Download App
15% Falling in love with a rival / Chapter 3: Chapter 3: Meeting Ken

Chapter 3: Chapter 3: Meeting Ken

"So, you are Yesha. Nice meeting you, Yesha. I heard a lot of things about you from Kalix."

Gumuhit ng ngiti sa mga labi niya. Ngiti na pinilit niyang hindi gawaing sarkastiko bago inabot ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. Mukhang nakilala na niya ang magiging pinakamahigpit niyang makakalaban sa puso ni Kalix.

"Nice meeting you too, Ken"

(Sa bahay)

"Need some help"

Napatingin si Yesha sa nagtanong na si Ken na nakasandal sa may bukas na pintuan. Inaayos niya ang sofa bed sa kwarto ni Kalix kung saan ito matutulog. Hindi pa raw kasi ayos ang papeles ng condo na kinuha nito kaya mga ilang araw itong makikitira sa bahay nina Kalix. Kapag minamalas nga naman siya, o. Kung kailan naman plano niyang lasingin at pikutin na si Kalix saka naman may Ken na e-eksena sa kanilang dalawa.

Humarap siya rito at napansin muli ang magandang braso nito dahil sa suot na fitted na sando. "No thanks, i can manage. Sanay na ako rito."

"You mean maglinis ng bahay nina Kalix?"

Naningkit ang mga mata niya sa sabing iyon ni Ken. Mukha ba siyang kasambahay nina Kalix?

"I mean, sanay na akong ako lang ang nag-aayos ng kwarto ni Kalix."

"Just kidding. Alam ko naman 'yon. I told you, i heard so much of things about you from Kalix. Nakakainggit nga yung closeness ninyo eh."

"Kaya nga 'wag kang umepal sa love story namin." pabulong niyang hirit.

"Ano 'yon?"

"Sabi ko, parang narinig ko si Mommy Patty na tumatawag sa baba."

"Guys, dinner is ready!" Boses iyon ni Mommy Patty mula sa unang palapag ng bahay.

"Yesha, hayaan mo na sina Manang d'yan at baka lumamig pa ang pagkain dito.

Naglakad siya palapit kay Ken bago ibinigay ang hawak na mga kumot at unan.

"Gusto mong tumulong, 'di ba? O, ikaw na magtuloy," sabi niya bago ito nalampasan at tumuloy sa baba.

Natatawa namang sinundan ng tingin ni Ken si Yesha.

"Wow! Lahat yata ng special recipe mo, Mommy, nakahain!" amazed na sabi ni Yesha bago naupo sa tabi ni Kalix.

Mayamaya, palihim siyang napabuntong-hininga nang makita ang pag-upo ni Ken sa tapat ng kanyang puwesto.

"May asungot na naman. "

Pagkatapos naman magdasal ni Daddy Jandro, mabilis na kinuha ni Yesha ang kanin at nilagyan ang plato ni Kalix.

"Kalix, walang diet tonight, ha? Kaya dadagdagan ko talaga ito."

"Yesha, kailangan ko nang ibalik ang abs ko para maging yummy na ulit ako. Wala na kasing lumilingon sa aking boylet, puro kay Ken na lang. Kaya kailangan ko---"

"I said, walang diet tonight o hangga't kasama mo ako."

Napangiti na lang si Kalix sa kababata.

"At inuna mo pa talaga ang plato ko."

"Basta! At dahil alam kong na-miss mo ang Adobo ni Mommy Patty, sa'yo itong favorite part mo na chicken leg!" nakangiting sabi niya pa habang ulam naman ang nilalagay niya sa plato ni Kalix.

Palihim niyang tinitingnan si Ken na alam niyang nasa kanila ang tingin. Nagseselos siguro ang beking ito kasi hindi makagawa ng da-moves sa harap ng parents ni Kalix. Ngayon pa lang ay nais na niyang iparamdam dito na binabakuran na niya ang kababata kaya wala na itong magagawa pa.

"Baka naman bago ka pa makakain, Yesha, tapos na kaming kumain lahat," natatawang sabi ni Ken na ikinatawa rin nina Mommy Patty ay Daddy Jandro.

Pinigilan niya ang sarili na sumagot dahil alam niyang iniinis lang siya nito. Kaagad namang napalitan ng kilig ang nararamdaman niyang inis dito nang plato naman niya ang nilagyan ng kanin ni Kalix. Feeling niya tuloy bagong kasal sila.

"Thank you, Kalix"

Nagsimula na silang kumain habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari kay Kalix sa Kuwait. Halos tapos na silang kumain nang maalala ni Mommy Patty ang cake na dala ni Yesha.

"Ken, since ilang araw kang mag-i-stay rito at para maging at home ka na rin, ikaw na ang kumuha ng cake sa ref," sabi ni Mommy Patty rito.

"Sige po, Tita," sagot naman ni Ken bago tumayo at lumapit sa malaking ref. May tatlong cake itong nakita kaya hindi nito alam kung alin ang kukunin.

"Tita, aling cake ang ilalabas ko rito?"

Yesha rolled her eyes bago tumayo upang puntahan si Ken.

"Blackforest cake ang favorite ni Kalix kaya ito ang dessert natin for tonight."

"I see. Thanks for the tip," sabi ni Ken habang may malaking ngiti sa mga labi na tila nagpapa-cute.

Parang gusto niyang magsisi sa sinabi niyang iyon. Bakit nga ba niya binigyan ng tip ang karibal niya kay Kalix.

"Alam mo, bago pa kayo magkaroon ng love story ni Kalix, naisulat na ang love story naming dalawa. Kaya, back off please."

"Huh?" kunot-noong sabi ni Ken bago sinundan ng tingin si Yesha na naglalakad na pabalik sa dining area.

"Bakit ba ang hilig n'ong mag-walk out."

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login