SAY IT 01 : "A once rainy day and that guy named Aircon"
RAY
2 years ago..
Alalang-alala ko pa ang lahat ng pangyayari, kasalukuyang umuulan at nasa last year na ako ng pagiging isang middle schooler. Isang taon bago ako mag first year highschool. Nakipag-break sa akin ang boyfriend ko na si Moon, tama siya ang buwan sa buhay ko, ang nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligirang nakapaligid sa akin. Ay wala na, nangyari na lang iyon nang sobrang bilis, sa sobrang bilis ay hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon para makapag react sa mga sinabi niya. Hindi man lang siya nagdahilan kung bakit niya ginustong makipag break, basta basta niya na lang sinabi ang tatlong masasakit na salitang iyon bago tuluyang umalis sa buhay ko.
"Break na tayo."
Maliban sa salitang yan ay wala na siyang iba pang sinabi bago niya ako talikuran at tuluyang umalis, iniwan akong mag isa habang umuulan. Dahil sa sakit na nararandaman ko, patuloy lang ako sa pagsigaw ng mga hinanakit ko habang nasa daanan. Hindi pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin, may narinig pa nga ako na nagsabing.
"Hoy! mag ingat ka!"
Pero hindi ko iyon pinansin, at ang huli ko na lamang nakita ay ang mabilis na pag-andar ng truck papunta sa direksyon ko, ang pagkatapos? wala na akong ibang nakita kundi dilim.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar, pero kahit na nakadilat ako ay wala akong ibang makita kundi itim. Marahan kong hinawakan ang mata ko pero hindi ko iyon direktang nahawakan bagkus ay may bagay na nakaharang doon, hindi lang sa mata ko kundi pati na rin sa ulo ko. Anong nangyari sa akin?
Ang tanong na umiikot sa aking isipan. Maliban doon ay hindi rin malinaw ang pandinig ko, at may nararamdaman akong kung anong nakalagay sa aking kamay nang mga panahong iyon. Tsaka ko lamang napagtanto ang lahat na nasa ospital ako. Pero ano naman ang ginagawa ko dito? sino ang nagdala sa akin? na aksidente ako?
Maya maya pa, ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, malabo iyon pero masasabi ko na may nagbukas nga sa pinto kahit na hindi ko naman nakikita at kahit na malabo ang pandinig ko. Rinig ko din ang mahihinang yapak ng sapatos at papalapit iyon sa akin. Saka ako nakaramdam nang dalawang kamay na humawak sa kaliwang kamay ko, mahigpit ang pagkakahawak niya at base na rin sa laki nito at sigurado akong lalaki ang taong ito. Hindi kaya..
"Hay nako.. ilang beses na kita pinagsabihan na mag-ingat pero hindi ka man lang nakinig. Makulit ka ba o sadyang bingi ka lang?" wika nito, kahit na malabo ang pandinig ko, hindi ko kilala kung kaninong boses iyon.
"S-sino ka?" tanong ko sa kaniya, malay ko ba kung sino siya? at bakit ko na man siya papakinggan? sino ba siya para pakinggan ko?
"Ako lang naman ang nagsabi sa iyo na mag ingat ka at ako rin ang nag dala sa iyo dito." sarcastic niyang sagot, aba! ang yabang naman niya yata? kung ipagyayabang niya lang naman ang mga yan ay edi sana hindi na niya ako niligtas diba? hindi ko na man sinabi na iligtas niya ako.. tch yabang.
"Edi thank you hah kahit na hindi ko na man naaalala na humingi ako nang tulong mo." sarcastic ko rin na wika sa kaniya, ang yabang eh, akala mo naman kung sino.
"Sino ka nga?" pagpupumilit ko sa kaniya, gusto ko syempre malaman kung sino siya para na man kahit gaano pa siya kayabang ay makapag pasalamat din ako kahit papaano. Pasalamat siya dahil niligtas niya ako dahil kung hindi ay matagal ko nang nasapak ang pagmumukha niyang hindi ko nakikita dahil sa kayabangan.
"Ayoko nga sabihin, baka ipakulam mo ako kapag gumaling ka na eh.. ayoko nga." aba! ang yabang talaga ni maha! mahangin!
"Edi wag! ikaw na nga ang papasalamatan ayaw mo pa.. sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang na kahit iniligtas mo ako, wala kang maririnig na ni-isang thank you sa akin! ang yabang ah! kala mo naman, neknek mo hoy!" galitin ba naman ako, tse! kahit kailan talaga ang mga taong mayayabang!
