Download App
13.51% Falling for my Gay Housemate! / Chapter 5: Living Together

Chapter 5: Living Together

HINDI alam ni Michelle kung tatawa, mangingiwi, o iiyakan ang hitsura ni Jamie. Narinig niya sa isang namimili noon sa grocery na malasa kapag buto-buto ang niluto.

Kaya kanina ay dumaan siya sa malapit na market doon at bumili ng buto-buto para i-adobo. Iyon kasi ang pinakamadaling lutuin. Basta susundin lang niya ang recipe na paghahaluin ang ingredients at hahayaan iyon maluto.

Sinunod naman niya to the dot, bakit matigas at weird ang lasa ng adobong buto-buto niya?

"Ahm, Michie, mas okay sana kung nilaga na lang itong buto-butong baka. Mas babagay sa ganoong luto. Kung i-a-adobo mo, mas okay ang baboy o kaya manok na lang. Mas mabilis pang palambutin," tila ay hiyang-hiya na sabi ng paminta.

Naramdaman ni Michelle ang pag-akyat ng dugo sa kanyang mukha. Gusto niyang maiyak, palpak talaga siya sa pagluluto!

"Baka ba `yan? Akala ko baboy. Saka narinig ko kasi mas malasa daw ang buto-buto." Kulang na lang ay mag maktol siya.

Hindi naman siya tinawanan ni Jamie, may pang-unawa pa nga ang tingin nito. Nakakapanghinayang talaga ang binabaeng `to kasi bukod sa ideal guy ay mukhang gentleman pa.

Hayz! Gusto niyang bumuntunghininga.

"Usually kapag sa supermarket ay mapapansin mo na may beef at pork section, mas madali. Kapag sa palengke, titignan mo ang kulay. Kapag deep red, baka iyon. Kapag pinkish, baboy.

"Kapag nangingitim na, luma na kaya `wag mong bibilhin. Kung hindi ka sigurado, magtanong ka na lang," payo ng lalaki sa kanya.

Aba, mas may alam pa ito, ah.

"At sa adobo, mas maganda iyong malaman kaysa mabuto na parte," dugtong nito.

"`Di ba lahat ay puwede i-adobo? Nakakarinig ako ng adobong kangkong, adobong labong, adobong pusit at kung anu-ano pa." Kailangan ni Michelle ma-save ang pride kahit paano.

"Puwede din naman sa baka, may mga nagluluto ng ganoon. Pero dapat iyong malalaman na parte. Camto yata ay puwede," tugon ni Jamie.

"Kalitiran puwede rin. Pero kapag baka ay medyo matagal talaga palambutin. Mas madali kung gagamit ng pressure cooker," dagdag pa nito.

Ibinaba na ni Michelle ang kubyertos, nakakahiya na talaga itong niluto niya. "You know what, palalambutin ko na lang ulit kasi talagang hindi natin makakain. Lumabas na lang tayo, may malalapit na fastfood dito."

Napangiti si Jamie. "Okay. I-re-retoke ko na lang ito bukas. Palalambutin ko ng husto. Treat na lang kita, tutal ay first dinner natin as housemates."

Gusto ni Michelle na kagatin ang ibabang labi. Hoy, hindi `yan date! Kakain lang kayo dahil palpak ang niluto mo. Preno! Atribidang konsensya!

Kinse minutos lang ang lumipas ay nasa isang fastfood na sila, na nakapuwesto sa isang arcade na malapit sa labas ng subdivision kung nasaan ang condominium.

Ang simpleng chicken at rice meal ay sumasarap pala kapag may hottie ka na kasamang kumakain.... Kung hindi lang nga sana paminta.

Kaliwa't kanan ang nakikita niyang mga babae na kulang na lang ay magpa-bebe wave at lapitan si Jamie.

Napaka pansinin naman kasi talaga ng kasama niya lalo na at matangkad ito kaya umaangat sa karamihan, bukod pa sa athletic na katawan ay totoo namang guwapo at artistahin ang hitsura.

Ang sarap sanang ikawit ang kanyang kamay sa braso ng lalaki. Kaso ay baka manggilalas si Jamie kapag ginawa ni Michie iyon at mag-alsa balutan ng wala sa oras, mawawalan pa siya ng housemate.

"Nag-wo-work out ka ba?" tanong ni Michelle. 3 pieces chicken at limang rice ang inorder ni Jamie. Mabuti na lang at ito ang nang treat, may kalakasan pala kumain.

Well, that's understandable kasi naman ay malaking tao talaga. Pero wala itong taba o bilbil, pure muscles.

"May gym sa condo na puwedeng gamitin ng mga residents, kasama sa amenities. May pool din," aniya.

"That's great. Nag-gi-gym nga ako. Sana ay may basketball court din na puwedeng laruan."

