Download App
85.71% Cradled Hearts / Chapter 18: Chapter 16

Chapter 18: Chapter 16

MULA nang muling bumalik sa loob si Rafael ay hindi na niya maihinahon ang puso na para bang tumakbo nang ilang kilometro sa sobrang bilis ng pagtibok. Hindi rin niya matingnan nang maayos sa mukha ang kanyang ina sa pag-aalinlangan na baka hindi niya mapigil ang sarili na masabi rito ang tungkol sa pagbabalik ng kapatid niya. At para kahit papaano ay maibsan niya iyon, panay ang paghinga niya nang malalim at sinikap na sumabay sa agos ng kasiyahan sa paligid.

Pero sa kabilang banda, walang mapagsidlan ang tuwa sa mga labi ni Rafael nang yakapin siya ni Eris nang mahigpit pagkababa nito sa sasakyan. Matagal na niyang inaasam ang bagay na iyon mula sa kapatid. Matagal na siyang nangungulila rito. Parang nawala bigla ang mga problema niya at gumaan ang pakiramdam niya. Sa mga sandaling iyon, alam ni Rafael na ceasefire muna sila ng kapatid.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa, saka siya napailing. Iyon na yata ang isa sa mga masayang Pasko niya sa buong buhay niya.

"Sir."

Napaangat ng tingin si Rafael nang may tumapik sa kanyang balikat. Sumalubong sa kanyang paningin si Hannah na matamang nakatayo sa harap niya. Nakangiti lamang ito habang iniaabot ang isang parihabang kahon na nababalutan ng pulang gift wrapper. Pansin pa niya ang panginginig ng kamay nito.

"Sorry, what?" walang muwang na tanong ni Rafael.

"Oy, Hannah, ulitin mo 'yong speech mo kanina! Mukhang hindi yata narinig ni Sir, e," biro ng isa sa mga babaeng kasambahay na natatawa pa.

"H-Ha?" Napalingon doon si Hannah. "Kailangan pa po ba 'yon? Hindi ba puwedeng ibigay ko na lang sa kanya itong regalo ko?"

"Sus! Dali na! Ang ganda kaya n'on. Sayang naman kung hindi maririnig ni Sir Rafael!"

"Sige na, Hannah," gatong naman ni Elena na malawak ang ngiti sa mga labi.

Nanatili ang tingin ni Rafael kay Hannah kahit na hindi siya kumportable. Napataas nang bahagya ang kaliwang kilay niya nang mapansing namumula na ang pisngi nito nang lingunin siya.

"Ano iyon? Wait a sec, bakit namumula 'yang pisngi mo?" Sa loob-loob ay gumuhit ang isang inosenteng ngiti sa mga labi ni Rafael. Pero nawala rin agad nang may marinig siyang tikhim, na kung hindi siya nagkakamali ay galing iyon kay Elena. "Hindi ko tatanggapin iyan kapag hindi ko narinig 'yong sinabi mo raw kanina."

"Ah, eh…" Napalunok pa si Hannah at ilang saglit ay pinuno nito ng hangin ang baga at inihinga niyon bago muling nagsalita. "S-Sige po. Mmm…"

"Merry Christmas, Sir Alex!" halos sabay na bati ng mga kasambahay habang nakatingin sa may hagdan. Napunta roon ang atensyon ni Rafael. Pahakbang na sa unang baitang ng hagdan ang kanyang ama, na nakatuon ang atensyon sa pagsasara ng mga butones sa kanang manggas ng suot nitong pulang long sleeve.

Magkasabay silang pumasok kanina at saglit na nagpahinga sa may sofa habang patuloy ang kantahan ng mga kasambahay. Pero hindi rin nagtagal ay nagpaalam ito saglit upang maligo at magpalit ng damit. Sa hitsura nito ngayon, nakahawi patalikod ang medyo maiksi nitong buhok, magarbo ang suot nitong damit, kumikinang pa sa kintab ang suot nitong itim na leather shoes, isama pa ang matamis na ngiti nito sa mga labi. Walang ibang masabi si Rafael kundi ang parang hindi nililipasan ng panahon ang kanyang ama.

Sunod na nilingon niya ang kanyang ina nang walang pasubali itong tumayo at dali-daling niyakap nang mahigpit si Alexandrei at siniil ng matamis na halik. Nangingiting napailing si Rafael. Madalas niyang makitang ganoon ang kanyang mga magulang, lalo na nang hindi pa nangyayari ang insidente, pero hindi pa rin niya maiwasang kiligin sa tamis ng pagmamahalan ng mga ito.

"I love you, Agnes," kahit na pabulong na sinabi iyon ng kanyang ama, rinig na rinig iyon ni Rafael. "Merry Christmas."

Hindi rin nawala sa pandinig niya ang anasan ng mga kasambahay. Kunwaring napaubo siya at ilang saglit pa ay tumigil ang mga ito.

"I love you more, Alex," pagkasabi niyonng kanyang ina ay muling nagdampi ang mga labi ng mga ito.

Magkahawak ang mga kamay ng mga magulang niya nang bumalik ang mga ito sa sofa. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang ina. "Forgive me for the sudden interruption. Ituloy n'yo na iyan bago tayo abutin ng hatinggabi."

"Okay, continue" pabulong na sabi niya kay Hannah.

