Download App
60.6% When He Falls (Tagalog) / Chapter 20: Chapter 20

Chapter 20: Chapter 20

Being inlove is one of the best feeling that one person can feel. Yun bang kahit na malungkot ka sa ibang bagay ay sasaya ka pa din dahil sa dalang pagmamahal ng taong mahal mo. Yun bang, you can forget those bad memories you have before because of love of your life, for you to move on and live your life to the fullest. Yun bang kahit na minsan ay hindi mo iisiping darating din yung time your relationship between you and the love of your life might get in trouble. Yung masaya ka lang, ngingiti at higit sa lahat walang problema. Pero hindi, ang pag-ibig hindi laging masaya, hindi laging nakangiti ka. Sometimes, you'll feel pain, anger, agony or sadness because it will help you and your relationship grows into something more.

Ang pag-ibig hindi yan parang isang bata ka lang na masaya palagi, dahil ang pag-ibig ay kaakibat nyan ang kalungkutan at sakit upang matuto ka, maging matured ka. And that is proven by Norbert and Margareth dahil darating yung isang araw na kahit na magkaaway kayo o may problema kayo ay magkakasundo pa rin kayo.

"Remember, yung andun tayo sa taas ng burol, sabi mo sa akin that you'll never leave kahit na andaming problema at kahit sobrang sakit na ay andyan ka pa rin." Norbert said.

Tahimik lang si Margareth habang nakatingin sa langit na puno ng bituin. Pareho silang nakahiga sa buhanginan habang magkatabi sa gitna ng lamig ng simoy ng hangin na dala ng bawat paghampas ng tubig ng dagat.

"I want you to stay with me even in the hardest time of our relationship. I want to fight those problem with you." Malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Norbert dahil kahit isang salita ay walang sinasabi si Margareth.

"I want you so badly, Margareth." Isang halik ang iginawad ni Norbert sa noo ni Margareth bago ito tumayo. Hindi ito siguro yung tamang panahon na hinihintay nya.

Humakbang si Norbert palayo. Nakahiga pa din si Margareth ng magsimulang humikbi ito dahil sa pag-iyak.

"I want you to stay with me and my child, our child." Napahinto si Norbert sa paglalakad dahil sa narinig nya. Hindi sya maaring magkamali sa narinig nya.

"But I'm afraid. Takot ako sa maraming bagay. Takot akong isugal ang buhay ng anak ko sa mga problema." Napatakbo si Norbert kay Margareth na nakaupo na ngayon habang umiiyak. Niyakap nya ito mula sa likod nya saka marahang hinalikan ang leeg. Hawak-hawak ni Norbert ang tyan ni Margareth at marahan nya iyon hinihimas.

"Sabay natin haharapin yang takot mo kasama ako." Napaluha si Norbert. Hindi nya akalaing darating sa puntong ito. Masayang masaya sya dahil may sarili na syang pamilya. Masaya sya dahil may isang batang darating sa buhay nya na mamahalin nya rin ng lubos gaya ng pagmamahal nya kay Margareth.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Baby. Mahal na mahal kita at ang magiging anak natin." Isang takas na luha muli ang lumabas sa mata ni Norbert.

"Mahal na mahal din kita. Sobra." Sambit naman ni Margareth.

Bumitaw sa pagkakayakap si Norbert saka tumayo at inilhad ang kamay upang makatayo din si Margareth. Kinuha naman nito saka mabilis na niyakap sya ni Norbert. Isang mainit na yakap kung saan ramdam na ramdam ni Margaret hang kaligtasan. Ramdam na ramdam nya ang higit na init na pagmamahal sakanya ni Norbert.

"Mahal na mahal kita. Sobra." Sambit ni Norbert. At kasabay ng bawat luhang lumalabas sa mata nilang dalawa dahil sa sobrang kasiyahan ay ang bawat pagbagsak ng mga bituin mula sa langit na nagsasabing lahat ng pinapangarap nila ay matutupad.

Sabi nila hindi laging natatapos sa happy ending at ever after ang isang love story dahil darating sa puntong darating ang mga suliranin o mga kontrabida na hindi hahayaang maging masaya kayo ng taong minamahal mo. They always makes a way para sirain kayo at ang relasyon nyo. At ang tanging magagawa nyo lang ay maging matatag at magtiwala sa isa't-isa.

Gaya ng relationship na meron si Margareth at Norbert ay hindi perfect at hindi ganun kasaya dahil dumating rin sila sa puntong kailangang umalis ang isa sa kanila pero sa huli ay hinahanap pa rin nila ang kahati ng kanilang puso.

Ngayon, they are happy na magkasama sila muli pero andun pa rin ang pangamba sa isip nila at sa puso nila kapag bumalik na sila sa Maynila. Hindi nila alam kung anong sasabihin nila sa mga tao o kung haharapin pa ba nila ang mga tanong nila.

"Gusto mo ba bang bumalik doon?" Seryosong tanong ni Norbert habang nakayakap ito kay Margareth. Nasa dalampasigan sila, nakaupo sa buhanginan at nanunuod sa paglubog ng araw.

