Download App
10.71% Will you be able to say? / Chapter 3: SAY IT 02 : "Farewells and start of a new life"

Chapter 3: SAY IT 02 : "Farewells and start of a new life"

SAY IT 02 : "Farewells and start of a new life"

RAY

2 years ago..

Matapos naman ang araw na iyon, sumunod na ang araw na hindi ko siya makikita. Nagpaalam siya na hindi na makakapunta dahil nga ayaw niyang makita ko siya.

Pumunta naman ang pamilya at ang dalawa kong kaibigan para bisitahin ako, ni hindi nga nila ako sinamahan sa pag-uwi dahil busy sila. Oh diba? kung nandito lang siguro si Aircon ay baka ihatid ako 'non, kaso baka tapalan naman niya ang mata ko.. hayy. Bakit kaya ayaw niya akong makita ang mukha niya? gustong-gusto ko tuloy iyon makita.

Tinanggal na ng doktor ang mga bandage na nakalagay sa akin, sa una ay nanibago ako sa paligid dahil puting-puti pa iyon at malabo pa ang nakikita ko. Feeling ko tuloy ay isa akong bagong panganak na bata.. ganito siguro ang feeling 'non.

Nang tumagal ay umayos na din ito, malinaw ko nang nakikita ang paligid. Wala naman ang pamilya ko dito para masaksihan ito kahit na ang dalawang kaibigan ko man lang.. kaya nakakalungkot at medyo disappointed ako.

Bakit ba wala silang oras para sa akin?

Nanatili muna ako doon dahil may mga pipirmahan pang kung ano-ano, wala ng babayaran dahil si Dad na ang nagbayad 'non bago pa man sila umalis ni Mama, yung dalawa ko namang kaibigan ay saglit lang din ang itinagal. Ni hindi man lang ako dinaldal ni Wendy kasi daw baka wala ako sa mood like hello? ilang linggo ko kasama si Aircon? at siya lang ang tanging kadaldalan ko..

Nakapag palit na ako ng damit at pwede na ako lumabas para naman makauwi na, pero nang saktong bubuksan ko na ang pinto ay may nagbukas naman 'non galing sa labas.. laking gulat ko naman dahil hindi ko kilala ito. Halata din sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako..

Teka, sino ba 'to?

Binuksan ko na ang pinto saka lumabas, nanatili na man siyang nakatayo 'don na parang nanigas na yata.

"Uhh, sino sila?"  tanong ko sa lalaki, sigurado naman ako na kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko pa siya nakikita..

Wait..

Hindi kaya..

"Aircon?"  halos binulong ko lang ang salitang iyan, hindi kaya ay siya si Aircon? kung siya man iyon ay.. masasabi ko lang na sobrang gwapo niya para maging si Aircon! para siyang artista slash model slash idol!

"Aircon?"  taka niya, lagot, hindi siya si Aircon!

"Ah, w-wala.. akala ko kasi ay isa ka sa mga kaibigan ko na nakilala ko habang naka-confine ako dito sa kwarto na 'to."  pagdadahilan ko, tumango naman siya at mukhang nag-isip. Weird.

"Ikaw ang naka-confine sa kwartong ito?"  tanong niya saka ako tumango bilang sagot.

"Oo, pero magaling na ako at pauwi na sana.. Ikaw?"  tanong ko sa kaniya, hindi ko mapigilang titigan siya dahil sa attractiveness nito, kung malandi lang ako ay sana kanina ko pa ito nilandi kaso hindi ehh.. tsaka susundin ko pa yung sinabi sa akin ni Aircon kaya a big NO NO.

Pansin ko na nag isip muna siya at pinag pawisan din ito na para bang kinakaban na sumagot, oh how I love to have the pleasure of swiping that sweat of his!

"Balak ko sanang bisitahin ang kaibigan ko na nandito 'rin sa ospital na ito kasi sabi sa akin ay ngayon na daw ang araw ng pag-release sa kaniya. Kaso.. hindi ko alam kung nasaang kwarto naman siya dito."  sagot nito habang hindi sa akin makatingin ng maayos, dahilan para manliit ang mata ko.

"Pwede mo na man itanong sa baba kung nasaang kwarto siya.."  wika ko, nagtataka na talaga ako sa lalaking ito, pwede naman siya si Aircon at nagpapalusot lang. Pero pwede din namang hindi.

