Download App
89.28% Will you be able to say? / Chapter 25: SAY IT 23 : What lies beyond

Chapter 25: SAY IT 23 : What lies beyond

SAY IT 23 : What lies beyond

RAY

DING! DONG!

Kinakabahan at pinagpapawisan, 'yan ang nararamdaman ko once na pindutin ang doorbell sa bahay nila Wendy.

Nang bumukas ang pinto, binati kaming tatlo ng matamis na ngiti ni Tita Michelle ang Mommy ni Wendy.

"Hi Ray, long time no see. Napabisita ka 'yata?"

ngiting wika niya.

"Hi Tita, matanong ko lang po. Nandyan po ba si Wendy?"

"Hay naku kanina pa umalis ni hindi man lang sinabi kung saan pupunta. Ang bata talaga na 'yon napakapasaway."

My whole world seemed to stop for a bit. Umalis? saan naman siya pupunta?

"May idea po ba kayo kung saan siya pumunta?" tanong ko pa ulit. This is not good, kung walang nakakaalam kung saan si Wendy delikado talaga ito.

"Wala e pasensya ka na, may pinagusapan ba kayo ngayon?"

"Wala naman po, gusto ko lang sana malaman kung maayos na ba ang lagay niya dahil nasabi sa akin ni Lori na may sakit daw siya." pagsisinungaling ko. I'm sorry Tita.

"Ganoon ba? oo nilagnat siya noong biyernes pero gumaling naman kaagad. Maayos na siya kaya nga nakaalis."

"Okay po, thank you Tita."

Paalis na sana kaming tatlo ng bigla siyang humirit.

"Aalis na kayo agad? hindi man lang ba kayo papasok sa loob sakto may kakatapos ko lang magluto ng pananghalian." yaya niya.

"Salamat na lang po Tita pero marami pa po kaming gagawin sa school." magalang na wika ni Glenn.

"Aba ganoon ba? o siya sige mag-ingat kayo. Tatawagan na lang kita Ray kapag nakauwi na siya."

"Opo."

Nang makaalis na kaming tatlo saka naging seryoso ang awra ng bawat isa. Nagsimula na si Klein mag-drive habang tahimik ang lahat. Nabasag lang ito nang biglang magsalita si Glenn.

"I think there's something wrong." wika niya.

I nodded my head saka tinignan ang number ni Wendy sa cellphone ko.

"I think so too, there's something wrong about that woman." wika naman ni Klein habang nakatuon ang pansin sa kalsada.

"Napansin niyo 'rin pala." komento ko saka pinatay ang cellphone at inilagay sa bulsa.

"She's stiff and pilit ang ngiti na ibinigay niya sa atin." ani Klein.

"Right? it looks like she's nervous about something." ani Glenn.

Oo nga, base sa galaw at kilos ni Tita kanina para siyang may tinatago na something sa amin nang makita niya kaming tatlo. Is she hiding Wendy inside the house? or there's even more?

"We should have go inside para malaman kung may tinatago ba siya." wika ko saka napatingin sa labas ng kotse.

Wendy, what are you doing?

"There's no need for that dahil may expert na man na makakatulong sa atin." Klein said confidently. He's probably talking about Lloyd the mad scientist.

Mahaba ang biyahe kaya naman naisipan ko na munang maidlip para kahit papaano ay mawala muna sa isip ko ang problemang kinakaharap ngayon.

"Sofia? anong ginagawa mo dito?"  tanong ng isang batang lalaki na hindi mawari ang mukha.

"Nandoon na naman kasi ang kakambal ko, ayaw ko siyang makita." naiinis na wika ng batang babae na padabog maglaro sa may sand box.

Tanging silang dalawa lang ang naroon ngayon.

"Bakit ka galit sa kakambal mo?"

"Hindi ako galit. Siya ang galit sa akin, ayaw niya daw ako makita kahit na kailan kaya naman sa tuwing nasa bahay siya lumalabas ako para hindi kami magkita."

"Bakit naman siya magagalit sa'yo?"

"Hindi ko alam. Nagsisisi yata siya na kakambal niya ako."

Nagsimulang mag-ipon ang mga luha sa mata ng batang babae, pilit niyang pinipigilan ang pagbagsak nito dahil sa kinikimkim na nararamdaman.

"Kung ikaw ang tatanungin, ayaw mo ba sa kaniya?" nagulat ang batang babae sa tanong ng batang lalaki.

Iniling niya ang ulo saka patuloy lang sa paglalaro.

