Download App
39.28% Will you be able to say? / Chapter 11: SAY IT 9.5 : The last summer night that feels like forever

Chapter 11: SAY IT 9.5 : The last summer night that feels like forever

SAY IT 09.5 : "The last summer night that feels like forever"

PART II : "Fireworks"

RAY 🎆

Pasok dito labas naman sa kabilang tenga ang lahat ng pinagsasabi ni Glenn sa amin. Wanna know what's happening? sinundo ako ni Klein kanina sa apartment ko and poof.. nandito na kami—me,Klein,Glenn,Wendy,Loraine and Nine—sa may paanan ng isang maliit na bundok.

Ganito kasi yan, habang nasa byahe kami ni Klein dito kung saan naghihintay ang iba. He said na ayaw ni Glenn na nagkakasala sa isang tao, he asked Lori for any advice at ito ang nakuha niya. Wendy loves fireworks so much na sa puntong kapag may mga fireworks display ay lagi siyang nandoon. Inshort, nandito kaming lahat para manood ng fireworks display na gaganapin mamaya bago pa naman pumatak ng 12:00 a.m, Glenn invited everyone dahil ayaw niyang makasama mag-isa si Wendy. It'll be awkard for those two..at sinabi niya rin na gusto niya rin mapanood ang display ng kasama kami lahat.

Oh, how sweet of him.

But the thing is.. kailangan namin akyatin ang bundok na nasa harapan namin para makita ang ika niya ay ang 'perfect view' kapag nagsimula ang display and tatagal lang lang naman iyon ng halos isang oras.

I'm hella excited for this dahil magkakasama kami pero hindi ko makayanan na maging kalmado lalo na't may isang tao na may masamang balak sa akin. Just by thinking of it makes me really uncomfortable.. paano na lang kung mas malala na ang gawin niya? Wala naman akong nakakaaway pero bakit ako? I'm just living a normal life. I don't even have a single clue on who might that person be.

Someone tapped my shoulder, it's Loraine with her usual straight face. "Are you okay?" kahit na walang tono ay alam kong nag-aalala parin ito.

Mahina akong ngumiti, "Yes, may iniisip lang ako." never in my life na nagawa kong magsinungaling sa kaibigan ko and now? I just did, I have no choice dahil kapag sinabi ko ay mag-aalala lang sila lalo sa akin and I don't want that.

Baka mapahamak lang sila at ako pa ang may kasalanan kapag may nangyaring masama sa kanila kaya no, if I need to lie just to protect them then I'll do so.

"That's all, kaya simulan na natin!" 

Nagsimula na kaming umakyat sa di gaanong mataas na bundok, hindi na kami nahirapan sa pag-akyat dahil kailangan lang daw namin diretsuhin ang hagdan na kasalukuyan naming inaakyat para makapunta sa tuktok. Everyone looks very excited pero feeling ko ay ako lang ang makakasira sa mood nila kapag sinabi ko pa ang problema ko.

"Y'know this reminds me of the shrine where Suzaku and Lelouch go noong bata pa sila kasama si Nunally,"  Glenn said, sa aming lahat na nandito ay siya ang pinaka nauuna umakyat.

He's right, kahit ako ay naaalala ko din ang sinasabi niya. 'Yon yung araw na pinalayas sila sa mansion nila.

"I have a question." this is unexpected, ang akala ko ay hindi marunong magsalita ang dating partner ni Wendy sa poem making namin dati. Si Nine,

Everyone went silent after hearing him, we want to hear his question.

"What do you guys think of the fireworks? Is it round or flat?" 

All of us went "E?" after hearing his question, ang kanina kong malalim na pagiisip ay mas lalong lumalim dahil sa tanong niya. Ano nga ba? ni minsan sa buhay ko ay hindi 'yan sumagi sa isip ko.

"They're flat."  Wendy is the first one to answer, no wonder because she loves them other than those 'asawa' of hers.