"Ayun nga ehh.. hindi ko naitanong dahil nilalandi ako nung babae sa baba."  wika nito, malakas naman akong napatawa sa sinabi niya. Nilandi siya? what the?! HAHAHAHAHAH

"Well hindi na ako mag taka.. "  bulong ko, mabuti na lang at hindi niya narinig.

"Hahanapin mo pa ba siya?"  tanong ko rito,

"Hindi ko alam ehh.. "  sabay kamot sa batok niya, ang.. cute.. puta..

"Ano nga palang pangalan nila?" 

"Ako?"

"Ay hinde, oo malamang ikaw. Sino pa bang kausap ko diba?"  sarcastic kong sagot sa kaniya, ang slow!, mapakla na man siyang tumawa sabay tingin sa akin.

"Sorry, the name is Nile Glenn Martinez. You?"  pagpapakilala niya sabay duro sa akin.

"Raychel Olenyeva"  wika ko sabay lahad ng kamay sa kaniya para makipag-shakehands at sinunod na man niya.

"So, kailangan ko na umalis.. see you around."  Pagpapaalam ko pero mabilis niya akong napigilan nang mahawakan niya ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Want a ride? Ihatid na kita.."  yaya niya, aba? ngayon pa lang kami nagkikita tapos ganyan agad? big NO NO para kay Aircon yan.

"No thanks, kanina pa ako nakatawag ng taxi."  pagdadahilan ko, kahit na hindi pa talaga ako nakakatawag ng isa. Ayoko nga sumama sa kaniya, kahit na ang gwapo-gwapo pa nito, Don't judge a guy by its face nga, kahit gaano pa iyan ka-gwapo.. uhh.. basta.

Binitawan niya ako saka mahinang ngumiti siya sa akin, "Well then, bye bye~ Ray"  sabay wave ng kamay habang mahina parin na nakangiti. Parang may nag-ring na bell bigla nang sabihin niya ang pangalan ko, 'Ray' din kasi ang tawag ni Aircon sa akin.

Hindi ko na pinansin ang bell, mahinang nginitian ko na lang siya tsaka nag-wave bago pa ako makaalis. "Bye Glenn.." 

• Present

At ngayon, 2nd year na ako sa senior highschool. Kasama ang dalawa kong kaibigan na si Wendy at Loraine, kasalukuyan kaming nasa Cafeteria dahil lunch break na namin.

"You know, hanggang ngayon.. parang ako lang yata yung hindi maka-move on sa nangyari sa iyo. Kasi naman ehh.. sinabihan na kita na wag sumama sa Moon na iyon, ayan tignan mo tuloy."  wika ng madaldal at kpop fan kong kaibigan na si Wendy, multi-fandom siya at siya ang Nanay naming dalawa ni Loraine.

"Parang wala na man akong naaalalang may sinabi ka kay Raychel tungkol kay Moon noon." wika naman ng isa ko pang kaibigan na si Loraine, siya na man ang kabaliktaran ni Wendy. Tahimik, bookworm at mahilig sa.. yaoi or boy's love. Yun lang na man ang tanging bagay na weird sa kaniya..

Nag-pout na man si Wendy sa sinabi nito, oo nga naman kasi, wala kayang sinabi si Wendy patungkol kay Moon. "Ang sama mo Lori, hindi ka ba naaawa sa kaibigan natin?"  wika nito sabay tingin sa akin, kanina ko pa sila pinapanood habang ako.. ito kinakain ang pangatlong burger ko.

"No offense, pero kasalanan ni Raychel iyon kaya wala kang magagawa." at isa pa pala, si Loraine ay masyadong straight-forward sa lahat ng bagay. Napatingin na man ang dalawa sa akin na parang may mali akong ginawa.. ano na naman iyon??

"Oh? tinitingin tingin niyo?"  tanong ko sa kanila, tahimik lang ako ditong kumakain ng burger eh..

"Kahit ano namang tignan natin.. si Moon parin ang may kasalanan."  rinig kong bulong ni  Wendy kay Loraine at tumango na man ito. Magkasundo talaga silang dalawa pagdating sa kalokohan.

"Wag niyo na ngang pag-usapan ang lalaking yan, 2 years na ang nakalipas at matagal na akong naka-move on okay? kaya mag-move on na rin kayong dalawa sa nangyari sa akin."  wika ko sa kanila, habang maigi silang tinitignan. Baka kasi mamaya kung ano-ano na naman ang maisip nila sa akin, mga insecure na kaibigan.

