Download App
57.57% When He Falls (Tagalog) / Chapter 19: Chapter 19

Chapter 19: Chapter 19

"I told you to stay away from me!" sigaw ni Norbert sa babaeng kanina pa lapit ng lapit sakanya. Nasa loob sya ngayon ng Bachelor Bar. Palagi syang umiinom at walang araw na kapag nagigising sya ay alak ang kaharap nya imbes na masarap na pagkain o kapeng mainit.

Gusto nyang makalimot pero hindi magawa ng isip nya ang gusto nyang mangyari dahil sa araw araw na pag gising nya ay mukha ni Margareth ang biglang papasok sa isip nya at manlulumo na lang sya sa kadahilanang wala na ito sakanya, iniwan sya ng walang paalam, na walang nakakaalam kung asan sya.

He tried his best upang mahanap ito. Ginamit na nya ang lahat ng connections nya mula sa police hanggang sa mga empleyado nyang detective ay wala pa din. Unti;-unting nawawala ang kanyang pag-asa, unti-unti syang nahuhulog na walang Margareth ang sasalo sakanya.

He cried, Yes! Umiyak sya. Hindi umiiyak sya kapag sa mga araw na patuloy syang gumising ng wala ang babaeng mahal nya sa tabi nya. Palagi syang nasasangkot sa gulo at palaging nakikipagbasag ulo mabuti na lamang ay palaging nakaantabay ang mga kaibigan nya upang awatin sya o di kaya'y ilayo sya.

Nakaupo na naman sya sa isang sofa sa madilim sa parte ng Bar. At ngayon ay galit nyang pinapaalis ang babaeng patuloy na lumalapit sakanya. Sa tindi ng inis nya ay iniwan nya ang babae at naglakad palabas ng Bar. Paglabas nya ay namataan nya ang kakambal nyang si Albert at ang lalaking kasama ni Margareth nung gabing magpopropse na sya. Nag-igting ang panga nya at agad syang sumunod sa dalawa ngunit sa hindi inaasahan ay narinig nya ang pag-uusap ng dalawa.

"Di ba sinabi ko na sayong idispatya mo sya?!" Sigaw ni Albert.

"I can't! Mahal ko si Margareht!" Tumawa ng malakas ng malakas si Albert na parang isang nababaliw na lalaki. Maluha-luha pa ito.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng pamilya nya sa pamilya mo?! Pinatay ng ama nya ang ama mo at ang lahat-lahat ng ari-arian nyo ay kinamkam nila at ngayon---" Hindi pinatapos ni Luke sa pagsasalita si Albert.

"Oo hindi ko nakakalimutan pero mahal ko sya. Handa ko silang patawarin at handa kong kalimutan ang lahat basta para kay Margareth."

"Pagmamahal! Pagmamahal! Iyan ang dahilan kung bakit mahina ang isang tao! Dyan ka mahina!" galit na galit na sinabi ni Albert at nanlilisik pa nitong tinignan si Luke.

"Sinabi ko na sayong hindi ko kaya at hindi ko gagawin!"

"Kung ginawa mo na sana ay wala na tayong problemang ganito! Makukuha ko na sana ang kumpanya kay Norbert kung hindi lang sana pumasok ang babaeng yan!" sigaw ni Albert pero sa isang kisap mata lang ay nakahandusay na si Albert at agad syang pinaulanan ng suntok ni Norbert. Si luke naman ay agad na umawat pero hindi nito magawa-gawa dahil sa lakas na meron si Norbert.

"Anong ginawa mo! Ano?!" Sigaw ni Norbert sa kakambal nya.

Tumawa lang si Albert kahit na duguan na ang mukha at puno na ng pasa. Hinawakan naman ni Norbert ang kamay ni Luke upang alisin nito mula sa pagkakahawak sakanya upang awatin sya.

Tumayo si Norbert at kinuwelyuhan ang kakambal. Puno ng dugo ang mukha nito at basag ang labi nito. Maging ang kaninang maayos na pananamit ay gusot-gusto na.

"Bakit hindi mo tanungin sa pinakamamahal mong babae?" nanunuyang sambit ni Albert.

"Anong ginawa mo?! Bakit mo gusto mong makuha ang kumpanya sa akin?!" sigaw ni Norbert.

"Dahil inagaw mo ang nararapat sakin! Ang kumpanya ay dapat sakin!" sigaw pabalik ni Albert. Nanlilisik ang dalawang mata nito.

"Inagaw mo ang babaeng pinakamamahal ko!" sigaw muli nito.