Tumingala si Margareth saka hinalikan sa labi si Norbert. She miss those lips na parang ayaw na nyang bitawan sa pagkakahalik doon. Hinawakan ni Margareth ang batok ni Norbert para diinan pa ang halikan nilang dalawa. Naramadaman ni Margareth ang pagngisi ni Norbert sa gitna ng halikan nilang dalawa.

Naunang bumitiw sa halikan si Norbert. Tinitigan ang mga mata ni Norbert na parang doon sila nag-uusap, nagkakaintindihan.

"Gusto ko pero...natatakot ako." Hinalikan ni Norbert ang noo ni Margareth.

"Andito ako para sayo at hindi kita pababayaan." Niyakap siya ng mahigpit ni Norbert.

Halos ilang oras silang nasa dalampasigan hanggang sa napagpasyahan nilang bumalik sa cottage na tinitirhan ni Margareth. Lumalamig na din kasi ang ihip ng hangin at ayaw ni Norbert na lamigin si Margareth para na rin sa bata.

Magkahawak kamay silang naglakad pabalik sa cottage. Hindi maipaliwanag ni Margareth ang saya na mayroon sa puso niya dahil kasama nya muli si Norbert. Norbert is always be Norbert dahil kahit saan sya magpunta o kahit anong gawin nya ay hahanapin at babalik pa rin sakanya si Norbert. Mahal na mahal nya ang lalaking kahawak kamay nya ngayon. Sana ganito na lang sila palagi dahil hindi na alam ni Margareth kung kaya pa nyang mawala si Norbert dahil labis na sakit na ang nararamdaman nya.

"Magluluto muna ako. Umupo kana muna dyan." Sambit ni Norbert.

Nasa kusina sila ngayon at nakaupo lang si Margareth habang nanunuod sa bawat galaw ni Norbert habang nagluluto.

Hinubad ni Norbert ang suot nitong damit dahil sa sobrang pawis. Napalunok si Margareth at umiwas ng tingin ng biglang tumingin sakanya si Norbert na may ngisi sa labi nito.

Itinigil ni Norbert ang paluluto saka humarap kay Margareth na hindi magawang tumingin sakanya. Ngumisi ni Norbert dahil sa pilyong naiisip nyang gawin. Humakbang pa sya papunta sa kinauupuan ni Margareth na pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Nagugutom kana ba?" napang-akit na sambit ni Norbert.

Kitang-kita ang gulat sa expressiong ng mukha ni Margareth. Napalunok din ito ng dalawang beses saka tumingin kay Norbert na may nanlalaking mga mata.

"K-K-Kanina pa." Nagkandautal-utal sa sabi ni Margareth.

Napangiwi si Margareth sa sagot nya. Bakit nautal sya sa isang simpleng pagsagot sa simpleng tanong ni Norbert?

"Gusto mo na bang kumain?" Ngumisi si Norbert pero hindi nya iyon ipinapakita kay Margareth.

"O-Oo naman. L-Luto na ba yung niluluto mo?" natawa na si Norbert sa nilapitan na si Margareth at hinalikan ito ng masuyo at mainit.

"Ako, gutom na gutom sayo." ngumisi si Norbert saka binuhat na parang bagong kasal si Margareth at ipinatong sya sa mesa.

"H-Hindi ba bawal ang mag-ano kapag buntis?" nauutal pa ring sambit ni Margareth. Hinalikan ni Norbert ang labi nya saka sumagot sa tanong nito.

"Sabi ng Doctor na kaibigan ko ay wala naman daw masamang epekto sa bata ang alam mo na habang buntis ka pa basta mag-ingat lang." ngumisi ng husto si Norbert saka hinalikan sa labi ni Margareth papunta sa tenga nito pababa sa kanyang leeg.

"HOLY SHIT!" Napatigil sa ginagawa si Norbert ng may marinig na boses galing sa pintuan ng kusina. Nanlaki pareho ang mata nilang dalawa ni Margareth ng makita kung sino iyon.

May mga maliliit na mura ang nangagaling kay Norbert saka ibinangon sa pagkakahiga si Margareth na halos walang mukhang ihaharap sa lalaking nakatingin pa rin sakanilang dalawa.

"I'm sorry. Aalis na muna ako at ipagpatuloy nyo muna ang ginagawa nyo." nakangising sambit ni Bryle. Umalis na ito na may nakakalokong ngiti at tingin kay Margareth.

Walang naimik sa dalawa. Pero bigla na lang natawa si Margareth dahil sa nangyari. Natawa na rin si Norbert saka masuyong hinalikan ang noo ng babaeng mahal niya.

"Saka na lang natin itutuloy mamaya. Kumain na muna tayo baka magutom sa pagod kapag ginawa na natin iyon sa kama." humagikhik si Norbert at inumpisahan ayusin ang hapag.

"I love you." sambit ni Margareth.

"I love you too." Sagot naman ni Norbert at muling hinalikan ng masuyo ang mapupulang labing mayroon si Margareth.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C20
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login