Download App
21.42% Will you be able to say? / Chapter 6: SAY IT 05: "Time's we spend together"

Chapter 6: SAY IT 05: "Time's we spend together"

SAY IT 05: "Time's we spend together"

RAY

2 years ago..

"Ehem.. nakikinig ka pa ba?" 

Aircon asked beside me, napabalikwas naman ako sa upo once I heard him say that. He was currently telling me a story about a guy named Yozo, I don't know who it is but as he tells more about him, I can't help but to feel sad for him.

But in reality.. inaantok na ako at gusto ko nang matulog kaso daldal pa ng daldal si Aircon sa tabi ko kaya hindi ako makatulog.

"Oo naman.. "  sagot ko sa kaniya, kahit na nakabenda parin ang mata ko at hindi nakakakita, ramdam ko ang tingin niya sa akin and I can also feel him smirking.

"You know, kung gusto mo magkaroon ng boyfriend na hindi ka iiwan gaya ng nauna mo.. I think he sure needs to handle you dahil minsan ay hindi ka marunong makinig sa sinasabi sa iyo."  He said, he sat beside me at inakbayan ako.

I chuckled, well that's true.. pasaway naman kasi talaga ako. I excitedly clapped my hands. "What else?"  I asked him again, he hummed as if he's thinking of something to answer.

"Kailangan ay lagi niyang nakukuha ang atensyon mo dahil minsan ay bingi't bulag ka."  He answered chuckling, mahina ko siyang siniko sa tagiliran siya.

"Kailangan niya rin matiis ang pananakit na ginagawa mo dahil may lahing sadist ka.."  dagdag pa niya, nilakasan ko na ang pagsiko sa tagiliran niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit. Uhh.. best actor award?

He laughed, kung ako ay may lahing sadist siya naman ay may lahing masochist dahil sinasaktan mo na nga lahat-lahat ay nagagawa niya parin na tumawa. O baka sadyang malandi lang talaga si Aircon..

"And last but not the least.."  aniya sabay mahigpit na hinawakan ang kamay ko, ang laki at ang lambot ng kamay niya, parang sa babae lang.

"He needs to treat you like how I do, take care of you like a child and protect you no matter what is the situation you're in. Inshort, find a guy who's like me.. heheh"  aniya saka mahinang tumawa, I mentally rolled my eyes sa sinabi niya.

"At saan naman ako hahanap ng kagaya mo?"  Tanong ko, siya lang naman ang kilala kong tao na ubod ng yabang kaya impossibleng may iba pang kagaya niya na nag-e-exist sa earth. Duhh..

"Tch, dunno.. baka may mahanap kang isa kapag nagpasagasa ka ulit sa truck~ who knows~"  he sarcastically answered, nga pala hindi lang siya ubod ng yabang dahil ubod din siya ng pagiging sarkastiko.

Mahina ko siyang hinampas and he laughed it off, "Hindi ko talaga alam kung matutuwa pa ako sa iyo.. "  wika ko.

He chuckled, "I don't care kung natutuwa ka ba sa akin o hindi, at least ako.. natutuwa ako sa iyo"  ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya, gosh.. di ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko towards him.

"Tch, shut up.. ikaw ba, don't you have any girlfriend yet? baka kasi mamaya ay biglang may sumugod sa akin eh pasyiente ako.. kawawa naman ako kapag nagkataon.."  I exclaimed, turning my head at him. Kahit na hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang ngiti nito, and just by imagining it. I know he looks handsome.

"Don't worry, I have no girlfriend record yet kaya safe ka.. but if ever na mayroon man ako, I guess, I'll treat her like how I treat you." 

If there was a person who can make my face go red then I think Aircon is the name of that person because he just did by saying those words. Mahina ko siyang hinampas kaya mahina itong natawa, look! he really is a masochist! no doubt!

"Don't talk like that, hindi bagay sa iyo."  wika ko saka mahinang tumawa, I must calm my heart dahil ayaw nito tumihil sa pagtibok ng mabilis. Damn heart kalma lang..

"Kinikilig ka lang eh.."

