Download App
66.66% Protégée

Chapter Ten

8:30 na ng gabi at naghahapunan na sina Peter at Paige. Tahimik na tahimik ang dalawa. Alam ni Peter na panay ang isip ni Paige kay June. "Si June na naman ang kinakain ng utak mo 'no?" tanong ng manager sa alaga nito. "Puwede ba, isipin mo na lang kung paano kagatin 'yang ulam at kanin na nasa plato mo. Kanina pa'ng titig mo sa pagkain, wala ka bang planong kagatin manlang 'yan? Paano ka mabubusog niyan kung--" naputol bigla ang sinasabi ni Peter nang magsalita si Paige. "Puwede ba'ng magpatawag ulit ng presscon, as in now na." sabi ni Paige sa manager nito. Nagulat naman si Peter sa sinabi ng alaga nito.

Pumasok ng bahay sina June at Ricky kasama si Warren. Si Kitty naman ay naiwan at napatulog na naman sa sasakyan ni June. "Sigurado ka ba kuya na ayaw mo ng manatili sa hospital? Baka kailangan pa ng braso mo ng--" naputol bigla ang sinasabi ni June sa kuya nito nang sumagot agad si Ricky, "Ano ba June, okay na 'ko, galos lang 'to, at ayaw ko ng mag-stay sa hospital dahil baka bumisita pa ang bestfriend mo'ng mamahayag. Natatakot na 'ko sa kanya." Sagot ng manager ni Sparkle. "Sa bagay..." sambit ni June. Nakita ng sheriff na naiwan ang make-up artist sa BMW at natutulog. "Wala ba kayong planong gisingin ang pusa niyo?" tanong ni Warren sa magkapatid sabay turo kay Kitty. "Hayaan mo na 'yan diyan, alam mo naman mga pusa mahilig matulog." Sagot ni Ricky na may bandage pa rin ang kanang braso. "Gigising rin 'yan mga ilang oras." Sagot ni June sa dating nobyo. "Oh sige, uwi na ko, just call me if you need any help, take good care of yourself." Sabi ni Warren kay June. Napangiti naman si Sparkle. "Ehem!" sambit ni Ricky, "ako po pala 'yong nabaril." Dugtong pa ng kuya ni June. Napangiti lalo si June sa sinabi ng kapatid at pati na rin ang pulis. "Sige ikaw din Ricky, take care." Sabi ni Warren. "Bye." Sabi ng sheriff sa dating nobya. "Bye" tugon din ni Sparkle sa dating nobyo. At umalis na nga ang sheriff, sumakay ng sasakyan nito at bumyahe pauwi. Napansin ni Ricky na abot tenga ang ngiti ng kapatid habang nakatitig sa dating nobyo. "Nene," sabi ni Ricky kay June, "kinikilig ka na, mukhang in love ka ulit sa ex mo!" dugtong pa ng kuya ni Sparkle. "Ewan ko ba," sabi ni June, "kahit ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit hiniwalayan niya 'ko." Dugtong pa ni Sparkle. Lumabas bigla si Kitty ng sasakyan at tumakbo papunta sa magkapatid. "Oh! Gumising ka pa?" tanong ni Ricky kay Kitty. "Nag-text sa akin si Sam! Check daw natin ang news!" sagot ng make-up artist.

Binuksan ni June ang TV... Lumabas bigla sa TV screen si Paige. Nagpatawag ulit ng presscon si Dazzle. Nagulat si Ricky at si Kitty lalong lalo na si June. "Wow! In a hurry? Presscon ulit?" sabi ni Ricky.