"Gusto ko siya, siya lang naman ang may ayaw sa akin bilang kakambal niya. Lahat ginawa ko para magustuhan niya pero..."

Isang patak ng luha ang lumabas sa kaniyang mga mata kasunod ng mga hikbi.

"Sofia! bakit ka umiiyak?" alalang tanong ng batang lalaki at agad na lumapit sa umiiyak na bata.

"H-Hindi ko alam..." wika niya.

Mahigpit siyang niyakap ng batang lalaki saka ito sinibukan patahanin.

"Tahan na, huwag ka na umiyak dahil hindi bagay sa'yo. Ang mga magandang babae na kagaya mo ay hindi dapat umiiyak, ang dapat sa into ay araw-araw pinapasaya at pinapangiti. Yan ang sabi sa'kin ng Mommy ko." ngiting wika ng lalaki habang patuloy lang sa pagpapatahan sa batang babae.

Lumuwag ang pakiramdam niya ng tumigil na ito.

"Ngiti na ulit, huwag mo na isipin pa 'yon. Mahal ka ng kakambal mo, 'yan lang ang isipin mo."

"Pero paano?"

"Gayahin mo ako, wala na ang dapat na kakambal ko kaya naman noong una ay malungkot ako pero inisip ko ng inisip na kahit wala na siya. Mahal niya pa 'rin ako kung nasaan man siya."

Nagulat ang batang babae sa sinabi nito, hindi niya alam ang tungkol 'don. At sa totoo nga lang ay hindi niya kilala ang batang lalaki na ito. Palagi niya itong nakikita sa malapit sa bahay nila pero ito pa lang ang unang beses na nakausap niya ito.

Tumayo siya saka niyakap ang batang lalaki dahilan para biglang mamula ang mukha nito.

"Sorry, hindi ko alam na wala na pala ang kakambal mo." paghingi niya ng tawad.

Mapaklang ngumiti ang batang lalaki saka hinimas ang ulo nito.

"Hindi mo na kailangan, wala ka namang kasalanan sa nangyari." wika niya.

Bumitaw si Sofia sa pagkakayakap saka tinignan ang lalaki sa mga mata.

"Alam mo ang pangalan ko pero hindi ko alam kung ano ang sa'yo." aniya.

"Tawagin mo na lang akong ____,"

"Okay, ____ gusto mo ba na maglaro tayo?"

"Sige ba!"

"Ray wake up, nandito na tayo."

"Huh?"

"We're here kaya naman tumayo ka na dyan." wika ni Klein saka sumandal sa pintuan ng kotse niya, halatang hinihintay ako.

I sat up saka inayos ang mukha at buhok ko, baka hindi na kasi ako mukhang tao sa lagay ko.

"Where's Glenn?"

"Nauna na sa loob para kausapin si Lloyd, let's go."

Nang pumasok kami sa loob, wala man lang nangyaring pagbabago sa loob ng mansyon ni Lloyd.

"Glenn mentioned me na dinala ka daw niya dito noon." panimula ni Klein habang tinitignan din ang kapaligiran ng mansyon.

"Yeah, he brought me here. May kinuha siyang information 'kay Lloyd saka umalis din." sagot ko habang inaalala ang nangyari.

"Nag-away kayo diba? what's the reason of your fight with him?"

Oh, it's about Sofia pero hindi ko 'yon pwedeng sabihin sa kaniya.

"Hindi ba nasabi niya na sa'yo yan?"

"Yep, but I want to hear it from you."

"I don't want to."

"Okay."

Nang marating namin ang kwarto kung saan ako dinala ni Glenn noon, nandoon ang dalawa na seryosong nag-uusap.

"Kuya Nash," tawag ni Glenn sa kapatid saka may ibinulong dito. Klein simply nodded saka kami lumapit 'kay Lloyd na mabilis tinitipa ang computer niya.

"Ano ng balita?"

"Unfortunately, hindi ko makita kung nasaan ngayon ang kaibigan niyo. Wala siyang dalang kahit anong device na puwede ko i-hack para malaman kung nasaan siya." wika ni Lloyd.

"Then do something else, mag-hack ng satellite or something. Kailangan malaman natin kung nasaan si Wendy." seryosong wika ko dito. He looks at me for a second saka hinarap muli ang monitor.

"I'll try."

"Thank you, Lloyd. I know I can trust you."

"You're mistaken Ray, I'm still doing my job as an information broker at babayaran niyo pa rin ako. Hindi ko 'to ginagawa para tulungan ka maghanap ng isang nawawalang kaibigan." he said.