"They're round I think..."  tugon naman ni Glenn na parang nagiisip. Great, ngayong magkaiba ang sagot nila ay sigurado akong mag-aaway na naman ang dalawa.

"No, I'm sure na flat sila. I've been always watching them ever since then." 

"I'm sure na round sila Lili, just think about it."

And so on, nagsimula na nga ang away ng dalawa. I wonder kung kailan ba sila magkakasundo or baka never na mangyari ang bagay na 'yon.

"What do you think?"  Klein asked beside me, ni hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko siya.

I shrugged, hindi ko alam kung ano ba sa dalawa. Pwede ko ba i-google na lang? wala talaga akong idea kung ano.. round or flat ang mahalaga ay fireworks sila at maraming tao ang napapasaya just by watching them.

"How about you?" 

"It's a hard question so kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano nga ba sa dalawa,"  he smiled apologetically, he looks really cute kapag ginagawa niya 'yan.

"I-google ko na ba?"  Nine asked at naglabas ng cellphone mula sa bulsa niya, I somehow saw a hint of Loraine sa kaniya. They're both na laging naka-straight face at walang emotion kapag nagsasalita. I wonder if related ba sila sa isa't-isa.

"No!" 

Glenn and Wendy answered at the same time

glaring-daggers at Nine, yumuko na lang ang huli bago ibalik sa bulsa ang cellphone. Nagpatuloy lang sa pag-aaway ang dalawa.

"We'll see kapag nasa taas na tayo, Nile mentioned na maganda ang view sa itaas kaya naman there's a possibility na makita natin ang kabuoan ng fireworks mamaya."  walang emosyon na wika ni Loraine habang busy sa cellphone niya, oh, she's reading some BL stuff offline.

SA WAKAS ay nandito na rin kami sa itaas, malakas ang hangin at tahimik, idagdag pa ang madilim na paligid. So isa palang tourist spot ang lugar na ito dahil may mga sign ng iilang turista or ilang mga taga dito din, siguro ay nandito din sila para panuorin ang display mamaya.

Naglatag si Nile ng malaking kumot para doon kami mamahinga after ng mahabang akyatan session para lang makapunta dito, sa may katabing bench ako naupo. Sobrang nakaka-relax sa lugar na 'to, parang dinadala ng malakas na hangin ang mga problema ko at sama ng loob, napapikit ako at sumandal para damdamin pa ang sarap sa pakiramdam.

Okay, sa ngayon ay kakalimutan ko na muna ang mga bumabagabag sa akin at ie-enjoy ang gabing ito kasama sila. Minsan lang 'to mangyari kaya susulitin ko na.

My phone vibrated inside my pocket, itinapat ko iyon sa tenga ko at hinintay na magsalita ang caller.

"Ray, positive ang results."  It was Moon's serious voice, as scary as ever. Halatang kakagising niya lang dahil medyo namamaos pa ito.

"Okay, thank you for the information." 

"Bakit parang hindi ka natatakot? something worse might happen to you kapag hindi ka nag-ingat."  as usual, he sounds like dad. Parehas silang paranoid.

"I'm with my friends, saka ko na lang muna iisipin 'yan kapag natapos na ang gabing 'to. We're currently enjoying ourselves para sa fireworks display mamaya, I suggest you should watch it too."  kakatuwa isipin na parang dati ay halos sumpain ko na ang lalaking kausap ko ngayon, and now? parang maayos na ang lahat sa aming dalawa.

"Is that so? well then. Sana ay mag-enjoy kayong lahat ngayong gabi, I'll hang up now para naman hindi na ako makaabala pa." 

"Wait."

"Hmm? may kailangan ka pa ba sabihin?"

I sighed, I know deep inside me na galit parin ako sa taong ito at hindi na magbabago 'yon matapos ng ginawa niyang pananakit sa akin. But he just helped me at himala na hindi niya ginulo ang araw namin ngayon, bumalik na ba ang dating siya na nakilala ko or.. it's just his illness?