"Okay.."  magkapanabay na sagot nilang dalawa sabay balik sa pagkain nila.

"Ah.. wala na akong ketchup. Raychel, kuha mo nga ako sabagay alam kong bibili ka ulit ng pang-apat na burger mo."  wika ni Wendy sabay abot sa akin ng platito niya, masama ko na man siyang tinignan dahil sadya niyang nilakasan ang pagsabi sa pagbili ko ng pang-apat na burger.

Iniwan ko na silang dalawa doon at pumunta na lang ulit sa counter saka pumila para sa burger ko, nang ako na ang bibili ay bigla namang may sumingit na lalaki sa harapan ko dahilan para mapaatras ako. At ang mas malala pa ay.. binili niya ang natitirang burger na mayroon sila, yun pa na man ang pinaka paborito ko sa lahat!

"Hoy!" tawag ko sa lalaki nang paalis na sana siya, laking gulat ko na lang nang maalala ko kung sino ito nang makaharap siya sa akin. Malapad siyang ngumiti sa akin nang mapansin niya ako.

"Glenn?"  tawag ko sa pangalan niya, hindi na man ako makapaniwalang dito din pala siya nag-aaral sa St.Celestine, noong unang kita ko nga sa kaniya ay akala ko isa itong model at mas matanda pa sa akin.

"Ray! I'm glad to meet you again." bakas sa boses niya ang pagkakatuwa saka lumapit sa akin, nanghinayang akong sabihin bigla na 'sa akin iyang burger na hawak niya' kung hindi lang siguro si Glenn ang bumili ay baka inaway ko na iyon.

"What are you doing here?"  tanong ko sa kaniya, saka ako napa-mental facepalm dahil sa tanong ko. Malamang nandito siya dahil nag-aaral din siya dito!

"Like you, I'm also studying in here. And just like you 2nd year din ako." ngiting sagot niya, gosh, ang cute niya tignan kapag nakangiti, para siyang bata.

"Uhh.. sorry for calling you out so suddenly."  wika ko sa kaniya habang kinakamot ang batok ko, nakakahiya na man kasi!

"I don't mind, buti nga tinawag mo ako.. kung hindi ay hindi ko rin malalaman na dito ka rin nag-aaral kagaya ko." aniya, pwede niya bang tigilan ang pag-ngiti? ang cute kasi talaga.. kapag ako hindi nakapag-pigil ay pipisilin ko talaga ang pisngi niya.

"Nga pala, bakit mo nga pala ako tinawag?" tanong niya, kung kailan ko ba naman hinihiling na wag niya nang itanong ang bagay na iyan.

"W-wala.. m-may dumi kasi sa uniform mo hehehe"  ang.. tanga.. ko.. talaga.. kahit.. kailan.. At sino namang tanga ang maniniwala sa sinabi ko?!

"Eh? may dumi? saan? pakitanggal na man ohh.."  mali ako, may isa pa palang tanga na maniniwala sa akin.

Pakunwari kong pinagpagan ang likod niya, saka awkward siyang nginitian.

"Wala na ba?"  tanong niya saka humarap sa akin ulit.

"Wala na.." 

"Thank you, papunta kasi ako sa meeting ng SC ngayon, mabuti na lang nakita mo na may dumi kundi sisitahin na naman ako ng cleaning committee dahil sa duming iyon. Thank you hah.."  aniya saka matamis na ngumiti sa akin, ahh.. gusto ko siyang protektahan dahil lang sa ngiti niya na iyan.

"Nile! bilisan mo baka ma-late na tayo!"  sigaw ng isang lalaki sa malayo, pero kahit na malayo ito sa amin ay malinaw kong nakita ang itsura nito. Halos malaglagan ako ng panga.. bakit? dahil ang lalaking iyon ay kamukhang-kamukha ni Glenn!

"Oo papunta na!"  sigaw niya pabalik sa lalaki, nauna na man ito, humarap siya sa akin at binigyan na man ako ng isang apologetic look niya. Ang.. cute.. bullsh*t.

"Paano ba yan, gusto ko pa sana makipag-usap sa iyo ng matagal kaso.. kailangan ko na umalis. Next time na lang ulit,   Bye Ray~!" kaagad na siyang tumakbo paalis matapos niyang magpaalam habang nagwe-wave sa akin, mahina na man akong nag-wave sa kaniya pabalik.

