HALOS isa at kalahating buwan na ang lumipas mula nang mangyari sa mga magulang niya ang insidenteng iyon. Ilang beses niyang pinakiusapan ang kanyang tiyuhin na bigyan siya nito ng permiso upang siyang tumutok sa kasong iyon pero sa hindi inaasahan ni Rafael, muli na namang umapela si Officer Naoimi.
"Chief, ang sa akin lang, e, pakinggan ninyo ang sinasabi ko. Sakop ng hawak kong kaso ang nangyari sa mga Del Vista! Ibig sabihin, sa akin ang kaso." Nakakunot at matalim ang mga matang napatingin kay Rafael ang babaeng pulis. Pero saglit lang iyon at muli nitong nilingon ang hepe. "At hindi po siya dapat na makialam dito."
Lihim na napailing si Rafael. "How can you say that? Do you have proofs that the crime was connected to the Alphas?"
"Ako pa talaga ang tinanong mo, Mr. Del Vista?" Nakataas ang isang kilay na tiningnan siya nito. "E, alam mo namang sigurista akong tao? Hangga't maaari ayaw ko ng paligoy-ligoy pa. Sayang sa oras!"
"Tama na 'yan," sita ng hepe. "Officer Patrimonio, naiintindihan ko ang ipinupunto mo at aminado akong tama ka roon. Tama ang lahat ng sinabi mo. Pero ilang buwan na pero puro hinuha na lamang ang dumadating na report sa akin."
"Chief, hindi po ba't mas mabuti iyon kesa naman pumalpak kami? Hindi tulad ng iba diyan."
Nag-igting ang panga ni Rafael at naikuyom niya ang kamao sa loob ng bulsa ng pang-ibaba. "Naoimi, why can't you get over with that?" magalang pa rin niyang tanong kahit na pinipigilan niya ang sariling makagawa ng bagay na hindi niya gusto.
Sa dami ng iniisip ni Rafael nitong nagdaang mga linggo ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Hindi pa rin niya alam kung saan pumunta si Eris. Wala siyang contact rito. Si Patrick lang ang alam niyang kaibigan nito dahil hindi na nakakapagkuwento sa kanya ang kapatid hindi tulad noon. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ng team ni Naoimi ang kinaroroonan nito. At magpahanggang ngayon, wala siyang naririnig na balita patungkol sa kung ano na ang balita sa mga Alphas.
Araw-araw ay tinatanong siya ni Agnes kung nasaan na ang kapatid niya. Sa tuwing nakikita niyang umiiyak sa takot ang kanyang ina, pakiramdam niya ay ang puso niya ang nadudurog. Masaya siya na bumalik na kahit papaano ay bumalik na sa normal na takbo ang buhay ng kanyang ama. Nakakapasok na ito sa kanilang kompanya. Pero ang kanyang ina, hanggang ngayon ay hindi malimot ang mga pangyayari.
Tulad ng tiyuhin niyang si Rob ay sinabihan siya ng psychiatrist na malaking tulong sa pagbuti ng kanyang ina kung ibigay nila ang lagi nitong hinihiling. Ang makasama si Eris.
Sinubukan niyang buksan ang usaping iyon kay Alexandrei nang minsang nagtungo siya sa opisina nito. Tinitigan lang siya nito nang matagal na may kasamang paghinga nang malalim. Pero sa hindi niya inaasahan, nagsimula itong mag-dial ng mga letra sa may search bar ng contacts nito at may tinawagan. Nang matapos ang shift niya sa trabaho, natagpuan na lamang niya ang sarili na nakaupo sa silya ng isang coffee shop, kaharap ang ama na abala sa pagbabasa ng diyaryo.
"'Pa, ano'ng ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong niya rito. "Si Mama?"
Napalingon siya sa paligid. Saan mang banda dumako ang paningin niya ay may mga nakikita siyang Christmas decorations. Nakasuot ng Santa hat ang mga empleyado. May mga Christmas lights at kung ano-ano pang bagay na kinaaaliwan ng mga bata tuwing sasapit ang pasko. May gingerbread cookies sa platong nasa table nila kasama ng umuusok pang black coffee. Ilang saglit pa ay pinalamig ang shop na iyon ng malamig na boses ni Jose Marie Chan habang kumakanta ng Give Love on Christmas Day.