"So, Paige hindi mo na idedemanda si June?" tanong ng isang anchorman. Nagulat sina June, Ricky, at Kitty sa narinig. "Bakit Dazzle?" tanong ng isang babaeng newscaster. Napatitig si Paige sa camera na nakatutok sa kanyang harapan. "Naisipan ko na, may point si June." Sabi ni Paige. "Takot niya lang." sabi ni Kitty. "Totoo nga'ng, we used to call each other as 'gaga' before. Sorry talaga kung nasaktan ko man siya. At ngayon ay may gusto ng pumatay sa kanya dahil sa pelikulang sinulat ko para sa kanya. I guess I just have to win the award, the best actress award next week, for me to loose the sadness. Tingnan lang natin kung sino sa amin ang mananalo, kung sino sa aming mga, gaga... ang mananalo... Thank you." Dugtong pa ni Paige at sabay na umalis ng stage at iniwan ang press.

Pinatay ni Kitty ang TV. "Kapal ng texture ng mukha ng babaeng 'yon!" galit na sabi ni Ricky, "I promise sis, ikaw ang mananalo." Dugtong pa ng kapatid ni June. "Hanggang sa writing and supporting lang si Paige, June, don't worry." Sabi pa ni Kitty. Hindi naman makapag salita si Sparkle. Nagulat siya sa sinabi ni Dazzle.

Kinaumagahan, busy lahat dahil sa awarding next week at sa Miyerkules na. Linggo pa naman ngayon at kulang na ang lahat sa oras. Nagpatahi na ang mga bituin sa mga sikat na mga mananahi nila para sa mga susuotin nilang gown sa award's night.

Lunes na ng gabi, umiisip na si June kung anong klasi ng hairstyle ang kanyang pipiliin at ganoon din si Paige. Ngunit ang sikat na mamahayag na si Van ay busy sa pagsusuklay ng mahaba nitong buhok.

Martes na at pinaparatis na nina Kitty at June ang tamang make-up para sa gabi ng parangal. Kahit si Paige ay ganoon din ang ginagawa. Kung si June ay may Kitty na nagme-make-up, si Paige ay may limang make-up artist na nagpapaganda sa kanya mula kuko sa paa hanggang sa bouncy- curly hair nito.

At dumating na nga ang araw ng parangal. Sina June at Paige ay panay ang linis sa mga sarili. Si June ay mula 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay naliligo lang sa banyo habang si Paige ay naliligo lang din sa may bathtub na puro gatas. Alas 5:00 na ng hapon at panay ang make-up ni Kitty sa amo nito. Si Paige ay pasimpleng umuupo sa upuan at nagpapa-make-up sa mga sikat na make-up artist. Sinuot ni June ang isang decorative at flowery na purple sheath gown, long-sleeve sa kaliwang braso at sleeveless naman sa kabila. Habang si Paige ay sumuot ng mermaid gown na kulay dark pink. Kumikinang at naggagandahan ang dalawang nominado sa best actress category.

Alas 8:00 na ng gabi. Dumating na ang oras para sa Ricci Lux Award. Corner by corner, puno ng guard ang coliseum, dahil baka sumugod na naman si Starkiller. Nagdadagsaan na naman ang media. Si Van ay nakasuot ng gray na cocktail gown. Halos lahat ng press at mga celebrity sa loob ng stadium ay nakatitig kay Van dahil for the first time, naiisipan ng nasabing mamahayag na itali ang mahaba nitong buhok gamit ang hair tying gamit ang itim na ribbon at napansin pa lalo ang ganda ng journalist. Ngunit napansin ni Van na nakatitig lahat ng tao sa kanya kaya kinuha niya ang tali sa buhok nito at bumalik sa dati ang porma at puwesto ng buhok ng reporter, na parang basahang pinalantsa. At agad namang tumigil ang mga tao sa pagtitig sa nasabing newscaster, ngunit ang cameraman ni Van ay patuloy sa pagtitig sa kanya. Ilang segundo lang dumating na sina Paige at Peter. Nagtilian agad ang mga fans ni Dazzle. Agad na nag-take ng mga picture at video ang press kay Dazzle. Nagandahan lahat sa dalaga. Patuloy din si Garry sa pag-take ng picture kay Paige. Umupo si Dazzle at ang manager nito sa mga upuan na naka-save sa kanila. Mga ilang segundo naman, umingay ulit ang mga tao sa loob ng coliseum. Dumating na din pala si June, kasama ang naka-bandage na braso na si Ricky at ang make-up artist na si Kitty. Todo sa sigawan ang mga fans ng kadadating lang na bituin. Todo rin ang pag-take ng mga cameraman pati si Garry kay June ng picture at video. Kung nagagandahan sila kay Dazzle, mas nagagandahan pa sila kay Sparkle. Umupo na rin sina June, Ricky at Kitty na naka-save na upuan para din sa kanila, katabi ni Warren, Sam at ang personal photographer ng 'Sammy Dresses Inc'. Kumindat naman ang sheriff sa dating nobya at napangiti ng binata ang dalaga. Umupo na ang lahat at nagsimula na ang awarding.

