahabol yung iba at nang nakalayo-layo na sila sa mansion na iyon ay naging dahan-dahan na yong hakbang ni Mark.

"Maha bilis wag pabagal-bagal." Turan ni Mark na hindi manlang lumilingon.

"Hehh Mark! Magpasalamat ka lang at malayo na kayo kundi babatukan na kita." Sigaw naman ni Maha rito.

"Ako rin Ran natatakot sa mansion na iyon. Noong ngang gabi ng dating natin dito at nilampasan natin iyon ay parang may nararamdaman akong may nakatingin sa atin. Nakakatakot talaga.....to think of it…the mansion is just right by the road. We're bound to pass it through every time." Turan nito at napapatango nalang siya. Hindi lang pala talaga siya lang ang may mga bagay-bagay na nararamdaman, nakikita at naririnig. Halos lahat na pala silang pumunta doon.

"At siguradong lagi natin yang dadaana." Naturan niya.

"Finally, naabutan na rin namin kayo. Wala namang ganyanan Mark, walang iwanan dudes." Turan ni Maha na mahinang sinuntok si Mark sa braso nito na may halong biro.

"Sorry naman Shems ang ingay n'yo kasi kaya iniwan nalang namin kayo sa tabi ng nakakatakot na mansion na yon." Sarkastikong turan ni Mark dito.

"Eww Mark don't ever call me Shems again, Maha ang gusto ko. Shortcut kaya syempre ang Shems no." Ismid na turan ni Maha rito. Napatawa ang iba habang nakaismid parin si Maha.

"Ayos ka na ba Ran?" pabulong na tanong ni Mark kay Ran at ngumiti naman ito saka tumango rito.

"Ang kwento ni Papa. Yong mansion daw na iyon ay pagmamay-ari ng isang mayamang taga ibang bansa.....England atah yon. Ewan anyways, tumira raw sila diyan ng kanyang asawa at ng kanilang kaisa-isang anak. Nagpakamatay daw yung anak nitong lalaki dahil sa ginawang masama ng ama nito sa babaeng minamahal nito at sumunod naman ang asawa nito tatlong araw pagkamatay ng anak nila. Natagpuan nilang patay ito sa kawarto nilang mag-asawa na watak-watak ang katawan....errrr p-puno raw ng dugo yung katawan niya hindi pala watak-watak sorry. Ayon nga hindi naman nahanap ang lalaki o kung patay na rin ito, nawala nalang daw itong parang bula. Nagsimula roon ay wala ng nanirahan doon kaya naiwan nalang na ganon. Ang alam ko nasa dati pang ayos ang loob niyon dahil wala ni isang nagpapangahas na loobin iyon. Mabait daw kasi yung pamilya kaya nererespeto nila ang naiwang ala-ala nila. Sa totoo nga yan ay yong Purge Academy na tutunguan natin ngayon ay pinatayo ng pamilyang iyon para sa mga taga rito at taga kabilang baryo. Wala kaming masyadong alam sa kwento-kwento tungkol sa nakaraan ng lugar dahil pagkagraduate lang namin ng highschool ay pinapadala ang mga bata sa ibang lugar upang doon sila mag-aral. Sa katunayan lahat ng mga kadalagahan at mga binata ay pawang nagbabakasyon lang dito. ANg kwento pa ng ibang tagabayan ay dahil sa matagal ng hindi pinapasuk ng mga tao ang mansion na iyan ay baka raw pinagbahayan ng mga masasamang element o mga multo." Turan ni Sandra na for the first time ay nagsalita na rin.

Napasinghap sila sa gulat dahil sa may masama palang kwento ang mansion na iyon. Kaya pala ito nag-iimet ng bad vibes.

"You will all suffer the curse of the devil. All who hurt my daughters will be curse by the devil's blood and your lineage will suffer this until the end of time. I, Adaline will exchange my life for the sake of my daughter Sillica and her lineage." Napalinga-linga si ran nang may biglang umalingaw-ngaw na galit ngunit malamyos na boses ng isang babae sa kanyang pandinig.

"Ayos ka lang ba Ran?" napatingin si Ran kay Ramhil sa kanya na ngayo'y naglalakad sa tabi niya na hawak parin ni Maha sa kabilang braso.

"Ayos lang ako, ako pa." ngiti niya rito at tumingin siya kay Maha na kumindat sa kanya.

Nakaupo siya ngayon sa office na laan para sa kanila. Isa iyong bagong gawang kwarto at malinis pa. Maayos na ang lahat ng table nila at may mga pangalan na silang nakatatak doon. Her's is near the window beside Ramhil. Maganda at maluwang yung office nila. Napangiti siya na iniikot yung swivel chair na upuan niya. Sa table niya ay may computer at may mga ball pen at mga ano pang bagay na gagamitin niya. Napatingin siya sa mga kasama niyang overwhelmed din dahil provided na lahat and it's amazing when they think of it...they are in a secluded place for crying out loud....yet they have computer. Note: may internet connection din sila, saan ka pa.

Pagkatapos silang ipinakilala ...o mas sabihing ineannounce sa speaker kanina ng President ng school na si Sir Alexander Marcon sa buong bayan este buong school students at staff. Ikaw ba naman ang eannounce at ipakilala sa harap ng almost 10 thousand students, 200 teachers and 300 staffs ng academy. Note: malawak talaga yung academy, it can almost contain one village. May mga taniman na malawak pa iyon na ginagamit nila sa agriculture subject ng mga high school.

