Download App
64.28% Will you be able to say? / Chapter 18: SAY IT 16 : ST.CELESTINE SCHOOL FESTIVAL (1st part)

Chapter 18: SAY IT 16 : ST.CELESTINE SCHOOL FESTIVAL (1st part)

A/n: This school festival Arc will be having 3 parts.

SAY IT 16 : ST.CELESTINE SCHOOL FESTIVAL (1st part)

"Everything at once"

RAY

"So, meron kayong isang buong araw para paghandaan ang School Festival bukas. Ang class president na ang bahalang mag-assign ng magiging representative para bukas. Pwede na kayong magsimulang mag-decorate at tumulong sa cleaning committee, puntahan niyo lang ako sa faculty office kung may kailangan kayo. Class dismissed." wika ng instructor namin bago tuluyang umalis.

Walang klase ngayong araw dahil sa 3-day festival na magaganap bukas at sa dalawang araw pagkatapos 'non. Naka-assign ang bawat class na magtayo ng stand dahil bubuksan ang gate ng St.Celestine for public. That means na pwedeng makapasok ang mga tao dito sa loob ng campus at magliwaliw.

At dahil 3-day festival 'yon, that also means magiging busy ang lahat ng students sa kani-kanilang stands na gagawin.

"I wonder kung anong stand ang gagawin natin." excited na tanong ni Justin sa likod ko- I mean namin ni Klein.

"Shut up Bieber, hindi ka pa ba nakakaranas ng school festival sa dati mong school?" iritang tanong ni Klein sa tabi ko. Noong ipinakilala ko sa kanila ang isa't-isa.. in no good terms na agad ang dalawa, parang Wendy at Glenn lang.

"Sa all boys' school ako dati pumapasok kaya naman tulala kami kapag may school festival na nagaganap." aniya, so medyo malungkot din pala ang pumasok sa all boys' school huh.

Napatayo si Loraine sa tabi ng teachers' desk saka kinuha ang atensyon naming lahat, si Loraine ang napiling class president dahil ni-nominate ko siya and majority wins din ika nga.

"Itaas ang kamay ng gustong maging representative, kung walang mag-tataas mamimili na lang ako." wika niya, wala paring kahit anong emotion ang boses. She looked at all of us blankly, nga pala. Ayaw din kasi ni Loraine na maging class president hahah xD

"Me!" pagtataas ng kamay ni Justin.

"Ako din!" pagsunod naman ni Maybel.

Tinignan muna ni Loraine ang dalawa bago tumango-tango. "Okay, then kayong dalawa na ang representative ng class natin. Kayo nang bahala kung anong stand ang gagawin at magplano kasama ang iba. Congrats," wala na siyang iba pang sinabi matapos 'non saka bumalik sa upuan niya.

"Hindi ko alam na si Lori pala ang class president," wika ni Klein habang tinitignan si Lori sa may likod.

"Well.." nakangising wika ko.

"Ray, ano sa tingin mo ang magandang stand para satin? café? horror house? or maid café?" tanong ni Justin, umupo ito sa tabi ko habang pinapakita ang listahan ng mga suggestions niyang stand.

My sweat dropped, ang dami niyang suggestions.

"Whoah! gusto ko magtayo ng maid café." singit naman ni Maybel sa tabi niya, ngayon apat na kaming nagsisiksikan dito sa may desk namin ni Klein.

"Hey you two, pwede naman kayong maupo sa mga upuan niyo a. Balak niyo ba kaming siksikin dito?" Iritableng tanong ni Klein sa dalawa, di naman siya pinansin nito.

After a seconds or so ay bumigay na siya, padabog itong napatayo saka masamang tinignan ang dalawa.

"Tch, whatever. Please yourself.." aniya saka naglakad paalis habang nakapamulsa.

Justine nudge me saka lumabi sa may pinto, "Anong nangyari dun?" tanong niya, nakikinig naman si Maybel sa tabi nito habang nakatingin din sa'kin.

I shrugged, "Dunno. Baka may period na naman.. y'know? lagi naman siyang may period." I joked, mahinang natawa ang dalawa dahil sa sinabi ko.

Di na sila nasanay, lagi namang may period si Klein e, lagi maiinit ang ulo. Araw-araw naman mainit ang ulo niya, mas malala pa sa'kin kapag meron ako.

Tumayo ang dalawa sa may harapan, Maybel wrote their top 3 suggestions sa may board saka kinuha ang attention naming lahat.