Sa kahabaan, natatagalan na ang lahat. Tanging best actress lang din naman ang inaantay ng mga tao. Mas una pa ang awarding ng best director at best picture sa best actress category.

At dumating na ang inaantay ng lahat, ang awarding for best actress. Ibinigay na sa binatang host ang envelope kung saan nakalagay ang winner. "Ako, please, ako... please... ako... please..." sabi ni Paige sa sarili. Nang tinawag ng host ang winner, nagulat si Paige dahil si June na naman ang nanalo. Kahit ang nanalo ay nagulat din mismo. Pumalakpak lahat ulit kay Sparkle. Tumitig si June kay Paige. Umakyat ng entablado si Sparkle na nalulungkot ang hitsura kahit nakangiti. Nadismaya na naman si Paige at medyo galit. Sa isip ni Paige ay kung bakit ang dating kaibigan ang parating nananalo. Si Warren ay panay ang palakpak ganoon din si Ricky, Kitty at Sam.

Ngunit malungkot ang mukha ni Van habang tinititigan ang dalawang bestfriend. "Let's go." Sabi ni Van sa cameraman nito. Tumayo sina Van at Garry sa kinauupuan nila at lumabas ng coliseum.

Masayang masaya ang pulis sa pagkapanalo ulit ng dating nobya. "Very happy ang iba dito." Sabi ng panay ang tawa na si Ricky at tinuturo ang sheriff. "Dapat lang," sabi ni Sam, "for sure abot langit ang kasiyahan niyan ngayon." Dugtong pa ng presidente ng "Sammy'. "Tayo masaya iba 'ata hindi." Sabi ni Kitty sabay turo si Paige. Napatingin ang magkakaibigan kay Dazzle. Kahit si Peter ay malungkot din sa alaga. Nagsalita si June sa microphone. "Wow, thank you so much," Sabi ni Sparkle, "I'm not really expecting this award. Ito kasi ang nomination na... hindi ko inaasahan na mananalo ako... Iba kasing inasahan ko'ng nandito ngayon sa entabalado." sabi pa ni June sabay titig kay Paige. Napaluha si Dazzle pagkadinig niya ng sinabi ni June. Tumayo si Dazzle sa kinauupuan niya at lumakad palabas ng coliseum. Hinabol ni Peter ang alaga nito. Nagulat lahat ng tao sa loob ng coliseum kay Paige lalo na si June. "Thank you for the award." Dugtong pa ni Sparkle at agad itong bumaba ng stage. Pinuntahan ni June ang mga kasama, dala-dala ang tropeyo. "Nagalit si Paige?" tanong ni June sa mga kasama. "Hayaan mo na 'yon," Sabi ni Kitty. "basta ikaw ang nanalo, nene! Kakaloka ka!" dugtong pa ng make-up artist. Siniko naman ni Sam si Kitty at tumitig ng masakit si Ricky sa make-up artist. Ibang media men at women ay hinabol si Paige palabas ng coliseum. Binilisan nina Peter at Paige ang pagtakbo at agad na pumasok sa sasakyan nila, bumyahe ng mabilisan ang kanilang BMW pauwi ng bahay ni Dazzle. Hindi naman naabutan ng media ang hinahabol nilang natalo na si Paige. Nagkamot na naman ng ulo ang press. Ilang segundo lang, lumabas na din ng stadium si June, Ricky, Warren, Sam, Kitty at ang photographer. Tumakbo agad ang press kay June. Hinaharanagan lang ni Warren at ng personal photographer ng 'Sammy' itong si June para di ito masaktan sa tulakan ng media. Patuloy sa tanong ang media kahit di na maintindihan dahil naghalu-halo na ang mga katanungan mula sa kanilang bunganga at naiingayan na si June. Nang mabangga ng isang babaeng reporter ang nabaril na braso ni Ricky, napasigaw ang kuya ni June sa sakit. "Rosa! Mag-ingat ka nga!" sigaw ng mga newscaster sa reporter na nakabangga ng braso ni Ricky. Nagulat si June at nag-alala na sa kapatid. Sumigaw bigla si Sparkle ng matagalan at tumagal ng walong segundo. Napatakip ang iba ng tenga sa ingay ng sigaw ni June. Nang tumigil na ang ingay mula sa sigaw ng nanalong aktres, tumahimik bigla. Kinuha ni June ang microphone ng sumikong journalist sa braso ng kapatid at nagsabi ng, "No Comment." Wala namang magawa ang press kundi tumahimik. Pumasok sina June, Kitty, at Ricky sa sasakyan ni Sparkle. Pumasok din ang sheriff sa sasakyan nito at ganoon din si Sam at ang photographer. Bumyahe pauwi ang magkakaibigan at naiwan ang press na nakatunganga.

