Download App
17.85% Will you be able to say? / Chapter 5: SAY IT 04 : "Alone with Nash Klein Martinez"

Chapter 5: SAY IT 04 : "Alone with Nash Klein Martinez"

SAY IT 04 : "Alone with Nash Klein Martinez"

RAY

Dumiretso na muna ako sa apartment ko matapos ang klase, hindi ako makapaniwalang masasabi ni Klein ang ganoon! akala ko naman ay kasing inosente rin siya ni Glenn! at mali ako doon. Okay, ngayong alam ko na hindi siya inosente ay parang gusto ko na mag-back up sa invitation niya. What invitation? he invited me to his condo unit remember? kahit na sabihin niya pang nandoon si Glenn ay feeling ko ay maa-out of place ako dahil first time ko pa lamang na pumunta sa tinutuluyan ng isang lalaki.

Kahit na parang nag-overracting naman ako ay hindi ko parin maiwasang mahiya para sa sarili ko, am I really doing it? am I really going to his abode? Just by thinking na pupunta ako roon ay nag-iinit na agad ang mukha ko.. curse you Klein!

Agad na akong nagpalit ng maisusuot, at syempre bilang isang descendant ni Maria Clara, sinuot ko na ang sa tingin ko ay ang pinaka maayos ko na damit. I'm a skirt person sa totoo lang but I decided to wear pair of pants, baka kasi ay lumakas ang hangin mamaya at alam niyo na.. makita nila ang pearl of harbor kapag nagkataong naka-skirt ako. I was also wearing a crimson colored long-sleeves na naka-tuck in sa pants ko,it was 2x bigger than my size kaya malaki iyon tignan, and a red converse shoes naman para sa mabuo ang outfit of the day. Hindi ako marunong mag-ayos ng buhok kaya naman ay ginawa ko na lamang itong messy bun.

I also brought a sling bag with me, kung saan nakalagay mga gamit na kakailanganin ko. Nagpaalam na ako kay Kaze na aalis muna saglit at babalik din mamaya bago mag-dinner, tumahol lang ito na para bang sinabihan akong 'mag-ingat' saka na ako tuluyang lumabas, at gaya nga ng sabi ni Klein ay naroon na si Glenn na naghihintay sa akin.

"Ang ganda mo tignan Ray!" bungad niya nang magtama ang paningin naming dalawa, malapad itong nakangiti sa akin kaya binawian ko rin siya ng ngiti. Sana ay totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay magpapalamon na lang ako sa lupa.

"Thank you Glenn" I thanked him, iginaya ako nito papunta sa isang magarang BMW na naghihintay sa may likod, parang kumikinang ito sa dilim kahit na kulay itim ito. He let me inside, katabi ng drivers' seat saka siya umikot at umupo doon.

Saglit lang ang byahe namin more like 5-10 mins,matapos 'non ay agad na kaming nasa harap ng isang magara at mataas na building named 'Emerald Martin' ,iginaya naman niya ako papasok doon. Almost all of the staff's and the other people there looked at us out of curiosity, their gazes makes me feel uncomfortable kaya napakapit ako sa braso ni Glenn.

"Don't mind their gazes and just walk straight, follow my steps" he whispered, so pansin niya din pala ang mga tingin nila pero nagku-kunwari lang na hindi ito pansin, kailangan niya ng award para diyan. The snob king award.

I just nodded my head, following him wherever he goes, pumasok kami sa elevator, I watched him pushing the buttons which is the number of '21' so they live in the 21st floor. Mas lalo pa akong napakapit sa kaniya nang maramdamang umaandar na ang elevator, I have a slight motion sickness kaya naman.. nang makalabas na kami ay inaalalayan niya na akong maglakad. Shit, I can't walk normally after that ride, next time, I'll just use stairs para ma-exercise din ako. Feeling ko ay masusuka ako kapag sumakay ako ulit doon.

Huminto kaming dalawa sa tapat ng isang fancy looking door, talk about being fancy, their hella rich para tumira sa condo. He knocks but no one answered, did Klein locked the door?

"What happened?" I asked him matapos akong maka-recover sa nangyari, my head hurts a little at nahihilo-hilo parin ako. Sumandal ako sa pader katabi ng pinto at doon naupo.