"Hahahaha joke lang, ikaw naman di mabiro. Pero seryoso, ayoko sabihin ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong 'savior' or para mas maganda 'babe' o 'baby' pwede din namang 'jungkook' kasi parehas kaming gwapo." gigigil talaga ako nang taong ito! Jungkook?! sino ba 'yon? gwapo ba 'yon? ni hindi ko nga iyon kilala! well yung pangalan nang aso ni Wendy ay 'cookie' kaya baka kilala niya. Pero ako? never ko narinig ang pangalan na iyon.
Kung hindi lang sana natatapalan nang benda itong mga mata ko ay siguro kanina ko pa siya nasamaan nang tingin, nakakairita kasi ang kayabangan niya, sagad yata sa ulo nito iyon.
"Hoy Aircon, kapag ako lang talaga gumaling. Bubugbugin talaga kita." banta ko dito, oh yes ang ganda nang napili kong pangalan, bagay na bagay lang sa mahanging katulad niya! Aircon!
"Aba, ang ganda mo na man pumili ng nickname. Bakit naman sa dinami dami nang nickname sa buong mundo ay isa pang air making appliance ang napili mo?" wika nito, halatang naasar sa nickname na napili ko para sa kaniya.
"Well~ kaya Aircon ang napili ko ay dahil napaka lakas ng hangin mo ser! hindi ka ba aware sa kalakasan nang degree celcius mo?" yepp, ako na ang na aksidente, siya na ang nagligtas pero hindi siya makakatakas sa bratty atitude ko. Baka magunaw muna ang mundo bago ako bumait sa taong ito, never na pala kung hindi rin siya titigil sa pagiging mahanging attitude niya.
"What the hell are you talking about? hindi kaya ako mayabang" wika nito, aba, nagmamalinis na siya agad-agad?
"Oo hindi ka mayabang kasi nuknukan ka nang yabang!" pang aasar ko rito saka malakas na tumawa, yan ang napapala mo! yabang pa more! HAHAHAHAHAHAHAH
"Siguro nasobrahan sa alog yang ulo mo.. babaliw ka na?" biglang naging parang maamong kambing naman siya ngayon, ano? good samaritan? bait-baitan na siya ngayon?
"Wala na akong pakielam sa iniisip mo tungkol sa akin basta ikaw.. isa kang Aircon na napaka lakas ang hangin." wika ko, hay bahala na siya dyan basta ako.. ano ba? basta ako.. na aksidente ako, yehey, tapos may Aircon na nagligtas sa akin, yehey talaga.
"Oh ano? natahimik na na diyan? teka.. may kausap pa ba ako? Aircon? nasaan ka na? hindi na mahangin." wika ko, malay ko ba kung umalis na yung Aircon na iyon. Edi mas okay dahil matatahimik na ako dahil wala nang mahanging tao na iyon sa tabi ko.
"Oo nandito pa ako, miss mo na ako agad?" nandyan pa pala siya.. heheh.. malay ko ba? eh hindi ko naman nakikita ang producer ng hangin.
"Pwe, nanigurado lang ako kung nandito ka pa ba o wala na para naman matahimik na ako." sagot ko rito, bakit naman kasi siya biglang tumahimik? natamaan ba siya sa mga sinasabi ko? edi mas okay. Para naman masabi na may pakiramdam ang mga Aircon.
"Bakit ka ba nagsi sisigaw sa daan? nakipag break ba sa iyo ang boyfriend mo?" tanong niya bigla, so yan pala ang iniisip niya kaya siya natahimik, siguro ay nagda-dalawang isip pa siya kung itatanong ba o hindi. Pero dahil iniligtas niya ako at utang ko ang buhay ko sa kaniya, edi sasagutin ko siya kahit na masakit parin sa kalooban ko.
"Oo, at first break up ko pa lang iyon kaya naman.. malakas talaga ang impact sa akin 'non. Siya din ang unang boyfriend ko at minahal ko siya nang todo, as in. Pero hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa kaniya para biglaang makipag break sa akin. Sobrang sakit 'non at pakiramdam ko ay gusto ko na magpakamatay. S-sobrang mahal ko siya, at hindi ko alam ang gagawin kapag nawala siya sa buhay ko.." hindi ko na tinapos ang kwento, dahil nakaramdam na ako na ilang saglit lang mula ngayon ay maluluha na ako, hindi ko nga alam kung require ba na umiyak dahil sa kalagayan ko.