Justin cleared his throat, "Ang nakikita niyo ngayong nakasulat sa board ay ang tatlong options na pagpipilian ng lahat para sa gagawin nating stand. Raise your hand kung gusto ano ang gusto niyo sa tatlo, botohan ito ha so majority wins. One minute para mag-isip ang lahat." he announced, whoah talaga ngang sineseryoso niya ito bilang isang representative.

"Kapag natapos na ang botohan tsaka natin pag-iisipan ang mga kailangan nating gawin," Dagdag ni Maybel na nakatayo sa tabi ni Justin, they're taking this too seriously.

I'm proud of them ;-;

Ang tatlong options na nakalagay sa board ay:

• Maid and Butler Café

• Horror House

• Cosplay Café

I mentally cringed sa huling option, seriously? cosplay? at sino naman ang magkakaroon ng interest sa ganyang bagay? I'm sure na si Glenn ay interesado but us? me? no way.

Even the horror house is out of my league, takot nga ako sa dilim tapos horror house ang gagawin namin. Napaka-ironic naman pakinggan 'non.

"Then.."

IN THE END mas nanaig ang Maid&Butler café dahil mas marami ang bumoto dito, at isa na ako 'don because I have no choice but to vote that one. Sa tingin ko naman magiging okay lang ang café para sa amin, it also means na magsusuot kaming mga babae ng maid costumes..

Sana lang ay hindi sobrang igsi ng mga skirt na ipapasuot nila sa'kin dahil magbu-butler na lang ako kapag nalaman ko lang kung gaano kaigsi ang skirt naming mga girls. I normally love wearing skirts pero ibang usapan ito dahil maid costumes ang susuotin namin.

As usual, nandito na naman kaming apat sa cafeteria kahit wala pa namang lunch break dahil anytime naman ngayong araw ay pwede kaming mag-lunch break kung kailan namin gusto.

Iilan lang ang mga tao ngayon dito dahil nga sa festival bukas, malamang busy ang mga 'yon kaka-prepare sa mga stand nila or tumutulong sa cleaning committee sa pagde-decore ng buong campus.

Yep, buong campus mismo.

"Anong stand ang gagawin niyo?" tanong ni Wendy sa'kin, I noticed something new to her. Oh right, ang dating medium length hair niya ay short na.

It looks good on her though, ngayon ko lang siya nakitang nagpa-short hair.

"Maid & Butler café, sa inyo?"

"Magtatayo sila ng milktea stall, ewan ko ba sa mga yun. Mga uhaw yata sa milktea, buti pa ako banana milk lang." maarte niyang sagot, oh 'yan yung sinabi niyang favorite drink ni Jungkook.

"It's just me or may nagbago sayo Lili?" Glenn asked, matiim siyang tinignan mula ulo hanggang paa.

"It's the hair.." Klein mumbled, busy sa pagkain ng spaghetti niya.

"Tama! yung buhok mo, bakit ka nagpa-dora haircut? fan ka na ni Dora ngayon? yiee bagay~" pang-aasar niya, bumalik na rin sa dati ang dalawa matapos nilang gumaling. Mahina kaming lahat na natawa dahil sa sinabi ni Glenn, masama kaming lahat na tinignan ni Wendy pero dinedma lang namin siya. Bahala kayo mag-away diyan.

Sa wakas, bumalik na naman ang lahat sa dati.

My phone vibrated inside my pocket kaya kinuha ko 'yon, it's Moon calling.

I excuse myself sa kanila saka lumabas ng cafeteria, ramdam ko ang tingin sa'kin ng kambal habang naglalakad ako palabas. I need to answer this nang wala sila.

"Hello?"

"Hi Ray, sorry ngayon lang kita na-contact

busy kasi masyado dito sa SC because

of our festival tomorrow, ngayon

lang ako nagkaroon ng chance na tumawag

dahil kakatapos lang ng meeting namin,"

As usual, typical Moon. Magpapasensya muna bago magsalita. Ganyan siya kabait,

"Okay I get it dahil kami rin naman,

so ano na ang dahilan mo para tawagan

ako?"

"It's about the gun,"

"What about it? may fingerprint results na ba?

na-identify niyo na ba kung sino ang naglagay niyan sa bag ko kasama nung bulaklak?"

I heard him sigh on the other line. A frustrated sigh specifically.

"I'm sorry, ilang beses ko inulit ang test

pero walang nakuhang ni-isang fingerprint

'don kaya naman hindi natin malalaman

kung sino ba ang naglagay."

