Download App
75% Will you be able to say? / Chapter 21: SAY IT 19 : The truth untold

Chapter 21: SAY IT 19 : The truth untold

SAY IT 19 : The truth untold

RAY

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang pagbuntot ko 'kay Klein at sa girlfriend nito. Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin siya pumapasok, magda-dalawang linggo na yata siyang wala.

"Ray, are you okay? kanina ka pa nakatulala dyan."  alalang tanong ni Justin, wala ang instructor namin ngayon pero may ipinaiwan itong isusulat namin.

"I'm fine."

No I'm not.

Matapos ang araw na 'yon hindi ako nakakapag-focus sa klase, palaging nasa ulap ang utak ko at saka.. medyo hindi 'rin maganda ang pakiramdam ko araw-araw. Hindi ko alam kung may sakit na ba ako pero once na akong nagpa-check up at ang sabi ng doctor ay maayos naman daw ako.

Simula noong nakita ko ang dalawa ay hindi na naging okay ang pakiramdam ko. I feel really weird, hindi ako familiar sa bagong feeling na nararamdaman ko.

"Are you sure?" paninigurado niya. I simply nodded saka sinimulang magsulat.

Malapit na ang 2nd semestral exams namin kaya naman mas mahigpit na ang mga instructor sa pagtuturo. Kailangan na 'rin ng mga students na magsunog pa lalo ng mga kilay dahil palaging do or die ang 2nd. Kung hindi lang siguro palaging nasa ere ang utak ko edi sana kanina pa ako nagre-review dito sa kinauupuan ko but no.

Sigurado ako na kahit ilang beses pa ako mag-review ay wala 'ring papasok sa utak ko kundi ang dalawang 'yon.

"I need some fresh air."

Wika ko saka tumayo sa kinauupuan bago lumabas ng room.

Now I'm having a head ache, lagi na lang sumasakit ang ulo ko everytime na maaalala ko ang dalawang 'yon. Can I just forget those two? I really can't get them out of my mind for an unknown reason. Pilit ko kinakalimutan ang  nakita ko that day but somehow... I can't, I just can't.

Dumiretso ako ng lakad papunta sa infirmary para kumuha ng gamot.

Nang makarating naman ako at saktong pakatok na sana, bigla naman 'yon bumukas sa may loob. Guess who's the one who opened it from the inside? non-other than the one and only mad scientist na si Lloyd. Medyo nanlaki pa ang mata nito nang makita ako sa labas pero kalaunan ay ngumisi din siya, as usual.

"Hi Ray, not feeling well?" tanong niya. I wonder kung kailan mabubura sa pagmumukha niya ang nakakairitang ngisi niya.

"Head ache." maikling sagot ko shoving him aside bago tuluyang pumasok sa loob.

"Where's Nurse Anne?" tanong ko habang nakatalikod sa kaniya, tinitignan ko ang shelves kung may gamot ba sila sa head ache.

"In a meeting, for the mean time ako na muna ang nagbabantay dito. O, nasa kabila ang hinahanap mo."  he said.

Nang mahanap ko ang gamot ay kumuha ako agad ng isang piraso, inabutan naman niya ako ng isang basong tubig na nasa styro. Nice.

"Thanks.." I mumbled pagka-abot niya.

After kong inumin 'yon ay dumiretso ako sa isa sa mga puting kama na nandito, sinarado ko ang kurtinang nagsisilbing pinto bago hinayaan ang sarili kong bumagsak sa malambot na kama covering my whole being using their white blanket.

"Going to sleep?" rinig kong tanong ni Lloyd habang nasa labas.

"Yeah.." mahinang sagot ko. Everytime na umiinom ako ng gamot, lagi akong natutulog.

"Do you want to know who's sleeping beside that room of yours?" aniya, what? there's someone in here other than us two?

Hinawi ko ang kurtinang nagsisilbing pader na nasa tabi ko lang and there he was. Sleeping peacefully, it's Glenn na mahimbing na natutulog sa katabing puwesto ko.

