Download App
85.71% Will you be able to say? / Chapter 24: SAY IT 22 : Time to say goodbye

Chapter 24: SAY IT 22 : Time to say goodbye

SAY IT 22 : Time to say goodbye

RAY

This guy who's standing right infront of me is Aircon? maniniwala na ba ako o hindi? but it feels real. Ang pakiramdam ko ngayon habang pinagmamasdan ko siya, I will only felt this everytime kapag nandyan si Aircon.

I felt like crying. All this time gustong-gusto ko siya makita at makausap I also wanted his help and advices. I really missed him. After almost 2 years without him, ngayon nandito na ulit siya sa harapan ko.

"Is that really you?" panigurado ko.

He slowly walked towards me habang taimtim na nakangiti. Is he also happy to see me? I don't know. Simula noon, hindi ko na alam kung ano ang umiikot sa utak ni Aircon.

"It's me," he said saka huminto sa harapan ko.

I stared at his face, gaya nga ng sabi niya noon sa ospital. Guwapo nga talaga siya, just like that Jungkook guy. Grabe, hindi ko mapigilan ang mga emosyon na nararamdaman ko sa loob ko. It's really him, no doubt. Si Aircon nga ang lalaking ito.

"But, why are you here? hindi naman kita tinatawagan. Ang sabi mo kailangan ko pa maghanap ng taong para sa'kin," yun ang pinagkasunduan naming dalawa bago ko siya tawagan para sa wakas ay magkita na kaming dalawa.

"I'm getting impatient you know? I'm also worried na baka hindi ka na makahanap ng tamang lalaki na para sa'yo. Sa ngayon ba may napupusuan ka na?" my face immediately reddened after hearing his question.

"So? who's the lucky one? nag-confess ka na ba? is he the one you're looking for?" sunod-sunod niyang tanong.

"N-not yet! hindi pa ako umaamin dahil marami pa akong problemang hinaharap ngayon. But he's helping me, just like what you said before. Tama lang siya sa description na ibinigay mo." ngiting wika ko habang iniisip ang lalaking 'yon.

"Ooh~ he is one lucky guy para magustuhan mo. I wanted to see him someday."

"Huh? aalis ka na ba? huwag muna mag-usap pa tayo. Matagal ko na rin hinintay ang chance na 'to para makita't makausap ka. I can't even believe na ikaw pa talaga ang nagpakita sa'kin after ng usapan natin." I held his right hand so tightly na parang ilang segundo sa ngayon mawawala na lang siya bigla.

"Please, don't go. Stay Aircon, huwag ka na muna umalis. Let's talk." I pleaded him. Ayaw ko na siyang umalis na muna sa ngayon. I need his help.

"Okay, okay I will not go just for now. But first let me do this."

Hindi na ako nakapag-react pa after he suddently slammed my body to him, the next thing I know is he's holding me very close at magkadikit na ang mga labi naming dalawa.

"Hnngh..ah.." I accidentally moaned after feeling his tongue.

What? why is this happening? bakit niya ginagawa 'to? h-he's being too rough!

I can't let go, masyadong mahigpit ang pagkakapit niya sa katawan ko. My knees are getting weak and my mind is getting all flustered.

He pulled away after a seconds or so, muntikan pa akong matumba dahil sa panghihina ng aking mga tuhod, mabuti na lang at nasalo niya ako kagad at napakapit naman ako sa kaniya.

He giggled, "Didn't I say that I will give you a kiss if we finally see each other as a reward?" natatawang wika niya.

I completely forgot about that! kailan niya 'yon sinabi?

Nang bumalik na ang lakas ng tuhod at hita ko, I stand straight saka siya tinignan sa kaniyang mga itim na mata. He looks very handsome, I can't believe na itong tao na ito ang tumulong sa akin noong araw na 'yon. Ang taong nagugugustuhan ko maliban sa isa pa. It's very hard liking two people at the same time.

Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya as he nuzzled it. Napaka cute niya ngayong tignan.

"I.. I really miss you Aircon."

"Me too Ray, I miss you so much I could die."

He enveloped me with a hug, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Aircon is finally here, wala na yata akong gugustuhin pa maliban sa pagpapakita niya ngayon.

***

"That's really a problem. May naisip ka na ba kung sino ang puwedeng maging nasa likod ng mga nangyayaring 'to?" asked Aircon beside me, nandito pa 'rin kami sa may rooftop simula kanina. Hindi na ako bumalik sa room after mag-bell.

"Yun nga e, wala pa kahit sino. Tinutulungan naman ako ng kambal pero ngayon nga na may problema kaming tatlo.. medyo nagkaka-ilangan kami." awkward na sagot ko sa kaniya habang iniisip ang kambal.