He apologized, hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kahit na nangangarap ako na sana ay mahanap na namin kung sino man ang nasa likod ng mga nangyayari sa'kin, alam ko na hindi sila magiging careless.

Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone, I'm mad. Matapos ang ilang araw ng pagiging mahina ko, isinantabi ko na 'yon ngayong marami na ang taong nakapaligid sa'kin na pwedeng madamay. I promised myself to be strong.

"It's okay Moon, no need to apologize

dahil wala ka namang kasalanan. In fact,

tumutululong ka lang and I'm happy

because of that. Hindi mo lang alam pero..

malaki ang naitutulong mo sa'kin.

Thank you, Moon."

Lumuwag na ulit ang hawak ko sa phone, I need to be calm, hindi pwedeng magpadala ako sa galit na nararamdaman ko.

"Is it okay if I keep that thing?"

"Of course, gawin mo na ang mga gusto

mong gawin sa bagay na 'yan. Just don't you ever loose it, okay?"

"Roger, then I'll keep this for safety. I'll

hang up now, may iba pa kasi kaming gagawin

for tomorrow's festival. Try ko bumisita

dyan bukas para makita ang stand ng Class 1

Bye and see you tomorrow,"

"Yeah, see you."

Ibinaba niya na ang tawag matapos ko magpaalam, typical him. Gawain niya na 'yon sa tuwing tinatawagan siya.

I can't believe it, walang kahit anong fingerprint? then paano 'yon nailagay sa bag ko? maybe the suspect used gloves, that's right. High possibility na ganoon nga ang ginawa niya.

I shaked my head and slap both of my cheeks repeatedly.

Bumalik na ako sa cafeteria at nandoon parin sila, all of them has weird expressions plastered in their faces.

"Sinong tumawag?" paunang tanong ni Wendy nang umupo ako sa usual seat ko.

Oh no, hindi pa nila alam na okay na kami ni Moon. Kapag sinabi ko naman ang totoo sa kanila ni Loraine, mas magiging magulo pa ang lahat. I'm sorry Wendy and Lori,

"Si Kuya Ryle, may pinaalala lang." I lied, for the second time. For my friends' sake.

"A, umuwi na pala sila? wait- kung nakauwi na sila.. nasaan na ang mga pasalubong ko?!" reklamo niya, napangiti naman ako dahil 'don. Hindi na talaga siya nagbago.

"Pumunta ka na lang 'don, baka may natira pa."

"Gusto ko rin ng souvenirs," tahimik na wika ni Loraine habang nagbabasa na naman ng mga doujin niya sa phone.

"I'm sure na doujins ang gustong souvenirs ni Lori," malakas na bulong ni Glenn dahilan para masama siyang tignan ni Lori saglit.

"Shut up, Nile."

•   •   •

"A, Olenyeva pwede ba kitang utusan saglit?" tawag sa'kin ni Sir.Montes, ang biology instructor namin.

"Ano po 'yon Sir?"

"Pakidala naman 'to sa may building ng 3rd years tsaka ibigay mo sa student na nagngangalang Schenizel, ang SC president. Pakisabing 'yan ang listahan ng mga stand na gagawin ng mga 2nd years." aniya saka ibinigay sa'kin ang isang white long folder.

"Pasensya na ha, marami pa kasi akong gagawin kaya iniutos ko na lang sa'yo. Okay lang naman diba?" dagdag niya, si Sir.Montes ay isa sa mga mababait na instructor sa lahat ng mga instructor ng 2nd years.

At isa din sa mga pinaka busy..

"Okay po," maigsing wika ko. Napadaan lang naman ako dito sa may faculty dahil may isasauli lang naman sana akong marker na naiwan ng kaninang instructor namin.

"Thank you Olenyeva, alam ko naman na maaasahan ka talaga." ngiting wika niya, ang cute talaga ni Sir dahil sa dimples niya na lumilitaw at medyo may pagka-feminine din kasi ang itsura niya. Idagdag pa ang glasses na nakakadagdag sa charming points niya.

Sinimulan ko na ang paglalakad patungo sa building ng mga 3rd years, medyo may kalayuan kasi ito mula sa building namin kaya naman tsaka mas malaki ang building nila.

Habang papunta 'don, binabasa ko ang laman ng folder.

