BIGLANG dumating si ate, sumulpot na lang bigla kung saan. Nasa loob siya ng katawan ko, nakataas ang kilay nagmamataray. Hindi ko talaga gusto ang ginagawa ni ate sa katawan ko, nagmumukha tuloy akong supladitang bata.
"C-Carmen? T-Teka, hindi ba't ikaw si Charlotte?" Papalit-palit nang tingin si Mr. Valdez, litong-lito sa mga kaganapan. "Pwede bang pakipaliwanag kung ano'ng nangyayari rito?!"
Tumaas ang kilay ni Mr. Valdez, pareho na sila ni ate nakataas ang kilay. Pinaliwanag namin ang lahat sa kanya. Tungkol sa sumpa, alternate na pagpapalit ng kaluluwa namin tuwing gabi at ang tanging panlunas sa sumpa.
"Ano?!" malakas na sigaw ni Mr. Valdez. "Hindi pa ako makapaniwala, Carmen isinumpa kayo ng kapatid mo?" Sa akin siya nakatingin.
"S-Siya po si Ate…" Tinuro ko ang katawan ko kung nasaan ang kaluluwa ni Ate Carmen.
"Hay naku! Alejandro! Hindi ko naman ginusto 'to noh? 'yong Switch na 'yon ang dahilan ng lahat ng ito!" pagmamataray ni ate.
"Ikaw nga si Carmen, mataray at malakas ang dating ang mahal kong si Carmen!" malambing na sambit ni Mr. Valdez.
Nakakailang tuloy, alam kong may nakatitig na iba sa katawan ko, ako tuloy itong nahihiya. Biglang sumagi sa isip ko ang isang bagay.
"Teka, ba't nga pala kayo narito? Sinusundan n'yo ba kami?" taka kong tanong.
Nagkatinginan sina Ervine at Ate Carmen. "Ito kasing bubwit na 'to! biglang sumugod sa inyo, ang sabi ko susundan lang naming kayo!" masungit na paliwanag ni ate.
"Ha? sumugod? Bakit?" inosente kong tanong.
Napansin ko ang panakaw na sulyap ni Ervine, agad naman niyang nilihis ang tingin sa ibang dereksyon.
"Hmm... tutal narito rin lang kayo at mahaba pa ang araw, ba't hindi na lang natin ituloy ang date, double date!"
"Ano'ng double date?! Uuwi na kami, tara Lottie!" Hinakan ni Ate Carmen ang kamay ko.
"Ate sandali, w-wala namang masama 'di ba? M-minsan lang naman." Pigil ko kay ate.
"Maiwan ko na kayo." Nagpaalam si Ervine, pinigilan ko siya't humarang sa harap niya.
"Teka, huwag ka munang umalis! Sumama ka rin!" Si Ervine naman ang pinigilan ko ngayon.
"Oi! Bubwit, huwag mo ngang katitigan ang katawan ko!" sabat ni Ate Carmen.
"Excuse me, si Charlotte ang kausap ko wala akong pake sa katawan mo!" masungit na sagot ni Ervine.
"Pff! Hahaha!" malakas na taw ni Mr. Valdez, natingin kaming lahat sa kanya.
Sinungitan naman siya ni ate. "Ano'ng tinatawatawa mo riyan? Hmmp!"
Wala ring nagawa ang dalawa, sumama sila sa amin at tinuloy namin ang double date. Nakakatuwa si Mr. Valdez, ngayon ko lang siya nakitang tumawa nang gano'n ibang-iba siya sa loob ng opisina. Kaya niya siguro mahal na mahal si ate dahil nailalabas ni Mr. Valdez ang sarili niya sa harap ni ate. Tinitingnan ko sila ngayon, iniisip ko si ate bagay na bagay sila ni Mr. Valdez, sana ma-realize ni ate kung gaano siya tinatangi ni Mr. Valdez.
"Oi! Natutulala ka riyan?"
"W-Wala naman, nakikita ko kasi silang dalawa kung mamahalin din kaya ni ate si Mr. Valdez, mawawala ang sumpa sa amin?" bigla kong naitanong.
"Ewan ko, mukhang hindi naman marunong magmahal 'yang Ate mo."
"Grabe ka naman, kahit papaano mahal ako ni Ate! Kahit hindi niya sabihin ramdam kong inaalagaan niya ako."