"I know. But still, thank you." ngiting wika ko kahit na hindi siya sa'kin nakatingin.

"Let's leave him alone for a while." wika ni Glenn while dragging me and Klein palabas sa kwartong 'yon.

Nag-stay muna kami sa sala habang may kanya-kanyang mundo. Naiwan ako dito mag-isa habang nasa balcony naman ang kambal. I wonder kung anong pinag-uusapan nila. Ano kaya ang binulong ni Glenn kanina 'kay Klein?

"Sorry for the wait." wika ng dalawa nang makabalik na sila.

Naupo ang dalawa sa sofa na nasa harapan ko.

"We decided to stay for the night para tulungan si Lloyd sa paghahanap. You can go home para makapagpahinga at makapag isip pa." wika ni Klein habang seryosong nakatingin sa'kin.

"Pumayag si Lloyd na mag-stay kayo dito?"

Glenn nods saka sumandal sa sofa.

"Noong una hindi but syempre nagawan naman namin ng paraan para payagan niya kami." ani to.

"Don't tell me may bayad din ang pag-stay niyo dito."

"Well, It can't be helped." pag-iikbit balikat niya.

Napag-krus ko ang kamay saka 'don saka naipikit ang mga mata dahil sa stress.

"Wendy, where are you?"

•  •  •

"Aircon? where are you?" bulag 'kong inihawi-hawi ang kamay para hanapin ang misteryosong lalaki.

He held my left hand saka 'yon idinapo sa dibdib niya. Where I can felt his normal heartbeat.

"I'm here, sorry gumamit lang ako ng restroom. What do you want?" wika niya, ramdam ko ang pag-upo niya sa may tabi ko saka ako inakbayan.

"I want to see you.." I almost whispered.

"You can't, with all those bandages na nakapalibot ngayon sa mata't ulo mo."

"I know, but someday.. I want to see you again para naman makita ko na talaga kung anong klaseng itsura ang mayroon ka." nakangiting wika ko. He chuckled saka kinuha muli ang kamay ko at ipinag-krus ang mga daliri namin.

Which immediately makes my blood go through my face.

"Fine. Susubukan kitang hanapin pero kapag nahanap na kita, hindi ako magpapakilala as Aircon. Okay ba 'yon?"

"I don't know, paano ko naman kasi malalaman kung ikaw nga si Aircon o hindi.." nanghihinayang 'kong wika.

"It's easy, just feel it. Kung anong nararamdaman mo everytime na kasama mo ako, mararamdaman mo 'yon ulit kapag nakasama mo ako without me telling the fact that I'm Aircon."

I simply nodded my head saka isinandal ang ulo sa balikat niya, ramdam ko na matangkad talaga nga itong si Aircon.

"Well now, enough with that. Sigurado naman ako na magkikita pa rin tayo in the future." sabay higpit sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Paano mo naman nasasabi?"

"I'm 100% sure we will meet each other again in the near future. At kapag nangyari 'yon, hindi na ako aalis ulit sa tabi mo."

"Sana.. mangyari ang sinasabi mo." saka ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Gamit ang kanina niyang braso na naka akbay sa'kin, I felt him patted my head.

"Don't worry, Ray. I'll make sure it will happen." he whispered right beside my bandaged ear that sends shiver down my spine. Seryoso ang boses niya.

•   •   •

NILE GLENN

We watched Ray as she slowly fell asleep on the sofa. Kanina lang ay nilagyan ni Kuya Nash ng gamot ang binigay nitong tubig sa kaniya at tumatalab na ito. She needs to take a rest lalo na't siya ang pinaka nahihirapan sa nangyayari ngayon.

Inilipat siya ni Kuya Nash sa isa sa mga guest room na mayroon si Lloyd para doon maayos na makapag pahinga.

Kaming dalawa naman ni Kuya Nash ay dumiretso sa kwarto kung nasaan si Lloyd.

Pagkabukas pa lang namin ng pinto ay humirit agad ito.

"Sana pagalitan niya kayo kapag nalaman niya ang ginawa niyo... for the second time." pangasar talaga ang mad scientist na 'to.

"Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong." banta ni Kuya Nash.

"I can't assure you two."

"Enough of that, walang sino ang magsasabi. Lloyd, ano na ang nakita mo?" saway ko sa dalawa saka lumapit 'kay Lloyd at tinignan ang monitor ng computer niya.

