Download App
50% Will you be able to say? / Chapter 14: SAY 12 : This is not a dream, This is reality

Chapter 14: SAY 12 : This is not a dream, This is reality

SAY IT 12 : This is not a dream, This is reality.

RAY

"Rise and shine li'l missy! Isang maganda at bagong araw na naman ang naghihintay sa'yo!"  said an loud and annoying voice.

Kailan pa natuto magsalita si Kaze?

I groaned and roll on my bed, kinusot-kusot ko pa ang mga mata dahil nanlalabo pa 'to at hindi pa tapos mag-adjust sa liwanag or more specifically sa dilim.

Where am I?

Pumikit ako ulit ng mariin, sana naman ay panaginip lang ang lahat ng 'to. Pagkabukas ko sa aking mga mata ay hindi parin nagbabago ang itsura ng madilim na paligid. Nagsisimula na akong atakihin ng takot, kinurot ko ng pagkalakas-lakas ang pisngi pero hindi man lang ako nagising at nasaktan pa ako.

This is not a dream, this is reality.

Kahit na madilim ay mabuti na lang nakasilip ang inang araw sa isang malaking bintana dahilan para magkaroon ng kaunting liwanag ang paligid. Iginala ko ang paningin ko.. nasa isang kwarto ako, isang malaking kwarto. Iginala ko pa ang paningin ko at isang lalaking naka puting lab coat ang bumati sa akin, nasa may paaanan siya ng kama.

Wait-! parang nakita ko na ang lalaking 'to.

"Yes, tama ka. Nakita mo na nga ako.. more specifically kahapon." wika niya, humarap ito sa akin habang maamong nakangiti.

No way.

"Lloyd?" anong ginagawa niya dito?

"Congratulations! that's right, ako nga 'to. None other than me Lloyd Montgomentry myself."  he joyfully said, para talaga siyang si Earl of Pudding dahil sa way niya ng pagsasalita.

"Wait, nasaan tayo?" tanong ko, nasaan naman ba talaga kaming dalawa? hindi ko naman naaalala na pumunta ako dito kasama siya. Ang naaalala ko lang ay... si Glenn! nakita ko siya sa may grocery kahapon.

"Sa mansion na pag-aari ko, as of you didn't know. Mafia ang trabaho ng pamilya ko well except for me, inilaan ko na ang puso ko sa science kaya wala na silang magagawa para 'don."  aniya, if he means mafia.. ibig sabihin ay delikado ang pamilya niya?!

"Congratulations! tama ka na naman, our family is pretty dangerous dahil illegal ang gawain namin. Except for me again, I hate danger. I just love science. I'm not reading your mind Ray, halata kasi sa mukha mo ang iniisip mo. Don't worry, walang kahit anong threat ang loob ng mansion ko. Naiiba 'to kaysa sa pinaka main na mansion kung nasaan ang 13 reapers and my older brother."

Ipinaliwanag niya pa sa akin ng maayos ang mga bagay-bagay matapos sabihin 'yon, halos kalahating oras din akong nakinig sa mga sinabi niya. So he's really from a mafia family, pero hindi niya 'yon tinanggap. He instead takes science very seriously at 'yon ang dahilan ng hindi niya pagsama sa mafia.

"O, nagugutom ka na ba? may inihanda ng makakain ang maids sa ibaba." He guided me papunta sa dining room. Halos mahulog ang panga ko sa laki ng mansion niya. Ilang minuto din yata kami naglakad para makarating sa pagkalaki-laki niyang dining room.

"Whoah.. I can't believe you own such thing." komento ko nang makaupo sa kabilang side ng nasa harapan ang isang long table na punong-puno ng pagkain.

"Really? well.. ang sabi ko kasi kahit na isang condo unit na lang ang ibigay nila okay na ako. But my dad insisted na mansion na ang ibigay that's why.. "  awkward siyang tumawa matapos sabihin 'yon. Kahit na ako din naman yata.

"Mag-isa ka lang ba dito?"

He shakes his head, "Nope, I have the guards and the maids to take care of the house. Mga skilled assassins ang lahat ng katulong ko dito, all of them are hired by my dad." wika niya.

Hindi ba siya nalulungkot? he's from a mafia family. Base on the books I've read about them ay delikado nga ang mga 'to. They're very dangerous to the point na hindi sila magdadalawang isip na pumatay ng tao kapag nagulo ang transactions nila.

"Let's do not talk about my family now shall we? kumain na lang tayo." 

"O-okay, maraming salamat sa pagkain."