"What...happened to him?" tanong ko, pumasok si Lloyd sa kwarto niya saka tinignan ito.

"As you can see, nagpapahinga siya due to exhaustion. The soccer club invited him to play with them and he can't reject so.. he played with them. Ang kaso nga lang, he twisted his ankle a little."  aniya saka ipinakita ang kanang paa ni Glenn na nakabalot ng benda.

He poked it at kitang-kita kung paano ngumiwi sa sakit si Glenn kahit na natutulog ito. He didn't twist it just a little, he already sprained it.

"He already sprained it Lloyd."  komento ko saka masama siyang tinignan.

"You can tell?"

"Of course I can,"

"Well, that's good to hear."

I sat up saka naupo sa may kama, I looked at angelic face habang natutulog. He really looked like someone who's too innocent for this world, para siyang bata na walang malay sa mundong kinagagalawan niya.

"How come.. na nalalaman mo ang nangyayari sa paligid mo? Lloyd." I asked him, hugging one of the soft white pillows still looking at Glenn's angelic face.

"Hmm.. instict? observation? or sadyang matalino lang talaga ako."  he joked, hahah very funny. I sarcastically thought of myself.

I mentally rolled my eyes at him, seryoso akong nagtatanong 'no tapos ang walang kwenta ng sagot niya. Parehas lang sila ni Aircon ng taas ng yabang sa katawan.

"Now now, Ray I know na pinapatay mo na ako sa isip mo." he started.

No, I was just getting started to think about doing it.

"The reason why I know what's happening around me is.. through observing or watch every people I see every single day. Their moves, the way they talk and everything about them. Mas kilala ko ang mga taong mas malapit sa'kin kumpara sa mga nasa malayo. Ang range ko lang ay ang buong St.Celestine, I know everything that's happening inside this whole facility. I have access to all of the cameras in here, I have every single information of every people in my hands. I know everything about the school and about the people inside the school."  He boasted, he's that  great huh?

"Then why won't you answer my question regarding Kleins'?"  tanong ko.

"About that, I've changed my mind. Kahit na magkano pa ang ibigay mo sa'kin na halaga ng pera, hindi ko parin ibibigay sa'yo ang information na kailangan mo." 

"Why?"

"It's because I want to, you can't do anything about it Ray."

"I don't care, I already know."  mahinang wika ko, I looked down. Naaalala ko na naman ang nakikita ko noong araw na 'yon.

"Really?" walang emosyong tanong niya.

I simply nodded my head saka isinara muli ang kurtina, ayoko nang pag-usapan pa 'yon, ang gusto ko na lang gawin ngayon ay matulog.

Muli kong tinabunan ng kumot ang sarili habang dinadaing ang ulong mas lalo pa sumasakit. I want to go home.. ayoko nang mag-stay sa lugar na 'to, feeling ko parang nag-iisa na lang ako sa mundo habang kalaban ko ang lahat. Isama pa ang paninikip ng dibdib ko... jeez just kill me already.

"Are you okay Ray?" rinig kong tanong ni Lloyd.

"Pwede ba akong magsinungaling?" tanong ko naman sa kanya.

"Of course."

"Yes, I'm okay Lloyd."

"I see, that's all I wanted to ask. Sleep tight,"

After 'non ay hindi na siya muli pang nagsalita,

kahit na mukhang walang paki ang mad scientist na 'to I know he atleast care. Hindi lang halata but I can feel it. That one time na nag-stay siya sa ospital para lang sa dalawa is enough for me to understand na kahit hindi iparamdam ni Lloyd na may pakielam siya makikita naman 'to sa bawat kinikilos niya.

NILE GLENN

Nang hindi ko na marinig ang boses ni Ray, saka ako bumangon sa pagkakahiga. Yes, kanina pa ako nandito because of my injury pero patulog pa lang ako kanina nang biglang dumating si Ray kaya naman nawala ang antok ko. Rinig ko ang usapan nila ni Lloyd and I can't help but to feel sad for her.

So she finally knew.

