"Thanks for the dinner and the ride," sabi ni Yesha habang nakatayo sila ni Ken sa harap ng gate ng bahay niya.
"No, Yesha. Ako dapat ang mag thank you sa'yo kasi pinagbigyan mo ako sa gabing ito."
"Alam mo namang hindi ko kayang tanggihan ang taong espesyal para kay Kalix."
Saglit na nawala ang ngiti ni Ken sa mga labi niya na pinilit na hindi mahalata sa dalaga. "Paano ba 'yan, I think I should go now para makapaghinga ka na. Thanks again, Yesha."
"You're welcome, Ken. Ingat ka, ha?" bumeso siya sa pisngi nito ngunit agad na natigilan. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, hindi isang beki ang hinahalikan niya ngyun. Dala pa rin ba 'to ng mga pag-arte ni Ken kanina?
Pero embes na magpahalata, binalewala niya na lang ito at umayos na uli ng tayo.
"Sige na, baby—I mean, Yesha. Magpahinga ka na. bye," sabi ni Ken bago tumalikod at nagsimulang maglakad pbalik sa kotse.
"Ken."
Agad na humarap si Ken.
"Yes?"
"Would you like to have coffee bago ka umuwi? Baka kasi antukin ka sa pagda-drive dahil ilang beer din ang na inom mo."
Hindi niya alam kung concern lang ba siya talaga sa pagda-drive ng binata. Pero ramdam niya na isa yun sa mga dahilan at kung ano pa ang ibang dahilan, ayaw na niyang alamin. Siguro, alam niya pero hindi niya maamin sa sarili.
"If you insist, why not?" magkasundo silang pumasok sa loob ng bahay. Nagulat naman si Yesha nang maabutan ang Mama na nagka-kape sa sala. "O, Ma? Bakit gising ka pa?"
"Hindi kasi ako makatulog, Yesha, kaya hinintay na lang kitang makauwi," nakangiting tugon ni Mama Hara habang nakatingin kay Ken.
"Si Ken nga pala, Ma… remember him? Yung nakasama ni Kalix sa Kuwait."
"Good evening po, Tita."
"Good evening din, Ken. Mas gwapo ka pala sa malapitan, 'no? At bagay kayo ni Yesha."
"Ma!" saway niya sa Mama niya.
Hindi naman napigilan ni Ken ang mapangiti.
"Im not kidding kaya hindi ko babawiin ang sinabi ko. Bueno, matutulog na ako. Yesha. Ikaw nang bahala sa bisita mo. At, Ken, itrato mo ang bahay na 'to na parang bahay mo na rin."
"I will, Tita. Good night."
Hinintay muna ni Yesha na maka-akyat ang mama niya bago humarap kay Ken.
"Oh, Feel na feel mo naman."
"Alin sa sinabi ni Mama este ni Tita? Yung gwapo ako o yung bagay tayo?"
"Tse! Magkape na nga tayo!" tumalikod na siya rito upang maitago ang ngiti nan ais kumawala sa mga labi niya.
Napabuntong-hininga si Yesha nang makita sa malaking notebook na may labing-dalawang order pa
nang mga bulakalak ang dapat niyang asikasuhin para sa araw na ito. Hindi pa kasi nangangalahati sa
bilang ng mga pending order ang nagagawa ng staff niya.
"Ang aga-aga nakakunot-noo ka na. Kaya ka nagkaka-wrinkles, eh," sabay hawak nito sa kanyang noo upang iunat ito.
"K-Ken? What are you doing here?"
"Hmm….. To bring you coffee?" sagot ni Ken kasabay ng pataas na hawak na plastic. "I brought your favorite Black Tea Frapuccino."
Sinubukan niyang pigilan ang kilig na nararamdaman. Wait!... Kilig? Tama ba ang naramdaman niya? Kinilig na siya kay Ken? Paano na si Kalix? May natitira pa bang feelings si Yesha para kay Kalix?
"You don't have to do this," sabi niya.
"I have. Alam kong napuyat kita kagabi kaya may utang ako sa'yo na maraming kape," sagot ni Ken at saka inilagay sa ibabaw ng mesa ang pasalubong. Inalis na rin nito ang Black Tea Frapuccino sa plastic. "Here."
"Thanks," sabi ni Yesha nang abutin yun. Pagkatapos, inamoy-amoy niya ito. Napakabango talaga nito kaya hindi niya mapigilang mapapikit habang ina-amoy ang hawak. At mula kung saan ay lumitaw sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Ken.
"Yesha, pwede bang mag-stay muna ako rito saglit? Kahit hanggang lunch lang."
Bigla siyang napamulat at nakahinga ng maluwag nang makitang wala sa kanya ang attensyon ni Ken kung hindi na sa nilapitang mga bulaklak. Na-imagine niya kasing mukha siyang ewan kanina habang nakapikit at iniisip si Ken. Anak nang…. Bakit ba kasi bigla na lang pumapasok sa isipan niya ang gwapong mukha nito?
"Hah? Bakit naman? Baka ma bore ka lang dito."
Nakangiting ibinalik ni Ken ang tingin sa kanya. "As long as nandito ka, hindi ako mabo-bore. Alam mo namang makita lang kita, Yesha, nabubuo na ang araw ko."
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sinabing 'yon ni Ken. Kasama ba 'yon sa pagpa-practice nito kagaya nang nangyari kagabi?
"Busy kasi si Kalix at naiinip na ako sa condo. Wala na akong maisip na kulitin kung hindi ikaw. Pero promise, magbi-behave ako kasi alam kong marami kang trabaho ngayon."