Muli ay napahinga nang malalim ang huli bago tuluyang magsalita. "Hindi ko po  inaasahan na ikaw ang mabubunot ko, Sir Rafael, bilang monito ko. Ang hirap mag-isip ng ireregalo dahil nasa 'yo na yata ang lahat. Mayaman ka. Sa isang pitik lang ng mga daliri mo, makukuha mo na ang lahat ng gusto mo. Pero hanga po ako sa inyo dahil hindi mo ginagamit ang yaman n'yo para magyabang o ipamukha sa aming lahat na mga kasambahay lang kami, na walang pinag-aralan, na kalait-lait kami, na basura ang tingin ninyo sa amin."

Nangunot ang noo niya. "Alam mong hindi ako ganyang tao, right?" halos pabulong na tanong niya.

Nakangiting tumango si Hannah. "Binigyan mo pa po ako ng sapatos kahit na unang araw pa lang ako rito. Ganoon po kayo kabait, Sir. Suwerte po ng mapapangasawa ninyo…"

Saglit na natigilan si Rafael sa sinabing iyon ni Hannah. Para bang may kung ano'ng sumagi sa isip niya. Pero iniiling niya iyon at panandaliang nag-iwas ng tingin sa taong nasa harap niya. Kahit na mahina ang tikhim na iyon ni Elena, umaalingaw-ngaw iyon sa mga tainga niya.

Huminga siya nang malalim at lakas-loob na tiningnan niya ito. "Thank you for this." Tipid siyang napangiti at inabot ang regalo sa nakalahad na kamay ni Hannah. "Ano 'to?"

Humakbang nang patalikod si Hannah sa kanya. "Kayo na po ang bahalang tumuklas ng laman niyan, Sir," nakangiting sabi nito, saka napahawi sa buhok na humarang sa mukha nito. "Pero pasensya na po kung iyan lang ang nakayanan ko. Hindi po 'yan mamahalin pero sana magustuhan mo pa rin."

Napagisi si Rafael. "No worries. I assure you kung ano man 'to, magugustuhan ko. Thank you ulit."

Tumayo siya at kaagad na lumapit sa may Christmas Tree na halos sampung baitang ang taas. Mas lalong pinakinang ng mga kumukuti-kutitap na Christmas Lights at magagarbo't kulay gintong palamuti ang buong sala, na isa sa mga pinagkaabalahan ng kanyang ina habang sumasailalim sa counseling.

Dinampot niya sa gabundok na regalo sa may paanan ng puno ang isang medium-sized na paperbag. "First, I would like to greet you all a Merry Christmas and a prosperous New Year. Another year is soon to end yet our status will still remain."

Napahinga siya nang malalim at iginala ang paningin sa paligid. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Rafael. "Pero bago ko ibigay ang regalo ko sa nabunot ko, I just want to give you all a very simple gift. Take this as my appreciation and thanks to all of  your efforts. Pati na rin sa pananatili ng katapatan ninyo sa amin."

Ilang saglit pa ay isa-isang tinawag ni Rafael ang pangalan ng mga kasambahay at iba pang kasama nila sa mansyon. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya nang masaksihan ang mga luhang awtomatikong kumawala mula sa mga mata ng mga ito at pagsisitalon sa tuwa nang mabuksan ang ibinigay niyang regalo na isang maliit, pakuwadrado, at nababalutan ng gift wrapper. Isa iyong pitaka na may laman na sampung libong piso bawat isa. Galing ang mga perang iyon sa personal savings niya.

Sa loob-loob ni Rafael, nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya at may mga napasaya na naman siyang tao.

"Naku, salamat po rito, ser! Malaking tulong 'to para sa mga anak ko!"

Ilan lamang iyon sa natanggap ni Rafael na mga papuri. Itinaas niya nang hanggang balikat ang mga nakabukas na palad na para bang sumusuko. "Wala pong ibang dapat na pasalamatan dito kundi kayo rin."

Ilang saglit ay napalingon siya sa kanyang ina. "And for my monita, ilang linggo ko rin pinag-isipan kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Like what Hannah had said, nasa kanya na rin ang lahat. This person can buy anything in just a split second. But something came up to my mind. Naisip ko, paano kaya kung hindi na lang materyal na bagay ang ibigay ko sa kanya? Paano kaya kung something more than special ang ibibigay ko? I consulted Dad about it at nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinulungan niya akong hanapin ang mahalagang bagay na iyon."

Kusang humakbang ang mga paa ni Rafael palapit sa pinto. Mas lalong nanlamig ang mga kamay niya at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi na rin niya mapigil ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

Pumikit siya nang mariin, saka muling humarap. Nanatili ang mga mata niya sa kanyang ina na hindi na rin maitago ang kuryosidad. "'Ma, you're my monita. At sana mahustuhan mo ang regalo ko sa 'yo."

Pagkasabi niyang iyon ay dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at unti-unting umawang ang pinto. Kaagad na humaplos sa kanya ang papasok na malamig na hangin. At ilang saglit pa, ang tanging narinig na lamang niya ay ang pabulyahaw na iyak ng kanyang ina habang paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ng kanyang kapatid. Hindi na rin napigilan ng ginang ang sarili at dali-dali itong tumakbo palapit kay Eris, na nakatayo na sa kanyang tabi.

###

Please subscribe to my YouTube channel through this link:

https://youtu.be/8NoLhAl2z2I


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login