The truth is, kaya hindi pumapasok si Kuya Nash this past days ay dahil sa inireto ni Mom sa kaniya. Her name is Sofia, but we both know na hindi siya ang babaeng pinangakuan ng Sofia na nakilala namin noon.

Mom arranged some papers ng walang sabi-sabi sa amin bigla na lang niyang sinabi 'kay Kuya Nash na ipapakasal na ito matapos ng graduation namin which is two years from now.

Hindi si Kuya pumasok because he keeps arguing with our Mom na ayaw niya at hindi niya matatanggap ang proposal.

Isa pang dahilan ng hindi niya pagpasok ay ayaw niyang makita si Ray, not because he hated her but because ayaw niyang makita siya nito na nasasaktan. Yes, it really hurts for Kuya Nash to get married sa babaeng hindi naman niya mahal.

Because he already have someone in his heart.

Ako naman ang nasasaktan ngayon para 'kay Ray. Dahil 'kay Kuya Nash kaya siya nagkaka-ganyan at wala man lang akong magawang maganda as a friend of hers. I wonder kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon...

"Lloyd."  tawag ko sa kaniya, alam ko na nasa likod lang siya ng kurtina habang kinakalikot na naman ang cellphone niya.

"Hmm?"  he hummed, hinawi niya 'yon as he peek inside.

"Alam niya na nga ba talaga?" I asked looking at my injured feet.

"Unfortunately, No."

Agad akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. He smirked saka pumasok sa loob habang naka-pamulsa at nakatingin sa'kin.

"What do you mean?"

"It's simple, Ray misunderstands it. She saw your brother with the girl and tailed the two. She thinks the two are dating," aniya. Nangyari ba talaga 'yan? she saw Kuya Nash with Sofia?

"It means na hindi niya pa talaga alam ang totoo, but If you would tell her the truth... mas lalala pa ang nararamdaman niya sa ngayon niyang nararamdaman."  he added, it means mas lalo pa masasaktan si Ray.

"What are you going to do now?" he asked.

"I will not tell her the truth, I instead make Kuya Nash tell her para makapag-usap silang dalawa. For now, all I can do is to stay by her side at bawasan ang nararamdaman niyang lungkot."  Lloyd let out a few giggles after kong matapos, dala ng kyuryusidad akong napatingin sa kaniya.

"Ha..hahah.. sorry, I just can't help it. Are you really sure about that? alam mo naman ang mangyayari diba?"  I nod saka mapait na ngumiti.

"Of course I know, pero wala na akong magagawa Lloyd. Ayaw ko naman na panoorin na lang na nasasaktan si Ray, I always need to do something for her sake."  full of confidence ko na sabi.

He shakes his head saka mapait 'rin na ngumiti sa'kin.

"If that's what you wanted."  aniya bago lumabas, leaving me alone.

"Of course that's what I wanted, basta para lang 'kay Ray. I'll do anything."

•    •    •

"Sofia, sure ka ba na pwede kaming pumunta sa bahay mo?"  Paninigurado ng batang Nile sa kaibigan.

"Oo naman! trust me okay? hindi naman kumakain ng tao ang pamilya ko."  pagbibiro ng batang Sofia.

"What if kung nakakasagabal kami?"  tanong naman ng batang Nash.

"There's no way na makakasagabal kayo 'don promise."  aniya.

Nang makarating ang tatlo sa nasabing bahay, nanatili sila sa kwarto ni Sofia. Doon nila ginawa ang homework na ipapasa para bukas, nang matapos ang tatlo saka nila napagdesisyunan na maglaro. Habang nasa gitna ng paglalaro nagpaalam si Nile na magbabanyo na muna saka lumabas.

"Sofia, maliban sa Kuya Ryle mo may bunso pa ba kayo?"  tanong ng batang Nile.

"N-none, ako ang bunso."

"Really? kasi kanina may nakita akong batang kamukha mo sa picture frame na nasa sala niyo. Sino siya?"  pagpupumilit nito.

"No one, baka namamalikmata ka lang Nile. Gutom ka na naman ba?"  pagmamatigas naman niya. Umiling lang ang batang lalaki habang matiim na tinitignan ang batang babae.

