Download App
35.13% Falling for my Gay Housemate! / Chapter 13: Bekimon

Chapter 13: Bekimon

KATATAPOS lang mag-ahit ni Diego. Kaliligo lang niya kaya naisipan niyang ahitin na ang medyo nanghahaba ng balbas. Pati goatie ay tinanggal na niya.

Pero ang buhok niya, iyon ang hindi pa niya mapaputol. Madali naman humaba ang balbas kung sakaling gusto niyang ibalik iyon.

Palabas na si Diego ng banyo nang may maulinigan siyang mga boses. Mukhang may kausap si Michelle. Shit! Nandoon na kaya si Mike?

Ang sabi sa kanya ni Michie ay darating ngayon ang kuya nito upang ihatid ang kanilang kontrata na ipina-notaryo nito sa kaibigang abogado. Sinigurado niya na iyong litrato niya sa identification card para sa notaryo ay iyong hindi siya makikilala ni Mike dahil sa kanyang makapal na balbas at bigote.

Ayon sa dalaga, tanghali pa raw darating ang kapatid nito kaya minabuti niyang maagang gumising para umalis.

Nang sabihin sa kanya ni Michie ang pagdating ng kapatid nito, sinabi agad niyang may pupuntahan siya sa araw na iyon. Pero mukhang maaga dumating si Mike. Ano na ang gagawin niya?

Sinubukan ni Diego iwasan ang dalaga nang malaman niyang kapatid ito ni Mike. Pero nang uwian siya nito ng adidas at chicken ass, hindi rin siya nakatiis. Bumalik lang sila sa dati pero mas maingat na siya sa kanyang pagkilos.

Sinusubukan na niyang magsaulo ng mga beki language at nagpa-practice na rin kumilos na may pilantik ang daliri at kembot ang beywang. Kailangan niyang makumbinsi si Michie na mas kumikiling siya na maging beki.

Para hindi na ito maging malambing sa kanya. Para kahit paano ay dumistansya sa kanya ang dalaga…. Na gusto ba talaga niyang mangyari? Negative. At para maipaalala niya sa sarili na huwag hayaan mahulog ang loob niya sa babae.

Diego is convincing himself that it's not too late for him. Bata pa siya ay kaya na niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Ganoon din siya sa pakikipag relasyon.

Oo, nagmahal din siya ng mga babae, pero itinaga niya sa bato na hindi siya patatali. Marami siyang gustong gawin, at pangunahin na roon ang mag travel.

Ayaw niyang may excess baggage, at ang pakikipag relasyon ng seryoso sa isang babae ay isang napakalaking bagahe na lagi niyang iniiwasan. Kaya nga siya nagtatago ngayon.

Napatingin si Diego sa hawak na lata ng shaving cream. Bigla ay nagkaroon siya ng magandang idea. Alam na niya ang sagot sa kasalukuyang problema!

Mabuti na lang at lagi lang nakasabit doon ang kanyang bathrobe, na bihira niyang gamitin.

"PALABAS na iyon, sandali na lang," alo ni Michelle sa kuya Mike niya na halatang nagmamadaling umalis na. Noon pa nito gustong makilala si Jamie, dahil hindi nito matanggap na kumuha siya ng lalaking housemate.

Hindi naman niya masabi sa kapatid na closet paminta si Jamie dahil nga naguguluhan pa ang lalaki kung magiging gay o guy ito. At ayaw niyang makita ni kuya Mike na beki si Jamie dahil nagpapaka hopia na ang puso niya.

Oo na, she likes Jamie very much… At minsan, parang hindi lang basta like, parang love na nga eh. Kung bakit kasi sa confused paminta pa siya nakadama ng connection at magic na matagal na niyang hinihintay maramdaman sa isang lalaki.

Hoping tuloy siya na sana ay malinawan ang isip ni Jamie na lalaki ito. Or better yet, nagpapanggap lang na paminta para maging housemate niya. Mas magandang isipin ang huling dahilan.

"Pasalamat ka busy ako nitong mga nakaraang buwan. Nalingat lang ako eh kung sino-sino na ang kinuha mong housemate," hindi patatalong sabi ng kuya niya.