Sumandal ito sa upuan niya as he clicked something. It was an CCTV photo kung saan makikita si Lili na nakatayo sa may tabi ng stop light at maayos na nakabihis. Walang sasakyan ang dumadaan at hindi 'rin mukhang matao ang lugar.

"Yan ang huling kuha ng CCTV na nakahagip sa kaniya. Around 9 am ang oras." wika nito saka may kinuhang lollipop sa bulsa at nginata 'yon.

"I know that place.." komento ni Kuya Nash saka mainging tinignan ang picture.

"Yeah, I'm sure nakita ko na ang lugar na 'yan noon." dagdag niya pa. Rubbing his thumb on his chin na parang pilit inaalala ang lugar.

Nagsimulang magtipa ulit si Lloyd at isang mapa naman ang lumabas sa screen.

"This is the place. Walang gaanong tao ang pumupunta at malapit sa isang lumang orphanage." wika ni Lloyd.

Orphanage?

"Right! orphanage! once na akong pumunta doon. Noong middle school, nadaanan ko ang lugar na 'yan. Umulan ng malakas at hinayaan akong sumilong ng mga taong nagbabantay sa lugar na yan."

"Oh, I see.." tanging komento ni Lloyd na ngayong ibinaling na sa monitor ang atensyon.

"Ngayon ko lang nalaman ang sinabi mo Kuya Nash," wika ko at nag-sorry naman ito.

"Pero.." paninimula niya.

"Bakit naman pupunta si Wendy sa isang orphanage?" taka niya.

I sighed saka lumapit sa kaniya.

"Yan na nga ang gusto ko sanang sabihin kanina. We found something about Lili's true identity, remember noong unang punta ko dito?" he simply nodded.

"May hiningi akong information about a girl named Mary Anne Dela cruz, siya ang student na kumuha sa tracksuit ni Ray. I approached her a long time ago at sinabi niya sa'kin na inutusan lang daw siya. When I asked her kung kilala niya ba kung sino ang nag-utos sa kaniya, she said no. But nagpakilala daw ito as H now this..." pagpuputol ko sa paliwanag saka muling lumapit 'kay Lloyd.

Nakadisplay ngayon sa monitor ang isang file na naglalaman ng information tungkol 'kay Lili, kasama na ng ilang pictures and so forth.

"Lili's real name is not Wendy, her real name

is Haumea Sy at galing siya sa

8th Angel's Orphanage."

"She came from a family na kalaban ng batas. Base on this information, Lili once tried to assault her own family, sabi rin dito na mentally unstable din siya. Kinuha ng Liliya family noong year ****"

"Haumea?"

"After mahuli ang pamilya niya, she was taken to that place at doon nag-stay." Lloyd continued to read the file.

"Ano naman ang gagawin ni Wendy sa orphanage na 'yon?" Kuya Nash thought.

"Paying a visit?"

"No, If her real name is Haumea at nagpakilalang H ang nasa likod ng mga death threats 'kay Ray. High chance na si Wendy ang nasa likod nito, she's mentally unstable right?"

duda niya.

"I also think that way but kaibigan siya ni Ray,"

"Not everyone who you think is your friend is someone who can't harm you." komento ni Lloyd. Still reading the file.

"Kung siya nga ang nasa likod ng mga threat, ano naman ang rason niya para subukang patayin si Ray?" sunod na tanong ni Kuya. He's right, anong motibo ni Lili para gawin ang lahat ng ito 'kay Ray?

"Noong araw na sinabi ko 'kay Lili na aalis si Ray, hindi man lang ito nag-react." Inaalala ko ang araw noong sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ni Ray. Naka-straight face lang ito at hindi man lang nagsalita. I remember how she held an bored expression.

"We can't take that as a reason, we need to dug further."

"Also.." pagsingit ni Lloyd, natahimik kami saka sabay na tumingin sa kaniya. He was grinning ear to ear. Napataas ang kilay ko dahil dito. Ano na naman ang tinatago ng mad scientist na 'to?

"Ayaw ko sana na sirain ang mood niyong dalawa. But, I can't keep this to myself lalo na't alam ko na hindi rin magtatagal ay malalaman niyo rin ang tungkol dito kaya naman i-spoil ko na kayo." what does he mean by that? nakakunot ang noo naming dalawa ni Kuya Nash habang pinapanood lang siya.

He then opened a file na naglalaman ng iilang litrato na may kasama pang video. Base sa quality ng video, isa itong kuha ng CCTV at familiar ang lugar sa amin. Iyon ang rooftop ng building namin, nandoon si Ray na may kasamang hindi namin kilalang lalaki.