Mayroon siyang gustong itanong at ikumpirma sa babae pero nagdadalawang isip ba kung ipapagpatuloy pa ang pagtanong. He ended up asking her.

"May... kakambal ka 'rin ba kagaya ko?" 

Padabog na tumayo ang batang babae matapos marinig ang tanong niya. Masama niya itong tinignan bago malakas na sampalin sa pisngi, nanatili lang ang batang Nile doon na nakatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.

"Wala akong kakambal!"  bulalas ng batang Sofia.

"Then why are you acting like that?" 

"Don't ask me! kaming dalawa lang ni Kuya Ryle ang magkapatid wala ng iba pa! I don't have a twin!"  patuloy na pagsigaw niya.

"Calm down Sof, okay fine. Hindi na ako ulit magtatanong, I'm sorry."  he gave up.

Pinakalma niya ang kaibigan bago pa man muling dumating si Nash na may malapad na ngiti sa kaniyang labi.

"What happened?"   tanong nito habang nakatingin sa namumulang pisngi ng kapatid.

"Nothing Kuya Nash, come on let's continue our game."  nakangiting wika ng kapatid habang tinatakpan ang kaniyang pisngi. Hindi kumikibo ang batang babaeng katabi ni Nash hanggang sa pauwiin sila nito.

"Kuya Nash, bakit ngiting-ngiti ka simula pa kanina? did something good happened to you?"

alalang tanong ng batang Nile sa Kuya habang naglalakad pauwi.

Nash shakes his head habang patuloy lang ang pag-ngiti.

"Nothing, none at all." 

Kahit na 'yon ang sagot ng kaniyang Kuya, hindi pa rin siya naniwala dito.

"Glenn wake up."

"Ray?"

"Sino pa ba sa tingin mo?"

I sat up, Ray is currently sitting beside me and we're still inside the infirmary, Lloyd is nowhere to be found. I fell asleep? since when?

"Kailan pa ako nakatulog?" I asked her, she shrugged her shoulder.

"Dunno, kahit ako kakagising ko lang din." aniya.

"What time is it?"

Kinuha niya ang cellphone saka tinignan saglit ang screen.

"2:26 p.m, are you hungry? sabay na tayo kumain."  of course I want to eat with her.

Inalalayan niya ako sa paglalakad papuntang cafeteria dahil sumasakit pa rin ang paa ko dahil sa injured na natamo kanina nang yayain ako ng soccer club na maglaro kasama sila. I ended up spraining my left feet.

Medyo nakakahiya din pala sa pakiramdam ng inaalalayan 'no? ang tagal kasing magkadikit ang mga katawan namin kaya naman nag-iinit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan sabayan na ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sorry for all of that trouble Ray."  I apologized nang ilapag ni Ray sa harapan ko ang order ko. She sat infront of me while sipping her drink.

She shakes her head, "Don't mind it." wika niya.

Katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa habang kumakain and I don't want it. Kailangan ay may gawin ako.

"Ray, do you want to see Kuya Nash?" she flinch a bit after hearing my question.

"Nope, no I don't want to see him."  she said, what a liar. I know she wants to see him.

"I know you're lying Ray."

"Yes I am."

"Then, let's go see him mamayang uwian. Nasa mansion siya ngayon kaya naman ilang araw ko na 'din siyang hindi nakikita. I miss my brother you know? let's go see him together."  I smiled at her, faking my smile won't hurt anyone but me.

But in reality, I really wanted to cry.

She simply nodded her head habang mapaklang nakangiti sa pagkain niya. Finally, I can make Kuya Nash tell her the truth.

After naming dalawa kumain, dumiretso kami sa sari-sariling rooms namin. She still helped me na makarating sa room ko. Si Lili naman ang tumulong sa'kin nang makapasok na ako, Ray go to her room ng walang pasabi. Basta mamaya sabay kaming pupunta sa mansion para makita si Kuya Nash.

•    •    •

After mag-ring ng last bell, isa-isa nang nagsilabasan sa room ang mga classmate ko.