Napatingin siya sa malawak na glass window. Pasado alas-diyes na nang gabi pero sa tulong ng sinag ng buwan at ilaw ng mga establisimiyento sa paligid ay malinaw na nakikta niya ang mga pangyayari sa labas. Napansin niya ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa kalye. Mas doble ang bilang niyon kaysa sa mga normal na araw dahil pasapit na ang Pasko at Biyernes. Dinadagsa ngayon ang mga malls dahil sa sale day. Hindi rin nawala sa paningin niya ang mga taong naglalakad sa may sidewalk at flyover na papunta sa kabilang kalsada kung saan mayroong isang mall.
"Just wait and enjoy your coffee, Rafael," Alexandrei's voice was deep yet calming. Nakatutok pa rin ito sa pagbabasa ng kung ano mang artikulo sa diyaryo. "Huwag kang mag-alala. Siniguro kong nasa maayos siyang kalagayan bago pumunta rito. Pinabantayan ko siya kay Elena."
Napatango siya at muling iginala ang paningin sa paligid. Hindi rin nagtagal ay napansin ni Rafael ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa mid-thirties ang edad. Magaan ang mga paang naglalakad ito papunta sa direksyon ng coffee shop na kinaroroonan nila. Diretso lamang ang tingin nito sa entrance door at napansin niyang parang sumisipol ang lalaki.
Ilang saglit pa ay tumunog ang wind chime sa may pinto at pumasok doon ang lalaki. Nagpalingon-lingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Naisip ni Rafael na baka mayroon itong ka-meeting dahil sa suot nito. He was on his trench coat, slacks, leather boots, long sleeves, bowtie, derby hat, and scarf. A man in black to be exact. May nakasabit ding itim na messenger bag sa kanang balikat nito.
Napansin din niyang parang may iba itong lahi bukod sa pagiging Pilipino. Sa hulma pa lamang ng mukha, sa tangkad na sa tingin niya ay abot hanggang tainga niya, sa tangos ng ilong at sa kulay nitong bahagyang kayumanggi, parang may lahi itong Espanyol.
Naisip ni Rafael, director at mga artista at crew na lang ang kulang at iisipin niyang may shooting ng isang Hollywood action film. Tipong high class na baril ang laman ng bag nito at may balak na babarilin. Sakto, pulis siya. May kakayahan siyang labanan ito kapag nagkataon.
Kaagad na napaiwas ng tingin si Rafael nang makita niyang lumiko papunta sa direksyon nila ang lalaki. Ilang saglit pa ay narinig niya ang tunog ng pagkalansing ng silya sa sahig at umupo roon ang lalaki.
Inilapag ng kanyang ama ang binabasang diyaryo sa pabilog na mesa at seryosong tiningnan siya nito. "Rafael, I want you to meet Jersson Alexis Nuñez."
Napalingon siya sa lalaki. Hindi tulad kanina na hindi mabasa ni Rafael ang mukha nito, ngayon ay nakaangat na ang magkabilang-gilid ng mga labi nito sa isang ngiti. Lumitaw sa mga pisngi nito ang mga malalalim na dimples.
"To formally introduce myself, I'm Jersson Alexis Nuñez," pagpapakilala nito sa sarili. Magaan sa pandinig ang timbre ng boses nito pero rinig pa rin niya ang diin sa bawat salita. "Isa akong private investigator."
"Private investigator?" nagtatakang tanong niya. Nakunot ang noong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga kaharap. "'Pa, ano'ng ibig sabihin nito? What does this meeting all about?"
"Rafael, tinatanong mo ako sa isang bagay, hindi ba?" tanong ni Alexandrei sa kanya. Napatango siya. Ilang saglit pa ay iniangat nito ang kaliwang kamay at itinuro ang imbestigador. "Ito ang sagot ko."
Awtomatikong napakunot ng noo si Rafael. "Sandali lang, 'Pa. I still can't figure it out," naguguluhang tanong niya. "Ano'ng kinalaman ng imbestigador dito? Will you pay him to find Eris? Ganoon po ba?"