Bumalik na ako sa table kung saan naghihintay ang magulang— este sila Wendy at Loraine.

"Natapos ko na lang yung fries ko pero yung ketchup wala parin" bakas ang disappointment sa boses ni Wendy nang makabalik ako sa table naming tatlo na pinangalan niyang 'swaeg table'  for some reason.

"Sorry, may kinausap lang ako. Tsaka naubusan na sila ng ketchup" wika ko sa kaniya, sumalampak na lang ito sa upuan niya saka nag-drama. Si Loraine naman ay nagbabasa na lang ng dala niyang libro.

Natapos na ang lunchbreak namin kaya bumalik na kaming tatlo sa kaniya-kaniyang room na ginagamit. Magkasama kami ni Loraine habang si Wendy na man ay sa katabing room.

Natapos ang last subject namin which is English, kailangan naman namin gumawa ng poem kasama ang na-assign na partners namin, sa kasamaang palad ay hindi ko naging partner si Loraine, kundi ang isang lalaking nagngangalang Nash Klein Martinez. Sa isang araw pa ipapasa ang poem na gagawin namin at kailangan namin iyon sabihin sa harap ng buong klase. Sana naman ay hindi ako ibagsak ng taong ito.

"Sayang talaga, dapat ikaw na lang ang partner ko" wika ni Loraine sa tabi ko, bakas sa boses nito ang lungkot kahit na naka-straightface lang ito. Habang ako na man ay pinapanood niyang iligpit ang mga gamit ko.

"Kaya nga eh, sino ba partner mo?" tanong ko sa kaniya dahilan para bumaba ang balikat nito. Ganoon ba kasama ang pakiramdam niya para sa partner niya?

May tinuro siyang grupo ng mga classmates kong lalaki sa likod, tinuro niya specifically yung isang pinaka maingay. Ooh.. ngayon parang naiintindihan ko na siya.

"Kaya naman pala.. kahit ako ay parang hindi ko rin gugustuhing maging partner siya, ang malas mo Loraine" wika ko, paulit-ulit naman siyang tumango dahilan para mahina ko siyang tawanan.

Kahit na 'Fujoshi' si Loraine ay nanghihinayang parin ito na maging ka-partner si Ashton dahil hindi niya gusto ang ugali nito, at isa pa ay.. 'power-bottom' slash 'omega' slash 'uke' daw ito kaya ayaw niya. Typical Loraine.

Lumabas na kami sa room para puntahan si Wendy, na nahuli naming may kausap na lalaki. Natapos din ang pag-uusap ng dalawa makalipas ang ilang saglit saka sa amin lumapit si Wendy.

"Sino 'yon?" tanong ni Loraine sa kaniya, makikinig na lang ako sa usapan nila.

"Si Nine, siya ang ka-partner ko sa gagawin naming poem sa english. Mabuti na lang ay maaasahan ko siya" sagot niya, I feel bad for Loraine.. siya lang yata ang may kapartner na hindi mapagkakatiwalaan. Well yung partner ko ay hindi ko pa nakikita hanggang ngayon kaya hindi ko pa alam.

"Ah, Wendy.. may tanong ako"  wika ko sa kaniya nang malapit na kami palabas ng gate, napatigil kaming tatlo sa paglalakad.

"Hmm?"

"Sino ba si Jungkook?" tanong ko sa kaniya dahilan para manlaki ang mata nito, uh oh, iisipin niya na may interest ako sa taong iyon.

"Oh my god! bakit mo natanong?! into kpop ka na rin ba?!"

oh diba? sabi na eh.. imbes na sagutin ako, siya pa itong maraming tinanong.

"Hindi, gusto ko lang malaman. May kinalaman kasi yun sa kinu-kwento ko sa inyong lalaki na nakasama ko sa ospital" sabay paliwanag sa kanila kung ano man ang mga pinagsasabi ni Aircon na kamukha niya si Jungkook.

Pinakitaan ako ni Wendy ng picture nung Jungkook at oh my.. ang gwapo niya sobra! tapos sasabihin ni Aircon na kamukha niya yan?! ang kapal naman ng mukha niya para sabihing kamukha niya ang gwapong ito!

Sinabi din sa akin ni Wendy ang lahat ng details na nalalaman niya patungkol kay Jungkook, habang nagku-kwento siya ay napakapa ako sa bag ko. Laking gulat ko na lang nang hindi ko naramdaman ang P.E uniform ko doon, kailangan ko pa iyon labhan ngayon dahil may P.E kami bukas!