Whatever, may sakit man siya o wala he still helped me.

"Thank you Moon. I.. really appreciated your help."  finally, nasabi ko na rin ang dapat ko sabihin. Hindi mabubuo ang araw ko kung hindi dahil sa kaniya at sa pagtulong niya.

He was silent for a bit bago sumagot, "No problem Ray, you can always ask for my help whenever you need it. I'll be glad to help you anytime. Bye, enjoy the night with your friends."  ibinaba niya na ng tawag matapos sabihin ang mga katagang 'yon, he sounded really kind.

Just like the Moon I met years ago, the Moon I fall inlove with. Ngayon hindi na ako magtataka at magsisisi na minahal ko siya, he was once a part of my life. At dahil naka-move on na ako ay.. sa tingin ko pwede naman kami maging magkaibigan kahit na papaano.

"Who was that?"  halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang biglang magsalita si Glenn sa tabi ko, kanina pa ba siya dyan?

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi, alam ko na galit silang dalawa ng Kuya Klein niya kay Moon. Ano na lang ang magiging reaction niya kapag nalamang nakikipagusap ako sa taong kagalit nila.. but wait a minute, bakit ko ba iniisip kung ano nalang ang magiging reaction nila? It's not like they're my parents or Kuya Ryle.

"Si Moon, may sinabi lang."  I take a look at his reaction and guess what I see, from his smiling sunshine face ay naging seryoso ito. Very unusual for him, nangyayari lang naman ito kapag naririnig niya ang pangalan ni Moon.

"Ano daw ang kailangan--"  he was cut by his kuya calling him kaya umalis din ito agad, ni hindi man lang nawala ang seriousness sa mukha.

Finally mag-isa na lang ako ulit.

"Hindi ako tsismoso but you looked really stressed out, are you still okay?" 

O, mali pala ako. Nine sat beside me habang kumakain ng isang malaking snickers, ni hindi man lang ako pinasadahan ng tingin. He's really focused on the breathtaking view infront of us.

"Okay lang ako, may iniisip lang."

"You want?"

Sabay abot sa akin ng isa ding malaking snickers kagaya ng kinakain niya, tinanggap ko 'yon at binuksan para lantakin agad. This is one of my favorite chocolates out there.

"I have a question," panimula ko, nagsisimula na kasing maging awkward sa pagitan naming dalawa kaya ako na lang ang magsisimula ng conversation kahit na hindi halata sa kaniya ang pagiging madaldal.

He hummed in response para ipaalam na nakikinig siya, "Bakit mo naisipang sumama dito?" 

He swallowed first bago sumagot, "Nile also invited me, kung hindi niya pa nasasabi sa iyo ay kaibigan niya ako. Him and his big brother, kaming apat specifically kung isasama si Zay. Sa'yo ko lang 'to sasabihin and please keep this a secret between us two only."  Huminto muna siya saka malalim na tumingin sa mga mata ko.

"I'm serving those two, what I mean is I'm like a butler to them. My dad is in debt to their family at ang tanging way lang para mabayaran 'yon ay kailangan ko pagsilbihan ang dalawa. Kung naaalala mo pa, ako ang inutusan ni Nash na patagong pumunta sa cctv room ng school para makita kung sino ang kumuha sa P.E uniform mo. Kahit anong ipagawa nila sa akin ay kailangan ko sundin kahit na ikakapahamak ko pa, well that's is my role after all. I was born in this world just to follow them."  for the first time, sa tingin ko ay ito na ang pinakamahabang sinabi ni Nine simula noong nakilala ko siya.

Kahit na walang kahit anong emotion ang boses nito, ramdam ko kung gaano siya nalulungkot habang sinasabi ang mga 'yon.