Ang style ng ayos ng tables nila ay si Ran ang nasa tabi ng bintana sa may left side sa may likuran katabi ang kay Ramhil na katabi ang kay Sofan na nasa right side. Sa harap naman niya ay si Maha, katabi ang kay Jovy na nasa tabi ay si Bri. Ang kay Mark ay nasa harap ni Maha. Sa harap nito ay isang harang na tinatakpan ang pasukan para pagpasok mo ay hindi ang office ang makikita mo kundi ang bookshelf sa gilid at pagduretso mo ay ang Cr. Naka tatlong hanay sila. Mayroon din silang maliit na kwarto para sa dressing room at sa loob ay may dalawang locker na para sa mga lalaki at para sa kanilang mga babae.

"Nalulula ako." Naturan ni Jovy na kanina pa hindi makapaniwala sa lawak ng school.

"Mayaman talaga yung nagpagawa rito. Akalain mo may garden pa sila, may isang wide grassy field pa sila para sa mga outdoor games nila, may swimming pool pa silang malawak na nasa isang close area sa likod ng school, may food processing area pa sila. O may! Gusto ko na rito." Nagniningning ang mga matang turan ni Maha.

"Wohh kaya pala talented ang mga bachelor's dito. You know, Conor is also VERY talented he can even sing, his sister Larni is also good in designing and tailoring dresses, gowns and any clothes, Sandra also...she is good in painting and singing. Alam n'yo bang even Sethorne ....yes.....teh the ever cold Sethorne Alonzo is not only a good entrepreneur but also a good agriculturist. He even graduated as the soma com laude. He is even single and He is HOT." Turan ni Bri at napataas kilay si Ran dito.

"Excuse me. HOT? Really? Baka kamo ice-cold. No emotions and like a rock at....nakakahighblood, saksakan pa ng sungit." Turan niyang naka smirk.

"At saaan mo naman nakalap ang mga inpormasyon na yan aber?" turan ni Maha rito.

"Syempre ginoogle ko, ano ba naman kayo hindi na ba obvious. Syempre kay kuya Fred." Turan naman nitong nakanguso sa kanila.

"Whatevs." Turan ni Mahang nagroll eyes.

"Duhhh Bri you're becoming creepier, stop snooping to other people's story." Jovy said while raising her eyebrow

Magsasalita na sana si Ran nang may narinig silang nagsalita sa speaker na nasa magkabilang gilid.

"Paging all the new student teachers to come and meet Miss Lornaly Santiago the Vise President of the school in the SSG office. Throves Santino a patrol officer will guide you there, he is currently waiting for you all outside. Welcome ones again and good day. This is Gareth Dolpo the SSG president."

Narinig nilang nagbeep yong speaker tanda na tapos na yung announcement nito. Napatingin si ran sa mga kasama at kay Mark.

"So....naghihintay na raw sa labas. Tara na." turan ni Mark na iniaayos yung nagusot nitong t-shirt, hindi pa pala niya naibabalik yong jacket nito. Mainit kasi at masculine ang amoy kaya parang ayaw pa niyang ibalik...hehehe.

"Bilis guys." Turan ni Sofan na kinukuha yung cellphone sa table nito.

Kumapit ulit siya sa braso ni Mark at nakisabay lumabas dito habang napapailing nalang ito. Nakita nilang may nakatalikod na lalaking may damit na puting t-shirt at nakaslacks ng gray. Yung damit nitong t-shirt ay may tatak sa likod na FREE TO SERVE. Humarap ito sa kanila saka sila ngumiti ngunit hindi ito tumugon. Nabasa nila yung word na PATROL sa harapan ng t-shirt nito.

"Magandang umaga, ako nga pala si Throves Santino isa sa mga patrol officers' ng school. Sasamahan ko kayo sa SSG office, inaantay na raw kayo ni VP doon." Turan nito at bumati naman sila rito.

Nakasunod sila rito at tahimik lang ito. Napansin ni Ran na kung kakausapin si Throves ay hangang oo o hindi lang ang sagot nito. Hindi ito pala salita at laging nakapamulsa ang mga kamay sa pocket ng kanyang pantalon. Mas cold pa ito kesa kay Sethorne at parang nakakatakot kung katabi mo.

"Nandito na tayo." Turan nito saka kumatok sa pintuan na may nakalagay na sign SSG OFFICE.

"Ahmnn nandito na po yung mga new teachers." Turan nito at narinig nilang may nag-uusap sa loob.

"Sige salamat Throves papasukin mo na sila. Pwede mo ng ipagpatuloy yung pagroronda mo." Turan ng boses babae sa loob.

Pinagbuksan ni Throves sila ng pinto at isa-isa silang pumasok, bago sila pumasok ni Mark ay binitawan niya ang braso nito kaya naiwan siya.

"Salamat Throves." Ngiti niya rito at tumango lang ito saka umalis.

"How cold. Problema non?" narinig niyang turan ni Maha na nasa likod pala niya.

"Ewan, some people ARE strange." Turan niya saka siya pumasok sa loob kasunod si Maha.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login