"At ngayon ay wala na siya, tsk, kaya naman pala ay halos salubungin mo na ang truck na iyon, mabuti na lang talaga ay yan lang ang nakuha mo, ewan ko na lang kung ano ang gagawin ko kapag mas malala pa. Pero mabuti na yan para matuto ka, tandaan mo na hindi siya ang kawalan, paano na lang kung ang magulang mo ang mawala? 'yon ang tunay na kawalan dahil sila lang ang tunay na minahal natin simula't sapul. Hayy.. mabuti na lang talaga hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend kasi siguro ay magiging tanga din ako kagaya mo." hindi ko ba alam kung ano ang mararamdaman sa mga pinagsasasabi niya, una ay akala mo isa siyang love expert tapos ngayon iinsultuhin niya ako. Paano naman ako magre-react sa mga pinagsasasabi nito?
"Thank you hah, hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga sinabi mo. Kung mai-inspired ba ako o magagalit dahil tinawag mo akong tanga." sarcastic kong wika, totoo naman kasi talaga. Mahina siyang tumawa.
"Hahahahah, pwede mo naman kasi parehas na maramdaman ang mga bagay na iyon."
"Malay ko ba?"
"Malay mo ba?"
"Ah basta wala ka nang pakielam sa amin."
"May pakielam kaya ako.."
"At ano naman po iyon, Aircon?"
"Secret~ ayoko nga sabihin~" at dahil sinabi niya yan, mas lalo kong gusto malaman kung ano man iyon.
"Dami mong alam, sabihin mo na kase." pagpupumilit ko, kapag ito hindi niya sinabi.. kakalbuhin ko siya.
"Bleh~ ayoko.. maiwan na muna kita, may mga gagawin pa kasi ako.. alam mo na, hindi lang naman ikaw ang priority ko, pero araw-araw naman kita pupuntahan para hindi ka malungkot. Bye bye~ Ray~" What?! aalis na siya agad? tsaka.. alam niya ang pangalan ko?
"Uyy teka lang saglit.. siguraduhin mong babalik ka bukas ha? Hindi talaga ako magte-thank you sa iyo kapag hindi ka bumalik." wika ko, kasi naman bakit biglaan? kung kailan na man ako may kadaldalan tsaka pa mawawala..hindi fair.
Mahina siyang tumawa, "Syempre naman babalik ako don't worry, at isa pa, ang sarap mo kaya kausap kahit na may pagka-sadistic ka." Sabay pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay, ramdam ko ang pagkuha niya sa kaliwang kamay ko saka ako may naramdamang malambot na lumapat doon. Oy oy oy ano iyon?! ang cringe sa pakiramdam!
"Well then, bye Ray~ see you tomorrow!" paalam niya, kaway na lang ang ibinigay ko habang nakangiti, ewan ko ba kung nakita niya iyon.
At gaya nga nang sabi ni Aircon, araw-araw niya akong pinuntahan sa ospital na iyon. Wala kaming ibang ginawa kundi mag-usap, minsan naman ay dinadalhan niya ako ng mga prutas para daw magkaroon ng vitamins ang katawan ko. Minsan niya nga rin ako dinalhan ng rubics cube, kaya nabatukan ko siya one time nang pagkalakas lakas, like hindi ako nakakakita pagkatapos dadalhan niya pa ako ng rubics cube?! anong trip niya? Pero ang sabi niya ay kailangan ko daw iyon, like duhh.. pinapagawa niya ba ako ng himala? walang ganoon.
Nakakapagtaka nga dahil bumibisita lang siya kapag wala nang ibang bumibisita sa akin like, tapos na bumisita ang mga kamag-anak ko kasama na ang dalawa kong kaibigan, tsaka lang siya magpapakita kapag wala na sila. Siguro kriminal siya na nagtatago sa kataas-taasan, joke, at ito pa.. isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan.
"Aircon, ano ba ang itsura mo?"
"Hmm? bakit mo naman natanong?"
"Wala lang, curious kasi ako kung anong itsura ng mukha mo.. para naman makilala kita kapag natanggal ko na itong mga bendang nakaharang sa mata't ulo ko." wika ko sa kaniya habang nagbabalat siya ng orange sa tabi ko, ngayon naman daw ay kailangan ko ng vitamin C.
"Ahh, naku hindi mo na kailangan malaman. Basta masisiguro ko lang na gwapo ako.. kamukha ko daw kasi si Jungkook." ayan na naman siya sa jungkook niya, sino ba kasi yang jungkook na yan? kapag ako lang talaga gumaling.. yan ang unang ise-search ko sa google.