"So, gagawa ng horror house ang Class 3 at bazaar naman ang sa Class 4, sa ngayon.. mukhang mas bibida ang Class namin gaya last year.." I thought.

Habang naglalakad, ramdam ko ang pagbabago ng simoy ng hangin sa paligid ko. Para 'yong nagiging makapal at mahihirapan ka na lang bigla sa paghinga, nag-iiba din ang binibigay na awra ng paligid na para bang maraming mata ang makamasid sa'yo and anytime from now ay may aatake sa'yo galing sa likod.

That's what I am feeling right now.

Hindi ko na namalayan ang pagbilis ng lakad ko kasama na ng paghinga ko, I am being paranoid.

I keep looking at my back dahil nararamdaman ko talaga na parang may sumusunod sa'kin.

Lakad-takbo ang ginagawa ko papunta sa building ng mga 3rd years, ilang minuto ko din ginawa 'yon bago ako tagumpay na makatayo sa harapan ng isang malaking building. Tahimik ang paligid. Ni walang ni isang ingay ang maririnig, mabibingi ka sa katahimikang babati sa'yo.

Napalunok ako. Ito pala ang unang beses na nakapunta ako dito kaya naman naninibago ako sa mga nakikita ko, may mga naririnig akong chismis noong 1st year pa lang ako na ang mga 3rd year daw ng St.Celestine ay sobrang nakakatakot, lalo na ang SC president.

Hindi ko pa naman ito nakikita pero kahit na chismis lang ang naririnig ko tungkol sa kaniya hindi parin mapigilan ng sarili ko na matakot.

Kahit ang mga 3rd year students ay hindi rin makikita sa paligid, siguro ay nasa sari-sariling rooms pa ang mga 'to, sana lang talaga. Ang akala ko kasi ay tumutulong din sila sa paghahanda para sa festival bukas.

Habang naglalakad sa blankong hallway, hindi ko mapigilan ang pagbabago ng posture ko. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari ngayong mag-isa lang ako.

Sana naman may tumulong sa'kin, hindi ko rin kasi alam kung saan hahanapin ang SC president na 'yun. Kahit kailan hindi ko pa siya nakikita kaya naman hindi ko alam kung anong mukha ang mayroon siya.

"Excuse me, may maitutulong ba ako? mukha kasing may hinahanap ka." someone said behind me, dahan-dahan akong lumingon para makita ang isang matangkad na lalaking student.

Maamo ang mukha nito at nakasuot din siya ng salamin, bagay na bagay sa kaniya ang fake blond niyang buhok. Isa din ba siyang 3rd year?

Well.. base naman sa uniform na suot niya, masasabing 3rd year nga siya.

"A, oo hinahanap ko kasi ang SC president na si.. Schenizel? hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasabi ko pero parang ganun na rin naman na 'yon. Hahahah sorry, alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ko dito, kita ko ang pagtaas ng kilay niya ng banggitin ko ang pangalan ng president. Siguro ay kakilala niya 'to.

"Of course, follow me."

Iginaya niya ako papunta sa itaas, ilang floors kaya ang mayroon dito? mukha kasing napakalaki ng building nila.

"Anong ibibigay mo sa kaniya?" tanong niya, mas nauuna siyang maglakad habang nakasunod naman ako sa kaniya.

"Uhh..yung mga stand na gagawin ng mga 2nd years para sa festival bukas, ipinapabigay ng instructor namin. Nagkataon naman na nandoon ako kaya ako na lang ang inutusan." tugon ko, kanina ko pa siya tinitignan mula sa likod. Hindi ako makapaniwala sa katangkaran ng lalaking 'to, siguro kung susumahin.. wala pa ako sa dibdib niya.

Ang sakit a..

"Ganun ba? tamang tama dahil kailangan niya 'yan makita ngayong araw." aniya, e? paano naman niya nalaman 'yon? hindi kaya kasama siya sa SC? pero.. anong position ang mayroon siya?

"Uh, matanong ko lang. Kasama ka ba sa student council?"

Sumabay na ako sa lakad niya habang matiim siyang tinitignan, saglit niya akong sinulyapan bago ulit tumingin sa daan.

He hummed, "Hmm.. kasama nga ba ako? ano sa tingin mo?"  he playfully smiled followed by a childish giggle. Oh, that's cute.

"I don't know, paano ko naman masasabi. I heard na masasamang tao daw ang nasa SC but you're... currently helping me right now so hindi ko talaga masasabi."  he let out a childish giggle once again saka tinignan ako.

