Download App
29.72% Falling for my Gay Housemate! / Chapter 11: First Date

Chapter 11: First Date

DALAWANG linggo pa ang lumipas bago natuloy ang "date" sa bar nila Diego at Jamie.

Nagsuot ng maroon long sleeves na naka tuck sa navy blue slacks si Diego. Ngayon lang ulit siya makaka-gimmick pagkatapos ng mahabang panahon.

Pero kailangan pa rin niya mag ingat kaya nagsuot siya ng colored eye glasses at inilugay ang kanyang mahabang buhok. Hindi muna niya inahit ng kanyang stubbles para mas maitago pa ang kanyang features.

Nang handa na siya ay lumabas na siya ng kuwarto. Umupo siya sa sofa habang hinihintay si Michie. Sanay siyang matagal talaga mag ayos ang mga babae.

Inilabas na lang niya ang cellphone at nag research kung anong bar ang pupuntahan nila sa BGC. Si Michelle ang may account at app ng Grab taxi kaya ito na lang daw ang mag bo-book mamaya.

Narinig niya ang pagbukas ng pintuan mula sa kuwarto ng dalaga kaya wala sa loob na napatingin siya. At muntik na siya mapanganga.

Ngayon lang niya nakitang fully made-up ang babae. Nakalugay ang buhok nito na kinulot ang dulo, at ganoon din ang buhok sa gilid ng mukha nito. She's wearing a ruffled sleeve, square neck, and above the knee silver dress.

Napatindig siya at awtomatikong tinanggal ang salamin na suot. Hindi na niya napigilan ang sarili na tignan si Michie mula ulo hanggang paa. She looked very feminine and beautiful.

Ooops! Hindi dapat makita ng roommate niya ang paghanga sa kanyang mga mata. Kailangan niyang ipaalala sa sarili na siya ay isang paminta.

Nginitian niya si Michie. "Ang ganda naman ng roommate ko. Tinalbugan mo ako, ah," biro niya rito.

Pinamulahan ito ng pisngi bago siya tinaasan ng kilay. "Naku, wala akong balak agawan ka ng boylet, 'no," may katarayan nitong sabi.

Natawa siya at nahawa ito sa kanya. "Ready ka na?" tanong niya.

"Yup. Mag bo-book na ako ng ride natin," anito at inilabas ang cellphone mula sa handbag. Sinabi niya rito kung saan sila pupunta.

Hindi nagtagal ay bumaba na sila at hinintay ang kanilang sasakyan.

Sinenyasan siya ni Michie na lumapit dito kasi may ibubulong sa kanya. Tumalima naman siya.

"Napansin mo ba, ang daming tumitingin sa'yo?"

Siya naman ang bumulong dito, "Ang nakita ko, sa iyo sila nakatingin hindi sa akin." He stood up straight before winking at her.

Nakangiting inirapan lang siya nito na tila ay hindi naniniwala sa sinabi niya. Lumabi pa ito bago humalukipkip. And he finds that very cute.

Mabilis lang ang kanilang naging biyahe patungo sa BGC. Dinala niya si Michelle sa isang bar na tingin niya ay ikakagulat nito at ikakatuwa.

"Well, what do you think?" tanong niya nang makapasok na sila at nakaupo na.

Lumilinga-linga sa paligid ang kanyang kasama. "Arcade ba iyon?" manghang tanong nito habang nakaturo pa sa itinatanong.

Napangiti siya nang makita ang tinutukoy ni Michie. Tumango siya. "Oo, arcade nga iyon. First time ko rin na makapunta sa bar na may arcade, kaya dito ko pinili para memorable para sa ating dalawa."

Napabungisngis ang dalaga. "Maglalaro pala tayo?"

"Kain muna tayo, tapos maglaro tayo mamaya," aniya.

Nag-order sila ng pasta, nachos, burgers, at cocktails. Ayaw ni Michelle na mag-order sila ng marami tapos hindi mauubos.

Habang hinihintay nila ang in-order nilang pagkain ay nakinig muna sila sa music. Nung kakapasok nila ay wala pa ang tugtog, baka may oras ang pagsimula niyon.

