Download App
14.28% Will you be able to say? / Chapter 4: SAY IT 03 : "Sold out and the Culprit"

Chapter 4: SAY IT 03 : "Sold out and the Culprit"

SAY IT 03 : "Sold out and the Culprit"

RAY

Maaga akong nagising para simulan ang panibagong araw na ito, mamayang 10 o'clock pa ang pasok ko pero 6 a.m pa lang ay gising na ako para lang makapaghanda.

Napagisipan ko muna na ilabas ang alaga kong husky na si Kaze, japanese for 'wind'; he was named after that guy named Aircon and he was also a gift from my brother; Ryle, who's curently in Japan with his girlfriend Ate Naru.

Tahol ito nang tahol habang inilalagay ko pa lang sa kaniya ang whole-body leash niya, naaawa kasi ako kapag sa leeg lang tinatalian ang mga aso.. feeling ko kasi ay nasasakal sila kahit naman hindi or oo. Malaki ang pagmamahal ko sa kanila 'no, I hate cats because they're hella weird and I was bitten by one when I was in elementary, It hurts like hell and ilang beses pa ako naturukan noon.

Nag-jog na kaming dalawa ni Kaze, oh shit! nakalimutan kong magdala ng jacket! It's hella cold outside! hindi na ako bumalik dahil malayo-layo na rin ang itinakbo namin ni Kaze, nagpatuloy na lang kami sa pagtakbo hanggang umabot kami sa park kung saan ako naglalaro noong bata pa ako. Ahh memories~

Naupo ako sa swing habang pinapanood si Kaze na nagbubungkal ng lupa, mabuti na lang at nandito parin ang park na ito dito. I used to play here with someone noong bata pa ako, but I didn't clearly remember who's that kid na palagi kong kalaro noon, I only remember him as a boy na madaldal at competetive. I looked around the park, ang luma na tignan ng playground, puro kalawang na ang mga monkey bars,slide at pati na rin itong swing na inuupuan ko, wala na ring lamang buhangin ang sandbox na favorite kong pinaglalaruan noon. I was spacing out that I didn't realize someone already sat beside the swing, the one beside me.

"Hi! didn't expect to see you here" that someone beside me said, tinignan ko naman kung sino iyon only to find Glenns' smiling face.

"Oh.. hi"  kung nagkataon nga naman oh, I didn't expect to see him here.

"How's talking with my brother yesterday?" he asked, looking at my dog, I heard him mumble a 'cute' when Kaze also looks at him.

"It's good, nothing special really. He's the complete opposite of you.. "  sagot ko, he giggles like a child nang dilaan ni Kaze ang kamay niya, oh close na sila agad..

"Yeah, people used to say the same na magkaibang-magkaiba kami sa isa't-isa. We're the complete opposite of one each other." he said playing with Kaze, I looked at the both of them. Ang cute nilang tignan, I smiled at the thought.

"Ah, ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, this is not an coincedence right?

"Me and Kuya Nash are having our morning walk and we decided to pause for a bit in this park where we used to play as kids. May binili lang siya sa kalapit na store doon, pupunta din iyon dito maya-maya" wika niya, mukhang nagkakasundo na talaga silang dalawa ng aso ko. Ang close na nila agad ehh.. noong araw nga na binigay sa akin ni kuya Ryle si Kaze ay halos tahulan ako nito buong araw.

"Ang cute naman ng aso mo Ray, anong pangalan niya?" tanong ni Glenn habang nilalaro si Kaze, ang landi rin ng aso ko eh no? mana ka ba sa amo mo?

"He's name is Kaze, japanese for the word 'wind' " sagot ko, he looked at me in amaze as if nasagot ko ang pinaka mahirap na tanong sa buong mundo. Uhh.. what?

"You named your dog 'hangin'?" someone asked behind us, sabay kaming napalingon only to see Klein holding a bottled water, he's sweating all over plus.. itim na sando lamang ang suot nito pang-itaas at may towel siyang puti sa balikat. Kitang-kita kung gaano kaganda ang katawan niya and not to mention his six pack na kita dahil sa nipis ng suot niyang sando, and.. and.. his armpit is very flawless! walang ni-isang buhok ang naroon! His hair was brushed up making his forehead say hi to me. Inshort, he looks perfect!