Alam ni Norbert ang ibig sabihin ni Albert, iyon ay si Megan. Noon pa man ay gusto na nito ang babae kaya nilayuan ni Norbert ito at itinigil ang ugnayan nilang dalawa para sa kapatid ngunit ito ang patuloy na lumalapit sakanya. At ang tungkol naman sa kumpanya ay hindi nya alam. Ang tanging alam lang ni Norbert ay ibinigay sakanya ng kanilang ama ang pamamahala doon.

"Pati ang anak ko inagaw mo!" muling sigaw nito sakanya.

Nag-igting ang panga ni Norbert dahil sa narinig nya. Hindi nya maintindihan ang sinabi nito. Nanlumo si Albert at ang galit nitong mata ay naging malungkot.

"Ang batang nasa tyan nya ay anak ko pero hindi nya ako mahal. Ikaw ang mahal nya at ikaw ang gusto nyang maging ama ng bata." Napabitaw sa pagkakakwelyo ni Norbert sa damit ni Albert. Ngayon, naiintindihan na nito ang nangyari. Naiintindihan na nya kung bakit lumayo si Margareth.

Iniwan ni Norbert ang kakambal na duguan kasama si Luke. Agad-agad syang sumakay sa kotse nya. Wala syang ibang naiisip kundi si Margareth at kung saan nya ito uumpisahang hanapin. Pinaharurot nya ang kotse nya papunta sa masyon. Agad nyang tinawagan ang mga dapat na tawagan.

"I need your help." He said at ibinaba na ang tawag.

Ngayon nya lang napagtanto ang lahat-lahat. Pinagkaisahan silang dalawa ni Margareth. Ngayon nya lang rin nalaman na may galit ang kapatid nya sakanya. Hindi nya ito masisisi dahil na rin sa laki ng ibinigay na tiwala ng kanyang ama sa pamamahala sa kumpanya pero ganun pa man ay hindi tama ang ginawa nito. He'll everything kung sakali mang humingi ito pero hindi! Babaeng mahal nya ang sinaktan nito at hinding-hindi mapapatawad ni Norbert ang kakambal nya.

Tumunog ang cellphone nya. Nasa kusina sya ngayon at umiinom ng alak upang pakalmahin ang sarili. He wants to know if Margareth is okay. Gusto na nyang makita ang babae pero saan mag uumpisang maghanap?

May kotseng dumating tiyak iyon na ang hinihintay nya. Pinagbuksan nya ito ng pintuan. Bumungad sakanya ang nakakalokong ngiti ni Bryle. Alam nyang sa kanilang magkakaibigan ito ang pinakamaraming connections maging sa gobyerno kaya alam nyang matutulungan sya nito.

"What help do you want?" bungad na tanong naman nit okay Norbert. Andun pa rin ang nakakalokong ngiti nito.

"Find, Margareth." Maikling sambit nya.

Isang malalim na tawa ang ginawa ni Bryle dahilan kaya napakunot ang noo ni Norbert.

"Ano ang kapalit?" kilalang-kilala na ni Norbert ang kaibigang ito kaya hindi na sya nagtaka pa sa hinihingi nitong kapalit.

"Sayo na ang brand new kong kotse na nasa garahe." Ipinasa ni Norbert ang susi ng brand new nyang kotseng Porsche.

"Here, iniimbitahan ka pala ni Papa sa birthday celebration nya." May iniabot na isang kulay puting envelope si Bryle. Pagkaabot nito ay agad na umalis sa harapan nya. Pero bago ito tuluyang makalabas sa pintuan ay may pahabol pa itong sinabi.

"If I were you, dalhin mo na ang lahat ng dapat mong dalhin." Sambit nito saka umalis na. Nagtaka ito sa sinabi ni Bryle pero agad nya rin itong naintindihan. Pero paano naman nakarating si Margareth doon? At paano nalaman ni Bryle na naroon si Margareth?

Maraming tanong ang nasa isip nya pero ang nangingibabaw ay ang imahe ng mukha ni Margareth. Napangiti sya. Kinuha nya ang susi ng motor nya saka lumabas ng masyon. Hindi na sya makapaghintay pa. Gusto na nyang makita si Margareth. Gusto na nya itong mayakap.

Time had past. Pain in her heart slowly fading. Smile, laughter and joy is already back in her face. Margareth is so happy now because she found her safe haven at iyon ang lugar na kinatatayuan nya ngayon. Nakatingin sya sa malayo habang unti-unting lumulubog ang araw sa walang katapusang tubig ng dagat.