Muntik na mapasinghap si Michie. Basketball? Sabagay, kung sa militar nga ay may mga beki, posible din na ang isang basketball player ay closet queen.

`Di ba sinabi naman ni Jamie na naguguluhan pa nga ito, crossroads na ang ibig sabihin ay hindi pa nito alam ang sariling sexual preference?

Baka puwede gawin pang tunay na lalaki? Ay naku, sa romance novels lang natutupad ang mga pangarap na magbabago ang isang lalaki para sa babaeng iniirog.

Mahirap yata kalaban ang identity crisis. Hay, mental buntunghininga.

May isa pang naisip si Michelle. Ang gym at basketball court ay pugad ng mga kalalakihan. Baka naman mang-ha-hunting ito ng boylet?

Uunahan pa siyang magka jowa. Saklap talaga.

"Pagbalik natin sa condo, magtanong-tanong ka sa mga staff doon. Baka within the subdivision ay may basketball court na puwede mong paglaruan," aniya.

Nginitian siya ni Jamie na may pasasalamat. "Sorry nga pala sa palpak na adobo, napakain pa tayo tuloy sa labas."

"Nah. Nangyayari talaga iyon. Sure naman ako na magagawan pa iyon ng paraan. Ganyan talaga kapag nag-aaral pa lang magluto," tugon ni Jamie sa huling sinabi niya.

Nilunok muna ni Michie ang nginunguya bago nagsalita.

"Kailangan ko talagang matuto kasi gusto ko maging independent. One month ko pa lang tinitirhan iyong unit, ganoon katagal pa lang din ako namumuhay mag-isa.

"Kapag weekend ay umuuwi naman ako sa amin sa Rizal. Pero malungkot din pala, kaya naisipan kong kumuha ng housemate."

Nag angat ng tingin si Michie upang tignan ang reaksyon ni Jamie sa sinabi niya. Gusto pa niyang mag blush nang makita ang nanunuri nitong tingin na tila ay nasa ilalim siya ng microscope.

Wish niya lang na sana ay naaakit ito sa kanyang alindog at bigla siyang halikan na tila ay wala ng kinabukasan. Asa pa talaga….

"Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. It's hard when loneliness kicks in. At alam mo kung ano ang pinakamahirap sa lahat?"

"Ano?" tanong naman ni Michie. Ayan ang sagot sa kung ano ang iniisip nito habang tinitignan siya, at hindi ang kanyang pantasya na mahalikan nito.

"Kapag mag-isa ka lang tapos nagkasakit ka. Iyong sakit na hindi ka makabangon sa higaan mo sa sobrang taas ng lagnat, sakit ng ulo, o hilo.

"Tapos walang ibang laman ang ref mo kundi tubig at ni wala kang mahingan ng tulong para bumili man lang ng gamot. Kaya it makes sense na kumuha ka ng housemate para kahit paano ay may nakakaalam ng nangyayari sa`yo."

Natigilan si Michie at saglit na pinagmasdan si Jamie na nagpatuloy sa pagkain. Ang lalim ng hugot nito, mukhang may pinagdaanan.

"Jamie."

"Hmmm?"

"If you don't mind my asking, nasaan ang family mo?" lakas loob na tanong ni Michie.

It just amazes her na kahit nag-uusap sila ay mabilis pa din kumain ang lalaki. Talagang napakahirap makakita ng trace na isa itong paminta.

Nangangalahati pa lang siya sa kinakaing 1 pc chicken at rice, samantalang ito ay isa na lang ang manok at dalawang kanin. Mukhang mauunahan pa siya.

Oh well, first time niya makakilala ng paminta kaya natural siguro na lalaki pa rin ito sa lahat ng aspeto puwera na lang sa sexual preference.

"Well, elementary pa lang ako nang mag migrate kami sa states, petition ng lola ko. Ang parents ko ay nasa Cucamonga, California. Iyong panganay kong ate ay nasa Chicago, habang iyong sinundan ko na ate ay nasa Rochester, New York," tugon ni Jamie habang patuloy ito sa pagkain.

Ayun! Dalawa ang kapatid na babae, baka naimpluwensyahan. Sayang talaga. Mental buntunghininga ulit.

Pero may mga kakilala siya na kahit nag-iisang lalaki o babae sa magkakapatid, hindi naman nagiging beki o tomboy. Depende lang siguro talaga sa sexual preference.

"Ikaw ang bunso at nag-iisang lalaki?" pag kompirma ni Michelle.

"Ganoon na nga."

Tapos na silang kumain nang magtanong ulit si Michie. "Dito ka ba nag-aral o kararating mo lang sa Pilipinas?"

"After college and establishing major clients sa web, nag travel ako against my parent's wish. Sabi kasi nila ay mas magiging stable ako kapag nasa isang lugar lang ako, makapagpundar ng properties bago magpamilya.