So this also means na kasama na niya ang dalawa noong mga bata pa sila, I wish na sana ay kahit papaano ay nagkaroon siya ng magandang childhood kasama ang dalawa.

"It must be very hard for you," 

"Of course it is, pero kahit papaano naman ay masaya ako."  as he said that, kahit na madilim ang paligid ay nakita ko kung paano siya ngumiti. He looks very charming as he did that.

Hindi ko na rin mapigilan na mapangiti sa nakita ko, this is one of those rare sight of him.

"And why is that?"

"Because they're still here, alive and kicking. Just by seeing those two breathing and enjoying their lives makes me feel happy. After all, it's my job to keep them safe in sound."  and again he let out his rare smile, why rare? dahil minsan lang naman siya ngumingiti.

"I think you should start to smile from now on, mas bagay sa'yo kapag nakangiti ka." I saw how his cheeks turned pink matapos ko sabihin 'yon, weird.. did he just blush?

Naubo pa ito at iniiwas ang paningin, "Y-you're the first one to say that. D-does it really looked good?" paninigurado niya, I nodded.

"Yeah, that's why you should do it starting from now on. Para naman hindi isipin ng iba na robot ka, and another thing. You should start making conversations hindi lang sa amin kundi pati na rin sa iba mong classmates maging pati na rin sa advisor's. If you need any other advices, you can ask me." 

He thanked me bago siya tuluyang umalis at makiupo doon sa kumot na inilatag ni Glenn, I saw how this body trembles kapag sinusibukan niyang ngumiti. How cute of him.

"Ang ganda ng view dito, anong masasabi mo?"

Kung kanina ay ang sunshine energy naman ang nakaupo dito, ngayon naman ay ang black hole energy. He sat comfortably at nag-de kwatro pa, he must be really enjoying the view.

"It's beautiful.."

"I know someone who's even more beautiful than that view." wika niya at napatingin sa akin, ang mga ilaw na galing sa ibaba ay tila nag-reflect sa pagmumukha niya causing it him look more handsome than anyone.

Kamukha niya yung k-idol na ipinakita sa akin ni Wendy at pati na rin ang sinasabi ni Aircon na kamukha niya daw. Inshort— Jeon Jungkook or Jungguk or whatever his name is.

Hindi na ako nag-abala na itanong sa kaniya kung sino 'yon dahil wala naman akong pakielam, baka kung sinong artista lang ang sabihin niya. If it's not Anne Hathaway then maybe it's Chloe Grace Morets kung hindi naman ay baka yung magandang kaibigan ni Percy Jackson at anak ni Greek god of beauty; Athena.

He groaned, "You're no fun at all."

I rolled my eyes at him, "Well sorry dahil wala ako sa mood para sa mga corny jokes mo Klein." nag-pout lang ito bumulong-bulong.

"Minsan na nga lang mag-joke yung tao para mapasaya ka.."  pagpaparinig niya, I coughed because he sounded really gay!

"Sino ba nagsabing malungkot ako?"

"Well kanina ko pa kaya napapansin, your fujoshi friend and Nine asked you already kung okay ka lang ba and all you said is 'may iniisip lang ako' who will even fall for that false?"  he's talking like he was my father, I can't help but to feel even more sad.

"That's because may iniisip naman talaga ako, and it's none of your business."  napayakap ako sa sarili ng bigla akong makadama ng lamig, unti-unti nang lumalamig ang simoy ng hangin hindi kagaya ng kanina.

"Nope, it's our business. Now, what is it that you're hiding?" bakit niya ba ako tinatanong? did he say 'our' at bakit naman siya kasali 'don?

"I don't want to say it, ayokong masira ang gabing ito nang dahil sa akin." pagmamatigas ko, this is supposed to be a special day dahil matatapos ang araw ng magkakasama kami.

"If that's what you wanted then wala akong magagawa kundi maghintay, but let me just say this for the second time. If ever na may problema ka.. you can always ask for our help, nandito lang kami, okay?" bumalik na sa pagiging maamo ang boses niya at hindi na rin nakakunot ang noo.