"Shut up Aircon.."

"Yieee! kinikilig siyaaa!"

"I said shut up, hindi ako kinikilig!"  I protested.

"Okay okay edi hindi kinikilig, I wish na sana makita mo kung gaano kamula ang pisngi mo Ray. Ang cute!"  He squealed like a girl, oh my! did he just squealed like a girl?!

"But.."  panimula nito matapos makabawi sa asarang ginawa namin, he sounded very serious kahit na hindi ko malinaw na marinig ang tunay na boses niya.

I hummed para maituloy niya ang balak na sabihin.

"Make sure na makahanap ka agad ng lalaking para sa iyo, kasi baka mamaya.. mahuli na ang lahat para sa akin. You know, kapag nabangga ka pa ulit sa pangalawang beses ay wala na ako para iligtas ka ulit kaya naman kailangan mo bilisan. And then after that, contact me and I'll meet you."  wika nito, his voice is filled with sadness.

I searched for his hand at tagumpay ko naman iyong nahanap saka ko ito mahigpit na hinawakan.

"I understand Aircon, don't worry I'll make it quick." 

Ramdam ko ang paggalaw niya sa tabi ko and I feel him peck my forehead kahit na balot pa iyon ng benda.

"I'm glad to hear that.."

After that nagpatuloy lang siya sa pagkuwento ng kung ano ano pang mga bagay sa akin, at ako naman? Hindi ko siya pinapakinggan bagkus ay naka-focus lang ako sa boses niya.

•   •   •

"Ray gising na.."  mabilis akong napamulat ng wala sa oras nang marinig ko ang isang boses na gumigising sa akin sabay napabalikwas ng bangon.

Napatingin ako sa paligid pero.. hindi ko makilala ang kwarto kung nasaan ako tsaka isa pa.. kaninong kama itong tinulugan ko?

Saka ko lang naintindihan ang lahat nang makita ko ang nakatayong si Klein na matiim na nakatingin sa akin. Oo nga pala! pumunta ako dito kahapon dahil gagawa kami sana ng poem tapos.. tapos? hindi ko na maalala.

"G-Good morning?" 

Wait wait wait! hindi ko talaga maalala ang mga nangyari kahapon pagkatapos ako ihatid ni Glenn dito sa condo unit nila! Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Klein.. nasa kwarto niya ako.. sa kama niya ako natulog..

Oh my god.. hindi kaya---?!

"If you were thinking about something perverted then nagkakamali ka, nothing happened between us." 

Tila ay nanalo ako ng jackpot prize sa wowowin nang marinig ko ang sinabi niya, mabilis akong napabangon at ang alam ko na lang ay mahigpit ko na siyang yakap-yakap habang nagtatatalon sa saya na para ba siyang si Kuya Will.

Mahina niya akong tinulak kaya mabilis ko din iyon hininto saka umupo sa may kama habang nasa harapan ko pa siya at nakatayo. Feeling ko naman ngayon ay kasalanan ang ginawa kong iyon.

"S-Sorry.." 

I heard him 'tch'ed' bago mag-adjust ng upo upang maayos na maharap ako. He then lifted my chin para maayos kong makita ang gwapo niyang mukha. May resemblance nga talaga sa Jungkook na iyon.

He then karate chopped my head slightly kaya naman masama ko siyang tinignan, binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko. Hindi siya kamukha ni Jungkook!

"Aray! para saan naman iyon?!" wika ko habang hinahawakan ang ulo't nakatingin sa kaniya.

Ang sakit kaya! Dagdag pa ang bigat ng kamay niya kahit na hindi niya nilakasan masakit parin!

"Dahil masyadong green ang utak mo. At ito naman.."  He then pinch my left cheek dahilan para mapangiwi ako at yun naman ang hawakan ko.

Again. Ang sakit ng pagkurot niya sa pisngi ko!

"Oww! may galit ka ba sa akin?! sabihin mo lang kasi ako nagagalit na ako sa iyo!"  angal ko habang hinahawakan ang mahapding pisngi.