"At nagpapaniwala ka naman sa mga sinasabi nilang masasama ang mga nasa SC. Tch, if I were you ako mismo ang titingin kung totoo nga ba ang sinasabi nila."  nakangiting wika niya, uh so that means hindi talaga masasama ang mga nasa SC?

"Wait.." huminto ako sa paglalakad, he also did saka nilingon ako.

Loading...

Ano nga ulit ang sasabihin ko? bakit ako huminto sa paglalakad? e?

"Hmm?" he hummed waiting for me to say something.

I shaked my head, "N-nothing. Anyways, malapit na ba tayo?"

Saglit siyang nanahimik habang nakatingin lang sa'kin sabay mahinang tumawa, weird.

"Sorry, yes malapit na tayo."

Dalawang floor pa ang inakyat namin ulit saka naglakad papunta sa kabilang dulo ng building, nang makaharap kami sa isang malaking wooden na pinto. Napalunok ako, hindi ba parang nakakatakot naman 'to? parang mas hindi ako kinakabahan kapag sa principal's office ako inuutusan e, mas kinakabahan ako sa malaking wooden door na 'to. Hindi ba't parang ganito yung sa mga laro? yung theme kapag final boss na ang kakalabanin.

"What are you doing? pumasok na tayo."

Para akong napako sa kinatatayuan ko, bakit nga ba ako kinakabahan? dahil ba makikita ko ang SC president sa likod ng pinto na 'to? or.. dahil sadyang duwag lang ako?

Maybe both.

He slowly opened the hella huge door at tumambad samin ang isang malaking silid na mas malaki pa sa principal's office. Kung susumahin kasing laki 'yon ng isang lobby ng isang malaking hotel pero hindi 'yon kasing ganda ng nasa isip ko.

Ang plain lang 'non tignan, I mean isang long table sa may pinakalikod na part, isang malaking glass window sa likod 'non, mga wooden chairs sa paligid ng long table, dalawang shelves na punong-puno ng libro sa magkabilang side ng isang upuan sa gitna ng long table at dalawang naglalakihang maroon na sofa sa magkabilang gilid ng room. That's all, other than that wala na.

Kahit ang president ay wala 'don.

E?

I blinked repeatedly saka tumingin sa buong silid. Wala ngang ni-isang tao sa loob 'non, tanging kaming dalawa lang ni Glasses ang nandito.

"Nasaan ang president?" tanong ko sa kaniya, sa kaniya lang ako nakatingin dahil wala naman ang president dito.

His mouth formed an "O" saka muling ngumiti. He looks really cute and charming at the same time while doing so. Naglakad 'to papunta sa may long table saka ipinahid pa ang kamay sa lamesa habang nakangiti parin. Naiwan akong pinapanood ang bawat galaw na ginagawa niya.

"It looks like I completely forgot to introduce myself. Well.. nakakatuwa lang kasi isipin na may isa pa palang student ang hindi nakakakilala at nakakakita sa'kin." Aniya, ano namang ibig sabihin ng sinasabi niya na 'yan?

Tinanggal niya ang suot na salamin saka saglit na inayos ang buhok, naupo siya sa pinaka gitna at pinaka magandang upuan na nandoon nasa harapan niya, prentang nakalagay sa lamesa ang pangalan na:

Student Council President, Schenizel Montgomentry.

"It was nice meeting you Ms. Raychel Olenyeva, let me introduce myself properly right now.

My name is Schenizel Montgomentry, 3rd year Class 1 and also St.Celestine's Student Council President." 

Isang ngiti ang binigay niya sa'kin matapos magpakilala, my mouth fell. So all this time, kasama ko pala ang president?! alam ko na hindi 'yon nakakagulat para sa iba pero sa'kin na hindi pa nakikita ang president..

Sighs, nevermind hindi ko na lang ipapahalata na nagulat ako. Right.

"Nice play," wika ko saka nag-thumbs up.

He chuckled, "Thank you. Please take a seat, ipapaghanda kita ng maiinom. What do you prefer? coffee or tea?"  tumayo siya saka iginaya akong maupo sa isa sa mga sofa na naroon.

"Coffee please,"

"Okay, coming right up."

•    •    •

"Oh, so mukhang magiging exciting ang labanan bukas ng mga 2nd years sa kani-kanilang mga stand. I can't wait,"  aniya habang tinitignan ang loob ng folder.

"I have a question," wika ko habang nakataas ang kanang kamay na para bang nagre-recite.