"But I was stubborn, gusto ko mamasyal around the world eh. Iyon kasi ang kagandahan ng work ko, basta may internet, tuloy-tuloy lang. Sa linya ko, ang tawag doon ay digital nomad. You can go around the world and bring your work with you.

"Pero tama ang huling tanong mo, kararating ko lang dito sa Pilipinas. Two weeks pa lang," sagot ni Jamie sa pagitan ng pag inom ng juice.

Napadako ang tingin niya sa namimintog nitong biceps habang nagsasalita ito. Napakasarap siguro makulong sa matipuno at malakas nitong mga braso.

Bumilis ang tibok ng puso niya sa naisip pero agad din niyang kinastigo ang sarili at pinakinggan maigi ang sinasabi ng lalaki.

"Astig! Adventurous ka pala. Para kang backpacker ah, mahilig mamasyal. So, ilang bansa na ang napuntahan mo?" patuloy pa rin na tanong ni Michelle.

Siguro naman ay hindi obvious ang kanyang pagnanasa, nagawa niyang makasagot agad eh na parang walang dumaan na ka-demonyohan sa kanyang isip.

Medyo nakaramdam si Michelle ng inggit. Siya kasi ay hindi pa nakakalabas ng bansa. Noong nasa college siya ay pangarap niyang pumunta sa iba't ibang bansa, at mag blog ng tungkol sa mga travels niya. Pangarap na lang nga talaga iyon.

Gumawa pa ng mental calculation ang lalaki bago siya sinagot. "Kung bibilangin ko pati Amerika, walo. Hindi naman kasi binibilang ang different states ng Amerika na sinikap ko din malibot."

She mouthed W.O.W. "Ang sarap naman ng buhay mo. Biro mo, kahit saan ka magpunta ay dala mo ang trabaho mo. Eh bakit ka umuwi sa Pilipinas?" she asked curiously.

Hindi inaasahan ni Michie na makitang biglang umilap ang mga mata ni Jamie na tila ay naasiwa sa tanong niya.

Oooopppsss! Mukhang napa-sobra na ang pagtatanong niya sa paminta.

Kung tutuusin ay hindi naman talaga ito obligado magkuwento ng talambuhay sa kanya. Lalo na at bago pa lang naman silang nagkakilala. Kailangan niya kumambyo.

"Na-miss mo siguro, `no? Baka sa Pilipinas ka naman maglilibot, Luzon, Visayas at Mindanano. Hay, nakakainggit ka," masayang sabi ni Michie.

His eyes softened before smiling at her. Ay, nakakatunaw talaga ang ngiti. Pero never forget na paminta pa din. Mental buntunghininga.

Makaka ilang mental buntunghininga kaya siya kapag kasama ang lalaking ito?

"Kami kasing mag-anak ay iyong usual lang na pasyalan kagaya ng Tagaytay at Baguio ang napuntahan. Graduation gift na sa akin iyong pagpunta sa Boracay. Palawan ay hindi ko pa napupuntahan. Pero ang iba, Europe at Japan ang bukambibig. Keri ng powers nila eh," kuwento niya. "Huwag lang ngayon kasi ay may Corona virus pa," aniya na sinundan ng mahinang tawa.

Lumawak ang ngiti ni Jamie na tila ay aliw na aliw kay Michelle. Sumobra naman yata ang bawi niya, nagmukha siyang madaldal.

"Iyon nga ang naisip ko. Nililibot ko ang buong mundo, pero ang bansa natin ay hindi pa. Kapag naka ipon na siguro ay saka ako maglilibot sa Pilipinas."

Kulang na lang ay isigaw ni Michelle ang mga katagang "Sama ako!" Kakapalan na talaga iyon ng mukha. "Pero hindi ka ba nalulungkot? Mag isa ka lang namamasyal?"

Nagkibitbalikat si Jamie. "Nasanay na rin kasi. At saka kahit saan naman ako magpunta, may nagiging kaibigan ako. Kagaya natin ngayon, tingin ko naman ay magiging mabuti tayong magkaibigan," then he sweetly smiled at her.

Talaga naman, kaguwapo at ngiti pa lang ay yummy na. Nakakapanghinayang talaga. Ginantihan ni Michie ang ngiti ni Jamie.

"Oo, gusto ko iyon. Wala pa akong friend na paminta, este, kagaya mo, adventurous."

Humalakhak lang ang lalaki sa sinabi niya, buti at hindi napikon. Kaasar lang, kung bakit kasi pati ang tawa nito ay macho.

* SIGH*


CREATORS' THOUGHTS
Purple_Quill Purple_Quill

Maraming salamat po sa pagbabasa. Sisikapin ko po na makapag upload ng 1 chapter per day, puwera lang po sa weekends kasi madalas po ay busy.

Sana po ay nagustuhan ninyo itong kuwento ko. Please do vote, comment, or rate it. ^^

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login