"Ah, mauna na kayo sa akin.. naiwan ko yung P.E uniform ko sa locker kasama nung tumbler ko" wika ko sa kanila,

"Okay lang?" alalang tanong ni Loraine, simula kasi noong na aksidente ako, ayaw na nila ako iwanang mag-isa kasi daw baka.. may mangyari ulit sa akin na masama. I gave her my reassuring smile saka sila sabay na umalis, bumalik naman ako sa loob para kuhain ang naiwan ko.

Nang makarating ako sa girls' locker room ay nakapatay ang ilaw sa loob, sign na wala nang tao sa loob. Binuksan ko iyon saka nagmamadaling binuksan ang locker ko.. uhh.. na-mention ko na ba na takot ako sa dilim? minsan kasi ay pinapatay ng mga students na walang magawa sa buhay nila ang ilaw dito sa loob kaya kailangan ko magmadali.

Binuksan ko ang locker ko pero wala doon ang P.E uniform ko, the hell? sure ako na dito ko iyon nilagay. Magiging absent ako bukas sa P.E subject namin kapag hindi ko iyon nahanap!

Lumabas ako sa girls' locker room saka dumiretso sa room namin, hindi pa iyon naka-lock kaya mabuti. Wala na ring tao doon pero naroon pa ang isang bag, hatalang sa lalaki ito base sa design. At sino naman kayang tanga ang mag-iiwan ng bag niya dito?

Kinuha ko ang bag na iyon para ilagay sa lost and found ng school, pero nang saktong pabukas na ako sa pinto para lumabas ay may nauna namang nagbukas nito, gaya lang ng nangyari sa amin ni Glenn sa ospital. Speaking of the devil.. si Glenn ang lalaking nagbukas sa pinto. Mukhang bored na bored ito.

"Uhh.. Glenn-" tawag ko sa kaniya, naputol naman  agad ang balak ko sanang sabihin nang bigla siyang magsalita. Pansin ko rin na mayroon siyang bitbit sa likod niya. Out of curiousity, sinilip ko iyon pero mabilis niya iyon naitago ulit.

"Hindi ako si Nile, I'm his twin brother Nash Klein. Thanks for taking care of my bag, here,I saw this on the way here, nakakalat iyan sa tapat ng boys' locker room" wika niya saka ibinigay sa akin ang maduming pares ng isang P.E uniform at biruin mo.. akin iyon!

Pero wait..

"Nakita mo sa tapat ng boys' locker room?" tanong ko sa kaniya, he nodded his head at binigay ko naman sa kaniya ang bag niya.

"Pero ano naman ang ginagawa ng P.E uniform ko sa tapat ng boys' locker room?" taka ko saka tumingin sa kaniya, kung titignan maigi ay kamukha niya nga si Glenn. Pero medyo mas sumisigaw ang attractiveness niya kumpara sa kakambal, medyo may hawig din siya kay Jung—

Jungkook?!

"Don't ask me, kahit ako ay hindi ko rin alam. Sakto lang akong napadaan doon at nakita iyan, it'll cause a trouble kung isa sa SC o cleaning committee ang nakakita niyan, siguro ay may gustong manira sa iyo" wika niya, ooh.. ang cool niyang pakinggan! nakikita ko na agad ngayon ang pagkakaiba nila sa isa't-isa.

"Thank you Klein, tungkol nga pala sa poem na gagawin natin para sa friday?" wika ko habang inilalagay na sa loob ng bag ang maduming P.E uniform.

"Yeah, I've heard a lot of things tungkol sa poem making, bukas na lang natin yan pag-usapan sa cafeteria sa lunchbreak" aniya, napaka-cool niya talagang pakinggan.

Cool..

Cooler..

Cool air..

Air condition..

Air conditioning..

Air..

Aircon!

Para siyang si Aircon na hindi mayabang at mahangin, pero ang cool niya. I think I'll be fine with him. I hope.

I nodded my head at him. "Mauuna na ako, hinihintay pa kasi ako ni Nile sa labas and again, Thanks for taking care of my bag. Bye Ray"  he said as he walk away leaving me alone. I also thanked him for gaving me my P.E uniform back. Continuing my paused journey on the way to my single apartment.

Somehow, I felt the same feeling with him noong lagi ko pa kasama si Aircon. That very calming feeling of being with him.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login