Download App
24.24% When He Falls (Tagalog) / Chapter 8: Chapter 8

Chapter 8: Chapter 8

Agad na hinarap ni Margareth si Norbert pagkalabas nilang dalawa sa pintuan. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Margareth para sana magsalita pero hindi nya iyon nagawa dahil sa biglang paghalik sakanya ni Norbert sa kanyang labi. Isang maikling halik lang yun pero pinanlakihan pa rin ng mata si Margareth dahil sa gulat. Agad na naitulak ni Margareth si Norbert na nakangising nakatingin sakanya..

"You jerk! How dare you to kiss me?!"

"I'm your boyfriend, isn't it?" nakangising sambit ni Norbert.

"This is fucking insane! What are you going to do? What is this all about?!" isang suntok ang ibinigay ni Margareth sa nakangising labi ni Norbert.

Dumugo ang dulo ng labi ni Norbert dahil sa lakas ng suntok na ibinigay ni Margareth. Pinunasan lang iyon ni Norbert sabay ngisi ng nakakaloko.

"Stop this game, Mr. Santiago!"

"I'm not playing around. I'm here to court but things are too fast kaya napa-oo ako agad dahil doon lang din naman ang bagsak nating dalawa." Sinamaan sya ng tingin ni Margareth. Humalakhak si Norbert dahil doon.

"I didn't say anything. Ayaw ko ding magpaligaw and then, tayo na? Are you kidding me?" Ngumisi lang si Norbert. Nanlaki ang mata ni Margareth agad na sinugod si Norbert para sana bigyan na naman ng isang malakas na suntok ang makapal nitong mukha pero mukhang maling galaw ang ginawa nya dahil hinawakan sya ni Norbert sa beywang saka hinila dahilan kaya napasubsob sya sa matigas at malaman na dibdib ni Norbert.

"Kung gusto mo ng yakap libre ko 'yon ibibigay sayo huwag yung kunwaring manununtok pero yakap pala ang habol mo."

"Ang kapal ng mukha mo! Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas si Margareth. Gaya noon ay meron na namang mga maliliit na boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa bawat hibla ng balat ng katawan nya na nagbibigay ng kakaibang init sakanya.

"Bibitawan lang kita kung pumapayag kang magpaligaw kahit na pumapayag na akong tayo na."

"Are you crazy?! Bitawan mo nga ako! Isa!" Hindi pa rin makagalaw si Margareth dahil sa lakas ng pagkakayakap sakanya ni Norbert. Pati ang dalawa nitong paa at nakaiipit sa matitigas na binti ni Norbert.

Inamoy-amoy ni Norbert ang buhok ni Margareth pababa sa leeg nito. Napasinghap si Maragerth dahil doon at hindi nya napigilang hindi magpalaabas na maliit na ungol sa bibig nya.

"I miss your sent. I miss everything on you, Baby" isang nakakalokong ngisi ang lumabas sa labi ni Norbert saka nya pinakawalan si Margareth.

"I'll fetch you later. We'll have a dinner date." Sinamaan sya ng tingin ni Margareth. Naglakad sya papunta sa prenteng nakaparadang sports car. Bago tuluyang pumasok ay may pahabol pa itong sinabi.

"I don't accept 'no' as an answer. And of course huwag kang magsusuot ng damit na ikakawala ng wisyo ko." Humalakhak si Norbert saka tuluyang pumasok sa kotse nya at agad-agad na nag-i-start ang engine saka tuluyang pinatakbo ang kotse ng mabilis.

Padabok na umalis si Margareth saka pumasok sa loob ng mansion nila. Hindi nya alam kung saan sya naiinis. Kay Norbert ba dahil binitin sya kanina sa pag amoy nito sa leeg nya na nagbibigay sakanya ng kakaibang sensesyon o ang biglaan nitong pagdating sa bahay nila para lang sabihing magkasintahan na sila. Nakakabaliw ang ganoong uri ng lalaki. Walang makakapigil sa bawat ideyang lumalabas sa utak nya. At walang makakapigil sa bawat pagbibigay nya ng kakaibang kuryente sa bawat dampi ng kamay. Iginagayak ka nito at nilulunod na para bang ayaw mo ng bumitiw.

Pagpasok ni Margareth sa mansion ay ang pagsalubong ng ama nya na may isang nakakalokong ngiti sa labi. Ito ang unang pagkakataong nakita nya ang ama sa ganitong estado. Isang malawak na ngiti at maaliwalass na mukha ang sumasalamin sa mukha nya.

"I like him for you." Isang masayang sambit ng daddy nya. Napalunok ni Margareth ng dalawang beses bago nakuha ang sinabi ng ama nya.

"Dad. He's not my boyfriend." She said with finality pero parang walang narinig ang daddy nya. Humalakhak lang ito at lumapit sakanya kasabay ang isang mahigpit at mainit na yakap.