"Wala naman. Well then, tumayo ka na diyan at lumabas dito. Nandoon na si Glenn, hintayin niyo akong dalawa sa baba para maipagluto ko kayo ng almusal. Aayusin ko lang ang panggugulong ginawa mo sa kwarto ko." He said coldly.

Aba! parang nakakalimutan na niya yata kung sino ang nag-alaga sa kaniya kahapon! no other than me! dapat maging grateful pa siya sa ginawa ko! not to mention na hindi pa kami nakakagawa ng poem dahil nagkasakit siya!

"Opo Kamahalan."  I said sarcastically and rolled my eyes at him pero hindi niya lang ito pinansin kundi sinimulan niya akong hilahin at itulak palabas sa kwarto niya.

"Hoy! marunong akong maglakad kaya hindi mo ako kailangang itulak."  protesta ko pero patuloy lang siya sa pagtulak, mahina ko siyang hinampas at sinubukang sipain but to no avail, walang kwenta ang mga hampas at sipa ko.

"Hey! ang sabi ko---"  hindi ko na naituloy ang balak na sabihin nang isara niya sa mukha ko mismo ang pinto ng kwarto niya.

"Aaargghh!! you!!"  and now I'm pissed, maraming salamat sa kaniya. Ang sarap kaya ng tulog ko kaya good mood sana dapat ako ngayon but thanks to him nawala lahat ng iyon.

I'm not gonna thank him dahil pinatulog niya ako sa oh-so-lambot niyang kama!

Bumaba na lang ako at naupo sa may sofa I still have my bed head at suot-suot ko parin ang damit ko kahapon, inshort, I look like a mess. Mabuti na lang ay hindi iyon mind ni Glenn na nasa tabi ko at ine-enjoy ang panonood ng pokémon.

"Oh, good morning Ray. You look like a mess by the way and.. nice bedhead. How's the feeling of sleeping on my brothers' bed? comfty ba?"  he said grinning, I rolled my eyes at him saka mahina siyang sinipa.

Yeah, I'm doing that oh-so-called 'the selfish prick' sit kahit na hindi naman sa akin ang sofa na ito.

He just chuckled na para bang nasiyahan pa dahil sinipa ko siya, ano masochist si Glenn tapos sadist naman ang kuya niya?

"Joke, grabe ka naman sipa agad. But serious na, comfortable ba?" he asked saka maayos ako na umupo sa tabi niya. Mukhang kakagising lang nito dahil pati din siya ay bedheaded parin.

Parehas lang yata kaming napalayas ng wala sa oras sa mga kwarto.

I nodded my head at nag-focus na sa pinapanood. Ayoko nang sagutin ang tanong niya dahil panigurado ay kasunod ng tanong ay tanong na naman. I know him already.

Then it hits me.

"Saan ka nagpunta kahapon?" 

"Sa Nanya."

"Nanya?"

"Nanya-business."

Mahina ko naman siyang hinampas sa braso dahil sa sagot niya, what the? kumuha pa talaga ng reference sa Moana?

"Saan nga kasi?"

He chuckled, "Sa apartment mo, to get your things." 

"Ah, okay."

"Wait what?! pumunta ka sa apartment ko?" I yelled, saka ako napaisip ng ilang mga bagay na pwede niyang gawin habang nasa loob ng apartment ko.

Yes, me and my green mind.

I can feel my blood makes its way to my face, feeling embarassment.

"Yes, I came to your apartment to pick some of  your things. Wait- don't you dare think na may ginawa ako ah!"  wika nito habang niyakap ang sarili, uh, diba dapat ako ang gumagawa niyan dahil pumunta siya sa private abode ko?

"Ano naman ba ang kinuha mo hah! at sino naman ang nagsabi sa iyo na pumunta doon eh hindi ka man lang nagpaalam sa akin." 

Gosh, ano na lang ba ang ginagawa niya?

"Si Kuya Nash ang nag-utos sa akin na gawin iyon at isa pa, uniform,bag at wallet mo lang ang kinuha ko, wala ng iba." He the  sighed at para bang may itinuro sa likod kaya hindi ko na natigilang pasadahan ng tingin ang kung ano mang itinuro niya.

