Download App
75% Falling in love with a rival / Chapter 15: Chapter 15

Chapter 15: Chapter 15

"Bakit mo tinatanggal ang sili? Akala ko mahilig ka sa maanghang?" nagtatakang tanong ni Ken nang makitang tinatanggal ni Yesha ang maliliit na sili sa Adobong Mani.

Napahinto naman si Yesha sa ginagawa. Medyo malalim na ang gabi at nakauwi na halos lahat ng bisita. At dahil hindi pa sila parehong inaantok, napagkasunduan nilang ubusin ang isang bote ng wine habang nakaupo sa naka-carpet na sahig sa may sala kasama ang pulutang Adobong Mani.

"Wala nga pala si Kalix. Nasanay na kasi akong tanggalin ang mga pampaanghang sa mga pagkain namin. Ayaw kasi niya ng kahit na anong maanghang. Wait, how did you know that I love spicy foods?"

"S'yempre tinanong ko, este, ikinuwento ni Kalix. Ang sabi niya, magkabaligtad daw kayo sa kahit na anong pagkain. At dahil isa kang dakilang kaibigan, ikaw palagi ang nag-a-adjust. Tagatanggal ng sili sa pagkain, tagalagay ng asin sa sinangag kahit ayaw mo ng maalat o kaya ay tagahiwalay ng yolk sa sunny side up egg dahil ayaw niya no'n."

Natawa siya bago ininom ang laman ng kopitang hawak. Naa-amaze kasi siya sa talas ng memory ni Ken para maalala ang mga bagay na 'yon. Pero bakit kailangan pa nitong alamin ang maliliit na mga bagay tungkol sa kanya? Para ba mas magkasundo silang dalawa? NO WAY. Alam naman niyang hindi siya gusto ng beking 'to at lalo naman hindi niya 'to gusto kaya imposible na mag-e-effort to upang kilalanin siya. "So may ex-girlfriend ka pala?" pagiiba niya ng usapan. Ramdam niya kasing panga-asar na naman mapupunta ang usapan nila.

Malakas namang tumawa si Ken bago diritsong ininom ang bagong salin na alak. "Si Monica? Oo."

"Oh my god! So… nagka girlfriend ka nga! Akala ko, assuming lang yung babae!" natatawang sabi niya dahil sa narinig. "Bakita nga pala kayo nag-break ni Monica?"

Uminom muna uli si Ken ng alak. "Pinagpalit niya kasi ako sa best friend ko na mas mayaman, mas gwapo at mas matalino sa akin. Sa best friend ko na may mas may magandang plano para sa future kaysa sa akin. Nag babanda kasi ako n'on kaya feeling niya wala akong seryosong plano sa buhay. Kaya mas pinili niyang sumama sa best friend kong doctor na ngayon."

"Sorry to hear that," malungkot na sabi niya nang makita ang mapait na ngiti sa namumulang mga labi ni Ken. " 'Yon ba ang dahilan kung bakit naging beki ka?"

"Maybe, pero nagka-girlfriend pa ako ng iba after ni Monica. D'on ako nag start maging playboy."

"Eh, paano mo na realize na bakla ka pala?" Nagsisimula na siyang ma curios sa buhay ni Ken. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niya sanang mas makilala pa ito ng lubusan.

"Hmm… Siguro, simula no'ng hindi na ako naniniwala sa magic ng love."

"Huh? What do you mean?"

"Pangarap ko kasing magkaroon ng kasing perfect ng love story nina Mamita at Papsy, saka nina Daddy at Mommy. Pero simula nang lokohin ako ni Monica at nang best friend ko, pakiramdam ko nanging bakla na ang puso ko na magmahal ng totoo… or maniwala sa love. Sinubukan ko naman kasing gayahin ang daddy ko na loyal kay mommy bago siya nawala, pero wala, eh. Niloko pa rin ako ni Monica. Feeling ko tuloy, lahat ng babaeng nakapaligid sa akin hindi seryoso na mahalin ako. Gan'on yata talaga kapag nasakatan ka sa first love mo,eh," napaismid si Ken bago lumagok ng alak. "Sorry, ang drama ko. Ganito lang talaga ako kapag nakakainom."