"Y'know, noong araw na discharged ako. Isa sa kambal ang napagkamalan ko na ikaw dahil kumatok siya sa kwarto ko. It ends up na naligaw lang siya. I still can't believe na magkikita kami ulit ngayon, but this time, kasama na niya ang Kuya niya. Noong una, inisip ko 'rin na mataas ang chance na ikaw ang taong 'yon but no. He even called you a creep and a stalker!" pagku-kwento ko.

He laughed it all off. Simula kanina, wala na kaming ibang ginawa kundi magkuwento sa isa't-isa. Itong si Aircon naman, hanggang ngayon wala pa 'rin girlfriend na nakikita kaya naman if ever baka ako na lang daw but I immediately turned him down.

Kahit na gusto ko siya, hindi ko pa rin kaya na maging kami dahil nga aalis ako. Ayoko na mahiwalay sa kaniya for 4 years. Baka mas piliin ko pa na umalis kaysa iwanan ang lalaking gusto ko.

I also mentioned to him na okay na kami ni Moon after all that happened. Wala siyang ibang sinabi pero masaya daw siya na okay na kaming dalawa at masaya siya para sa'kin.

Sa oras ng pananatili namin doon na dalawa, puro tawanan ang kwentuhan lang ang ginawa namin.

"Buo na ba ang desisyon mo na umalis?" tanong niya.

"Isa pa nga 'yan sa mga problema ko, dati oo buo na ang desiyon ko na umalis but after what my friends said to me patungkol sa pag-alis ko. Parang nag-dadalawang isip na ako patungkol sa pag-alis." pag-amin ko, I slightly clenched my fist due to pressure building up inside me everytime kapag iniisip ko 'yon.

"You should really think about it. After all, isang mabigat na desisyon ang pinanghahawakan mo. Aalis ka ba dahil sa kagustuhan mo na umalis? or hindi ka aalis dahil sa kagustuhan ng mga kaibigan mo na huwag ka umalis? kung ako ang nasa sapatos mo. I'm sure na mahihirapan 'din ako." wika niya sa tabi ko. Not just his words but with only his presence I already feel at ease.

"It's hard isn't it?" he asked.

"Definitely the hardest." I corrected.

"Well it's up to you. Kahit na ano pa ang piliin mo, masaya ako para sa'yo. But you know, para mas maging madali ang pagpili mo. You should really ask yourself first on what is it that you really wanted to do. Then after you get your answer, you can finally decide without any regrets."

"I know, ilang beses ko na narinig ang tanong na 'yan. And I'm still searching for a better answer up 'till now. I hope na makakuha na ako ng sagot ngayon pa lang hangga't hindi pa huli ang lahat."

A clear answer, and a decision without regrets. I want it both.

"I'll hope for you."

"Thank you."

"Well then," tumayo si Aircon—I mean Hecate saka pinagpagan ang sarili. Tinulungan naman niya ako sa pagtayo dahil namanhid ang babang parte ng likuran ko.

He clapped two times sa ngiting tumingin sa'kin.

"It's time to say goodbye. Unfortunately, hindi na kita maihahatid pa sa inyo dahil ayokong may makakita sa ating dalawa. But I really enjoyed this day because I finally be able to see you again and talk to you normally. I'm really happy Ray, hindi na ako makapaghintay na makita ka ulit next time." he said, gusto ko nang lumuha dahil sa mga sinasabi niya.

"I'm very thankful and happy to finally see you Aircon. Noon palang, after ko madischarged gusto na kita agad makita at makausap para magpasalamat. And finally, you came here. Himdi ko maipapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. I hope na sana magkita pa tayo ulit next time. At kapag nangyari ang araw na 'yon, sana parehas na tayong masaya." ngiting wika ko habang nakatingin direkta sa kanyang mga mata.

For the last time today, I hugged him tight as ever. I don't want to let go of him yet, sa totoo lang ay ayaw ko na siyang umalis. I want him to stay not to go away.

Mahigpit rin ang pagkakayakap niya sa akin na parang parehas lang kami ng nararamdaman. I don't want to let him go, feeling ko ay isang malaking parte ng buhay ko ang mawawala kapag umalis siya. But no, kailangan niya ng umalis at naiintindihan ko naman 'yon kahit na hindi niya sabihin sakin ang dahilan. I understand him after all.

•   •   •

"Saan ka galing? hinahanap ka ng SC president kanina." wika ni Maybel sa tabi ko ng bumalik ako sa room.

Si Schenizel? hinahanap ako? at ano naman ang kailangan niya sa'kin?