"I've never been happy like this all my life. I love you, Honey." Nakakagulat ang mga ikinikilos ng daddy nya. Hindi naman ganito ito sakanya noon pero kahit na ay masaya pa rin sya dahil sa mga pagbabagong nagaganap sakanya, sa daddy nya.

"I love you too, Dad." Humiwalay ang daddy nya sa pagkakayakap sakanila saka sya nito hinalikan sa noo. Tama nga ang mga nababasa nya sa bawat libro na kapag nasaktan ka ay magiging masaya ka ulit dahil hindi ang kabaligtaran ng kalungkutan at kapighatian ay kasiyahan.

"Mag-ayos ka, pupunta tayo sa Batangas. I have a surprise to you." Nanlaki ang mata ni Margareth dahil sa sinabi ng daddy nya. Is this really happening? Pupunta sila sa mansion kung saan silang lumaki kasama ang ate Merideth nya. Nagmadali syang umakyat papunta sa kwarto nya para maligo at mag-ayos.

Pagkatapos ng dalawang oras ng byahe ay nakarating rin sila ng Batangas. Sa dalawang oras na byaheng 'yun ay madami silang napagkwentuhan ng daddy nya. Parang naginip lang talaga ang nangyayari sakanya ngayon dahil hindi nya akalaing joker din pala ang daddy nya, palatawa at makulit. Nakakataba ng puso ang lahat ng nakikita at nararamdaman nya mula sa daddy nya.

"We're here, Honey." Bumababa ang daddy nya para pagbuksan sya ng pintuan ng kotse. Napangiti nalang sya sa pagiging gentlemen ng daddy nya.

"Thanks dad." Sambit nya. Maglalakad na sana sya pero pinigilan sya ng daddy nya. Nagtaka naman sya dahil doon pero hindi na sya nagtanong pa. Inilagay ng daddy nya ang isang putting tela para takpan ang mata nito. Surprise nga talaga ang gagawin ng daddy nya.

Inalalayan sya ng daddy nya papasok ng mansion. Kinakabahan at madaming katanungan sa isip si Margareth dahil sa sinasabi ng Daddy nyang surprise. Ano kaya iyon? Sa isip ni Margareth.

Huminto sila sa paglalakad at kasabay nun ang biglang pagtanggal ng daddy nya ng telang nakatakip sa mata nya. Napanganga sya sa nakikita nya ngayon.

"Ate? Ate ikaw ba yan?" Naluluha na sya dahil sa nakikita nya. Ang ate Merideth nyang nakatayo sa harap nya habang nakangiti ng malawak sakanya. All this time nandito lang pala ang ate nya nagtatago.

Tumakbo sya para yakapin ng mahigpit ang ate nya saka nya ito hinalikan sa pisngi. Mis na mis nya ang ate nya ng sobra. Hindi na talaga nya napigilang umiyak dahil sa saying nararamdaman nya.

"Ang daya mo ate! Akala ko iniwan mo na ako nandito ka lang pala." Sambit nya habang umiiyak pa. Napahalakhak si Merideth dahil sa sinabi ng kapatid nya.

"Si dad ang may gusting umalis ako para bantayan ang mga ari-arian natin dito sa Batangas. Actually, ako na ang nagpapatakbo ng Casa De Corozon." Proud na sambit ng ate nya saka napabitiw ng pagkakayakap si Margareth dahil sa gulat.

"Dad totoo po ba yun?" Nanlaki ang mata nya dahil sa pagngisi ng daddy nya. All this time wala syang kaalam-alam.

"And of course, matagal ko ng alam na magkapatid lang tayo sa ama." Nanlaki pa ang mata ni Margareth.

"Why didn't you tell me, Ate?" Napaluha sya dahil doon.

"Because dad doesn't want me to tell you all about your past kasi gusto nyang maging normal ang buhay mo. I know dad loves you so much gaya ng pagmamahal nya sa akin. Lahat nga ng ipinapadate ni Mommy sayo ay pinagbabantaan ni Daddy para huwag kanang guluhin." Napatawa ang ate nya sa huling sinabi nito. Napadako naman ang tingin ni Margareth sa Daddy nya saka sya lumapit at yakapin ito.

"I love you so much dad." Sambit nya habang umiiyak.

"I love you too, Honey." Sambit ng daddy nya.

"Ay, ganun sya lang ang anak? Sya lang ang mahal?" Parang batang nagtatampo si Merideth dahil sa pabiro nitong sambit. Napahalakhak si Margareth ang Daddy nya.

"Come here, Honey." Lumapit naman si Merideth saka sila nagyakapan tatlo ng mahigpit. Sana hindi na matapos pa ang masayang kaganapang ito sa buhay ni Margareth dahil sapat na sakanyang nalaman nya ang katotohanan at makasama ang Daddy nya at ang ate Merideth nya.