Lili approached me.

"Nile, di ka pa uuwi?" she asked.

"Uuwi na 'rin, hinihintay ko lang si Ray. Pupuntahan kasi namin si Kuya sa mansion."  ngiting sagot ko. Lili pouted bago umalis.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa habang wala pa si Ray, I dialed Kuya Nash's number. Matapos ang ilang beep ay sinagot niya 'rin ito.

"Nile?"

"Hi Kuya Nash." masiglang bati ko,

"Bakit ka napatawag?"

"Ray and I will gonna pay a visit."

"Wait, why so sudden?"

"Ray misses you..."

"You're lying."

"I'm not Kuya Nash! she... she

really misses you..."

And it hurts.

"I.. uhh.. I'm sorry.."

"Don't be, pupunta na rin naman kami

dyan mamaya. Prepare your explanation

to her, I want you to clear things out."

"Okay, I thought you already told her."

"No, gusto ko na ikaw ang magsabi sa

kaniya."

"Okay, thank you Nile."

"You're welcome Kuya Nash. Bye."

Ako na ang nagbaba sa tawag, ramdam ko ang dahan-dahang pag-iipon ng mga luha sa mata ko. It hurts like hell. Kanina habang natutulog ako, I have a dream when I was a child, noong araw na pumunta kaming dalawa sa bahay ni Sofia.

I finally understand everything.

The reason behind my brother's smile noong araw na 'yon.

It really is not me after all.

"Glenn let's go— are you crying?" Ray's voice broke my train of thoughts.

Alalang lumapit ito sa'kin habang may dalang panyo.

"Why are you crying?" tanong niya habang pinupunasan ang mga luhang kusang pumapatak galing sa mata ko.

"I-I'm not c-crying.."  I denied, am I really crying?

"You are in fact crying Glenn, bakit?" pagpupumilit niya.

No, I don't want to tell her the reason behind my tears.

"It's nothing big Ray, I'll keep that handkerchief of yours. Thank you."

She again helped me na makalabas sa school after 'non, pumara kami ng taxi saka nagpahatid na sa mansion.

Ako ang nagbayad sa pamasahe naming dalawa. Nang makarating na kami sa mansion, hindi pa rin ito nagbabago, it always give me creeps sa tuwing nakikita ko ang outer design nito. Para kasi itong isang location ng horror film.

Maraming guards ang nakabantay sa may labas at loob ng gate. Ang mga guards na nasa labas ay nag-bow pa nang makita ako sabay bati sa'kin by calling me 'young master' I found it cringy dahil sa mga palabas ko lang 'yon dati nakikita but simula pa noong bata pa kami ni Kuya Nash, 'yan na ang tawag nila sa amin at hanggang ngayon hindi pa 'rin ako sanay.

"Let's go Ray." yaya ko sa kaniya, I held her hand dahil bakas sa mukha nito ang takot.

Nang papasukin kami, mahaba-haba pa ang nilakad namin bago makarating sa main door. Napaka-laki at lawak kasi ng dadaanan bago makarating sa main door. I knocked three times bago ako pagbuksan ng doorman namin, he's name is Al.

"Al, nasaan si Kuya Nash?" tanong ko sa kaniya. He bowed at us bago ako sagutin.

"In the living room, master Nile." magalang niyang wika, I requested a cane para naman mag-isa akong makalakad without Ray's help, kanina niya pa ako tinutulungan and I know she's already tired.

I thanked Al bago kami magsimulang tumungo sa living room.

"Glenn, I know you and Klein were very rich but walang nagsabi sa'kin na ganito kayo kayaman! don't tell me na isa talaga kayong noble family."  Ray whispered beside me.

"We're not Ray, ang lolo ng lolo ko lang ang ganon." I said, my great-grandfather is a noble man, a very rich one. Ang lahat ng nandidito ay pagmamay-ari niya.

"E? so that means na noble family nga kayo."

"Whatever you say." 

Ang cute ni Ray, para siyang batang nakakita ng golden egg sa lahat ng nakikita niya sa paligid.