"Okay lang. Ang lalim din pala ng mga hugot mo sa love life," sabi ni Yesha bago uminom ng alak. Nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa kanya pero nag-e-enjoy pa siya sa usapan nila. Nag-e-enjoy pa siyang kasama si Ken.

"Ikaw naman ang mag kuwento," sabi ni Ken na sumundal sa may paanan ng sofa nakangiting humarap sa kanya. "Kailan mo naramdaman na may gusto ka kay Kalix?"

Nakagat ni Yesha ang pang-ibabang labi dahil sa tanong na 'yon. Actually dahil na rin sa ngiti sa namumulang mga labi ni Ken. "Seriously?"

"I answered all your questions so I think, it's now your turn." Pagkatapos, inabot nito ang kopitang may lamang alak.

Diritso naman munang ininom ni Yesha ang kanyang alak bago sumagot. "Second year high school ako n'on. Kinuha nila akong muse ng basketball team nila. Matatalo na yung team nila d'on dahil lamang na ang kalaban ng two points. Eight seconds na lang ng pinasa sa kanya yung bola, at bago niya 'yon inihagis ay tumingin muna siya sa akin sabay sabi na, 'This is for you, Yesha.' That's it! Ang three points na 'yon ang nagpanalo sa team nila. After that, nilapitan niya ako at saka niyakap. Alam mo yung weird na yakap? Three to five seconds na yakap pero parang isang oras na akong naka-kulong sa mga yakap niya. So ayun ang three points at ang yakap na 'yon ang nagparealize sa akin na sa more than ten years na friendship namin, gusto ko na pala siya. Kaya nga iwan ko ba kung bakit kahit inamin na niya sa akin na bakla siya, hindi man lang nabawasan yung pagkagusto ko sa kanya. Lagi pa rin akong nakabuntot sa kanya. May mga times pa na alam mo yung, hanggang sa date nila ng mga nagiging boylet niya ay kasama ako."

"Seriously?! Kasama ka ba talaga sa mga date niya sa mga boylet niya?!"

Nahawa na siya sa pigil na tawa ni Ken. "Oo, gusto ko rin naman kasing makilala ang boylet niya. Kailangan kong makilatis baka kasi saktan o lokohin lang siya. Gan'on tumakbo ang friendship naming sa maraming taon."

"More than ten years pero ni kiss sa lips hindi ka parin niya pinagbigyan?"

"Paano mo nalaman?!" namimilog ang mga matang tanong niya sa kausap habang muling sumasariwa sa isipan ang eksena kung paano nangyari ang pagnakaw nito ng halik sa birhen niyang mga labi.

"Hmmm….. Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo?" nakangiting tanong ni Ken.

Napalunok siya nang biglang napatingin sa mga labi ni Ken kung saan nakaguhit ang nakakalokang mga ngiti ni Ken. Gan'on ba talaga ka obvious na first kiss niya 'yon!?. Kaagad niyang binawi ang tingin bago kunwa'y itinaas ang kilay.

"Never mind. Anyway, ok lang naman sa akin na kahit friends lang kami ni Kalix. Para sa akin kasi, hindi naman kailangan na mahalin ako ng taong mahal ko ang mahalaga, malaya ko siyang minamahal. Siguro naman darating din yung araw na magagawa niya akong mahalin kagaya nang pagmamahal ko sa kanya."

"Hmmm…. Sure ka bang love na talaga yang nararamdaman mo para kay Kalix? Kung oo, hanggang kalian mo siya mamahalin? Hanggang kalian mo kaya kakayanin na mahalin ang taong mahal mo kahit hindi ka niya mahal. And the last question, hanggang kalian ka maghihintay na mahalin ka niya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya?"

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :) :)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login