Maiinis ba siya dahil ginagawa siyang pampalipas oras nito kapag wala si Kalix o magtataka siya dahil parang alam na alam nitong busy siya kapag Biyernes.
"Ang dami kasing bulaklak na ina-arrange ang staff mo," sabi ni Ken nang mapansin ang pagtataka sa mukha niya. Muli itong lumapit sa kanya at umarteng nagpapaawa. "Actually, nag-aral din ako ng flower arrangement no'ng college ako. Pwede ko silang tulungan. Just let me stay here, please?"
"Okay, okay! Tigilan mo na ang pagbu-beautiful eyes mo d'yan at baka lalo akong hindi papayag. You can stay here but don't expect na maaasikaso kita, ha? Marami kasing pending orders na dapat matapos ngayung araw."
"Don't worry, hindi ako mangungulit. I'll just go there at baka may maitulong ako sa kanila."
At bago pa siya nakasagot, naglakad na si Ken papunta sa nangkukumpulang mga tao kung saan may nag-a-arrange ng mga bulaklak.
"Ma'am, sino 'yon? Hindi ko na napigilang pumasok dito sa opisina niyo kasi ang pogi, eh. Manliligaw mo?" tanong ni Jona, ang sekretarya ni Yesha.
Ngayon lang siya napaisip kung bakit nga biglang nakapasok sa opisina niya si Ken. Medyo malaki kasi ang Suay Flower Shop niya na nahahati sa apat na bahagi. Pinakamalaking part ang preparation area para sa mga bulaklak ng shop, sumunod ang opisina niya bago ang isang maliit na pantry kung saan pwede silang kumain o mag lagay ng mga pagkain sa refrigerator. Mayroon ding comfort room para sa kanila at sa mga costumer.
"Adik!, hindi, 'no! Kaibigan namin ni Kalix," sagot niya rito.
"Artista ba siya, Ma'am? O commercial model? Para kasing familiar, eh. Hindi ko lang matandaan kung saan channel ko siya napanood," muling tanong nito.
"Isa sa mga Youtube Sensational ngayon dahil sa mga kina-cover niyang mga kanta."
"Ken Refariz!?"
Nakangiti siyang tumago bilang sagot.
"Sabi na, Ma'am, eh. Parang kilala ko siya. Ilang beses ko kasi siyang napanood noon sa talk show ni Kris Aquino bago siya mag goodbye Phillipines. Oh my god, Ma'am! Pwede ba akong magpa-picture sa kaniya?"
"Bakit ka sa akin nagpapaalam?" natatawang sabi niya.
"Kasi, Ma'am, feeling ko mag something kayong dalawa, eh…" Napakamot ito sa ulo. "Pero wala ba talaga?"
"Wala."
"Si Ma'am, oh. Nahiya pa sa akin. Alam mo namang hindi mo lang ako sekretarya, dakilang secret-ary mo rin ako."
Natatawang binuklat na lamang ni Yesha ang notebook. Alam ni Jona ang nararamdaman ni Yesha para sa kanyang kababata na si Kalix pero hindi ang tungkol sa pagkatao nang kababata niya. Kaya madalas, nanunukso ito kapag dumadalaw sa shop si Kalix.
"If ever, Ma'am, na tuluyan kang hindi saluhin ni Sir Kalix, ramdam kong may Ken naman sasalo sa'yo."
"Imposible. Dahil hindi naman ako ang gusto niya, 'no."
"Ibig sabihin, Ma'am, tama ako?"
"Anong tama ka? Naku, Jona, ha. Kung ano naman 'yang tumatakbo sa isip mo ngayon, tama na yan, at baka ikaw naman ang tamaan sa akin," biro niya.
"Hi, Yesha!"
Sabay silang napalingon kay Ken na hindi nila napansin ang paglapit. Napaawang pa ang mga labi niya nang makita ang hawak nitong pumpon ng mga bulaklak na napakaganda nang pagkaka-arrange.
"For you."
"G-Ginawa mo 'to?" manghang tanong niya.
"Oo, don't worry binayaran ko na 'yan sa cashier. Namili lanng ako ng mga bulaklak pagkatapos ako na ang nag-arrange. Nagustuhan mo ba? O pangit?"
"No, I mean, yes. I mean… Hayss… This is so amazing. Ang ganda. Masmaganda ka pa gumawa nang bouquet kaysa sa akin."
"Oi, si Ma'am kinikilig! Sabi sa'yo sasaluhin ka ni Sir Ken, eh,"
"Hah?" nakakunot-noo pero nakangiting napatingin si Ken kay Jona.
"Jona!"
"Ang ibig ko pong sabihin, Ma'am, saluhin niyo na po ang mga bulaklak na 'yan at baka maagaw ko pa. Nice meeting you, Sir Ken. Pa-picture po ako later sa inyo. Sige po, balik muna ako sa trabaho,. Excuse me, love birds."
"Siya ba 'yong secretary mo? Totoong kuwela siya, ah."
"Paano mo nalaman?"
"Ahh, nabanggit lang ni Kalix dati."
"Ano pa bang hindi na iku-kuwento ni Kalix sa'yo tungkol sa akin?" natatawang tanong niya at napatingin uli sa mga bulaklak na inayos ni Ken. Saglit siyang napakunot-noo nang ma-realize na heto na naman siya at ipinagkukumpara ang dalawang beking kaibigan sa isa't-isa na alam niyang wala namang dahilan.
"Pero ang ganda talaga nang mga bulaklak na'to. Thank you, Ken."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Be safe guys lalo na ngayon dahil may Covid-19.....
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)
— New chapter is coming soon — Write a review