Matapos ang awarding, umuwi sina June, Ricky, Kitty kasama si Sam at ang photographer hindi para matulog, kundi mag-party. Suot-suot pa rin nila ang mga gown nila at mga tuxedo. Kahit si Warren ay naka-tuxedo rin habang sumasayaw. Sina Kitty, Sam at ang photographer ng 'Sammy' ay panay din any sayaw. Napansin ni Sam na parang nagkakahulugan ang make-up artist at ang photographer ng kanyang dress company dahil sa mga titig nila sa isa't isa habang sumasayaw. Umatras nalang si Sam sa kanilang dalawa at nilapitan nalang niya ang nagka-karaoke na si Ricky. Si June naman ay vini-video ang kapatid gamit ang camera nito. Pumapalakpak lahat sa galing ng nabaril na si Ricky. Napakagaling ng manager ni Sparkle sa pag-awit. Kahit lasing na si Ricky ay manage niya pa rin ang tono ng kanta na "Killing Me Softly." Patuloy sa pag-awit si Ricky habang si Kitty ay hinahawakan na ang mga braso ng photographer. Ang kanang kamay ni Kitty ay nakapatong na sa balikat ng photographer habang ang kaliwang kamay ay may hawak na bote ng rhum. Lasing na rin sina Kitty at ang photographer. Sumasabay at sumsayaw sila sa kanta ni Ricky. Nagtitigan sina June at Warren dahil sa ganda ng kanta. Parang bumalik ulit ang nakaraang magkasintahan pa sila. Biglang tumunog ang cellphone ng pulis. May tumatawag sa sheriff. Pinabalik na ang chief officer sa police station. "Guys, I have to go. May trabaho pa 'ko. Pinapabalik na 'ko sa station." Sabi ni Warren sa mga kaibigan nito at nakatitig kay June. "Hindi ba pupuwedeng, mamaya lang muna?" tanong ni June sa dating nobyo. "'Sensiya, I have to take this. Job ko 'to kasi..." sabi ni Warren sa ex nito. "It's fine." Sabi ni June sa pulis sabay ngiti. Lumapit ang sheriff at hinalikan ang kanang pisngi ng dating nobya. Kinilig ang lahat nang makita nila ang halikang naganap, pati ang kumakanta na si Ricky, kinikilig din. "Congratulations by the way." Sabi pa ni Warren. Kinilig si June. "Gotta go. bye" sabi ng pulis sa artista at umalis ito ng bahay ni Sparkle sabay iwan ng matamis na ngiti sa dating nobya. Kinilig lalo ang lahat. Patuloy pa rin sa pagsayaw ang make-up atist at ang photographer. Si Ricky naman any patuloy din sa pag-awit. Dinig na dinig ni June ang sasakyan ni Warren na umalis na at papalayo na sa bahay nito. "So," sabi ni Sam kay June, "balikan na ba ito?" dugtong pa ng dalagang president ng clothing line. "I don't know..." sambit ni June. Pinagpatuloy pa rin ni Ricky ang pagkanta at si June ay patuloy pa rin sa pag-video sa kapatid. Si Sam naman ay nakisali na kay Ricky sa pag-awit. Ang make-up artist naman at ang cameraman ay sarap na sarap sa sayawan nilang ginagawa. "Anong pangalan mo?" tanong ni Kitty sa photographer. "Just call me, Bond, James Bond." Sagot ng photographer. Napatawa si Kitty sa sagot ng binata. "Ano ba, 'yong totoo." Sabi ni Kitty. "Really, my name is James Bond," sagot ng photographer, "I'm not joking, kilala mo si Nenito Banderas di ba? Ang president ng Gem Cinema? Lolo ko siya. My real name's James Banderas." Dugtong pa ng binata. Nagulat si Kitty, bakit sa pananamit, at trabaho, mukhang hindi Banderas ang kasayaw niya. "Ba't sa clothing at sa tindig mo mukhang hindi ka Banderas?" tanong ni Kitty sa kasayaw. "Kasi, ayokong makilala sa buong mundo na isa akong Banderas," sabi pa ng photographer, "sabi ko pa nga kay lolo, ayokong maging pabigat, so I will just humble myself, live with my own feet." Sagot ni James. Kinilig si Kitty. Naka-chamba siya yata ng inibig. Isa palang patagong mayamang photographer ang kasayaw ng make-up artist. Naisipan ni Kitty na hatakin ang binata paakyat ng hagdan. "Saaan tayo pupunta?" tanong ng photographer. "Arte ka pa diyan. Alam mo na 'yan." Sagot ni Kitty. Umakyat ng hagdan ang ang make-up artist at ang photographer habang si June ay enjoy sa pag-video sa kapatid at ang presidente ng clothing line ay panay din ang sayaw at lasing na lasing na din.

