Download App
20% The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 2: ADVENTURE #2: "Libro"

Chapter 2: ADVENTURE #2: "Libro"

Daphne's Pov

Uwian na pero pinipilit ko parin si Chiyeon na sabihin kung saan niya nabasa ang about sa Llazurepath na'yon. Ewan ko pero feel kong magbasa ng mga nakaka-curious na bagay sa mundo!

"Grabe ka naman, sasabihin mo lang naman eh. Ayaw mo pa" Pagrereklamo effort ko. Drama ko lang yun dahil alam kong hindi ako matitiis ni Chiyeon

"Ano ka ba Daph? Sinabi ko na ngang hindi ko na alam" Paliwanag nito habang nagliligpit ng gamit sa bag

"Please Chi, wala namang masama kung babasahin ko yun diba? Tsaka sabi mo, magbasa-basa kami paminsan-minsan. Kaya please sabihin mo na para mabasa ko na" Effort ko pa. Naglabas naman siya ng isang malalim na paghinga

"Sa World Unknown Book, page 361-367" Sagot naman niya

"Thank you!" Sabi ko at agad na umalis para pumunta sa library

"Uuy! T-teka!" Sabi ni Chiyeon

Ti-next ko agad sina Shelton, Cris at Miko para sumunod sa library. Pumasok ako sa maliit na bintana at saka binuksan ang ilaw

Hinanap ko ang libro sa bawat madaanan ko. Mag-a-anim na minuto kong hinanap iyon

"Andito ka lang pala!" Sabi ko at kinuha ang libro

Pagkalapag ko ng libro ay saktong pagdating naman ng apat. Sumunod talaga si Chiyeon hahahahaha!!

"Dali buklatin mo na" Sabi ni Shelton at inunahan ako sa libro

"Page 361-367 kasi" Sabi ko kaya agad niya itong nilipat

"Saan dito? Eh puro naman mga planeta to ah?" Reklamo ko

"Ha? Paano ng?...." Kahit si Chiyeon ay hindi rin mahanap

"Wala naman pala eh!" Reklamo ni Shelton saka umalis

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Cris

"Aalis malamang! Wala naman yung sinasabi niyong-----Arrgghh! Aray!" Daing niya at bumagsak sa sahig nang may bumagsak sa kanya na makalumang libro

"Ang bilis ng karma" Sabi ni Miko nang makalapit kami kay Shelton

"Aray! Ang sakit naman!" Daing ni Shelton

"Teka" Singit ni Chiyeon at tumayo upang kunin ang makalumang libro

"Ang luma naman" Sabi ni Miko

Inilapag ni Chiyeon ang makalumang libro sa mesa at binuksan ito. Pagkabukas niya ay nasilawan kami dahil sa napakaliwanag na ilaw sa pahina nito

"Ano ba yan! Nakakasilaw!" Sigaw ni Miko

"Anong nangyayari? Bakit may liwanag?" Tanong ni Cris pero walang nakasagot ni isa samin

"Hoy! May Tao!" rinig naming sabi ng guard sa labas. Sinara agad ni Chiyeon ang libro at nilagay sa bag niya

"Dali! Bilis Takbo!" Sabi naman ni Cris at binuksan ang maliit na bintana. Lumabas kami isa-isa

"Hay salamat!" Sabi ko nang makalabas kami, pero may dumating pang anim na gwardiya at pinalibutan kami

"Okay, paktay na tayo" Sabi ni Miko

~~~

Pinaupo kami sa sahig at tinanong kung anong ginagawa namin sa loob ng library. Sabi namin nagbabasa pero hindi naniwala

"Eh bakit kayo nasa loob? Nagnanakaw kayo no?" Tanong ng gwardiya

"Hindi nga kami nagnanakaw kuya ha! Nagbabasa nga lang kami" Paliwanag ko

"Psst, kayo tingnan niyo yung mga bag nila, baka may nanakaw sa library" Sabi naman ng isang guard saka sila sumunod

Habang kinakalikot at tinatanggal nila ang mga laman sa bag namin, di namin maiwasang kabahan at magkalabitan dahil baka makita ang libro sa bag ni Chiyeon

"Ano'to?" Tanong ng isang guard hawak ang isang pitaka

"Akin yan, may pera yang bente baka kunin mo pa" Sabi naman ni Shelton

"Sigurado kayong wala kayong kinuha sa library?" Tanong uli ng makulit na guard

"Kuya ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming kinukuha sa library. Paulit-ulit?" Sabi ko

"O sige makakauwi na kayo, kapag nakita ko pa kayong pagala-gala dito sa school, ire-report ko na kayo sa principal" Banta niya at sumang-ayon naman kami

Pagkalabas namin ng school ay agad kaming nagtanungan sa isa't isa kung bakit walang lumabas na libro sa bag ni Chiyeon

"Baka blessed lang talaga tayo" Sabi ni Cris

"Baka minumulto naman tayo" Dugtong naman ni Miko

"Basta ang importante, hindi nakita tong libro" Sabi ni Chiyeon habang hawak-hawak ang makalumang libro

"Bukas nalang natin basahin kung anong nakalagay jan" Sabi ko

"Oo, doon tayo sa bahay namin at para malaman rin ni Lolo" Sagot ni Shelton


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login