"Malamig diyan.. " wika niya, he crouched down at my level saka ako matiim na tinignan, uhh.. why are you looking at me like that? Did I do something wrong? He then sighs saka muling pinansin ang naka-lock na pinto, he pushed a button saka nagsimulang magsalita.

"We're here, Ray is here, open the door Kuya Nash" wika niya, ooh.. naririnig ba ni Klein ang sinabi niya through that thing? It's kind of cool.

Ilang saglit pa ang lumipas at bumukas din sa wakas ang pinto, inalalayan ako ni Glenn dahil nangalay na ang mga paa ko kakaupo sa malamig na sahig na iyon. Mabilis naman akong napatigil sa pagpasok nang wala akong ibang makita kundi dilim, I'm afraid of any dark places and I can't see either in the dark, everyone does but my situation is a lot more. Para akong isang bulag kapag napupunta ako sa isang madilim na lugar, Nyctophobia.

I think Glenn noticed it kaya nauna siyang pumasok sa loob para buksan ang ilaw. Saka na ako mag-isang pumasok, the place is big. Parang 2x na yata ang laki nito sa apartment ko, nasa gitna ang living room, sa likod naman non ay ang balcony which is made of glass wall  para kahit na nasa loob ay may nakikita ka paring view. May maigsing hagdanan pataas then may dalawang pintuan doon, Klein is nowhere to be seen.

"Sorry kung medyo magulo, hindi pa kasi nakakapaglinis si kuya, please yourself and don't worry about anything, you can do anything you want. Pupunta lang ako sa kitchen" Glenn said saka dumiretso sa kitchen, is he going to make something? Well.. masarap ang burger na ginawa ni Klein and I expect more from him.

Oh well.. ako na lang ang mag-isa dito. Ang sabi niya ay 'please yourself' and 'do anything you want' kaya.. pwede ko naman siguro tignan kung nasaan si Klein. Siya lang naman ang kailangan ko.

Umakyat ako sa may taas, uhh.. there are two doors in here with the same design and style. I facepalmed, hindi naman pwedeng hulaan ko na lang kung nasaan ang kwarto ni Klein sa dalwang pinto na ito. I can ask Glenn but.. bigla na lamang ako pinasok ng kaba, what? bakit ngayon ka pa umatake?

I nervously knocked on the first door, pero walang sumagot. Gusto ko na magpaka-dora sa ginagawa ko like.. "Alam niyo ba kung saan sa dalawang pinto na ito ang kwarto ni Klein?  pwede niyo ba ituro sa akin kung nasaan ang kwarto ni Klein? Ito bang pinto na ito? o ito? Ito na ba kaya ang pintuan ni Klein? kung sigurado kayo ay sabihin niyong bukas! isa pa! bukas!" 

Oh diba? magmumukha na akong tanga kapag ginawa ko iyon, parang si Dora lang na ginagawang tanga ang sarili niya. Sheesh..

I again knocked pero wala talaga, is this Glenn's empty room? or Klein is just fast asleep kaya hindi niya mabuksan ang pinto? kung tulog siya.. edi sinong nagbukas ng entrance kanina? a ghost? no no no.. I'm just scaring myself for thinking that.

Once I heard faint noises coming from downstairs ay agad akong napasilip kung ano iyon, only to find Glenn na inaalalayan ang Kuya Klein niya. Dahilan naman para tumaas ang kilay ko, so all this time ay para lang akong tanga na nakatayo dito at naghihintay sa wala? nice job Martinez brothers. I quickly ran down and watch the two on their doing.

Hinang-hina si Klein na humiga sa sofa while Glenn worriedly looked at his brother, para kasi itong bagong panganak kung titignan. He's sweating a lot at malalim ang paghinga nito, his eyes are closed na para bang naghihingalo.

I became worried, anong nangyayari sa kaniya?

"Glenn.."

"I told him to stay in his room but I found him in the toilet, puking." seryosong wika nito, ni hindi man lang pinatapos ang pagsasalita ko. Lumapit ako kay Klein saka lagay ng aking kamay sa kaniyang noo, hindi iyon mainit, wala naman siyang lagnat.. but, anong nangyayari sa kaniya?