Iyon ang mga bagay na sinabi niyang kinuha niya sa apartment ko, at tama nga ang mga sinabi niya. Wala na siyang ibang kinuha maliban sa mga iyon.

Napasalampak ako ulit sa sofa at napahinga ng malalim. I'm glad.

"At bakit ka naman natagalan sa pag-uwi?" muli kong tanong sa kaniya, pansin kong nanlaki ang mata nito saka umiwas ng tingin dahilan para manliit ang mata ko.

"Ano?"

"K-kasi.."

"Ano nga?" 

"Ano kasi.."

"Ano nga kasi?"

"Your dog.."

"Anong nangyari kay Kaze?"

"Your dog is.."

"Ano nga?!"

"Nilandi ako ng aso mo!"

What?

"Anong ginawa mo sa aso ko?!"

"Siya ang lumandi sa akin! ako ang biktima!"

"No! nagpalandi ka kasi!"

After our yelling session, we both burst out of laughter dahil sa mga pinagsasabi namin. What the hell? kaya siya hindi nakauwi dahil naglandian pa sila ng aso ko?

"Wait, at bakit ka naman uutusan ni Klein na kuhain ang gamit ko?" tanong ko matapos tumawa saka maayos na umupo sa sofa.

"Dunno." sagot niya saka nagikbing balikat at tinuon ang pansin sa tv.

Saka naman ang paglabas ni Klein sa kwarto niya, diretso lang itong naglakad papunta sa kusina, ni hindi man lang kami pinasadahan ng tingin.

Why is he acting so cold?

I nudge Glenn, "Hey, why is he like that?" I whispered saka tumuro sa kusina kung nasaan si Klein. Halatang nagsisimula na itong magluto dahil sa ingay na ginagawa niya sa loob.

"Don't mind him, ganyan lang talaga yan. Ayaw niya kasing may ibang nakakakita sa kaniya kapag may sakit siya.. at ayaw niya rin na may ibang pumapasok sa kwarto niya ng walang paalam." he said not looking away from the tv.

"Tch, arte ikaw nga pumasok sa apartment ko hindi naman ako naging ganyan." I mumbled only for him to hear, he giggled like a child after hearing my words.

"Hindi ka kasi si Kuya kaya ganoon."

After Klein finished his cooking ay agad na kaming kumain, mabilis namin iyon natapos.

Na-enjoy ko naman ang inihanda niya dahil sobrang sarap naman 'non, maikukumpara na sa isang professional chef ang skills niya.

"Ray, pwede mo gamitin ang bathroom sa may tabi ng kusina para doon maligo, nilagay ko na doon ang mga damit mo." Glenn said habang tinutulungan ko siyang maghugas ng plato, time naman ni Klein na manood ng tv.

"I have a question."

"Shoot."

"Why are you guys.. uhh.. easily welcoming here? I mean, kailan lang naman tayo nagkakilala."

He looks up na para bang nagiisip saka nakangiting tumingin sa akin, "I don't know Ray, maybe because.. you're not like the others. In my opinion, I can tell that you're one of a kind." What?

"What do you mean?" taka ko at ibinaba ang pinupunasang plato saka curious na napatingin sa kaniya.

He shrugged his shoulders, "I can't explain it."

•   •   •

"Maupo kayong lahat habang katabi ang mga partner niyo. Magsisimula mula Partner 01 hanggang partner 15." wika ng advisor namin, nanlalamig at nanginginig ang kamay ko habang nakakuyom at nasa ilalim ng desk.

Kami pa naman ang partner 08 kaya maya-maya lang ay kami na ang pupunta sa harapan, pero wala pa kaming nagagawang poem!

"Hey, ok ka lang?" tanong ng partner kong si Klein, kung titignan ay parang kalmado lang ito pero.. when you look at his hands ay mahinang nanginginig din iyon.

"Mukha ba akong okay?" sarcastic kong tanong sa kaniya, tatanungin niya kung okay ba ako eh siya nga.. whatever.