"Anong name ng great-grandfather mo?"  she asked.

"Heine Victor Von Wittegenstéin Granzeréich."

"That long?!"

"Hahah just joking that's not his name, galing 'yan sa isang anime na pinapanood ko ngayon. But his real name is Francis Scott Martinez De Viola."  and he's from France.

"Ang cool pakinggan." aniya, of course kahit ako noon manghang-mangha din ako sa pangalan ng g.grandfather ko. I even once wish na sana ganoon kahaba ang pangalan ko.

We both reached the living room only to find Kuya Nash and his fianceé na si Sofia.

"Nile!"  Sofia greeted me, naglakad ito papalapit sa'kin saka yumakap at bumeso. Gagawin niya pa ito sana 'kay Ray but she declined.

Sofia is from abroad, U.S specifically. Mas matanda siya sa amin ng 2 years at may trabaho na. Her facial features is okay I think? halata sa kulay ng balat,mata at buhok na hindi siya taga-rito.

"Hi, my name is Sofia. Sofia Embers, and you?" pagpapakilala niya 'kay Ray. The four of us sat in our living room.

"Raychel, Raychel Olenyeva." pagpapakilala ni Ray. They shaked each other's hand, inosenteng ngiti ang ibinibigay ni Sofia 'kay Ray but Ray just gave her a bitter smile.

"Half-russian?" Sofia asked.

"Only one-forth." 

Nagsimulang mag-usap ang dalawa, Sofia would ask Raychel about something at maiksing sagot naman ang ibinibigay nito.

"What happened to your feet?" tanong ni Kuya Nash, we excused ourselves muna sa living room kung saan naiwan si Ray at Sof, nandito kami ngayong dalawa sa balcony, not that far from the living room.

"Sprain."

"Lloyd never told me that."

"Kaninang umaga lang nangyari, niyaya kasi ako ng soccer club na maglaro and the last thing I know, na-sprain na ako."

"I know na nakita kami ni Ray in a particular day habang kasama ko si Sofia."  he suddenly said, ito naman ang ipinunta namin dito.

"Bakit hindi mo siya kino-contact?" I asked.

"Mom forbids me to talk to her. Don't worry, walang alam dito si Sofia." he said smiling bitterly.

"Bakit mo tinanggap ang proposal ni Mom?"

"Hindi ko 'yon tinanggap Nile, pinilit niya ako. Kung hindi ko 'yon tatanggapin she will make us study abroad na ayaw naman natin gawin right? we want both graduate on our beloved school St.Celestine." 

All of us wanted to graduate on that school.

"What are you going to do about this?" muli 'kong tanong.

"Of course I'll tell her the truth behind everything and you're the one who'll do the rest."  we both looked at each other, him looking at me with hope in his eyes habang ako naman ay plain lang na nakatingin sa kaniya.

"Gagawin mo naman 'yon para sa akin diba, Nile?"

"I decline."

"Why?"

"She needs to be with you." seryosong wika ko habang nakatingin sa kawalan.

"Paano ka naman?"

"Don't mind me Kuya Nash, ginagawa ko lang ng tama ang role ko bilang isang kapatid at kaibigan. Makakamove on din ako someday at kapag nangyari 'yon, magiging mas masaya na ako. Hindi lang si Ray ang nag-iisang babae sa mundo and I know, when the time comes. Someone will suddenly step into my life just like what Ray did."   wika ko habang nakangiti.

"Is it really okay for you?"

"Of course, after all kayong dalawa naman talaga ang para sa isa't-isa simula noong naging bahagi ka ng buhay niya as a savior from that accident that happened two years ago." 

"You're the one who stayed by her side for months, the one who made her smile again, the one who gave motivation for her to live, the one who save her life. And last but not the least, the one who met her first." 

"What do you mean by that?"  nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Hindi mo ba naaalala? noong mga bata pa tayo dinala tayo ni Sofia sa bahay nila right?" I questioned, he simply nodded.

"Don't tell me you forgot the reason of your smile at that specific day, you met Raychel Olenyeva."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login