"Anong nangyayari sa kuya mo?" nagmamadaling tanong ko, kanina pa ba siya ganiyan? he must be suffering!

"I don't know, maybe its because we used the elevator. He has a very serious motion sickness unlike you na hindi malala, nahihilo ka lang but him.. sari-sari ang nararamdaman niya, I insisted that we could use the stairs but nagpumilit parin siyang mag-elevator kahit na alam niyang mangyayari ito sa kaniya" he seriously answered, so that's what happened. Klein has a motion sickness just like me but his sickness is fatal.

"A-anong kailangan nating gawin para.. para maging maayos siya?" I worriedly asked Glenn, he sighed and patted my head, his serious face was no longer in, the smiley and energetic Glenn is back. At mabuti naman dahil baka ikamatay ko pa silang dalawa.

"He'll be alright, kailangan niya lang magpahinga and take some of his medicines. Don't worry Ray, nothing bad will happen to him" aniya saka umalis papuntang kusina, bumalik itong may dalang tubig at dalawang tableta sa kamay. Inalalayan ko si Klein na umupo para mainom niya ang gamot na ibinigay ni Glenn sa kaniya. After taking his meds ay muli itong humiga sa sofa.

"Ray, pwede ko bang iwan muna si Kuya sa iyo? may kailangan lang akong bilhin sa labas. Don't worry hindi naman ako magtatagal, if things got bad, contact me using his phone na nasa table" wika niya, I wanted to protest but he already closed the door behind him a 'click' sound echoed through the hallway.

So.. I'm all alone with Klein, a sick Klein specifically. I have no idea what to do.

"Ray.." I heard him call me using his cheeky nickname, liningon ko naman ito. Malalim parin ang paghinga niya and his eyes were still closed, siguro ay nahihilo siya kaya niya iyon ipinikit muna. I moved closer to him para marinig ang balak niyang sabihin, he's almost whispering.

"Yes? what is it?"

"I-I want to go to my r-room, please escort m-me there.. i-its getting c-cold in here.." he managed to let out the words, I clearly heard him. But wait—

"The first door or the second door?" nagmamadaling tanong ko, I must not waste this time kaya itatanong ko na!

"T-the second one.." he mumbled, oh so kwarto pala ni Glenn yung kinakatok ko kanina. Silly me..

"Okay, Let's go to your room.." and with that, inalalayan ko siya sa pagtayo at paglakad. Duhh para siyang lasing na ewan; kanina ay bagong panganak pero ngayon ay lasing na ewan na. Good joke self. We reached the front of his door, there's like a calculator thing sa gilid nito. If I'm not wrong.. that's an security pin lock. Why would he install something like that kung silang dalawa lang naman ni Glenn ang naninirahan dito?

Don't tell me.. marami siyang tinatagong kababalaghan sa kwarto niya?

"Hey uhh.. we need a pin specifically 'me' because so that 'you' can go inside and take a rest" wika ko, sana naman ay narinig niya ako kung hindi ay tatawagan ko na si Glenn para siya na ang gumawa nito. Bruhh you don't know how heavy this guy is!

"20-17-12-03" he mumbled, I clicked the buttons one by one and wait for a bit, I heard a loud 'click' sound followed by his door opening. My smile widening..

Inalalayan ko parin siya hanggang sa makapasok na kami sa loob, at first, ang akala ko ay magulo ang kwarto niya dahil.. ehem.. guys are guys pero sa tingin ko ay hindi tulad ni Klein ang ibang mga lalaki na may makalat na kwarto. His room is well cleaned from ceiling to the floor, puro dark colors lang ang makikita doon halos. The color of his room is a mixture of black and gray with some white. A medium size bed was placed at the left side of the room, may katabi naman itong shelf na punong-puno ng sari-saring libro, may computer set na nakalagay sa gita at napa-wow na lang ako sa itsura nito. It looks like a gamers room dahil sa tatlong magkakadikit na monitor, glowing keyboard, glowing mouse, and his seat looks hella expensive kahit na tignan lamang ito.