"Your hands is trembling." wika nito saka tinuro ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. I mentally rolled my eyes at him.

Kailangan niya ba talaga sabihin pa iyon? I know okay?

"Of course I know, kinakabahan kaya ako." I hissed saka umiwas ng tingin, wag niyang sabihing balak niya pa akong inisin?

"Para saan?" really?! you're asking me that?!

"You... hindi mo ba natatandaang wala tayong poem? papatayuin tayo sa hallway at nakakahiya kaya iyon!" wika ko at mahina siyang pinalo, he made a 'hurt' face saka nag-smirk.

Oh no, I hate people who smirks.

Nanahimik na lang siya at tumingin sa mga classmate namin na nagsasalita sa harap, nadadagdagan ang kaba ko sa tuwing tumatayo ng iba pa naming classmates para magsimulang i-recite ang nagawa nilang opem. Nakakainggit, dahil pinapalakpakan sila ng lahat kapag natatapos silang mag-recite at.. gustong-gusto ko pa naman kapag pinapalakpakan sa harap.

Well..

"Next, partner 08, Martinez and Olenyeva." wika ni Sir, lalo pa nadagdagan ang kaba ko, rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at sana ay hindi iyon marinig ni Klein. Sa mga oras na iyon ay parang gusto ko nalang kainin ng lupa dahil ayokong mapahiya.

Ramdam ko ang pagtayo ni Klein sa tabi ko at hinawakan naman niya ako sa braso para itayo pero binawi ko lang iyon sa kaniya.

"What are you doing? ayokong mapahiya dahil wala tayong poem." bulong ko, masama ko siyang tinignan pero tanging ang straight face niya lang ang sumalubong sa akin.

Really Klein? hindi ka ba nakakaramdam ng hiya?

"Come on, tayo na ang magre-recite." aniya at hinila ang braso ko pero hindi malakas, kahit papaano naman pala ay gentleman siya dahil kung malakas ang hila niya ay pinalipad ko na sana ang mukha niya kanina pa.

"Ayaw ko"

"Bilis na kasi"

"Ayaw ko nga, hindi mo ba ako naiintindihan? ang sabi ko ay ayaw ko."

"Tch, wag ka na nga kasi makulit."

"Hindi ako makulit, bitawan mo ako."

"Tumayo ka na nga kasi dyan dahil tayo na ang magre-recite." He slightly raise his voice dahilan para mas lalong humina ang loob ko.

Natahimik na lamang ako at tumungo sa desk na para bang matutulog, I suddenly remembered something at dahil doon ay parang gusto ko na lang maiyak.

"Are you not feeling well?" he asked at binalak na hawakan ako but I shooed him as fast as I could. Kasalanan niya kung bakit kami walang nagawang poem.

"Is something wrong Martinez?" I heard our advisor asked at rinig ko ang tunog ng sapatos nitong papalapit sa akin.

"Yes Sir, sa tingin ko ay kanina pa po iniinda ni Raychel ang sakit ng ulo niya, kaya ito." I heard Klein answered, wow hah, isa pala siyang magaling na sinungaling.

"Is that so? well then, you can now take her to the infirmary kung masakit na talaga't hindi na niya kaya, ipasa niyo na lang sa akin ang poem niyo mamayang lunch break. Partner 09, magsimula na kayo." he said, I stay that way at nag-fake crying noises para mapaniwala sila.

I feel Klein poke my sides at muntikan na akong mapatalon dahil sa ginawa niya.

Malakas ang kiliti ko sa tagiliran!

"Hey, can you walk? I'll take you to the Infirmary." he said pero pinili kong hindi gumalaw, hahah para 'to sa ginawa niyang scene kanina. Pilitin ba naman akong tumayo eh ayaw ko nga!

"Are you sleeping?"

Nagsisisi na ako sa ginawa kong hindi pagtayo. Bakit? because I now find my self being carry by him. At ang malala ay... sa lahat ba naman ng klase ng karga.

Ay napili niya pa ang bridal style.

Yep.

Bridal style.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login