▪︎  ▪︎   ▪︎

"Nile Glenn brought you here yesterday, babalik siya mamaya para sunduin ka. Nagmamadali siyang umalis kahapon at hindi man lang sinabi kung saan pupunta."  kwento niya, kasalukuyan akong naliligo sa isa sa mga cr na mayroon siya. Malapit na kasi ang oras ng pasok namin kaya naman naghahanda na ako.

Mabuti na lang ay may isang spare ng St.Celestine girl's uniform na nakita ang isa sa mga maids na sakto pa sa size ko.

"Bakit naman niya ako dinala dito? and.. pinatulog niya pa ako."

"I don't know, Ray. Wala pa ba siyang sinasabi sa'yo patungkol sa nararamdaman niya?" bigla napatigil ako sa tanong ni Lloyd at malalim na napaisip.

"What do you mean?" anong ibig niyang sabihin na nararamdaman ni Glenn? may hindi ba sa'kin sinasabi si Glenn patungkol sa health niya?

"Nothing, you can just wait for the right time and day. I can't believe you can be this oblivious towards your oh-so-called friends of you. I now understand why he can't say it now."

Matapos niyang sabihin 'yon, rinig ko ang papalayong tunog ng lakad niya. That leaves me and my thoughts alone. Anong ibig niya sabihin? anong kailangang sabihin ni Glenn sa'kin?

At isa pa, bakit kailangan niya ang information tungkol sa babaeng nagngangalang Sofia Arellano?

"Ray?" I heard Glenn's voice calling out my name from outside. Nandito na pala siya.

"She's taking her time inside the bathroom Nile Glenn, hintayin mo na lang siya sa may living room." rinig ko naman na sabi ni Lloyd.

Nang matapos ko maligo at magbihis ng uniform ay agad din akong bumaba para makita ang dalawa, mabuti na lang hindi ako naligaw sa loob ng malaking mansion na 'to.

Nadatnan ko ang dalawang nag-uusap sa may living room, hindi ko rinig ang pinaguusapan nila dahil halos bumubulong lang ang dalawang 'to.

"Meow~" an ashera cat greeted me, dumaan-daan pa 'to sa paanan ko habang nagwa-wave ang buntot. Wahh ang cute! I picked the cat up at maigi na tinignan 'to.

Her eyes are heterochromic, gray ang kulay ng kanang mata nito habang blue naman sa kaliwa which looks very cool!

"O, so nakita mo na ang alaga ko. Say hi to Cecil."  biglang nagsalita si Lloyd dahilan para mabitawan ko sa gulat ang pusa. Mabuti na lang at magaling sa pag-landing ang mga ito.

Tumakbo 'yon papunta sa kaniya habang ngumingiyaw.

"Mabuti na lang at hindi ka niya kinagat, that means she likes you, right Cecil?" sabay tingin sa pusang karga-karga niya. It meowed na para bang sumang ayon sa sinabi.

"So you named her after Lloyd Asplunds' partner whom he calls Cecil-kun."

"Yeah!"

▪︎   ▪︎   ▪︎

"Bakit.. gusto mo malaman kung sino si Sofia?" 

I asked Glenn, we're currently on our way to St.Celestine kasama si Lloyd na nakasakay sa isang limousine na nakasunod lang sa sinasakyan naming dalawa ni Glenn.

"I want to find out the truth Ray, hindi mo na kailangan pa sabihin kung sino siya. I already know everything about her thanks for Lloyd's help." sagot niya nang hindi man lang makatingin sa'kin.

Bakit ko pa ba siya tinatanong? kailan pa ako naging insecure? I don't care kung ano pa ang mayroon sa kanilang dalawa.

"When me and Kuya Nash were still kids, may kalaro kaming batang babae. Kuya Nash grew found of her at nagustuhan niya ito, same as me. Kahit mga bata pa lang kami ay nagkagusto na kami sa iisang babae. I stopped liking her until I met another girl that time, me and that girl grew closer to each other to the point na siya na ang nagustuhan ko. I completely forgot about my feelings for Sofia when she came into my life, ang problema lang ay bigla siyang nawala ng parang bula. She leaved me alone ng wala man lang pasabi. Naging mag-isa na naman ako habang si Kuya Nash at Sofia ay nagsasaya, until now.. nangangarap parin ako na makita ang babaeng 'yon because until now. I still like her." 

My eyes grew wide as he said that, kung ganoon ay magkakilala silang tatlo dati? so it does mean na may bond na namuo sa pagitan nila.

"You know her right? sino ba naman ang makakalimot sa sarili niyang kakambal." dagdag niya. Napayuko na lang ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.