Humalukipkip si Michie at ihinanda ang sarili na makipagtalo sa kapatid nang bumukas ang pintuan ng banyo. Sabay silang napatingin doon. Her jaw dropped the moment Jamie came out. Ano ang nangyari sa lalaking `to?

Nakalugay ang mahaba at basang buhok ni Jamie, may kung ano'ng cream na naka-mask sa mukha, at naka bath robe na unang beses niya nakitang suot nito.

Sabagay, ngayon lang niya nakita si Jamie na katatapos lang maligo dahil tulog siya sa maghapon at kapag weekend naman ay nakaligo na ang lalaki paggising niya. Holy cow! Mukhang beki nga.

Nakarinig si Michelle ng pagak na tawa mula sa kapatid. Napatingin siya kay Mike na halatang nagpipigil matawa. "Bakit hindi mo sinabing bakla? Nag-aalala ako, harmless pala," natatawang bulong nito sa kanya.

Hindi alam ni Michelle kung maiiyak siya o ano. Nakapagpasya na ba si Jamie na maging full-pledged beki? Kailan pa? Nooooo!!!!

Feeling niya ay naubos ang dugo sa kanyang mukha. Malanding kumaway ang paminta sa kanila. Type ba nito ang kuya niya? Ahwmhaygawd! At muntik nang himitayin si Michie nang magsalita si Jamie.

"Hi! Akesh si Jamie, roomchikels ni Michie. Tandersensya na, jaabutan mong ganich ang getup `kesh. From da batis. Chika lang!" (Na ang ibig sabihin ay: Hi! Ako si Jamie, roomie ni Michie. Pasensya na, naabutan mong ganito ang ayos/suot ko, mula sa banyo. Nakakahiya!)

Nanlaki ang mga mata niya. `Di ba hindi ito marunong ng bekimon? At bakit nagkaroon ng twang ang boses ni Jamie? O pinagloloko lang siya nito na nasa crossroads lang?

Pero bakit naman ito magpapanggap na lalaki kung hindi naman pala nalilito sa kasarian? Baka naman lumalandi ito kapag nakakakita ng guwapong lalaki kagaya ng kuya niya? Bumaling si Michelle kay Mike para makita ang reaksyon nito.

Kita ang aliw sa mata ng kapatid pero nandoon pa rin na gusto nitong kilatisin ang housemate niya. "Sorry, hindi ko masyado naintindihan ang mga sinabi mo."

"Charot! Sorry! My bad! Oo nga naman, hindi mo `ko maiintindihan. Hindi naman ako insensitive. Sabi ko ako ang housemate ni Michie. Sorry kung ganito hitsura ko," paliwanag ni Jamie habang naglalakd palapit sa kanila. Inilahad pa nito ang kamay sa kuya niya. "Jamie Santos."

Tinanggap ni Mike ang pakikipagkamay ng paminta. "Michael Dimapalad, Mike na lang. You have a nice grip."

"I work out," tugon ni Jamie sa normal na tinig at tono ng boses nito.

Hindi maintindihan ni Michie kung bakit pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwang nang marinig muli ang nakilala niyang pakikipag-usap ni Jamie.

"Is that shaving cream? Ka-amoy ng ginagamit kong shaving cream?" tanong ni Mike.

Bahagyang nalito si Michie sa itinatanong ng kapatid. Shaving cream? Ang nasa mukha ni Jamie? Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki na ang isa ay beki, hindi na paminta lang.

Tsk! Sayang! Pero feeling niya ay nasa stage pa siya ng denial. Parang hindi pa siya handang tanggapin na beki na nga si Jamie.

"Shaving cream nga. May natutunan kasi ako sa isa sa mga travel ko na puwedeng gawing face mask ang shaving cream kasi may moisturizer. Just leave it on for a few minutes at lalambot instantly ang balat. Tried and tested ko na."

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Michie ang twang at lambot sa pananalita ni Jamie. Gusto na niyang ngumawa.

