NAKABUKAS ang flat screen TV sa may sala ng mansio. Pero hindi sa nakaereng news channel nakatuon ang nakapaningkit na mga mata ni Rafael. At kulang na lamang ay mangalay ang leeg niya sa halod limang minutong paglingon sa kanyang likuran matingnan lang si Hannah na nasa kusina. Kahit na alam niyang pagod ito sa pagtulong sa pagluto ng handa nila sa pasko, pansin pa rin niya ang malawak na ngiti sa mga labi nito.
Pero hindi iyon ang rason niya kung bakit niya ito tinitingnan. Wala sa intensyon niya na pakialaman ang buhay ni Hannah o sa mga desisyon nito pero napapadalas ang pagbisita nito sa Makati City Police District. At ang ipinagtataka niya, lagi nitong kausap si Naoimi. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa at hindi hinahayaan ni Naoimi na makalapit siya o ng sino mang kasama sa team niya.
Kung may problema si Hannah, bakit hindi nito iyon sabihin sa kanya? Magkasama sila sa iisang bubong. Pulis din siya. Aminin man niya o hindi, may nararamdaman siyang lungkot. Pinagkakatiwalaan niya ito pero hindi nito magawa iyon sa kanya.
"Sir, may kailangan po ba kayo? Gusto po ninyo ng maiinom?" Napaubo nang bahagya si Rafael nang makitang nakatingin na pala si Hannah sa kanya.
Tumaas nang bahagya ang isan kilay ni Rafael at umaangat ang isang sulok ng mga labi niya sa isang ngisi. "Wala naman," tipid na sabi niya, saka kaagad na ibinaling ang atensyon sa telebisyon.
"Hannah," rinig niyang tanong ni Elena kay Hannah. "May ginagawa ka pa ba riyan?"
"Mmm... Patapos na po ako, Nana 'Lena. Bakit po? May ipapagawa po ba kayo?" Isa sa mga dahilan kung bakit magaan ang loob ni Rafael kay Hannah ay dahil sa maganda nitong personalidad. Mula sa kung paano magsalita ang dalaga, sa kung paano ito kumilos, sa pananamit, at pag-uugali, alam niyang totoo ang lahat ng mga iyon.
"Nagkulang tayo ng rekado sa isang putahe. Puwede bang sumaglit ka sa palengke?"
"Wala pong problema. Pakilista na lang po ang mga bibilhin ko." Napalingon ang ulo ni Rafael sa kanyang kaliwa nang mapahinto sa pagsasalita si Hannah. "Oo nga po pala, Nana 'Lena. Hindi po ba't may pinuntahan sina Sir Alex at Kuya Baldo? Wala pong maghahatid sa 'kin papuntang palengke."
Napakunot ang noo ni Rafael at tuluyang nilingon si Hannah. "Saan sila pumunta? Business meeting at Christmas, eh?"
"Hindi po yata, Sir Rafael," sagot ni Hannah habang nagbabalat ng panghuling patatas sa isang container. Hindi nito alintana ang pagod at mas lalo pang binilisan iyon. Nababahala si Rafael na baka masugat ang kamay nito pero wala siyang lakas na sabihin iyon. Baka marinig iyon ni Elena at sabihan na naman siyang may pagtingin siya kay Hannah. "Hindi ko po alam kung saan po sila pumunta pero napansin kong parang nagmamadali sila. Pero narinig ko po ang pangalan ng tinatawagan niya kanina. Jersson? Iyon po yata iyon. Hindi ako sigurado."
Nakapaningkit ang mga matang napatingin sa malayo si Rafael. Naisip niya, kung may importanteng pag-uusapan ang kanyang ama at ng private investigator na iyon, bakit hindi siya sinabihan ng kanyang ama? Doon sana siya dumiretso pagkatapos ng trabaho niya at hindi sa mansion. Pero mukhang alam niya kung saan nagtungo ang mga ito.
"Hannah, kunin mo ang listahan kay 'Nay Elena and wait 'til I come back. Ako na ang maghahatid sa 'yo," mando niya, saka pinindot ang off button sa remote ng TV at dali-daling umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kuwarto.
Wala pang sampung minuto nang muling bumalik sa sala si Rafael na suot ang simpleng itim na T-shirt, pantalon, at sneakers. He let his fingers ran to his hair like pirates travelling across the dark and wide ocean of sorrow and impurity at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kinaroroonan ni Hannah.
Palabas na ito sa kusina at palapit na sa kanya. May nakasakbit na malaking eco bag sa balikat nito at hawak ng isang kamay ang isang maliit na pitaka. "Sigurado po ba kayong okay lang na ihatid n'yo ako, Sir?" nananantyang tanong ni Hannah. "Puwede naman po akong mag-commute na lang."
Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at unti-unting inihinga iyon. "If I'll let you go there by your own, it's too dangerous. Talamak ngayon ang mga driver na nanggagantso ng mga pasahero nila. One more thing, I have errands to do downtown."
"Gano'n po ba?" nahihiyang sabi ni Hannah at bahagyang napangiti. "Kayo po ang bahala."
~•~
"DON'T go elsewhere without informing me first. Is that clear? Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo." Isinara ni Rafael ang pinto sa may passenger's seat ng kanyang Porsche matapos makalabas doon ni Hannah.
Nakahinto ang sasakyan niya sa tapat ng isang supermaket. At kahit na bisperas na ng Pasko ay may nakikita pa rin si Rafael na mga last-hour shoppers. Ang ilan naman ay kumakain sa mga restaurants sa paligid, kasama ang mga mahal sa buhay. Maaliwalas ang madilim na kalangitan kaya maayos ang naging pag-usad ng mga sasakyan sa kahabaan ng kalye.
Hinarap ni Rafael si Hannah. "You have my number, right?"
Napatango si Hannah. "Opo, Sir."
"Good." Pumunta si Rafael sa kabilang bahagi ng kanyang sasakyan. Ipinahinga niya ang kanang kamay sa bubong niyon at muling tiningnan si Hannah. "If you're done buying those stuffs, tawagan mo ako kaagad para masundo kita. May pupuntahan lang ako saglit. Pero 'di bale, nandyan lang naman ako sa malapit. You get it?"
Kumurba sa isang inosenteng ngiti ang mga labi ni Hannah. "Mas malinaw pa po sa buwan, Sir," sagot nito at hinawi pagilid ang ilang takas na buhok nang humangin nang bahagya. Mag-ingat po kayo lagi, Sir Rafael.
"Don't worry about me, but still, thank you." Hindi maiwasan ni Rafael na mapangiti. "Let me leave you a short word before I'll go. You're holding a big amount of money. Huwag kang makipag-usap sa kung sino-sino lang lalo na kapag iba ang pakiramdam mo. Stay vigilant as much as possible."
"Huwag po kayong mag-alala, Sir. Gagawin ko po ang lahat ng sinabi n'yo." Kampante si Rafael sa sagot na iyon ni Hannah.
Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina niyon. Nahagip ng mga mata niya ang pag-atras ni Hannah upang bigyan ng daan ang sasakyan. Ilang saglit pa ay pinatakbo niya iyon pa-norte.
Inabot siya ng humigit-kumulang labinlimang minuto bago tuluyang makapunta sa lugar na iyon. Punuan na ang parking lot sa labas ng restaurant na iyon pero masuwerte siya at may isang sasakyang papaalis na. Nagmamadali ngunit maingat na ipinarada niya ang Porsche sa pangatlo sa dulo ng bandang kanan ng main entrance ng gusali at nagmamadali siyang pumasok.
Inilinga niya ang paningin sa paligid na puno ng mga kumakain, but there was no sign of his dad. Iyon ang restaurant kung saan ipinakilala ni Alexandrei sa kanya si Private Investigator Jersson Nuñez. At doon sila madalas na magkita kapag may bago itong update patungkol sa kapatid niya, pero nagtataka siya at wala ang mga ito roon.
Napahawak siya sa baywang at kaagad na hinanap ng kanang kamay niya ang kanyang batok. Napahinga nang malalim si Rafael kasabay ng pagpikit nang mariin ng mga mata.
Napamulat siya ng mga mata nang maramdaman ang walang tigil na pagba-vibrate ng cell phone niya sa bulsa ng pantalon. Nagkamali siya sa hinalang si Hannah ang nagpadala ng text message sa kanya. Nangunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng Papa niya sa screen ng kanyang cell phone.
"Thumb's up?" wala sa sariling tanong niya. Kaagad na pinindot ang call button upang tawagan ang kanyang ama pero hindi nito iyon sinasagot. Pinadalhan din niya ito ng text message at tinatanong niya kung nasaan ito pero walang reply na dumating.
Ilang saglit pa ay tuluyan na siyang lumabas ng gusali. At bago pa man siya mapaandar ang kanyang sasakyan ay muling nag-vibrate ang cell phone niya. Pero sa pagkakataong iyon, si Hannah ang nagpadala ng mensahe.
"I'm on my way now." Pinindot niya ang send button. Hindi na niya hinintay na maipadala iyon. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at saka umalis pabalik sa supermarket na pinagdalhan niya kay Hannah.