Marami pang laman ang kwarto niya, like his study table placed across the room, his hella big closet, his pòkemon plushie collection na nakalagay sa isang glass case at kung ano-ano pa.

Ipinahiga ko siya sa kaniyang higaan obviously, His breathing is now steady and normal, hindi na rin siya gaanong pinagpapawisan. I sighed, mabuti na lang ay hindi na siya kagaya ng kanina which really freaked me out.

I was about to go out para kuhain ang phone niyang naiwan sa lamesa sa baba para sabihan si Glenn na medyo okay na ang kuya niya but a hand stopped me to do so.

"Don't go Ray.." he whispered, as if naman na iiwanan ko siya. I held his hand na pumigil sa akin na umalis, saka umupo sa isang part ng kama niya at tinignan siya.

"I'm not going anywhere," I reassured him, saka ko sinuklay pataas ang bangs niya gamit ang isang kamay ko. I found him very attractive kahit na ganito ang lagay niya, he looks like a child na ayaw mawala ang mama nito. So cute~

"Do you want to talk about something?" I asked him, any time from now ay parang matutulog na ito kaya lulubusin ko na.

He nodded his head, "About the Aircon guy.. do you have any feelings for him?" he asked suddenly making my face flushed, sa lahat ba naman ng bagay? ito pa ang napili niya?

I watched him slightly opening his eyes for him to see me.. he looks very handsome when he does that. Not to mention that he's only wearing a thin black V-neck tshirt and a pair of jogging pants. Geez! ano bang iniisip ko?! ito na ba ang resulta ng pagsama kay Wendy palagi?!

He directly looked at me as if he can read my mind, I felt uncomfortable under his gaze kaya naman umiwas agad ako ng tingin, our hands still intact, he's holding mine very lightly na para bang wala siyang lakas para higpitan ang kapit niya. I sighed again before answering his question. I gave him a slight smile nodding my head.

"Yes, I like him. A lot" I managed to confess, wala namang mangyayari kung sasabihin ko sa kaniyang gusto ko si Aircon. I saw him frowned.

"But you need to-" pagsisimula niya, I cut him off by saying:

"Yeah, I like him but I still need to find my one.. at sure ako na hindi siya iyon because he's my savior not my one. He saved me, gave me inspiration to live and made me the who I am today. But me having a romantic feelings for him is not fair, I must love someone who's not him." wika ko saka muling ngumiti, he groaned as he closes his eyes, finally drifting off to sleep.

"Please don't worry for me that much, I can handle myself" wika ko, sana naman ay narinig niya ako.

"You don't get it." 

In the end, nanatili lang ako sa tabi niya, hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko habang natutulog. He's still looks handsome kahit na natutulog, I can't help but to only focus on his facial features. I know we're wasting time dahil ang kailangan lang naming gawin ay ang poem para bukas but now, parang hindi ko na muna kailangang isipin pa ang paggawa ng poem. Pwede naman namin habulin ang oras para gumawa, sure naman ako na saglit lang iyon samin.

"Kailan lang naman kita nakilala kaya hindi mo kailangang.. bigyang pansin ang isang tulad ko, I'm happy because of how you care for me but and at the same time I feel bad, why? it's because you don't need to. Aircon told me to be strong kaya gagawin ko ang sinabi niya, I am strong in my own way." I whispered, ewan ko ba kung bakit nagsisilabas ang mga salitang iyan sa akin. And bakit ko din kinakausap ang natutulog na Klein sa harapan ko. Geez self.. just let him sleep in peace.

"I can't just let the opportunity pass dahil hindi ko alam kung makikita ko pa ba si Aircon, baka mahuli na ang lahat para sa kaniya, gusto ko siyang makita at makausap ulit kahit na saglit lang, gusto ko lang masabi ang mga salitang gusto kong sabihin. That's why I'm looking for my true love, iyon lang ang tanging paraan para makausap ko siya" I once again whispered, ni hindi ko na namalayan na humigpit ang hawak ko sa kamay niya, Just by thinking na hindi ko makakausap si Aircon muli ay.. hindi mapigilan ng sarili ko na mapanghinaan ng loob.

"Why I am so inlove with a cooling appliance?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login