Download App
33.33% Tamed by Cupid's Angel / Chapter 3: Chapter 2: Reincarnated

Chapter 3: Chapter 2: Reincarnated

Eros' POV

Kakatapos ko lang kausapin ang kataas-taasang pinuno namin kaya heto ako sa aming tahanan na puno ng pulang palamuti sa loob at labas. Syempre dahil paborito kong kulay iyon. Sa gilid ay may mga tanim rin ng pula't puting rosas.

"Mahal ko, mabuti nakabalik ka na." Nakangiting bati sa akin ng maganda kong asawa na si Psyche. Agad ko rin siyang nginitian at dinampian ng halik sa labi.

"Mabuti rin at nakauwi na ako para makita ko ang pinakamamahal kong asawa."

"Pero parang may problema ka. Natitiyak ko iyon." Mahinahong sambit niya. Nagpapasalamat talaga ako dahil kahit sa ganitong problema, napapagaan niya ang aking loob.

"Halika't maupo tayo para sabihin ko sa iyo ang buong storya."

Ganoon nga ang nangyari at kinwento ko sa kanya ang lahat-lahat simula kaninang umaga. Biglang bumigat ulit ang aking loob para kay Levi.

"Ano??? Hindi madaling mamuhay sa mundo ng mga tao Eros. Delikado sila. Nako, wala ba talagang ibang paraan??"

Umiling ako. "Gagabayan natin si Levi pag bumaba na siya doon sa lupa at hindi rin siya pababayaan ng ating pinuno. Sigurado akong mababait ang magiging pamilya niya. Wag ka ng malungkot mahal ko."

Hinapit ko siya para yakapin. Ilang daang taon na kaming magkasama pero kahit konti ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Nadadagdagan lang bawat araw. Ang kalahati ng aking puso.

***

Levi's POV

Kalat na sa buong kaharian ang mangyayari sa akin. Lahat ng mga kaibigan ko ay sinubukang pagaanin ang aking loob at sana raw ay magiging okay lang ako doon. Tango at mga ngiti lang ang halos sinasagot ko sa kanila. Pinakiramdaman ko ang aking mga pakpak. Hinaplos ko rin ito bago ako lumipad paitaas. Pinakiramdaman ko ang malamig na hanging tumatama sa buong katawan ko at iniisip kung gaano kaganda dito sa kalangitan.

"Levi!" May biglang yumakap sakin kaya napadako ako pagilid.

"Serefina." Banggit ko sa pangalan niya at niyakap na rin siya. Makalipas ang iilang segundo, humiwalay siya bago ako tinigtan sa mukha ng may halong lungkot. Kulay brown ang mahaba at medyo kulot niyang buhok. Mga mata niyang kulay green at labi niyang natural na mapula.

"Iiwan mo ako dito.. Malulungkot ako Levi.." Medyo mangiyak-ngiyak na sambit niya. Hinaplos ko naman ang kanang kamay ko sa kanyang pisngi.

"Babalik naman ako agad pag nahanap ko na siya."

"Pero makakalimutan moko! Hindi, kami pala lahat dito pati ang iyong pagkatao hangga't hindi mo siya patagpuan.."

"Alam ko Serefina. Okay lang sa akin basta hindi mo ako palitan diyan."turo ko sa puso niya. Agad siyang umiling.

"Hinding-hindi mangyayari iyon Levi. Titignan na lang kita mula dito sa itaas. Mamimiss kita."

"Mamimiss rin kita." Tsaka ako napatingin sa labi niya at unti-unting lumapit hanggang sa magdampi ang mga labi namin. Marahan ko siyang hinahalikan para sulitin ang natitirang oras ko dito. Ng bumitaw kami sa isa't-isa, nginitian ko siya.

"Levi. Nandito ka lang pala."

"Valron. May kailangan ka ba?"

Malungkot siyang tumango. "Pinapatawag ka na ni Eros."

Napabuntong hininga ako at tumingin ulit kay Serefina bago siya niyakap ng mahigpit. "Mag-iingat ka. Paalam muna sa ngayon." Bulong ko sa tenga niya bago bumitaw.

"Ikaw din Levi. Hihintayin kita dito. Paalam."