"Ehem, baka matunaw ang kuya ko dahil sa titig mo Ray.." Glenn whispered kaya masama ko siyang tinignan but he only laughs it off. As for Glenn naman, he was wearing a white V-neck tshirt na pinatungan ng gray jacket, hindi rin ito mukhang pinagpawisan hindi gaya ni Klein na halos maligo na sa sariling pawis.

Kaze barked at Klein, making the guy flinched at lumayo ng konti sa amin. Wait- don't tell me he's afraid of dogs.

"Keep that thing away from me or else ibabaon ko iyan sa lupa" galit na wika niya, gosh! ayaw niya nga sa mga aso! but Glenn almost kiss my dog earlier dahil naghaharutan silang dalawa! what the hell!? Don't tell me he's a cat person.

Agad ko namang sinaway si Kaze na huwag nang tahulan si Klein dahil baka totohanin niya nga ang pagbaon dito sa lupa, he sounds very scary kaya kanina! parang hindi siya magdadalawang isip na ibaon ang aso ko sa lupa! how dare he threaten me and my dog!

Naupo siya sa swing na katabi ng inuupuan ko dahil umalis na doon si Glenn, patuloy lang ito sa paglalaro kay Kaze kaya tinanggal ko muna ito sa pagkakatali para malaya silang makapaglarong dalawa.

"So what are you doing here?" he asked me out of nowhere, he still sound upset.

"I walked with my dog and decided to stop here muna para magpahinga"

I answered looking at the two playing around the play ground, parang batang nakikipaglaro si Glenn sa aso ko.

"Oh, is it right? na pinangalanan mo siyang 'hangin'?" pag-uulit niya sa tanong kanina, I nodded my head at him.

"Yeah, he was named after a guy who once saved my life" wika ko, I don't mind telling someone about Aircon tho..

"Really? so what's the guys' name then?" he asked in curiousity, aba, interesado ba siya?

"I didn't know his real name, but I named him 'Aircon' dahil mahangin siya masyado.. pero kahit na ganoon ay hindi iyon ang naging dahilan para magustuhan ko ang pagkatao niya" wika ko, napapangiti ako sa tuwing inaalala ang mga times na magkasama kami ni Aircon. Nakakatuwa balikan ang mga panahong iyon.. mga pahanong siya lang ang nagpapasaya sa buhay ko.

"Ironic, what does he look like?" he asked once again, mukhang interesado talaga siya sa kwento ko.

"I don't know, balot kasi ng benda ang mata't ulo ko noong nakilala ko siya, he saved me from an accident. I was hit by a truck at na-damaged ang mata't ulo ko dahilan para balutan nila iyon, and after that.. he stays by my side hanggang sa araw bago tanggalin ng mga doktor ang bandages ko" I missed Aircon, just by telling someone the times I spend with him.

"What the? why are you hit by a truck in the first place?! are you dumb?"

Yes I am, Aircon also called me that.

"Yes, because the man whom I love the most left me. Pero matagal na pahanon na iyon, wala na akong kahit anong connection sa kaniya pati na rin kay Aircon but I promised to call him someday If I managed to find my one true love" I felt him cringe beside me dahil sa mga salitang sinabi ko, ganiyan ba talaga kadiring pakinggan ang tungkol sa pagmamahal?

"And? ano naman ang gagawin niya kapag nagawa mo iyon?" ahh.. tinatamad na akong sagutin ang mga tanong niya, feeling ko ay isa itong interview at siya ang reporter na tanong ng tanong tungkol sa nangyari sa akin.

"Hindi ko alam.. wala naman siyang sinabing gagawin, basta ang sabi niya lang ay tawagan ko siya" wika ko sabay napatingin sa dalawa kong kamay na nasa hita ko, parehas iyong nakakuyom. Then it hits me, kanina pa pala ako nilalamig!