Nasa loob ng isang banyo si Van at naka-gown pa. Panay ang tawag ng journalist sa cellphone nito. Nasa kabilang linya ang cameraman niya, na nasa loob din ng isang banyo. "Andiyan na ba sila?" tanong ng reporter skay Garry, "kung andiyan na sila, umalis ka na lang diyan." Dugtong pa ni Van. "Kanina pa 'ko dito parang wala namang tao." Sagot ni Garry. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo kung saan nasa loob si Van. Nagulat ang newscaster. "Ay! Walang tao ka!!!" sigaw ni Vanessa. Dahil sa gulat, nabitawan ng mamahayag ang hawak nitong cellphone, at nahulog sa inodoro.

"Hello?! Hello?! Van?!" tanong ni Garry dahil biglang nawala ang linya ng kausap niyang newscaster.

Ang naghahalikan na sina Kitty at James lamang pala ang bumukas ng banyo. Kahit silang dalawa ay nagulat din sa newscaster pagbukas nila ng pintuan ng banyo. "Anong ginagawa mo sa banyo?" tanong ni James sa reporter. "Ng bahay ni June?" dinugtungan pa ni Kitty ang tanong ng photographer.

Di na alam ni Garry kung ano na ang kanyang gagawin dahil naputol bigla ang kausap niyang reporter sa kabilang linya. Naisipan niyang lumabas ng banyo. "Total wala namang tao." Sabi pa ni Garry sa sarili. Pagbukas niya ng pintuan ng banyo, isang hampas ang silver tray, sa mukha at noo, ang nagpahimatay sa cameraman. Sina Peter at Paige pala ang humampas ng tray sa binata. "Anong walang tao? Kanina pa kami dito sa labas banyo." Sabi ni Dazzle. Napatawa bigla si Peter sa sinabi ng alaga. "Tawa ka pa diyan, 'kala ko ba iihi ka?" tanong ni Paige sa manger nito. "Oo nga eh, ito kasi..." sabi ni Peter sabay sipa sa binti ng nahimatay na si Garry at agad itong pumasok ng banyo.