Lloyd clicked the play button para magsimula ang clip.

Bago pa man dumating si Ray, makikitang nandoon na agad ang lalaki na parang naghihintay. He did not budge a bit. Nang bumukas ang pinto ng rooftop, there's Ray na maglalakad sana papunta sa likod. Nakalagay sa may gilid ng footage na nakunan ito noong monday. Suddenly, Lloyd zoomed in the video dahilan para luminaw ang shot. The guy walked closer to her, unfortunately, walang audio ang video kaya hindi namin naririnig kung ano man ang pinaguusapan nila.

Nakafocus ang kuha ngayon sa lalaki habang nagsasalita ito, nakatalikod naman si Ray sa camera. My eyes went wide after mabasa ang labi ng lalaki. What he just said...

"Hecate Ross... I like it more if you call me Aircon.." I whispered.

"What the hell?" hindi makapaniwalang sambit ni Kuya Nash. Both of our eyes went wide. Natanim sa monitor ang mga mata namin. Who is that guy? bakit alam niya ang tungkol 'kay Aircon? Hindi namin kilala ni Kuya Nash ang lalaking ito but paano niya nalaman ang tungkol 'kay Aircon? He cannot just appears out of nowhere introducing his self as Aircon! He's a fraud!

"Who's that guy?" Kuya Nash abbruptly asked after maka move on sa nakita. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. Lloyd's face remained still saka tumingin sa aming dalawa.

"That's the problem. I can't find anything about the guy maliban na lang sa pangalan niya. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko but to no avail. Mukha sigurong kailangan natin siya tanungin ng personal." He said slumping on his chair. Walang nakita si Lloyd na kahit na ano patungkol sa lalaking ito? that must be a joke hindi maaring walang makitang kahit anong information si Lloyd sa Hecate na ito. There must be an other way!

"There's no other way, Nile Glenn. I did everything I can pero wala pa rin akong nakita. It's like he did not exist. Isa pa, ipinapayo ko na huwag na ituloy ang panunood sa kuha na ito ng CCTV." Pinatay nito ang monitor saka tumayo sa kinauupuan at sinimulang maglakad palabas ng kwarto. Is he serious? he can't just leave us behind here thinking kung sino ang lalaking 'yon!

"Did he do something to... Ray?" kalmadong tanong ni Kuya Nash, nakababa ang tingin nito at malalim ang iniisip.

"Do you want to know?" he simply asked, dahan-dahan tumango si Kuya Nash habang pinapanood ko silang dalawa. I'm mad, really really mad. Sino ba ang Hecate na 'yon?

"Maliban lang sa pagpapakilala niya as Aircon na pinaniwalaan ni Raychel. Ano sa tingin mo ang ginawa niya after nitong maniwala? I'm leaving that question to you dahil alam ko na alam mo ang sagot because you are the real thing, Nash Klein." He closed the door shut leaving me and Kuya Nash in deep thought.

I don't know, parang kumukulo ang dugo ko sa galit. Mas malala pa ito sa galit ko 'kay Moon at sa magulang namin. Isa din kaya ang lalaking 'yon sa mga taong may balak ng masama 'kay Ray? I want to know who is that bastard! wala siyang karapatan para nakawin ang katauhang ginawa ni Kuya Nash!

If he suddenly appear in the picture, he just need to disappear like how he step a foot in the frame.

I can't let someone like him to disturb my plan that easily. Hindi ako magpapatalo, hindi namin pwede sabihin 'kay Ray ang nalaman namin lalo na't hindi namin pwede sabihin na huwag pagkatiwalaan ang lalaking 'yon lalo na't nakakasigurado ako na malaki na ang tiwala niya dito. We cannot also tell her na hindi siya ang tunay na Aircon dahil magtataka ito. I'll let him pass this once pero sinisigurado ko na kapag tapos na ang lahat— matatapos na rin ang malaking kalokohan niya.

"He can't be.." bulong ni Kuya Nash. I stared at him habang hinihintay na tapusin ang dapat na sasabihin.

"That guy.."

Once again, Kuya Nashs' eyes widen after realization struck him. Napatakip pa ito sa bibig, I stood there waiting for him to finish his sentence.

"What is it Kuya Nash?" hindi na ako makapaghintay na marinig kung ano ang sasabihin niya. He knows kung anong ginagawa ng lalaking 'yon. At nakasisigurado ako na big deal 'yon lalo na't ngayon ko lang nakita ang reaksyon niyang ganyan.

"He can't possibly did that  to Raychel..."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login