He's right, me and Sofia are twins. Pero ayaw namin ang isa't-isa. Totoo nga ang sinasabi nilang 'walang sikreto ang hindi mabubuko'

He finally knows the truth.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin agad Ray?" tanong niya. I could feel his icy cold stare na tumatagos sa pagkatao ko.

"Hindi naman kayo kasi nagtatanong, and why should I tell you? Hindi niyo naman na kailangan pa malaman ang tungkol sa kaniya at ang tungkol sa'kin. S-she's already.. gone."  I can barely let out those words. Ang pinaka ayokong topic ay ang babaeng 'yon.

"I'm not telling Kuya Nash about this, ikaw ang dapat na magsabi sa kaniya. She's your sister Ray, specifically your another half. Kahit na galit ka sa kaniya.. hindi mo dapat siya ikinakahi—"  This conversation needs to be done.

"STOP! ano ba ang alam mo Glenn? bakit ang hilig niyo mangielam sa buhay ng may buhay? ano ba ang pakielam niyo sa'kin? sa aming dalawa ng kapatid ko? you guys are just our mere friends! wala kayong pakielam sa buhay namin! stop acting like a guardian or whatsoever! wala na si Sofia! Hindi niyo na siya maibabalik! Alam ko na gusto niyo lang ako tulungan na dalawa... pero itong ginagawa niyong panghihimasok sa buhay ko? sobra na."  

Hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko, this is my breaking point. I'm done with this.

I looked at Glenn with teary eyes, bakit? bakit kung sino pa yung mga taong pinapahalagahan ko ng sobra ang pinaka cause ng sakit na nararamdaman ko? I cared for them so damn much tapos ganito?

He just looked at me with wide eyes, ano na naman? nagulat siya dahil sa inaasal ko? dapat lang na magalit ako dahil sa mga pinag gagawa at sasabi niya?!

"Ray I..uhh—"

"Sorry? sorry na naman ba Glenn? ilang beses ko na narinig ang salitang 'yan. Nagsasawa na nga ako kapag naririnig ko 'yan e, tapos ano? pagkatapos may gagawin na naman kayo na ikakagalit ko then sorry ulit? ganon na lang ba ang cycle 'non?! sumasakit na ang ulo ko Glenn. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko ngayong may mga taong gustong gumawa ng masama sa'kin! Halos mamatay na ako sa kaka alala sa mga kaibigan ko araw-araw! Natatakot ako na baka isa naman sa inyo ang pakielaman nila! magiging kasalanan ko pa kapag may nangyaring masama sa isa sa inyo!" 

"Ray.."

Wala nang ibang nasabi pa si Glenn matapos kong magsalita, galit na galit ako ngayon. Feeling ko ay mayroong isang ugat sa ulo ko na puputok dahil sa galit na nararamdaman ko.

Kinalma ko ang sarili at hinilot ang sentido, natapos ang biyahe namin ng hindi ni-isa sa amin ni Glenn ang kumikibo para kausapin ang isa't-isa. Mas mabuti na 'to.

▪︎   ▪︎   ▪︎

NASH KLEIN

Kanina pa ako dito sa may gate naghihintay para sa kapatid ko at kay Ray, kamusta na kaya ang dalawa? hindi ko sila nakita kahapon kaya naman nag-aalala ako. It's pretty normal to be worried right? wala namang masama kung mag-aalala ako.

Isang itim na sasakyan ang huminto sa may harapan ko at inuluwa 'non si Ray, masaya ako na makita siya ngayong araw as usual.

"Ray,"  tawag ko sa kaniya, dumiretso lang Ito ng lakad at hindi man lang ako binigyang pansin. Pansin ko rin na medyo namumula ang mga mata niya.

What happened?

I then stopped Nile from entering nang akmang papasok na 'to, masama niya akong tinignan but I completely ignored his glare.

"What happened? mind if you explain it to me." wika ko, seryoso na ako ngayon. Ano na naman ba ang ginawa niya 'kay Ray para umiyak ito? I hate seeing her in such state.

"Just this once, pwede ba na matuto ka umintindi at bumasa sa sitwasyon Kuya Nash? hindi na lang pwede na laging sasabihin sa'yo kung anong nangyayari. Sa ngayon, wag mo muna ako kausapin dahil wala akong gana na makipag usap sa mga taong kagaya mo." agad naman siyang umalis matapos sabihin ang mga salitang 'yon, did he just.. scolded me?

Bumalik na ako sa room at ang nadatnan ko lang sa may loob ay si Ray, nakatungo ito na para bang natutulog. Hindi ko na muna siya kakausapin sa ngayon dahil alam ko kung gaano kahirap para sa kaniya ang mga nangyayaring ito.