~•~
UMALINGAWNGAW ang masayang tawanan sa mansion lalo na nang mapilit ng mga kasambahay na kumanta si Elena sa videokeng inihanda niya para sa kasiyahan, habang hinihintay na sumapit ang pagsalubong ng Pasko. Hindi iyon ang unang beses na narinig niya itong kumanta. Bata pa lamang siya noon nang ipamalas nito ang galing sa pagkanta at hanga siya sa matanda dahil hindi pa rin nawawala ang talento nito.
Gumuhit ang isang malawak na ngiti sa mga labi ni Rafael nang dumapo ang tingin niya kay Agnes, na prenteng nakaupo sa kanyang tabi. Nakayakap ito sa kanya na para bang ayaw siyang pakawalan. At ang labis na ipinagpapasalamat niya, kahit papaano ay nakangiti ang kanyang ina at panaka-naka pang napapakanta.
Pero sa kabila ng mga ngiting iyon ay hindi maitatago ng mga mata nito ang kalungkutan. Pansin niya ang panunubig ng mga mata nito. Hindi man sabihin sa kanya ng ina ang iniisip nito, alam niya kung ano iyon.
"How I wish Eris is here too." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Agnes sa kanya at ibinaon nito ang mukha sa kanyang kaliwang braso.
Huminga siya nang malalim at pilit na linabanan ang kalungkutan na sakupin ang emosyon niya. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag sa bisperas ng Pasko ay hindi kumpleto ang pamilya? Lalong-lalo na sa kanyang kapatid.
Wala siyang ideya kung ano na ang nangyayari kay Eris. Ni hindi nga niya alam kung saan ito naroroon. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa comndominium unit na iyon pero ang laging sagot sa kanya ng mga nasa front desk ay hindi pa rin bumabalik ang kapatid niya.
Mabuti at binigyan siya ng permiso ng management ng gusali na pasukin ang kuwarto ni Eris. Maliban sa mga dating furnitures ng unit na iyon ay wala siyang makitang gamit nito. Tiningnan din niya ang closet nito pero ilang piraso lamang ng damit, pantalon, at sapatos ang naroon. Naroon din ang hand carry bag na kinuha nito bago tuluyang nilisan ang mansion.
Maraming tanong ang pilit na gumugulo sa isip niya. Pero kahit na ganoon, umaasa siya na nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya. Umaasa rin siya na mahanap na ito ng imbestigador alang-alang sa kanyang ina.
Marahang hinaplos ni Rafael ang likod ng kanyang ina. Sa kabila niyon ay hindi pa rin humihinto ang kasiyahan ng mansion. Ibang kasambahay na ang kasalukuyang kumakanta at halos maputol ang mga litid ng mga kasamahan nito sa malalang kasiyahan dahil sa sintunado nitong boses.
Ilang saglit pa ay napadungaw siya sa isa sa mga glass windows nang mahagip ng mga mata niya ang tila manilaw-nilaw na ilaw na tumatagos doon. Palapit iyon nang palapit hanggang sa tuluyang maglaho. Nasisiguro niyang sakay niyon ang kanyang ama. Kahit na malakas ang tunog ng videoke, narinig ni Rafael ang sunod-sunod na busina ng sasakyan.
"Sandali lang po, 'Ma," halos pabulong na sabi ni Rafael, saka maingat na kumawala sa pagkakayakap ni Agnes sa kanya. Tinanong siya nito kung saan siya pupunta. Tiningnan niya ito sa mga mata. "I'll be back in a minute. Kakausapin ko lang po si Papa."
Mabuti at naintindihan naman iyon ng kanyang ina. Dali-dali siyang pumunta sa may garahe ng mansyon at naabutan niya roon ang kanyang ama na inaayos ang kuwelyo ng suot nitong long sleeve.
"'Pa," salubong niya rito. Pero natigil siya sa paglalakad nang may maaninag siya na kung ano sa may back seat ng sasakyan. Nakabukas nang bahagya ang tinted na bintana niyon kaya nakikita niya ang isang taong prenteng nakaupo roon. Nakatalukbong sa ulo nito ang hood ng suot na jacket at nakatungo ito kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Pero may nararamdaman siyang kakaiba sa lalaking iyon. Hindi niya maipaliwanag. Hindi niya alam kung bakit tumitibok nang mabilis ang kanyang puso at halos kilabutan siya.
Napalunok si Rafael at walang muwang na napatingin siya kay Alexandrei. Napaturo siya sa lalaki pero nanatili ang tingin niya sa kanyang ama na nakangiti nang tipid. "'Pa, is that him?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Gusto niyang mapasigaw sa mga oras na iyon nang tumango ang kanyang ama pero pinigilan siya nito. "Rafael, gusto kong sorpresahin ang Mama mo. Will you help me?"
###
Please subscribe to my YouTube channel through this link: https://youtu.be/8NoLhAl2z2I