HINDI alam ni Diego kung gaano katagal pa niya matatagalan ang in-ensayong pagpapanggap. Baka makilala kasi siya ni Mike. Pero kailangan niyang gawin iyon at umarte sa harap ng magkapatid. Kailangan ay mapanindigan niyang siya si Jamie Santos.

"Really? Hindi ko alam na magandang moisturizer pala ang shaving cream," bahagyang mataas ang tono na sabi ni Michie. Halos tumalon pa ang dalaga sa pagitan nila ni Mike. "Ibig sabihin ay puwede ko rin gamitin iyon sa mukha ko?" excited na tanong nito.

"No!"

"Hindi!" magkasabay na bulalas nila ni Mike. Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa kanilang dalawa.

"Ipaliwanag mo, Jamie, kung bakit hindi puwede," sabi sa kanya ni Mike.

Tumikhim muna siya bago sumagot. "Mas sensitive ang balat ng babae, masyadong ma-iirita sa shaving cream. Hindi katulad ng balat ng mga kagaya ko, makapal," aniya sa pinasayang tinig na pinipilit niyang mag-tinig bakla. Ang sagwa!

Napangisi si Mike. "Actually, may nabasa akong article sa internet about shaving creams na nabasa ko nung isang araw lang kaya medyo tanda ko pa. May component na tinatawag na TEA, na pampabula, na kadalasan daw ay mayroong nitrosamines na nakaka-cause ng cancer.

"At may iba pa siyang component na iyong isa ay ginagamit din sa brake fluid, at iyong iba ay mineral oil na nakakabara sa pores. So, in short, hindi puwedeng gawing facial mask ang shaving cream dahil highly irritant ang ingredients. Hindi ko alam na may possibility na moisturizer ang shaving cream, siguro nga para sa makakapal ang balat."

Halata sa hitsura ni Michael na nagpipigil itong tumawa. Nagsasayaw ang mga mata nito at pigil ang ngiti.

Gustong humalakhak ni Diego. Same old Mike. Alam niyang bukod sa pagbibigay ng facts, may kasamang sundot ang sinabi nito.

"Ay, oo. Alam ko ang balitang `yan. Kaya nga paminsan-minsan lang ito dapat gawin at kailangan mamili ng shaving cream. Puwede naman kasi iwasan iyong mga harmful ingredients na nabanggit mo," hindi patatalong sagot ni Diego sa katauhan ni Jamie. "Nabasa ko rin `yang article na tinutukoy mo," dugtong pa niya.

At totoo iyon. Mabuti na lang at mahilig siya magbasa ng articles kapag nag-be-break siya mula sa trabaho. Kung maaga lang siya nakaalis kanina, hindi naman siya maglalagay ng shaving cream sa mukha.

"Nice meeting you nga pala, pero kailangan ko ng magpunta sa kuwarto ko para makapag-ayos na. Alam mo na, guy, este, gay stuff." Yes, he's really trying hard.

Pigil ang ngiting tinanguan siya ni Mike. He turned to walk to his room. Noon lang niya napansin si Michie na nakahalukipkip, nakasandal sa gilid na pader ng bintana, at nakatingin sa malayo.

Mukhang malalim ang iniisip ng dalaga. But the sight of her made his heart skip a beat. Kahit saan anggulo niya tignan ang babae ay sadyang maganda ito.

What are you thinking? Pero hindi niya iyon maisatinig, aalamin din niya sa ibang pagkakataon.

Pagkapasok ni Diego sa kanyang silid ay kumuha agad siya ng face towel at saka pinunasan ang shaving cream sa kanyang mukha. Agad niyang tinignan ang mukha sa salamin, at tumawa na lang siya nang makitang namumula ang kanyang balat.


CREATORS' THOUGHTS
Purple_Quill Purple_Quill

Wala akong mapagtanungan na beki kaya gawa-gawa ko lang iyong beki language dito. Nag-research naman ako, kaso wala akong mahanap na eksakto sa gusto kong sabihin kaya iyan na lang ang naisip ko. XD

Anyway, I hope ay napasaya ko kayo o napatawa. Please do keep on reading, commenting, and voting. Maraming salamat po. ^^

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login