Ngayon na hindi na nag-iiwasan ang dalawa ay mas lalo nilang mae-enjoy ang bakasiyon na ito. Pagkatapos nag-swimming ay nagkasundo ang dalawa na magkaroon ng mini-adventure sa buong isla.
Noong bata pa si Allen ay madalas na maki-paglaro nito kasama si Edward. Noon ay hindi pa masyadong busy si Edward. Ang magkapatid ay madalas na magbasa ng mga fairytales at dahil sa mga nabasa nila ay gusto nila na subukan ang mga ito.
Noong magkamalay na ang mga ito ay napansin nila na ang disenyo ng ancestral mansion nila ay para bang similar sa mga storybooks na may picture.
Simula sa loob ng mansion ay hinalughog nila ang buong isla hanggang makabuo sila ng isang adventure map.
"Ahem!... Eto po ang tomb of the Earth dragon!"Sabi ni Allen sabay niya ini-point ang kweba na may naka paint na parang bungo ng isang dragon sa pader ng kweba.
"Ito naman ang tomb of the evil fairy." Sabi niya sabay niya itinuro ang isang puno na may tig-dalawang stick sa magkabilaan na sumisimbolo sa mga pakpak ng nito at dalawang stick sa tuktok ng puno.
Ang saya-saya ni Allen habang ikini-kuwento niya ito kay Aria. Si Aria naman ay masaya din na makita etong side na ito ni Allen.
Itinuloy nila ang adventure hannggang sa biglaan nalang na kuminang ng putting liwanag ang mga singsing.
"Ano ang nangyayari???" tanung ni Aria.
"Ewan ko…Pero, parang may gusto siyang ipakita sa atin." Sabi ni Allen.
Ang liwanag ay parang hinihila sila papunta pa sa malalim na parte ng gubat. Habang papa-lapit sila ng papa-lapit ayunti-unti itong bumabalik sa pulang liwannag nito.
"Ito ay…"
Itong parte ng gubat na ito ay malaking parte ang walang tanim na puno.
May lawa na para bang kumikinang ng mga kulay ng bahaghari. Ang paligid ay napapalibutan ng mga bulaklak at mga paruparu.
Sa gitna ng napaka-ganda at ala-pantasiyang lugar ay may isang malaking bato at sa bato ay may naka-ukit.