"Wait- you have his number?" taka niya, I nodded my head. Yeah I have Aircons' number registered in my phone, bawal ko daw iyon tawagan except na lang kung nakita ko na talaga ang the one para sa akin, welp.. pwede ko naman daw siyang i-update kung may nakita na akong sa tingin ko ay ang the one.

"That guy is creepy, are you sure na hindi mo siya stalker or something?" he said fake shaking his body para ipakita na na-cringe siya. He's hella weird tho, kanina lang ay ang cool niya tignan tapos ngayon ay para siyang.. hindi ko ma-explain kung ano basta ang weird.

"Of course he's not a stalker, he's a kind man tsaka malalaman ko naman agad kung stalker ba siya o hindi. But the point here is, hindi niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala making the both of us a stranger to each other pero hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako" I said as if I'm depending Aircons' humanity, syempre hindi ko siya hahayaang laitin si Aircon! I like him after all!

Yeah, without a second thought. I really liked Aircon. A lot.

"Normal lang sa tao na tumulong.. " he said while pouting, and you know what? mas cute pa siya mag-pout kaysa kay Glenn!

"No! that's not the point!"

"Yeah I already got your point!"

"No you're not!"

"Yes I am!"

Someone whistle suddenly making the both of us looked at Glenns' direction, he was smirking like an idiot habang katabi nito si Kaze na parang nang-aasar din ang tingin sa aming dalawa ni Klein.

"Ganyan din kung paano nagkatuluyan ang lolo't lola ko.. ayieeeee" he said after bursting into laughter, masama namin siyang tinignan ni Klein pero no effect ito sa kaniya.

And so, natapos na din ang playtime ni Glenn at Kaze dahil kailangan na ng kambal umuwi dahil may mga gagawin pa daw sila. But before they go.. Klein handed me something, It was a maroon colored jacket, so he was wearing one after all, ang akala ko kasi ay sinadya niyang idisplay ang katawan niya. Pinahiram niya ito sa akin dahil kita niya daw kanina kung paano ako manlamig, ibalik ko na lang daw kapag whenever I want. I thanked him for the jacket at isinuot ko iyon, and gosh.. ang sarap sa pakiramdam habang suot-suot ko iyon. And the smell, it's filled with Kleins' smell! which is the smell of manliness!

Nagpaalam na silang dalawa sa akin pati na rin kay Kaze, sus, magkikita pa rin naman kami sa school mamaya. Lalo na si Klein dahil siya ang partner ko sa paggawa ng poem, speaking of poem, anong klaseng poem naman ang gagawin naming dalawa? pag-uusapan naman namin ito mamaya nang kaming dalawa lang kaya hindi na ako mag-aalala sa magiging resulta. I trust him, both of them.

Nakasalubong ko sina Wendy at Loraine sa daan habang papasok kaya sabay-sabay na kaming tatlo pumasok sa St.Celestine High. Isa sa mga pinaka malaki at mayamang school dito sa Pilipinas, dati itong boarding school pero binago na nila ito dahil sa nangyaring aksidente noon. Halos hindi na ako nakinig sa lecture ng teacher namin sa Math dahil.. to all of the subjects existing out there, ang Math lang talaga ang hiling ko na sana ay mawala na lang. I hate maths' existence! pampahirap lang naman sa buhay ang subject na iyan.. bakit kaya hindi niya subukang i-solve ang sarili niyang problems 'no?

Natapos na ang unang apat na subjects and we  can finally have our peace by an half hour lunch break! Naupo na kaming tatlo ni Wendy at Loraine sa usual naming table, the 'swaeg' table by Wendy. Si Loraine na ang yayang bumili ng pagkain namin para sa amin kaya naman naiwan kami ni Wendy doon.

"Nakita mo naman ba ang P.E uniform mo kahapon? may P.E kayo mamaya sa second subject niyo" wika nito habang nakatingin sa akin, kahit ba naman ang schedule ng class namin ay alam niya? are you my mom in disguise?

I nodded my head at her. "Yeah, Klein found it outside the mens' locker room and gave it to me" sagot ko rito, kita ko na tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. What?

"Who's Klein? I've never heard of him.." she said resting her chin sa kamay niyang nakapatong naman sa lamesa, matiim nakatingin parin sa akin.