"Sa 'yo! Paano sa iba? Hindi lang sa 'yo umiikot ang mundo niya. Isa pa, nakalimutan mo na bang dapat dalawa kayo ang makaranas ng act of true love? Hindi pwedeng isa lang."
"Oo nga pala, sabi ni Switch dapat parehong may taong papakitaan kami ng act of true love." Napabuntong-hininga ako nang malakas. "Ang hirap naman! Kay ate pa lang, imposible na—paano pa kaya sa akin?"
"Tibayan mo ang loob mo, huwag kang mawalan ng pag-asa!"
Mabuti pa 'tong si Ervine positibo mag-isip, hindi tulad ko nauubos na pag-asa sa puso ko.
"Sana nga maging maayos din ang lahat siya nga pala, salamat sa binigay mong medicine potion mabisa ito, agad nawala ang lagnat ko."
Naalala ko ang binigay niyang medicine potion kaya nagpasalamat akong muli sa kanya. Habang naglalakad kami, nakapamulsa siya't hindi makatingin sa akin.
"Mabuti at umepekto agad ang medicine potion, kalimitan kasi tumatagal pa nang dalawa o tatlong araw bago tumalab ang gamot, pero sa 'yo isang araw mo lang ininom tanggal na agad ang lagnat mo," paliwanag niya, nakapagtataka may espesyal ba sa akin kaya umepekto agad?
Napatanong tuloy ako. "Depende rin pala sa tao ang epekto ng potion?"
"Ah, Oo 'di ba nga sabi ko sa 'yo, kung mabuti ang hangarin ng tao sa paggamit ng potion mataas ang tyansa ng epektibo nito. Kapag masama ang hangarin mo maaring hindi ito tumalab."
Habang pinagmamasdan ko si Ervine sa pagsasalita, hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot, heto na naman ang puso ko kumikirot. Naalala ko na naman ang sinabi niyang hindi ako maaaring mainlab sa kanya. Sumagi sa isip ko ang pangyayari sa loob ng clinic napatanong ako nang wala sa oras.
"Ervine, ano ka ba talaga? Tinanong kita sa nurse, hindi niya alam na kausap kita. Napansin ko rin hindi ka pinapansin ng mga kaklase natin sa loob ng classroom. Ni minsan hindi pa kita nakitang nakipag-usap kahit kanino sa paaralan? Sino ka bang talaga?" taka kong tanong.
Puno nang katanungan ang isip ko gusto kong maliwanagan.
"Una sa lahat para sabihin ko sa 'yo tao talaga ako! Sinabi na sa 'yo ni mamita ang tungkol sa akin 'di ba?"
"Na iniwan ka no'ng sanggol ka pa lang sa bangketa at kinupkop ka ni Switch? 'yun lang ang alam ko pero bakit hindi ka nila napapansin, parang wala ka sa paningin nilang lahat maliban sa amin?"
Hindi niya ako sinagot, isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya sa akin saka tumalikod at humakbang palayo.
"T-Teka saan ka pupunta?"
"Mukhang hinahanap na ako ni mamita, kailangan ko na siyang tulungan sa magic shop, sige paalam!"
"Ervine sandali!" Bigla siyang tumakbo, hindi ko siya nagawang sundan dahil wala ako sa katawan ko.
Napansin ni ate na nakatayo lang ako't hindi sumusunod sa kanila.
"Oh ano'ng nangyari Lottie?" tanong ni Ate Carmen.
Lumapit siya sa akin saka nalinga sa paligid. "Mukhang iniwan ka ng ka-date mo?" biro ni Mr. Valdez.
"Hay naku! Uuwi na 'yun sa nanay niyang mangkukulam!"
"Ate! Huwag mo naman sabihan ng ganyan si Ervine, gamit mo pa man din ang katawan ko!" inis kong sita kay ate.
"S-Sorry na," napipilitang sabi ni ate.
Hindi ko alam kung hanggang kailan namin titiisin ang ganito ni ate. Gusto ko na talaga bumalik sa dati kong katawan, 'yung hindi na kami alternate nagpapalit. Gusto ko ring malaman ang tungkol kay Ervine, gusto kong pasukin ang mundo niya kaso siya mismo ang umiiwas at tumutulak sa akin palayo.