Naupo na lang ako sa may tabi niya habang pinapanood ang natutulog niyang pigura, napaka amo niyang tignan. Na para bang wala siyang kahit isang problema sa mundo.

I tuck a strands of her hair behind her ear dahil nahaharangan nito ang mukha niya.

Perfect.

Kahit na tulog, ang ganda niya parin tignan kahit kailan. She really does looked like Sofia, kahit na saang parte mo pa tignan.

"Bakit ba kailangang maging kamukha mo siya Ray? It's getting hard for me you know?"

"Excuse me!" napabalikwas ako ng tayo nang biglang may malakas na nagsalita sa may harapan ng pinto namin. It's Lloyd, grinning like a mad scientist he is.

"W-what do you want?"

"Kailangan pumunta ng lahat ng students sa may main hall dahil sa general assembly," he said, ano na naman kaya ang mahalaga nilang ia-announce sa'min? I hate those meetings.

"Hindi kami pupunta." pagdidiin ko.

"And why is that?" nakangisi parin na tanong niya, I sometimes don't like those people who grinns like a maniac. It's creeping me out, pasalamat na lang talaga siya at kamukha niya ang Earl of Pudding dahil sanay na akong makita ang nakangising mukha nito.

"Babantayan ko si Ray dito, I will not leave her alone."  seryosong wika ko, napa palakpak naman siya sa sinabi ko.

"O, so the both of you guys really does like her after all. This will be really a problem between you two, one needs to gave up while the other one needs to continue on the next step. Good luck for the both of you."  After niyang sabihin 'yon ay umalis na siya agad, his coat swaying after him, leaving the both of us alone.

"So he knew.." I mumbled saka tumingin 'kay Ray na mahimbing na natutulog.

"Ray, what should I do?"  tanong ko sa natutulog niyang pigura, just like Ray. Naguguluhan na rin ako, isabay pa ang mga problemang bumabagabag sa'kin.

I don't know what to do.

Napatungo na lang ako habang tinitignan siya, sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

"Ray, tell me. What should I do?" 

▪︎  ▪︎  ▪︎

RAY

Malinaw ko pa na naaalala noon, July 24 year 2016. Kasalukuyang tulog na ang lahat ng tao sa bahay ng biglang ay ang telepono sa may sala. Si Mama ang sumagot 'non habang pinapanood ko siya mula sa second floor, bigla niyang nabitawan ang telepono at mahinang umiyak.

Dad was nowhere to be seen dahil kasalukuyan siyang nasa business trip kaya kaming tatlo lang nila Kuya Ryle ang naiwan sa bahay.

Halos atakihin sa puso si Mama nang malaman ang masamang balita patungkol sa kakambal ko na si Sofia, rebelde kasi ito at hindi sa amin nakatira. Nakitira siya sa bahay ng kaibigan niya. Nakita daw itong malamig na at nakabigti sa sarili niyang kwarto nang gabing 'yon. Ang tumawag kanina ay ang mga police officials para ipaalam sa amin ang nangyari.

Kahit na ako ay nagulat din, ang hindi ko lang nagawang gawin ay ang umiyak. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiyak sa nalaman. Parang nawala ang lahat ng emosyon ko sa katawan noong mga panahon na 'yon.

Sabi ng mga pulis ay depression daw ang naging sanhi para magawa niya ang bagay na 'yon na ipinagtaka ko, kahit na hindi kami magkasundo ay alam ko na masayahin ang kapatid ko, ni minsan ay hindi ko siya nakitang nalungkot kahit kailan dahil marami siyang kaibigan hindi gaya ko. Kaya nakakagulat isipin na gagawin niya ang bagay na 'yon dahil sa isang sakit.

Ipinanganak kaming dalawa ni Sofia na nasa magkaibang mundo kahit na iisang tao lang kami na nahati sa dalawa. Sa tuwing nakikita ko siya ay para akong tumitingin sa salamin, Isang araw, bigla niya na lang sinabi ang mga salitang:

"Ayaw na kitang makita kahit na kailan, wag ka na kahit kailan magpapakita sa'kin dahil nagagalit ako sa sarili ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo." 

Ni minsan sa buhay ko, hindi kami naging maayos. Lagi siyang nasa malayo, papalayo sa'kin. Siya na mismo ang lumayas sa bahay dahil ayaw niya na akong makita kahit na kailan. Matapos naman niyang lumayas ay hindi na nga kami muling nagkita pa.

Tapos isang araw malalaman namin na wala na siya, wala na ang kapatid ko, wala na ang kalahati ng pagkatao ko.