"He's a classmate of mine, and siya din ang partner ko sa poem making. He has a twin brother named Nile Glenn habang siya naman ay Nash Klein" sagot ko, mas napataas pa ang kilay niya sa sinabi ko.

"Oh so that means that he's a hottie~ may classmate akong Nile Glenn ang pangalan, and he's hella cute!"  wika niya saka ngumisi sa akin.

"How I wish na sana ay nasa sapatos mo ako ngayon." she said pouting, bakit niya naman gustong makipag palitan ng pwesto sa akin?

"And why is that?" I asked her, at bakit naman niya gustong maging ako? like duh.. ayoko nga mapalibutan ng mga lalaki.

"Ayaw mo bang may dalawang lalaking umaaligid sa iyo? malay mo isa na sa kanila ang hinahanap mo!" aniya, what? isa sa kambal? big NO NO, I only saw them as a classmate slash friend, wala ng iba pa.

"Nope Wendy, kung yan ang inaakala mo ay nagkakamali ka, wala akong ni-isang gusto sa kambal kaya wag mo na palalain, yes they're hella cute and hella hot but nope. No romantic feelings between us three." wika ko with matching hand gestures, baka naman kasi ipagkalat nito na may nagugustuhan ako sa kambal. She simply nodded her head and acts like zipping off her mouth.

"But the question is, sino ang kumuha sa P.E uniform ni Ray at iniwan sa harap ng boys' locker room." Someone asked kaya halos mapatalon kaming dalawa ni Wendy sa kinauupuan naming dalawa, It's Glenn na nakaupo sa pwesto ni Loraine and Klein na nakatayo lang sa likod niya habang nagce-cellphone.

"God! wag ka nga bigla-biglang sumulpot! may lahing mushroom ka ba?!"  saway ni Wendy sa kaniya, she's overreacting.. at trabaho niya iyon.

"Well maybe, but I don't like mushrooms" wika naman ni Glenn saka ngumisi, patuloy lang sa pagce-cellphone si Klein, aba, hindi maabala?

"And I don't care if you don't like mushrooms, ang sinasabi ko ay wag ka na lang basta sumulpot kung saan-saan, you almost gave me a heart attack" pagsusungit ni Wendy kay Glenn, oops, hindi sila close? akala ko pa naman ay magiging close sila dahil parehas silang childish pero nope.. a big NO NO din pala.

"I'll try.." wika ni Glenn, he let out a childish laugh, Wendy rolled her eyes at him.

"Wala ng burger.." bungad ni Loraine nang makabalik na siya sa table namin, hindi muna siya nakaupo dahil inukupa na ni Glenn ang upuan niya, our table only has 3 seats in it. Tinignan niya ang kambal bago inilapag ang tray sa table, sabay namang bumagsak ang ngiti ko nang wala akong makitang burger sa tray, tanging ang coke ko lang ang naroon.

"Ah yeah, narinig ko kanina na out of stock na ang burger. Say bye to your babies Raychel~" pang-aasar ni Wendy, masama ko lang siyang tinignan pero dinedma lang niya ito saka nagsimula nang kumain.

"That's my seat" wika ni Loraine kay Glenn dahilan para tumayo ito at tumabi sa kuya niya na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagce-cellphone, ano naman kaya ang ginagawa niya?

I decided to just buy my lunch sa labas ng St.Celestine, may malapit na fast food chain doon kaya doon na lang ako bibili ng burger. I can't live without eating one a day, buhay ko ang burger at burger ang buhay ko. Klein and Glenn tagged their selves along and wala naman akong pakielam kung sumama sila sa akin, burger lang ang gusto ko sa mga oras na ito. Lumabas kaming tatlo sa St. Celestine at nagsimulang tumungo sa malapit na fast food chain, maraming stalls doon ng mga sari-saring pagkain.

But..

Walang ni-isang bilihan ng burger ang naroon.

Napaupo ako sa isang bench sa may pagitan ng dalawang molave tree, feeling stressed, hindi ako makakasurvive ngayong araw na ito nang walang kain-kain ng burger!