May dj ang bar na iyon at magaling ito mag remix ng music. Kung nasa states lang sila, hindi siya magdadalawang-isip na yayain ang ka-date niya na sumayaw. Pero wala kasing nagsasayaw eh, "diyahe" naman kung sila lang ang nagsasayaw doon.

Kinalabit siya ng dalaga kaya napatingin siya rito. May sinasabi ito pero hindi niya marinig dahil sa lakas ng music.

Sumenyas muna siya. "Wait lang. Can't hear you," aniya.

Bahagya siyang tumayo at hinawakan ang silya upang i-usog iyon sa tabi ng dalaga. Nang magkatabi na sila ay umupo na siyang muli.

"What were you saying?" tanong niya.

Inilapit niya ang mukha para marinig ang babae. Hindi niya alam na ganoon din ang ginawa nito pero patungo sa kanyang tainga ang direksyon nito.

As cliché as it may be, nagkabungguan sila at tumama ang bibig niya sa pisngi nito. Kung may nakakita sa kanila, aakalain ng mga iyon na hinalikan talaga niya ang babae sa pisngi.

"Oh, sorry!" bulalas niya at sabay layo. Naamoy niya ang mahinhin na floral scent ng pabango nito. This time, pareho na silang nag-ba-blush!

Tumungo na lang siya at nakagilid na inilapit ng bahagya ang kanyang mukha upang masabi na nito ang gustong sabihin.

Lumapit ng bahagya ang dalaga. "Ang cool nitong place. Thank you sa pagdala mo sa akin."

Napangiti siya sa sinabi nito. Natutuwa siya sa katangiang ito ng babae, appreciative. Kahit na kakasimula pa lang ng kanilang gabi ay nagpapasalamat agad.

Tumingin siya sa babae at sinabing, "You're welcome." Umayos na siya ng upo pero hindi na niya ibinalik sa dating puwesto. Mukhang hindi naman awkward para kay Michie na magkatabi sila ng ganito imbes na magkatapat lang.

Mahirap pala mag usap sa lugar nila, malapit kasi sila sa speaker. Hindi naman nagtagal ay inihatid na rin ang order nila at kumain na sila. Pareho nilang nagustuhan ang mga pagkain kahit hindi high end ang mga iyon o kakaiba.

Pagkatapos nilang kumain ay saka sila naglaro sa arcade. Binayaran na rin niya ang bill. Kahit ano'ng pilit ni Michie na KKB sila, hindi siya pumayag.

May naglalaro na sa Pac man at Ghost busters kaya nauwi sila sa Street fighter. Itinuro niya kay Michie ang controls at naglaro sila.

Mukhang hindi sanay sa arcade ang dalaga dahil lagi niya itong natatalo. Di bale, okay lang, mukhang enjoy naman ito basta naglalaro sila. Naka-ilang laro na sila nang nagpaalam itong pupunta muna sa ladies room.

"Excuse me, puwedeng makilaro rin?"

Napatingin si Diego sa lalaking tumabi sa kanya. Malambot ang salita nito at may pilantik. Beki.

Hindi niya gusto ang malagkit nitong tingin sa kanya. Maayos naman itong manamit at umaalingasaw ang pabango. Gusto niyang bumahing.

Pagbigyan na lang siguro niya kahit isang laro lang, hanggang sa makabalik si Michie.

He shrugged. "Okay lang. Pero may ka-date ako, nag CR lang," tugon niya.

Tumabi ang beki sa kanya. Nagsisi agad siya sa pagpayag niya dahil pasimple nitong inihaplos ang katawan sa kanyang braso. Kapag inulit nito iyon ay sasapakin na niya.

NAPAKUNOT ang noo ni Michelle pagbalik niya sa arcade. May ibang kalaro na si Jamie sa Street fighter.

Napatigil siya sa paglalakad at gusto na niyang ngumawa pero nagpigil siya. Oo, naka-inom siya, pero cocktail lang iyon kaya mahina ang tama. Hindi naman siya lasing para gumawa ng eksena.

