Download App
100% Married to a Vampire Prince / Chapter 2: Kabanata 1:

Chapter 2: Kabanata 1:

Kabanata 1: Vampire?

****

Hayleigh Eve Point of View)

Ako yata ang babaeng walang pakialam sa paligid. I don't have friends. I don't care what would others think of me. The important thing is I'm Alive and well kicking.

"Alam mo ba na buhay ang bampira sa totoong buhay." Nakakunot noo kung pinakinggan ang pagtatalak ng magkaibigan.

"Paano mo nasabi? Haka-haka lamang ang ganyang storya. Saka sa palabas lang 'yan makikita. Tulad nung Twilight"

"May nakalap kasi akong balita na totoo sila"

"Paano?"

"May nabalitaan ako tungkol sa kapit-bahay namin na natagpuan daw nila ang kanilang anak na nakalutang sa ilog at may marka itong tulad ng marka kapag kinagat ka ng isang hayop o tao na may pangil. Tatlong Linggo na raw nang nawawala ang bata"

"Sinabi ba nila sa pulis?"

"Oo. Pero sabi ng pulis na baka nakagat lang daw siya ng isang ahas"

Ang iingay naman ng dalawang to. Bakit nila pinag-uusapan ang tungkol sa bampira? Pero para sa akin ay hindi sila totoo hindi ako yung tipong tao na mabilis maniwala sa chismis.

Saka hindi ko yata yan narinig sa balita. Sabagay sa kwarto lang ako at nanonood ng K-Drama sa laptop. Malapit na kasi ang closing kaya halos Clearance ang ginagawa ngayon.

Sabi nga ng ibang students feeling artista daw ang mga Prof. Kailangan pa daw habulin para maipapirma ang kanilang Clearance. Parang pa-fan sign daw. Well, tapos naman ang clearance ko kaso boring sa bahay eh kaya nakatambay lang ako sa cafeteria para magdownload ng another K-Drama or Anime.

Sabi ng iba, loner daw ako o Commoner pero the hell I care. Opinyon nila kaya wala akong magagawa. Saka pati ako ay pinoproblema nila how sweet of them. Sa bagay ang mga chismosa ay hindi nawawalan ng mga maling balita.

Makauwi na nga sa bahay. Nilagay ko ang laptop sa bag at ang iba ko pang gamit. Pagkatapos ay tumayo na.

Hindi rin ako mahilig mag-apply ng liptint o pulbo. Saka paminsan pa akong nagsusuklay. Para saan pa ang mga iyan? Nagsasayang lang ako ng pera pambili ng ganyan.

Kahit mag-apply ako niyan ay Hindi ako magugustuhan ng taong gusto ko. Tss! I think he like someone else.

Naglalakad lang ako papunta sa parking lot ay ang drama ko na. Sabagay wala naman sigurong masama pag nagdrama ako dito. Sila lang ba ang may karapatang magdrama at humugot?

Pagdating ko sa parking lot ay may nakita akong tao na nakatayo malapit sa kotse ko. Dahan-dahan akong lumapit rito at nagulat ako ng makita kung sino ito.

"Henrich? Anong ginagawa mo dito?" Yung sikat na basketball player sa school ay nandito.

Saka siya yung tao na sinasabi ko na gusto ko. Siya si Henrich Ivo Montecillo.

"Hmm. May gusto sana akong sabihin sa iyo" Sabi niya habang titig na titig sa mata ko.

Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Bakit ako kinakabahan? Saka bang wagas naman siyang makatingin sa akin. Para kasing sweet words ang sasabihin niya. Psh ang assuming ko naman.

"Ano yun?" YUCK! Bakit may lambing ang boses ko.

Hmmmp pabebe na yata ako eh.

"Mag-iingat ka at sana handa ka sa mangyayari mamaya"

"Huh?"

Anong ibig niyang sabihin? Magtatanong sana ako kaso nawala nalang siya bigla. Huwaaa! Nasaan na siya?

Dapat daw maghanda ako sa mangyayari mamaya? Ano naman ang mangyayari mamaya?

Sounds weird.

****

Nakarating ako sa bahay. Bakit ang rami ng kotse na nasa labas ng bahay? Bihira lang naman ang gustong bumisita sa amin. Kasi daw weird ang pamilya namin.