He hummed signaling me na nakikinig siya.

"Bakit parang hindi kumikilos ang mga 3rd year? pati na ang council sa paghahanda para bukas?" I asked.

"Do you really want me to answer that?"

"Yes please,"

"It's because, kaming nasa council kasama pa ng ibang 3rd years ay sa gabi naghahanda para walang gulo ang mangyari. May permission kami sa headmaster na pwedeng mag-overnight dito ang mga may pinakamataas na year which is us."  aniya, so ganun pala 'yon.

"You can go now, baka may klase pa ka pa."  pahabol niya.

Inubos ko ang binigay niyang kape kani-kanina lang, saka naglakad papunta sa harapan niya.

"Thank you, President." wika ko bago tuluyang umalis sa malaking silid na 'yon. Bago ko pa naman maisara ang malaking pinto rinig ko ang huli niyang sinabi.

"You're welcome, Ray." 

Phew, sa wakas nakahinga rin ako ng malalim nang makalabas na ako. Para akong nasu-suffocate sa loob. Mali pala talaga ang akala ng ibang students patungkol sa council.

"Did you enjoy talking with my brother?"

Literal na napatalon ako sa biglang nagsalita, gulatin ba naman ako habang naglalakad. It was Lloyd na nakasandal sa pader habang naka cross ang mga kamay at nakapikit pa.

Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Stop popping out of nowhere Lloyd, hindi mo naman kamag-anak ang mushroom na si Glenn."  saway ko sa kaniya, he chuckled sabay maayos na tumayo habang nakapamulsa with an annoying grin plastered on his face.

"Hindi ako magso-sorry.." aniya, tch isip bata.

"Sabay na tayo bumalik," yaya ko sa kaniya. Sumunod naman siya.

"Hey, ano namang ginagawa mo 'don?" panimula ko, he stiffened saka umiwas ng tingin. Hmm.. suspicious.

I think of a way para paaminin niya, hmm.. ano kaya ang magandang dahilan?

"A! you're stalking me?"

"No."

"Then.. tailing?"

"No."

"Stalking someone?"

"No.."

"Oh! then sinusundan mo nga ako."

"Hindi nga sabi,"

"E anong ginagawa mo 'don?"

"Nothing.."

"Edi wow, bakit ayaw mo sabihin? nakakahiya ba? don't worry hindi ko naman ipagkakalat."

"It's not that, nakita mo naman kung anong last name niya diba? dapat ngayon ma-realize mo na ang sinasabi ko."

Last name ni Schenizel? Montgomentry right? tapos si Lloyd naman.. Montgomentry din. Then I remembered last time Lloyd mentioned that he has an older brother na nasa mafia.

Loading..

"Eh?!" I blurted out habang gulat na nakatingin 'kay Lloyd.

"Now you know, that's also the reason why I am following you two. Baka kasi may gawing masama sa'yo ang lalaking 'yon ngayong nalaman niya na hindi mo siya kilala. That brother of mine is very dangerous you know? anytime, he can shoot your head in a blink of an eye kapag may ginawa kang hindi niya nagustuhan."  paliwanag niya, so nag-aalala lang pala ang mad scientist na 'to sa'kin. How sweet of him.

"Wala naman siyang ginawang masama in fact ang bait-bait niya kaya habang kausap ko siya. He's very gentle,respectful and thoughtful at the same time."  wika ko habang inaalala si Schenizel.

"Yes, that's him infront of many people. Lahat ng magandang asal mayroon siya pero kapag kayong dalawa na lang o kapag usapang mafia na ay nagiging seryoso siya at walang awa. Hindi ko na nga mabilang ang mga taonf napatay niya all this time."  aniya, base sa tono ng pananalita niya ay talagang ayaw niya nga talaga sa mafia.

"Why are you.. telling me all of this?"

"Para naman maging aware ka sa paligid mo, hindi lang si Schenizel ang taga mafia na nandito sa St.Celestine. Kahit ang 7 sa 13 reapers ay nandito rin, nasa paligid lang sila at nakikisalamuha sa mga taong nandito. You don't know baka isa sa mga taong pinagkakatiwalaan mo kasama sa mafia." seryosong wika niya, I like how he cares for me. Not only me but for the others too.

Hindi lang halata 'kay Lloyd ang pagiging maaalalahanin but the truth already said that he's one of those people who I can really lean a shoulder on.

I'm very lucky to have those people by my side.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login