"Pfft, baka na man panget ka talaga.. " pang-aasar ko, kahit na hindi ko siya nakikita ay ramdam ko na naka-pout ito.
"Hmm, bakit hindi mo na lang hulaan ang facial features ko?" wika nito, ano laro? kung may ilong ba siya o wala? of course meron wag tanga..
At ang ginawa ko, bigla ko siyang hinila papunta sa akin, saka ko hinawakan ang mukha niya. Ooh~ matangos na ilong, katamtaman ang laki ng tenga, malambot na buhok at mga labi. Binitawan ko agad siya matapos kong gawin iyon.
"So.. kumpleto naman ang mukha mo, hindi ka naman nawawalan ng ilong o ano man." wika ko dahilan para mapatawa siya, oo nga pala, medyo gumagaling na ang tenga ko kaya medyo hindi na parang edited ang boses niya kapag naririnig ko siyang nagsasalita.
"Obvious naman na may ilong ako.."
"Anong kulay ng buhok mo?"
"Hulaan mo.."
"Black?"
"Nope"
"Brown?"
"Nope"
"Red?"
"Nope"
"Blue?"
"Nope"
"Rainbow?"
"Hahahahaha mali parin, at sino namang tangang tao ang magpapakulay ng rainbow?"
"Malay ko ba.."
"Malay mo ba.."
At ayun, hindi ko man lang nahulaan kung anong kulay ng buhok ang mayroon siya.
Nagpatuloy lang ang pagbisita niya sa akin sa mga sumusunod pang mga araw, hanggang sa araw bago tanggalin ng mga doktor ang bendang nakapalibot sa mata't ulo ko.
"So this is my last day of visiting you, bukas kasi tatanggalin na nila yang mga na apparatus sa mukha mo." wika niya, halata sa boses nito ang lungkot.
"Aircon, tanong ko lang.. bakit ayaw mo akong makita ka?" tanong ko rito, bakit naman kasi ayaw niya akong makita ang mukha niya? ayoko naman mag-isip ng masama dito.
Speaking of the devil, inaamin ko na close na kami ni Aircon.. as in. Sa tinagal tagal ng pagsasama namin dito sa kwartong ito, impossibleng hindi ko siya maging close dahil siya lang naman ang nakakausap ko at araw araw na pumupunta dito para hindi ako malungkot. Na-appreciate ko naman ang ginagawa niya, thankful nga ako dahil nandiyan siya para araw-araw akong bisitahin.
"Well, gwapo naman ako pero ayoko lang na makita mo ako kasi.. baka ma-fall ka sa akin." malakas na hampas naman ang natanggap niya mula sa akin matapos ko marinig ang mga iyon, kahit kailan hindi nawala ang yabang sa katawan niya.
"Ano nga kasi?"
"Ayoko lang, parang yun na yung bayad mo dahil iniligtas kita but still syempre gusto ko parin makarinig ng salitang 'thank you' galing sa iyo." wika nito saka ko naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko sabay akbay sa akin.
"Gusto ko muna makita ang mukha mo bago ako mag-thank you." ani ko sabay siko sa tagiliran niya.
"Di mo mababago ang isipan ko, well okay lang naman sa akin kung hindi ngayon o bukas ka mag-thank you. May iba pa namang pagkakataon." ang sarap niya pong batukan sa totoo lang, bakit ba ang kulit nito?
"Bahala ka nga, kung ayaw edi ayaw, hindi na kita pipilitin." wika ko saka sumandal sa balikat niya, ahh.. grabe sobrang bango niya talaga~ parang talo niya pa yata yung model ng bench.
"Hahah wag ka na magalit Ray, sigurado naman ako na makikilala mo ako kapag nagkita tayo. Basta tandaan mo ang sinabi ko sa iyo." paalala niya, hayy oo naman tandang-tanda ko iyon! hindi naman ako makakalimutin 'no.
"Opo, na wag ako basta-bastang mafa-fall ulit at hanapin ko na ang taong siguradong para sa akin. At kapag nahanap ko na, tatawagan kita para ibalita iyon sa iyo. Oo tandang-tanda ko pa." pag-uulit ko sa mga sinabi niya, nangako ako sa kaniya na gagawin ko iyon kaya bilang isang masunuring bata, susunod ako sa Aircon na nagligtas sa akin.
Hinimas na man ni Aircon ang ulo ko na parang bata kahit pa may bandage na nakapalibot doon, ang sarap sa pakiramdam kapag ginagawa niya yan.
"Good girl.."
♡