Ang mansion ng mga Ty ay malapit lang sa taal lake kung saan kitang-kita ito. Gabi na pero hindi pa rin natatapos ang tawanan at halakhakan nilang tatlong mag-aama. Isang patunay na kahit na sa kabila ng mga kasinungalin ay nanaig pa rin ang pag-ibig. Sa gitna ng pag-uusap nilang tatlo ay tumunog muli ang cellphone ni Margareth. Ilang beses ng tumunog iyon simula kaninang umaga pa pero hindi nya ito pinapansin dahil baka mainis at mawalan siya ng gana sa kasiyahan nila ngayon.

"Kanina pa tumutunog yang cellphone mo. Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ng ate Merideth nya. Umiling na lang sya saka ipinagpatuloy ang paglalaro ng unggoy-unguyan. Tawang-tawa sya dahil punong-puno na ng lipstick ang mukha ng Daddy nya dahil palagi itong natatalo. Wala na sigurong sasaya kung kasama mo ang mahal mo sa buhay na kasamang naglalaro na parang isang batang paslit.

"Look at your face dad. You look like a clown." Halakhak muli ni Margareth na sinabayan naman ng daddy nya.

"Pero don't worry dad gwapo ka pa rin at kamukha mo pa rin si Superman." Parang teenager na kinikilig si Merideth.

"Who's Superman? Is he your boyfriend?" Biglang seryosong tanong ng daddy nila. Napahagalpak ng tawa ang dalawang magkapatid dahil sa sinabi ng daddy nila.

"Seriously, dad? You don't know Superman? He's a D.C. Superhero na pinapanood naming palagi ni Margareth since we're a child." Natawa si Margareth dahil doon. Simula noong bata kasi sila palaging si Superman ang pinapanuood nila and honestly speaking hindi sila naglalaro ng barbie hindi katulad ng ibang mga bata na kalaro nila sa school na ipinagyayabang pa ang bagong toys nilang barbie.

"Oh. I remember now. He's that man who always where an underwhere na nakalabas?" Napatawa silang tatlo dahil doon pero deep inside alam nilang dahil sa trabaho ay hindi alam ng daddy nila ang mga bagay na paborito nilang gawin noong bata sila. But, they understand naman dahil lahat ng ginagawa ng daddy nila ay for their future and look now, they have those things na kinaiingitan ng lahat, pera at kapangyarihan sa lipunan.

Bigla na naming tumunog ang cellphone ni Margareth pero hindi yun tawag kundi text na umaabot na sa dalawang daan. Napakagat sya ng labi dahil sa nakita nya. Alam nya kung ano ang pwedeng gawin ng isang Norbert Santiago kaya agad-agad nyang pinulot ang cellphone nya at tumayo at nagpaalam na lalabas lang.

Tinawagan nya si Norbert na agad naman sinagot pero bago pa sya nagsalita ay isang nakakatakot na boses na ang nasa kabilang linya na. Si Norbert, galit na galit at halos masira na ang tenga nya dahil sa malakas nitong sigaw sa kabilang linya.

"I've been calling you simula kaninang umaga pa! Where are you?!" Nanginig ang kalamnan ni Margareth dahil damang-dama nya ang galit na boses ni Norbert. Pero teka nga, bakit nga ba kailangan nyang manginig? Bakit ba nagagalit si Norbert sakanya?

Hindi sya sumagot bagkus huminga sya ng malalim pero bago pa syang magsalita ay nagsalita na naman ito pero kalmado na at hindi na galit kagaya kanina.

"Pupunta ako dyan. Ngayon na." Nanlaki ang mata nya dahil sa narinig nyang sinabi ni Norbert. Ano daw? Pupunta sya sa mansion nila sa Batangas? Paano nya nalamang andito sila sa Batangas? Hindi naman nya sinabi kahit kanino at wala syang naalalang binangit nya ito sa lalaking kausap nya ngayon.

"No! You can't! Bakit ka pupunta ditto? Anong gagawin mo ditto?" Histerikal na si Margareth.

"We're going on a date. Now." Sambit ni Norbert saka nito pinatay ang tawag. Oo nga pala sinabi nitong may date silang dalawa pero hindi naman sya pumayag doon. Pero knowing Norbert Santiago, he gets what he wants. Wala nang magagawa si Margareth kundi ang maghintay at manginig dahil kinakabahan sya sa sasabihin ng ate Merideth nya. She's so damn sure na aasarin sya nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig sya ng tila paparating na helicopter. Lumabas sya mula sa veranda ng mansion kasama ang daddy at ate nya dahil sa kuryosidad. Napanganga sya dahil sa nakita nya. Really? Kailangan pa nyang sumakay sa Helicopter para lang pumunta dito sa Batangas para lang sa sinasabi nyang date?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login