Napahugot ng malalim na hininga ang kanyang ama. Ilang saglit pa ay nakangiting napatango si Alexandrei. "You really have a sharp mind, Rafael. Sayang lang at hindi ko mapapakinbangan iyan sa negosyo natin dahil nga... ibang propesyon ang tinahak mo. Pero gusto kong malaman mo na tanggap ko nang maging ganyan ka. Parang negosyo lang iyan. Sumugal ka. It's either you'll lose or win. Pero gusto kong malaman mo na nandito lang kami ng Mama mo."
Hindi alam ni Rafael kung ngingiti ba siya sa mga sinabing iyon ng kanyang ama o hindi kaya ay maiiyak sa tuwa.
"But going back to the agenda, iyon ang plano," pagpapatuloy ng kanyang ama. "I'll find your brother no matter what it takes. Ginagawa ko ito hindi para sa kapatid mo. I'm doing this for your mother."
Hindi na napigilan ni Rafael ang mapangiti nang walang pagsidlan. Naramdaman din niya ang unti-unting paghapdi ng mga mata niya pero pinigil niyang tumulo ang mga iyon. Lumulundag sa tuwa ang puso niya dahil nagkatotoo na ang matagal na niyang hinihiling. Ang matanggap ulit ni Alexandrei si Eris.
Huminga nang malalim si Rafael at lakas-loob na nagsalita. Hindi siya magpapatalo. "Our task is over. Puwede na kaming humawak ng panibagong kaso, right, Chief?"
"Pasintabi po, Chief, pero bangag ka ba, Rafael? Ha?!" Mula nang mapasok silang dalawa ni Naoimi sa MCPD, iyon ang unang beses na tinawag nito ang pangalan niya. Pero iba ang dating niyon sa mga tainga niya. Hindi siya kumportable. Para bang hinahamon siya nito. "O, sadyang matigas lang talaga ang pang-unawa mo? Hindi pa ba sapat ang mga ebidensyang 'to para sabihing konektado ang lahat? Na sa akin ang kasong 'to? Akin lang ang kasong ito!"
"You're so selfish and self-centered, you know that?" Parang may kung anong bagay ang sumuntok sa dibdib ni Rafael at parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi niyang iyon. Pero huli na ang lahat. Naningkit ang mga mata ni Naoimi nang tingnan niya ito at nagtatagis ang mga panga. Malalalim din ang naging paghinga nito na para bang kinakapos ng hininga.
"Namemersonal ka ba, huh? Mr. Del Vista?" Nagsalubong ang mga kilay ni Naoimi at matalim ang mga matang tiningnan siya nito. "Huwag mong sabihin sa akin iyan dahil hindi mo ako kilala!"
'Gulat na napalingon silang dalawa sa hepe nang ibagsak nito sa mesa ang makapal na mga dokumento. Gumawa iyon ng malakas na ingay at halos matililing ang mga tainga nila.
"Sa pagkakaalam ko, iisa lang naman ang layunin ninyong dalawa, hindi ba?" Pumailanglang sa ere ang maawtoridad na boses ng hepe. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Pero ilang saglit pa ay huminto kay Rafael ang matalim na mga titig ng tiyuhin niyang si Rob. "Hindi ba? Sumagot kayo."
Nahagip ng isang sulok ng mga mata ni Rafael ang pagtango ni Naoimi. "Opo, Chief," rinig niyang sabi nito. Napahinga siya nang malalim at wala sa sariling napatango.
"Kung ganoon naman pala, ano itong pagtatalo na nakikita ko? Hindi na kayo mga bata! Mga pulis kayo! Pero sa nakikita ko, mas disiplinado pa yata ang mga alagang hayop kasya sa mga naturingang tao na tulad ninyo!"
Natutop ang mga labi nilang dalawa.
"Kung nag-isip na lang kayo ng solusyon kaysa magbangayan, sana may napala pa kayo!" pagpapatuloy ng hepe. "Pareho kayong may pagkukulang. Bakit hindi na lang kayo magtulungan? Nang sa gayon, mas mapapabilis ang usad ng kaso! Pero nasa sa inyo na iyon. Hindi ko kayo pipilitin. Pag-isipan ninyong mabuti iyon. Basta ang sa akin lang, malutas na ang kaso sa lalong madaling panahon. Kung wala nang problema, bukas ang pinto. Makakaalis na kayo."