Saglit lang niya iniwan, may boylet na agad? Napabuntunghininga siya. Nag-iilusyon pa naman siya kanina na gandang-ganda sa kanya ang paminta at real date nga ito para sa kanilang dalawa. Tsk! Asa pa siya talaga. Nakakainis!

Mukhang natapos na ang laro. Kasi humarap na ang boylet kay Jamie at nagkukuwento na ito. Panay pa ang kumpas at may pilantik ang daliri, beki!

Napatingin siya sa mukha ni Jamie at nakita niya ang pagkadismaya ng mukha nito. Napalakad siya palapit kasi gusto niyang makita kung magkasalubong nga ang kilay nito. Ay… oo! Mukhang inis ito sa kausap!

Naramdaman yata ng dalawa ang kanyang paglapit dahil sabay pa ang mga ito na napatingin sa kanya. Relief was written on Jamie's face.

Agad nitong iniwan ang beki at lumapit sa kanya. Bumulong ito sa kanya, "Let's get out of here. Baka masapak ko pa 'tong baklang 'to eh."

Napamaang siya sa sinabi nito pero kinilig siya nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya palabas.

"Hey! Wait! Can I get your number?" habol sa kanila ng beki. Humawak pa ito sa braso ni Jamie.

Agad na tinabig ni Jamie ang kamay ng beki at inis na hinarap ito. "Don't you get it? May ka-date akong babae! Hindi ako bakla kaya huwag kang mag-ilusyon diyan!" Halata ang inis sa tinig ng kanyang roommate.

Agad niyang hinawakan sa braso si Jamie. Natatakot siya na mukhang manununtok na ito. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng beki at ang takot na dumaan sa mga mata nito. Nag peace sign ito bago lumakad palayo.

Nang naglalakad na sila sa kalye ay saka siya umimik. "Magpapa-book na ba ako ng Grab taxi?"

Umiling si Jamie. "No, lakad muna tayo. Okay lang ba?" Tinignan siya nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Tumango siya bilang pagpayag. Baka gusto nito magpalamig muna ng ulo. Ngayon lang niya napansin na hawak pa rin ng lalaki ang kanyang kamay. Hahayaan na lang ba niya? He looked upset kaya sige na nga. Saka gusto muna niyang magtampisaw sa kilig na nararamdaman niya. Naglakad sila.

Napa-isip tuloy siya sa sinabi nito dun sa beki, na hindi ito bakla. Nalagpasan na ba nito ang crossroads na pinagdadaanan? Nag decide na ba ito maging lalaki?

In fairness naman sa beki kanina, magandang lalaki rin ito, hindi lang nga katangkaran. Maputi at makinis, marunong din pumorma. Hindi na masama maging boylet kung naghahanap talaga si Jamie. O baka ayaw nito sa kapuwa beki? Baka ang gusto nito ay iyong maton na lalaki? Ayyyy…

"About earlier," pukaw ng roommate niya sa kanyang pagmumuni-muni. "I'm sorry for snapping like that. Ang kulit nung bading na 'yon eh. Nakakaasar na."

"Naiintindihan ko naman. Sinabi mo ang kailangan mong sabihin," aniya. Napahinto siya sa paglalakad nang huminto rin ito. Tinignan niya ang katabi. Parang may gusto itong sabihin na hindi naman masabi sa kanya. "What?"

May nakita siyang pagtatalo sa mga mata ni Jamie, na tila ay naghihirap ang kalooban nito. Pinisil nito ang kamay niya at saka umiling.

"Wala. Puwede ka na magpa-book ng Grab taxi. Uwi na tayo," anito.

Binawi niya ang kanyang kamay para makuha niya ang cellphone sa kanyang bag. Bakit kasi sumingit pa sa eksena ang bading na iyon? Mukhang na-bad trip tuloy itong paminta. Hayz!


CREATORS' THOUGHTS
Purple_Quill Purple_Quill

Pasensya na po sa late update. Medyo dumaan sa writer's block dahil sa nakakalungkot na mga balita. Anyway, maraming salamat po sa pagbabasa. Keep on reading. ^^

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login