I sat on my usual seat with Klein beside me whose silently writing something on his notes. Ni hindi man lang ako nilapatan ng tingin simula kanina. Pagbalik ko kanina, ganyan na siya agad.

"Hindi niya sinabi kung ano pero ang sabi niya pumunta ka na lang daw sa office niya." wika naman ni Justin sa likurang upuan namin.

I stand up, saka inilagay sa loob ng bag ko ang mga gamit ko.

"Pupunta ka na?" tanong ni Maybel.

I nodded my head saka nilapitan ang instructor sa may harapan na busy sa pagtitipa sa laptop niya. Nagpaalam ako dito at pinayagan naman ako nito, I gave Maybel and Justin a thumbs up bago pa man malakabas sa room the two also gave me their thumbs up.

I started making my way through Schenizel's office na malayo pa mula sa building namin.

Malawak ang St.Celestine at nasa bandang likod pa ang mala-mansyon na building ng mga 3rd years.

This is unusual, ano naman kaya ang kailangan sa akin ni Schenizel? wala naman akong natatandaang kahit anong bagay sa kaniya.

Habang naglalakad sa malawak na garden na nasa tabi ng malaki naming indoor court kung saan nagpa-practice ang mga sports related club. Nararamdaman ko na may sumusunod sa akin, simula pa kanina matapos ko lumabas sa room. Hindi pa ako lumilingon para tignan kung sino ito dahil baka mamaya ay bigla itong umatake kaya naman mas pinapabuti ko na lang muna ang pag-o-observe.

Ilang minuto pa ang nakalipas, naabot ko na ang building ng mga 3rd years. Gaya ng naunang punta ko rito, nakakatakot pa'rin tignan ang bawat sulok ng building na ito. Parang isang set ng isang horror movie.

Hanggang dito ay sinundan ako ng kung sino man ang sumusunod sa'kin. That's why I decided to just lure him in a simple trap I've prepared habang naglalakad at nag-iisip ako kanina. Para malaman ko kung sino man ito.

As I walk to an empty corner, mabilis ko na inilabas ang fountain pen ko at sumandal sa may pader. Once na nakita ko ang papalapit na anino niya, ini-ready ko na agad ang sarili ko sa binabalak.

Nang isang hakbang na lang ang kailangan niyang gawin para makaliko, I quickly pulled him papunta sa direksyon ko saka pilit siyang itinumba. Mabilis ang bawat galaw na ginawa ko kaya hindi na siya mabilis na nakapag-react pa. Once na nakadapa na siya, I let myself sit on his back habang hinahawakan ng isang kamay ko ang dalawang kamay niya patalikod habang ang isang kamay ko naman na may hawak ng fountain pen ay prenteng nakapuwesto di malayo sa leeg niya.

I learned all of this through Kuya Ryle and Ate Naru's help.

No wonder he's a guy, dahil walang tunog ng takong ang bawat lakad niya kanina. Kaya niya nagagawang maglakad ng walang ingay.

"Sino ka at sinong nag-utos sa'yo na sundan ako?" matapang na tanong ko.

"Ouch.." rinig kong daing niya.

"Kung hindi ka magsasalita, hindi ako magdadalawang isip na itarak sa leeg mo ang fountain pen ko na 'to." banta ko sa kaniya. Of course hindi ko 'yon gagawin pero ang balian siya ng buto.. I can easily do that in no time kapag hindi siya nagsalita.

"I.. didn't know you can be this aggresive, Ray.."

That voice..

Agad na nanlaki ang mata ko saka muling tinignan kung sino ang lalaking nakadapa ngayon.

Oh my..

"Klein?"

"Yes?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na wika saka binitawan ang kamay niya at tumayo.

Tinulungan ko siyang tumayo. He dusted off his self bago patunungin ang lahat ng buto sa katawan by stretching his limbs.

"Seriously?" nakapamewang na tanong ko sa kaniya habang hawak pa rin ang armas ko.

"I apologize for following you."

"Your reason is?"

"I want to talk. Ilang araw na ang nakalipas simula noong last time na matino tayong nagkausap sa mansion. Ever since, hindi na naging maayos ang loob ko patungkol sa lahat ng bagay sa puntong sumasakit na ang ulo ko everytime kapag iniisip ko ang mga 'yon."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Klein. You're getting married and I'm going to study abroad. Wala ng kahit ano pa ang kailangan natin pag-usapan patungkol 'don."

I need to push him away. Yan lang ang sinasabi sa'kin ng puso't isip ko. That's why I'm going to do it kahit na ano pa ang mangyari.