Dumating ang mga araw ng burol niya pero kahit isang araw man lang ay hindi ako pumunta, siya ang nagsabi na ayaw niya na akong makita kaya naman hindi ako nagpakita sa kaniya kahit na alam kong hindi niya na ako nakikita. Igagalang ko parin ang sinabi niya sa'kin.

Naaalala ko pa kapag birthday naming dalawa, lagi siyang umaalis ng bahay para i-celebrate 'yon kasama ang mga kaibigan niya. Habang ako naman ay kasama si Wendy,Mama at Kuya Ryle.

Lahat ng bagay magsimula sa damit,kwarto,pagkain,gamit, brand ng shampoo,sabon,conditioner kahit pa ang school namin ay magkaiba. Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng magkaparehas na pag-aari.

Para lang masabi na magkaiba ang isa sa isa.

Noong mga bata pa kami, nag-uwi siya ng dalawang batang lalaki sa bahay na sinabi niyang kaibigan niya. Tinakot niya ako na huwag lalabas ng kwarto at huwag magpapakita sa dalawang kasama niya hangga't hindi pa sila nakakauwi, sinunod ko ang utos niya.

Ilang oras akong nanatili sa loob ng  kwarto ko noong mga panahon na 'yon, matutulog na sana ako noon nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko 'yon dahil akala ko ay si Mama ang kumakatok pero mali ako ng akala.

Isa 'yong batang lalaki, kung tama ako ay isa siya sa mga kasama ni Sofia.

"A-anong kailangan mo?"

"Whoah! kamukha mo si Sofia!"

"Shhhhhhhhhh baka marinig ka niya, sabi niya sa'kin na bawal ko kayo makita."

"E? why?"

"Galit kasi siya sa'kin,"

"Why?"

"Hindi ko alam basta umalis ka na bago niya pa tayo makita,"

"Ano muna ang pangalan mo?"

"Raychel, ikaw?"

"It's **** *****, nice to meet you. Sofia's behalf, byee~!" 

"Ray, hanggang kailan mo ba balak na matulog? lunch break na."  Loraine's toneless voice said waking me up, nananaginip pa naman ako patungkol sa childhood ko.

"Hi Lori.." bati ko sa kaniya, habang nag-uunat. Wala na ang ibang classmates namin maging ang seatmate ko.

"Hi, may balak ka ba kumain?" tanong niya, I gave her a thumbs up saka ngumiti.

"Of course tara na,"

We arrived at the cafeteria and sat on our usual seat, nang makarating kami 'don ay si Wendy lang ang nakaupo't naghihintay sa amin.

"Nasaan ang iba?" tanong ni Lori sa kaniya, Wendy sighed resting her chin over her hand.

"I don't know, hindi pumasok kanina si Nile e," sagot niya. Hindi pumasok si Glenn? pero sabay kami pumasok kanina, baka tumambay lang siya sa may kung saan sa loob ng campus.

Galit ako ngayon sa kaniya kaya naman mawawala na muna ang pake ko.

"Pumasok si Nash kanina pero umalis din siya bago pa mag-ring ang bell, hindi siya nagsabi kung saan siya pupunta." wika naman ni Loraine. Kung ganoon pumasok ang Kuya pero hindi ang bunso, ang makulit at maingay na bunso.

"Kumain na lang muna tayo." wika ko sa dalawa, "Ako na ang bibili."

Matapos kong bilhin ang mga gusto nila agad naman akong bumalik sa puwesto namin at sinimulang lantakin ang mga pagkain namin. Sa totoo lang ay nakakamiss ang ganito, dati kasi ay kaming tatlo lang talaga ang magkakasama dito't kumakain.

"Wendy, pumasok ba si Nine ngayon?" tanong ko sa kaniya. Busy ito sa pag scroll down sa kaniyang cellphone habang may nakasalpak na pizza sa bibig.

"Yeah,"

So pumasok ang bodyguard at ang Kuya, nasaan naman ngayon ang bunso? aaminin ko na kahit masama ang loob ko sa kaniya ngayon ay hindi parin mapigilan ng sarili ko na mag-alala para sa kaniya.

"Raychel!"  a loud and annoying voice yelled out my name, tumatakbo siya papunta sa direksyon namin habang iniwawagayway ang kamay. It's Lloyd with his coat swaying side by side after him.

"What?"

Naghabol pa ito ng hininga bago sumagot, mukhang mahaba-haba ang tinakbo niya papunta dito.

"Si ... si...N-nile Glenn..." nahihingal parin na wika niya.

"Glenn? what happened to Glenn?" mabilis na tanong ko nang marinig ang pangalan ni Glenn.

Loraine gave him a glass of water, nilagok niya 'yon lahat at malalim na huminga.

"Nile Glenn was found floating at the pool! unconcious!" 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login