"Nash, stressed na si Ray.. pigilan mo na nga ang pagce-cellphone" rinig kong saway ni Glenn sa kuya niya pero hindi naman ito nakinig, at ano naman ang kayang gawin ni Klein ngayong stress ako at kailangan ng burger?

"Kilala ko na kung sino ang kumuha ng P.E uniform ni Ray" wika niya, napatingin naman kaming dalawa ni Glenn sa kaniya, what? kilala na niya? yun ba ang dahilan kung bakit pa siya kanina nagce-cellphone? he's texting someone? well hindi naman big deal para sa akin ang nangyari pero baka para sa kaniya.. ni hindi ko na nga inaalala iyon dahil naibalik na man na sa akin ang uniform ko.

"Who?" Glenn asked, mukhang gusto niya rin malaman kung sino.

Ganoon ba iyon ka-big deal? hello?

"Nine checked the cctv footage sa may hallway ng boys' locker room only to see a girl who did it, she's wearing a cap and a mask kaya hindi kita ang mukha niya but I'm sure na nasa school lamang din ang babaeng iyon, she's wearing the same uniform." aniya, so it is a girl after all and also a student from St.Celestine, pero ano naman kaya ang dahilan niya para gawin iyon? Not like I care that much.

"Inutusan mo si Nine?" tanong ni Glenn, his brother simply nodded his head.

"But why?" he asked again, Klein sighs.

"Because I know that he can, don't worry dahil wala namang nakakita sa kaniya."  wika nito, he patted Glenns' shoulder for reassurance.

"Oh! and ano nga palang ginagawa natin dito sa labas?" bigla niyang tanong, he looks so innocent with that face of his.

"Naubusan si Ray ng burger kaya dito sana siya sa labas bibili kaso wala rin.."  Glenn answered his question, isang puzzled look naman ang ibinigay ni Klein sa akin, I shrugged my shoulders at him. But.. ang nakakatuwa lang, ginawa ni Klein iyon para sa akin? I'll thank him later.

"Gumawa ako ng burger for lunch, nasa loob iyon ng bag ko. You can eat it, hindi pa naman ako nagugutom, I'll just buy something mamaya sa cafeteria pagbalik." aniya, I widened my eyes in amusement, he'll let me eat his food? will that be okay for him?

"Of course it'll be okay, trust me." habol niya as if he can read my mind. I smiled at the both of them.

Nagyaya na si Glenn na bumalik sa St.Celestine dahil ayaw niya ma-late kaya sumunod naman kami sa kaniya.

On our way to St.Celestine...

"Thank you for doing that.." bulong ko kay Klein, Glenn is walking ahead of us.

"For doing what?" taka niya,

"For finding the culprit, hindi mo naman kailangang gawin pa iyon." wika ko, he looked down at me dahil sa height difference naming dalawa. Duhh, hanggang balikat niya lang ako. He's hella tall after all! parehas sila ni Glenn.

He chuckled as he pat my head, ruffling my hair on purpose dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"No need to thank me, It's my pleasure to help someone who needs it." wika niya, I felt my face slowly getting hot. Am I blushing!? no no please! not infront of him!

Saglit niya akong sinulyapan ng tingin, nagtama naman ang mga paningin namin. Looking at him now only makes me really flustered!

"Your face is red.."

"No it's not!"

"It is.. no doubt"

"No!"

Nagpatuloy lang kami sa pagtatalo hanggang sa makaabot na kami sa St.Celestine, saktong tumunog naman ang bell; sign na tapos na ang lunch break. Wendy and Loraine is nowhere to found kaya sumabay na lang ako sa kambal paakyat sa building namin.

"Say, okay lang ba sa iyo na gawin na lang ang poem mamayang uwian sa place ko?" Klein asked beside me, biruin mo iyon? katabi ko pala ito. Wait— in his place? anong ibig sabihin non? does that mean na kaming dalawa lang ang naroon? oh no—

"Nile lives with me kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano na magiging tayo lang dalawa ang nandoon. Maliban na lang kung gusto mo.." he said smirking at me seductively, my face immediately turns red.

"S-shut up!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login