Sa salas, katatapos lang ni June i-save ang video ng kapatid sa kanyang USB. Masayang masaya si June dahil gulat na gulat siya sa galing ng kapatid sa pag-awit. "Surprising ka my dear brother! Galing mo palang kumanta!" sabi ni June sa kuya nito. "I know right, marami pa 'kong surprises sa susunod sis, antay ka lang." sabi ni Ricky at nagngitian ang magkapatid. "Friends!!!" sigaw ni Kitty mula sa ikalawang palapag. Bumaba silang dalawa ni James ng hagdan, kasama na si Van. Nagulat sina June, Sam at Ricky. Nakita nila kanina na umakyat ng hagdan ay ang make-up artist at ang photographer lamang at hindi nila kasamang pumasok ng bahay si Van. Tinutulak nina Kitty at James ang reporter papalapit kay June. Naiinis na si Van sa kakatulak nina Kitty at James sa kanya. "Ano ba! Ba't ba kayo tulak ng tulak?!" inis na tanong ni Van sa make-up artist at sa photographer. Nagtataka sina Ricky, Sam at lalo na si June kung papaano nakapasok ng bahay niya si Van. "Tingnan mo June kung sino ang nakita namin sa loob ng banyo." Sabi ni Kitty kay June. "At anong ginagawa ninyo sa banyo?" tanong bigla ni Ricky kay Kitty. Nagtitigan bigla ang mak-up artist at ang photographer. Nahiya bigla sa isa't isa at nag-ngitian. Nagalit bigla si Ricky kay Kitty. "Ikaw bigaon ka gid! Kung mag-busong ka indi mo pagpa-bantay sa 'kon ang bata mo ha!" galit na sabi ni ni Ricky sa make-up artist. Napatawa si James at Kitty sa sinabi ni Ricky dahil ang pangungusap niya ay puro Hiligaynon. "Ano daw June?" tanong ni Kitty sa amo. "Alpot ka kuno." Sagot agad ni June na may seryosong mukha. Napayuko si Kitty dahil alam niya ang meaning ng salitang 'alpot' na ibig sabihin ay 'prostitute'. "Sorry na. Hindi naman namin naipagpatuloy ang intercoursing namin dahil kay Van." Sabi ni James kay June at Ricky. Panay pa rin ang titig ni June kay Van at ganoon din si Van sa kanya ngunit di makatingin ng diretso ang reporter sa artista. "Anong ginagawa mo sa banyo? Ng bahay ko?" tanong ni June kay Van. Hindi makasagot ng direkta itong si Van. Napatawa ito at nagsabi ng, "Ikaw talaga June, funny ka eversince. Siyempre as usual, pumapasok lang sa teritoryo mo ng walang pahintulot, ganyan naman ako palagi di ba?" sagot ni Van. Binigyan ang reporter ng mga kaibigan nito ng mga mukha na hindi kombisido, ibig sabihin mali ang sagot nito. "You never entered my territory without permission, Van." Sabi ni June sa kaibigan. "Talaga?" tanong ng mamahayag sa aktres. "Talaga." Sagot din agad ni Sparkle. Biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan. Mukhang nagdududa na lahat, na baka si Van si Starkiller. "Hey guys! You're overacting! Hindi ako si Starkiller!" sabi ng mamahayag sa mga kaibigan nito sa natatawa pa. Ngunit binigyan nina Kitty, Ricky, Sam, James at ni June si Van ng seryosong mga mukha. Nagalit na ang newscaster. Hinatak ng reporter ang palda ng gown nito at lumakad palabas ng bahay. Lumabas si Van ng may galit na mukha at sinara ang pinto ng malakasan. "Gosh! She's scary..." sabi ni Sam. Kinakabahan na si Sparkle. "Sure she is..." sabi pa ni June.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login