Hinipo nya ang tyan nya na unti-unti na ring bumubukol at lumalaki. Napangiwi sya sa iniisip nya para sa kinabukasn ng magiging anak nya, na walang amang kikilalanin at makikita nya ang katotohanang anak lang sya sa labas at ang nanay nya ay nagmahal ng isang maling tao sa maling panahon at maling pagkakataon.

Ngumiti sya ng mapait pero gayunpaman ay masaya ang puso nya. Sisiguraduhin nyang papalakihin nya ang anak nya na puno ito ng pagmamahal kahit walang kinikilalang ama. Papalakihin nya ang anak nya gamit ang pagmamahal na meron sya.

"Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya..."

Nagulat si Margareth ng may narinig na nagstrum ng gitara kasabay ang pagkanta mula sa malayo. Nanatili ang mata nyang nakatingin sa papalubog na araw pero ang isip nya ay nawawala na. Bumilis ang tibok ng puso ni Margareth kasabay ang pagsinghap nya. Kinakabahan sya dahil ang boses na kanyng naririnig ngayon ay kilalang-kilala nya ang may-ari.

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo. Pipilitin kong magbago pangako sa iyo..."

Unti-unting lumalakas ang naririnig nyang strum at pagkanta dahil unti-unti ring lumalapit ang distansya. Nanlalamig na ang kamay nya pero nanatili pa ring nakatingin sya mula sa malayo at nanatiling huwag madistract sa kumakanta.

"Sorry na. Nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na..."

Napaluha si Margareth at dali-dali nya iyon pinunasan. Humarap sya sa kumakanta at walang dudang si Norbert iyon. Wala pa rin itong pinagbago. Andun pa din ang magandang hugis ng mukha, matangos ang ilong at malalim na mga mata. Ang mga matang kaya syang tunawin, kaya syang baliwin. Andun ang mga apoy na dati na nyang nakita noon na ngayon ay naglalagablab pa rin.

"Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo.At parang sirang tambutso na hindi humihinto..."

Kaonting distansya na lang ang meron sakanilang dalawa. Ramdam na ramdam ni Margareth tension, ang init ng katawan nilang dalawa. Ang matang nakatingin sakanya at ang nagbabadyang luha sa mata nya. Tumalikod sya at agad na naglakad palayo kasabay noon ay ang luhang kanina pa nya pinipigilan.

"I miss you so much. I miss you, Margareth." Napatigil sa paglalakad si Margareth at agad na humarap kay Norbert. Kitang-kita nito sa mata ng lalaki ang sinseridad sa bawat salitang sinabi.

"I know, I maybe so bad for not following you here immediately. I maybe so bad because I let you go away. I maybe so bad for loving you so bad and I maybe so bad because I'm here standing infront of you saying this words."

"Alam ko galit ka sa akin pero let me explain."

"Explain? I don't need your explanation. I don't need you anymore!" Galit ang namuo sa puso ni Margareth. Nanlilisik nyang tinitignan si Norbert na ngayon ay nakatitig rin sakanya.

"I need you. I love you. Let me just explain, Margareth. Please?" Lumapit si Norbert sakanya saka ito lumuhod sa harap nya. Kitang-kita ni Margareth ang luhang tumakas sa mata ni Norbert.

"Hindi ko alam kung hanggang kalian ako magiging matatag habang wala ka sa tabi ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang hindi ka nakikita lalo na ang bawat ngiti mo sakin." Dumami ang luhang bumubuhos sa mata ni Norbert.

Gustong-gusto nyang yakapin si Norbert dahil damang-dama nya ang hirap na naranasan nito pareho ng sakanya. Gusto nyang yakapin ito sa likod at halikan ang labi o punasan ang mga luha sa pisngi ni Norbert pero pinigil nya ang sarili nya.

Ang puso nya ay nabalot na ng bato pero ngayon unti-unti na naman iyon natitibag at unti-unti na namang lumalambot at tumitibok para lang sa lalaking ito.

"Mahal na mahal kita Margareth. Pinangako ko sa sarili ko noon na ikaw ang babaeng makakasama ko ngayon, bukas o hanggang sa walang hanggan. Ikaw lang Margareth." Napayuko ito saka tuluyan ng bumuhos ang mas madami pang luha sa mata niya. Ngayon lang sya nakakita ng lalaking umiiyak para lang sa isang babae. Ngayon nya lang naramdaman ang sobrang pagmamahal mula sa lalaki...sa lalaking mahal sya at mahal na mahal pa rin nya.

Napaluha si Margareth at agad na umupo at niyakap si Norbert. Kasabay ng mainit na yakap nilang dalawa ay ang unti-unting pagdilim ng paligid. Unti-unting lumalamig ang hangin pero tanging init lamang ng katawan nilang dalawa ang nararamdaman nila.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login