"I know.."

"Good."

Akmang paalis na siya pero saglit itong huminto, hinubad niya ang suot na varsity jacket na itim na may initals na N.K at number 00 sa likod. The last thing I know ay iniabot niya ito sa akin at sinabihan akong suotin ko. I followed him at isinuot nga iyon, it is filled with his smell which I really enjoy. It smells very manly. I remember na ginawa niya na din ito doon sa may park.. wait- naibalik ko na ba ang dati niyang pinahiram? I dunno.

Naiwan siyang nakasuot ng black turtle necked long sleeves, mukhang maliit na ito sa kaniya dahil kitang-kita ang bawat muscle niya sa katawan. Naaalala ko tuloy yung isang bl character na pinakita sa'kin ni Loraine, si ano.. Jiwon basta ang pangalan ng character na'yon and he looks so damn handsome!

On the second thought, hindi ko pa pala naisasauli ang jacket na dati niyang ipinahiram sa akin.

"Guys! ilang minuto na lang at magsisimula na ang pinakahihintay natin!" Glenn announced, hindi lang kami kundi pati pa na rin ang ibang pang tao ay narinig siya. Nagsitayuan naman sila at pumwesto sa may mababaw na railings na nandoon, medyo delikado dahil kinakalawang na ang mga bakal na ito dahil sa katandaan. So I decided to just stay still sa may bench, makikita ko parin naman 'yon mula dito.

I looked at my wristwatch, 1 minute na lang at magsisimula na ang fireworks display.

"O and I forgot to say Ray." pahabol ni Klein, nang tumingin ako sa kaniya; my mouth almost dropped. He looks breathtaking, dinadala ng hangin ang kanyang buhok at nakapamewang ito, tumingin muna siya sa kalangitan bago itinuon ang pansin sa akin.

BOOM!

A single firework light up the whole sky, I keep looking at him dahil hinihintay ko ang nakalimutan niyang sabihin.

He mouthed his words which I didn't get at all, tapos ay pinakitaan niya ako ng isang toothy smile. He looks like a child, habang ako ay iniisop parin kung ano ba ang sinabi niya.

Napatayo ako sa bench para makakuha pa ng mas magandang view. It looks really beautiful, as beautiful as ever. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang shape at kulay na binibigyang buhay ang blanko at madilim na kalangitan. Everyone was silent habang ine-enjoy ang panonood. Tanging ang tunog lang ng pagputok nila ang gumagawa ng ingay. I feel calmed and relaxed. Parang pinapawi nila ang lahat ng iniisip ko.

This is one of those days, unforgetable days.

Habang nanonood ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kasabay ng pagsakit ng ulo ko, I hissed in pain at pababa na sana mula sa bench para maupo only to slipped. Tila nag-slow motion ang buong mundo ko habang nahuhulog, my face will hit the rocky surface and I'm sure na mababalian din ako ng hindi isa kundi maraming buto sa katawan. Napapikit na lang ako at naghanda sa sakit at pinsala na matatamo dahil sa katangahang ginawa ko.

"Whoops! There 'ya go!"

I waited for the impact at nanatiling ipinikit ang mga mata, but the impact plus sakit sa katawan ay hindi man lang nagparamdam. I instead felt something soft kaya dahan-dahan ko idinilat ang mga mata ko. Only to find Glenns' grinning face.

"Ayan kasi! hindi nag-iingat!"

"Uhh.. what?"

"I just saved you!"

Oh yeah he saved me, but why is he grinning like that? Para siyang nang-aasar.

"Hanggang kailan mo gustong mag-stay in sa dibdib ko? Isang minuto 1k." sabay malakas siyang tumawa, uhh hindi talaga siya magbabago.

I tried to freed myself only to find out na yakap-yakap niya pala ako, kaya naman pala hindi ako makagalaw e.