Doon na nga kami naghiwalay at sumunod na ako kay Valron. Tahimik kaming lumipad patungo sa pinakalagusan kung saan nag-iintay si kupido. Ng makita ko na ang bahaghari at ang malaking gate na kulay silver. Sabay kaming bumaba ni Valron at agad na yumuko. Naroon rin sa kabilang dako ang iba pang mga anghel.

"Levi. Lumapit ka dito."

Sinunod ko naman ang sinabi niya tsaka lumuhod sa isang tuhod at iniyuko ang aking ulo.

"Sa ngalan ng ating ama, sa akin, at sa lahat ng mga anghel dito ay binabasbasan namin ang magiging paglalakbay mo sa lupa para sa iyong misyon."

Marahang dumaloy ang enerhiya sa aking katawan.

"Maraming salamat po."

"Tumayo ka na Levi."

Tinapik niya ang aking balikat. "Bilisan mo ang misyon mo ng makabalik ka dito agad sa buhay mo. Alam kong hindi ka mabibigo." Nakangiting sambit niya.

"Salamat Eros."

Tumango siya sa aking sagot at tinuro ang lagusang nilikha niya.

"Sa oras na pumasok ka riyan ay wala ka ng maaalala tungkol sa amin at sa sarili mo. Mamumuhay ka na parang normal na bata sa piling ng mga magulang mo."

Bumuntong hininga ako. Eto na nga talaga.

"Levi! Mag-ingat ka doon. Wag kang pilyo."

"Oo na Levron. Wag mo akong masyadong ma miss dahil wala ka ng kasama sa kapilyuhan mo dito."

Tumawa naman siya at kumaway. Napatingin ako sa ibang mga anghel at kumakaway rin sila. Nginitian ko silang lahat bago hinarap ang lagusan.

Pumikit ako at humakbang ng isang beses.

Dito na muna magtatapos ang pagiging anghel ko kay Kupido.

At tuluyan na akong lumusong sa lagusan.

***

Third Person's POV

"Dad, manganganak na ata ako!!"

"Talaga Mommy??! Teka, Andoy!! Ipahanda mo ang sasakyan kay Manong!!"

"Opo Sir!"

Agad na binuhat ni Jeffrey ang kanyang misis na si Leah. Dahan-dahan silang bumaba sa hagdan, palabas ng bahay, at patungo sa sasakyan.

"Ang saakkiiitttt!" Daing ni Leah. Hinalikan siya ng kanyang asawa sa noo bago umikot sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

"Kaya mo yan Mommy. Nandito lang ako."

Ng nakarating sila sa hospital, agad namang sinalubong ng stretcher si Leah at inakay doon. Nakahawak naman ang kamay ni Jeffrey sa kanya.

"S..sama ka sa loob! Aaaarrgghh!"

"Susunod ako. Promise."

Nagbihis muna si Jeffrey para makasunod sa asawa niya at tsaka nanatili sa kanyang tabi sa buong pagle-labor nito. Nasasaktan siyang nakikita ang kanyang asawa na grabeng sakit na nararamdaman pero nilalakasan niya lang ang kanyang loob para sa mag-ina.

"Uwaaahh!" Unang iyak na narinig nila mula sa bata.

"It's a boy! Congratulations!" Masayang sambit ng doktora. Napangiti si Leah bago ito napapikit dahil sa pagod. Inakay naman agad ni Jeffrey ang kanilang anak matapos itong malinis.

Nakatitig siya sa mala-anghel na mukha nito.

"Hi baby.. Ang gwapo mo. Manang-mana ka sakin." Masayang sambit ni Jeffrey. Maya-maya pa'y nagising na rin si Leah. Inihiga ni Jeffrey ang kanilang anak sa tabi ng asawa tsaka umupo.

"You did it Mommy." Sabay dampi ng halik sa labi nito.

"Hindi ko magagawa kung wala ka Dad. You gave me strength."

Nagngitian ang dalawa bago tumingin sa munting anghel nila sa gitna.

"We've already thought of a name if it's a boy or a girl."

"And it's a boy."

"Levi Bryce. That's his name."

And so...

Baby Levi Bryce was born.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login