Pinabayaan ko nalang saka pumasok sa bahay. May nakita akong mga tao na nakapormal na nakaupo sa sofa. Kausap nila si Ama at si Ina. Mukhang business ang usapan nila kasi masyadong malamig ang usapan nila. Baka may utang sila sa pamilya namin? May mga sikat na branches at company kaya posible na may utang sila sa amin?

Nasa kalagitnaan na akong ng hagdan ng may narinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Kailangan natin sundin ang nakasaad sa Propesiya. Bago dumating ang Red Moon"

Huwaat? What kind of conversation is that? Baka sa Movie na napanoodan nila. Pero, Imposible naman kung iyan ang pag-uusapan nila sa bahay namin. Lumingon ako sa bintana at nakita ang isang dalawang pares na mata na mapula.

Dumiretso ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Hindi ko alam kung bakit nanindig ang balahibo sa katawan ko.

Those Red Eyes...

Humiga ako sa kama saka napatingin sa kisame. Gusto kung maniwala sa chismis na totoo ang mga bampira pero wala pa akong sapat na ebidensiya.

Nagtataka rin ako sa inasal kanina ni Henrich. Bakit parang may something sa sinabi niya?

Ewan sumasakit lang ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Saka masaya parin ako kasi kahit papaano ay nakausap ko si Crush kahit weird ang topic namin.

"Senyora. Handa na po ang pagkain"

May kumatok sa pintuan namin kaya nagmamadali akong bumangon saka lumapit sa pintuan.

Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Manang Lucy na parang kinakabahan at paiyak na. Siya ang pinakamalapit sa akin na yaya kasi mula pagkabata ay siya ang nag-alaga sa akin.

"Manang. May problema po ba?" Umiling siya saka ngumiti sa akin pero mahahalata mo pa rin na galing siya sa pag-iyak.

"Wala po. Handa na ang kainan. The Propehcy is coming" Sabi niya at nagmamadaling umalis.

Bakit lahat ng tao makakausap ko ay may sinasabing Prophecy. They are so weird. Tss I'm thinking so much.

Nakita sa may mesa na nakaupo parin hanggang ngayon yung bisita ni Ama at Ina na dalawang mag-asawa. Ang akward naman kapag narinig ko ang pinag-uusapan nila.

Gosh!

"Siya na ba ang nag-iisa niyong anak na si Hayleigh Eve Rashlani?" Tanong nung isang babae saka ako pinasadahan ng tingin.

Hmmm maganda ba ako? Malamang maganda ako kasi ngumiti siya. Tss baka may iniiisip siyang iba? Sino naman ang nagagandahan sa isang ka tulad ko na walang porma?

"Oo. Bakit hindi mo pinasama ang anak mo?" Tanong ni Ina.

May anak pala sila? Sana naman babae.

Umupo ako sa tabi nila Ina. Sa harapan naman namin ang dalawang mag-asawa.

"Busy ang mga anak ko"

Mga anak? Which means marami siyang anak.

"So kailan natin tutuparin ang nasa prophecy?" Tanong ni Ama.

Tinigil ko ang pagsubo. Saka ako umangat ng tingin.

Nakita ko ang pangisi nung babae saka tumingin sa akin. May problema ba siya sa akin? May balak siguro siya sa akin?

Ayan na naman ang Prophecy. Kating-kati na ako malaman ang tungkol dyan langya.

"Tomorrow in the midnight"

What? Tama nga ako may balak silang masama?

Pero bakit parang wala lang kina Ina at Ama. Tumayo na ako. Nagulat naman sila Ina sa ginawa ko.

"Busog na po ako"

Ewan ko kung bakit bigla ako nawalan ng ganang kumain. Ang weird naman kasi ng topic nila tapos yung babae panay sulyap sa akin at basta.

Tss i don't like them.

Pumunta ako sa terrence kasi magpapahangin lang ako.

I like fresh air.

"Be ready"

Sino kaya yun? Pero wala namang tao dito maliban sa akin?

Hindi ko alam kung bakit unti-unting sumasara ang talukap ng mata ko. Naanig ko ang isang tao na nakatayo sa tapat ko.

****

Edited.

@missHYchii


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login