"No. We need to talk. And that's final, I'm not going to marry Sofia—"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? nahihibang na naman ba kayong dalawa ni Glenn kaya niyo nagagawa 'yan? Klein, you can't just call off the wedding. Ano na lang ang mararamdaman ni Sofia kapag nalaman niya 'yan? mahal ka nung tao. Ano na lang ang gagawin mo kung sakaling gawin yan sa'yo ng taong mahal mo?"

"She's already doing it."

E?

"What are you talking about?"

"The girl I love, she's already hurting me right now. But that's okay because I'll find a way in no time, everything is going to be alright. About Sofia, she doesn't love me at all. She's just doing it because her parents said so that's why I'm calling off the wedding. I want Sofia to be happy on her own way. I don't care what would Mom will do kapag nalaman niya ang balak kong gawin. But I don't care, once na matapos ang birthday namin ni Glenn. We will get a part time job saka mamumuhay na kaming dalawa independently para hindi na kami pakielaman ni Mom at Dad. We will be freed. Me and Nile already decided to do this and we already made up our mind. See? hindi na kami padalos-dalos sa mga ginagawa namin. Are you proud of us now?"

I stood there, eyes widened dahil sa lahat ng narinig ko. They're really into it, hindi na sila nagbibiro patungkol sa paglayas nilang dalawa. What in the world..

"How could you two do that? are you guys insane?" hindi ako makapaniwala. Seryoso talaga silang dalawa na lumayas. Ganyan na ba sila ka-desperado?

"We're not, Ray. Bakit ba hindi mo maintindihan? kung si Nile ba ang nagsabi 'non sa'yo maiintindihan mo agad? lagi na lang ba na si Nile ang bibigyang pansin mo? I really wanted to talk to you. Hindi mo ba maintindihan 'yon? why is that everytime I tried talking to you, you're always pushing me away like I'm no one. Like I don't deserve any of your attention. Ganyan na lang ba ang pagkamuhi mo sa'kin dahil lang nalaman mo na ipapakasal na ako? tell me Ray, why do you hate me so much para naman maintindihan ko. You can always talk to me every damn time! but all you did was ignore and avoid me. You can easily tell me na kinamumuhian mo ako at ayaw mo na akong makita kahit na kailan, I will understand that and respect everything you say.  Just tell me now, para naman hindi na ako mahirapan pa, para naman manahimik na ako."

"Why.. why are you like that?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Dahil hindi lang naman ikaw ang maraming pino-problema sa buhay!" He blurted out.

I slighly jumped dahil sa pagkakalakas ng boses niya.

"Klein.." tahimik ko na tawag sa pangalan niya saka dahan dahang sinimulan ang paglakad papalapit sa kaniya.

"Don't. Don't come any closer to me."

"I won't listen to you Klein. You know that." wika ko saka tinuloy pa ang paglalakad.

He bowed his head saka nanahimik. Is Klein crying?

"Why.. why are you being like this to me Ray?"

"I did everything I can para matulungan ka but why are you doing this to me after what happened. I'm hurting you know? hindi man halata na nasasaktan ako but I am really hurt right now. Dahil ang babaeng gusto kong tulungan ay hindi man lang ako kayang pakinggan. Good thing... I don't know what giving up means, that's why I kept fighting and fighting."

I finally stood just infront of him. Hindi niya alam na kahit mapakinggan ko lang ang lahat ng sinasabi niya ngayon ay nasasaktan na 'rin ako. Ayoko na makita siyang nagkakaganyan pero ngayon ako ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya. Ginagawa ko lang naman ang makakaya ko para hindi ko na sila maabala dahil balang araw ay magkakanya-kanyang landas na kami.

"That's so unlike you. Where's the Klein who's  always keeping a straight face? and only secretly cares for others? always in a bad mood. Where is that Klein I know?" tanong ko.

"I can also ask you the same question Ray. Where's the Ray I know?"

Using both of my hands, I held both of his cheeks making him look up and look at me. He really cried dahil sa mga luha na nagiipon sa kaniyang mga mata. I smiled at the rare sight infront of him.

"She's resting." nakangiting wika ko habang diretso ang tingin sa mga mata niyang maluha-luha parin.

He let out a laugh saka pinunasan ang mga mata.

"I'm glad she's still here." wika niya.

Suddenly, he snaked his arms around me dahilan para magdikit ang mga katawan namin. My face flushed dahil sa biglaan niyang ginawa.

"W-What—?"

"I want to stay like this. How dare you make me cry, this is the first time a girl saw me cried. This is your punishment."

Punishment?!