"Glenn, kung gusto mo ako paalisin sa dib-dib mo. Unembrace me first," pag-angal ko. Parang wala naman siyang narinig at nanatili lang na yakapin ako, he's warm and I like it.

I enjoyed his warmth kahit na suot-suot ko ang jacket ng Kuya Nash niya.

"I change my mind. You can stay there as long as you want. If hindi mo alam, I enjoyed hugging you Ray. Para kang isang malaking stuffed toy!" masiglang wika niya, I mentally rolled my eyes at hinayaan na lang siya sa gusto niya. I don't mind him hugging me.

We stayed like that for a minute at siya na mismo ang kumalas sa aming dalawa. I thanked him and he said "No problem," saka ipinagpatuloy ang panonood sa fireworks.

Maayos na akong umupo sa bench habang minamasahe ang sintido, argh, it really hurts like hell. Parang yung feeling lang ng kakagaling mo lang sa isang matinding hangover. That's what it feels like! kahit na wala pa akong karanasan sa pag-inom ng alak. Kuya Ryle explained it clearly to me kaya wag ko daw subukin na uminom ng alak. Duhh like hell na iinom ako 'non, Wendy made me drank a one cup of Soju noon, it tastes good tho but never na akong iinom pa ulit. Madali lang kasi akong malasing ayon kay Kuya Ryle.

My phone vibrated inside my pocket once again, rumehistro doon ang pangalan ni Moon kaya agad ko naman 'yon sinagot.

"Hey,"

"Hey are you currently watching them?" ang fireworks ba ang tinutukoy niya?

"Uhh.. yeah, why?"

"Nothing, nanonood din ako dito sa may rooftop. They looked really beautiful don't they?" kahit na naninibago pa ako sa inaasal ni Moon ngayon, I can't help but to smile.

"Yes indeed, they really are."

Napayani muna ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling magsalita.

"I have something important to say, mind listening?" he sound hesitant at first as he let out a deep sigh na tila ba pinag-iisipan muna kung magsasaliya ba o hindi.

"I'm all ears," kung ano man ang sasabihin niya then makikinig ako, hindi na bago sa akin kapag sinabi niya ang salitang 'important' dahil sure ako na importante nga ang sasabihin niya.

"Alam ko na hindi ako naging isang perfect na boyfriend para sa iyo 'noon kahit na nagpromise ako na hindi ka iiwan kahit na anong mangyari. And I know how much you still hated me after what I did, the twins also hated me. I realized this past days na hindi pa ako formally na nakakapag-apologize for what I did and this sounds very unusual for me to say but Ray, I'm sorry for what I did back then. Nagsisisi ako na ginawa ko 'yon okay? After your accident ay binalak ko pa pumunta sa ospital but I was stopped by someone. You knew who it was kaya hindi ko na sasabihin pa. I hope na sana ay patawarin mo na ako.. I want to clear things up between us pero alam ko na wala nang pag-asa so tanging pagpapatawad na lang ang magagawa ko. My feelings for you won't change. Sana naman ngayon ay makita mo na ang taong makakasama mo at mamahalin mo habang buhay. I wish you all the best." 

I was stunned for a second matapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon, he was really apologizing. I knew him more than anyone else.

I smiled, "You are forgiven, I also hope na sana ay makakita ka na rin ng para sa'yo. For now, let's be friends." 

"Thank you Ray. I want to see you now.. and hug you as tight as I can.." looks like the Moon became too sensitive.

I chuckled, "No need, just enjoy yourself there."

"I will Ray, thank you again and see 'ya around."

"You're welcome, Moon." 

He hanged up as always, I'm glad na sa wakas ay maayos na kaming dalawa. No more hatred between us. We're back to zero.

Sana ay humaba pa ang gabing ito para naman tuluyan na akong sumaya kahit papaano.

"This last summer night.. surely feels like forever to me." 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login