•   •   •

"—and so I hope for all of the students to be happy and participate to our last festival for this year. Christmas Festival of St.Celestine will be held on December 21 here of course in our campus. Everyone starting from now can have their free time to help the council to prepare for the festival. That's all and thank you."

Everyone clapped their hands matapos ang speech ng SC president na si Schenizel. It's Tuesday today at bukas na ang birthday ng kambal.

Ang lahat ng year— from 1st to 3rd ay nandito ngayon sa may gym. We're currently having our meeting for the upcoming festival for the remaining days before new year. Ang Christmas Festival ng St.Celestine, hindi kagaya ng ibang festival's na mayroon kami, ang Christmas festival ay isang araw lang nagaganap pero maraming nangyayari sa loob ng isang araw na 'yon.

"I'm sleepy.." wika ni Lori sa tabi ko saka sumandal sa balikat ko.

"Naka-ilang chapter's ka na naman ba kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"I finished a whole book."

"WHA- whole book?!"

"It's very good you know?"

"How can I? hindi naman ako nagbabasa ng hardcore gaya mo."

"Whatever..."

Hindi na ito kumibo at tuluyan niya nang ipinikit ang mga mata niya. Lagi niya na lang gawain ito kapag may mga meetings. Sinasadya niya talaga na tumapos ng isang libro para sa susunod na araw ay antukin siya at makatulog.

Hindi nga ako makapaniwala na normal niya akong sinalubong kanina sa klase, ang akala ko kasi ay may sama na siya ng loob sa'kin after what happened yesterday.

"Lori?" I called her, she hummed in response.

"D-Do you hate me?" tanong ko, I want to make sure so I can still make it up for her. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakausap ni Wendy dahil hindi ako nito pinapansin ever since.

"I can't hate you, remember that."

•   •   •

"Magiging busy na naman ang mga natitirang araw natin." wika ni Glenn habang nakakalumbaba.

Nandito kaming tatlo ngayon sa Cafeteria, tatlo lang dahil wala si Wendy. Ang dapat na nag-iingay ngayon at nakikipag-away 'kay Glenn.

"Ang boring kapag wala si Lili, wala akong kaaway." malungkot na wika niya saka tumungo sa lamesa.

"Nasaan ba si Wendy?" tanong ni Klein.

"Dunno, ilang araw na siyang walang pakita sa room."

That's strange, hindi naman absenera ang babaeng 'yon. I quickly get my phone saka agad na tinawagan ang babae.

"What are you doing Ray?" Klein asked.

"Calling her."

Ilang beep pa ang makalipas ay nawala na ang tawag. Kahit kailan, hindi tinu-turn off ni Wendy ang cellphone niya dahil lagi siyang nag-u-update sa mga asawa niya.

Ilang beses ko pa inulit ang pagtawag pero wala pa ring sumasagot. Posible kaya na—no please, not my Wendy.

"Loraine, kailan mo siya huling nakita tsaka nakausap?"

"Noong friday. Pumunta ako sa kanila para kuhain ang mga hiniram niyang textbooks."

Friday?

"Glenn, hindi pumasok kahapon si Wendy?"

"Yeah, sabi ng Instructor namin na masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi makakapasok. Bakit Ray?"

I should confirm kung masama nga ba ang pakiramdam niya dahilan kung bakit hindi siya nakapasok kahapon. Posible kasi na may nangyari ng masama sa kaibigan ko, ayaw ko man isipin na 'yon nga pero may mataas na posibilidad na 'yon nga.

"Don't tell me you're thinking—" pagpuputol ni Klein sa balak niya sanang sabihin. Nandito si Lori at wala siyang alam tungkol sa nangyayaring masama sa'kin.

"Loraine!" perfect timing at dumating sila. Ang mga classmates namin.

"Tara bilis! Kailangan ka namin sa room!" wika ni Maybel saka hinila si Lori sa my braso niya.

"It's urgent!" ani naman ni Justin.

Nang makaalis na sila saka namuo ang tensyon sa aming tatlo.

"Kailangan natin malaman kung may sakit nga ba talaga si Lili or baka may iba nang nangyari sa kaniya." seryosong wika ni Glenn.

"Let's go."

Dahil wala namang ginagawa ang mga students ngayon, puwede kaming makalabas sa school gates ng malaya. Mabuti na lang at dinala ni Klein ang sasakyan niya para mas mabilis pa naming mapuntahan ang bahay ni Wendy.

Ang kambal ang magkatabing nakaupo sa may harapan habang mag-isa ako dito sa likod at pilit pa 'rin na dina-dial ng paulit-ulit ang number ni Wendy. Sana naman ay walang nangyaring masama sa kaibigan ko.

Wendy, I hope you're safe.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C24
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login