Download App
30% Faces of Love (Tagalog/Unedited) / Chapter 3: CHAPTER 3:

Chapter 3: CHAPTER 3:

"Loren..."

Minulat ang aking mata nang marinig ko ang estrangherong lalaki na nagsalita. Akala ko ay gising na ito ngunit tulad nang huli ay nanatili parin itong nakapikit, nananaginip na naman. Ngunit hindi tulad nang huli, ngayon ay nanginginig na ito at yakap ang sarili. Paulit-ulit rin niyang binabanggit ang pangalan ni Loren.

Agad akong tumayo sa aking kinahihigaan at nilapitan siya, mula ulo hanggang paa ay tinignan ko siya. Madumi parin ito dahil hindi naman ako nag-abalang linisin siya. Kahit ang mga sugat niya ay gano'n parin. May luha na namang pumatak sa kanyang mga mata, hanggang sa panagnip ay si Loren ang laman ng isip niya. Naiiling na lang akong tinawagan si Cooper at nagpasalamat naman ako na ilang ring lang ay sumagot siya agad.

"Yes, babe? Umalis na sila Yuesha so, I assumed na miss mo na ako, kaya ka napatawag." Napahinga na lang ako nang malalim nang marinig ko ang kanyang pang-aasar.

"Go to my room, right now. Magdala ka narin ng damit," utos ko sa kanya bago patayin ang telepono. Wala akong oras para sabayan ang kanyang pang-aasar. Kailan ba ako nagka-oras? Hindi ko rin naman sinabayan ang kanyang pang-aasar. Never.

Umupo na lang ako sa gilid ng kama habang hindi parin inaalis ang paningin sa lalaki. Lumapit pa ako sa kanya at tinapat ang aking palad sa kanyang noo para tignan kung mainit siya. Nakahinga ako nang maluwag nang normal lang ang kanyang temperatura. Siguro ay masyado lang nabugbog ang kanyang katawan.

Kumuha ako ng bimpo sa closet at maligamgam na tubig. Matapos kong pigaan ang bimpo ay pinahid ko na iyon sa mukha nang lalaki. Hindi ako sanay mag-alaga nang tao kaya naman kung saan ko na lang pinupunas ang bimpo. Basta malinis lang ang lalaki ay ayos na. Habang pinupunasan ko siya ay napansin ko ang kanyang mukha. Mayroon siyang pasa sa kanyang pisngi gano'n din sa kan'yang ilalim na mata sigurado akong dahil iyon sa pambubugbog nila Tiago. Hindi naman siya magkakapasa kung hindi nabugbog.

"Now, I'm jealous." Nagtaas ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Cooper, mahihimigan ang pagtatampo ro'n ngunit hindi ko na lang binigyan pansin. Kanina pa siya nagseselos sa lalaking ito. What's with him?

"Here. Linisin mo na siya at palitan mo na rin ang kanyang damit kung gusto mo, you can put first aid too on his wound." Umalis na ako sa tabi ng kama at bumalik sa sofa.

I crossed my legs as I watched Cooper clean the stranger's body. I rarely do this kind of kindness, I never did rather, kaya naman alam kong maninibago ang mga kaibigan ko. Who wouldn't be?

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanilang dalawa, ang maingat na paggalaw ni Cooper at pagpahid ng gamot sa sugat nang lalaki ay pinagmasdan ko. Maingat ito sa bawat pagdampi ng gamot sa sugat ng lalaki. Hindi man lang nagising ang estranghero mula sa pagkakahimbing kahit pa anong galaw ni Cooper, pinalitan niya na rin ito ng T-shirt at tinabi sa gilid ng kama ang polo na suot ng lalaki. Maybe, he's too tired to feel anything in this situation.

"Babe, nag-aalala ka ba sa kanya?" Malungkot na wika ni Cooper nang matapos ito sa kanyang ginagawa. Umupo pa ito sa may paanan ng kama habang nakikipaglaban ng titigan sa akin.

"I'm not," tanging turan ko.

"Psh. Hindi raw pero pinatawag mo pa ako rito para linisin ang sugat niya. Kanina ko pa napapansin na parang ang soft mo sa lalaking ito, bakit ba? Bakit sa akin hindi ka gano'n? Bakit? Anong mali sa akin? Ano bang kulang, babe? Anong mayro'n siya na wala ako?" nagda-dramang tanong nito. Inerapan ko siya sa kan'yang ginawa. Ganito siya kakulit.

"What are you, now?" inis kong singhal dito. Nag-umpisa na naman siyang asarin ako at nakakainis nga iyong sinasabi niya. He's acting like we're in a relationship kahit hindi naman. He's weird this past few weeks.

"Seryoso, I'm jealous."

I froze. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa pinakaseryosong tono ng boses niya. I felt a tingling sensation inside my stomach as if there was a butterfly inside. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang aking sarili sapagkat hindi naman ako ganito. This was the first time I felt like this at sa kaibigan ko pa. Kay Cooper pa talaga. That's rare.

"I'm jealous, babe. Nagseselos ako sa kung paano mo alagaan ang lalaking ito. You're never like that in anyone, in me," malungkot pa niyang saad. "Gayon pa man, masaya ako. Masaya akong malaman na nagc-care ka parin sa ibang tao kahit papaano. But hell, I'm jealous."

"Don't be." Nahihirapan man ay nagsalita parin ako. Pinilit kong magsalita dahil ayaw kong kung ano ang isipin niya. Hindi rin ako sanay na makita siyang nasa ganitong estado.

Pumikit na lang ulit ako para hindi na makita pa ang kahit anong magiging reaction niya. Gusto ko ring ikalma ang sarili ko dahil nararamdaman ko parin ang sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Nagmulat lang ako ng mata nang marinig kong nagbukas at sara ang pinto. Wala na si Cooper sa loob ng kwarto kaya naman muli akong nakahinga nang maluwag. I should keep my distance from him. Hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kawalan bumalik lang ako sa reyalidad ng makita kong tumayo ang lalaki mula sa aking kama. Umupo pa ito at humihigab, tila hindi pa rumirehistro sa utak niya kung nasaan siya. Hindi rin yata niya napansin na nando'n ako sa loob ng k'warto kasama siya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang kinkusot niya ang kanyang mga mata at kinakapa ang sarili. Hindi nakaligtas sa akin ang panlalaki nang kanyang mata ng makita niya akong nakatitig lang sa kanya, tila duon lang niya na-realize ang mga nangyari.

"W-who are you?" tanong nito sa nanginginig na boses. Kinapa rin niya ang sarili at nang mapansin na iba ang kanyang suot na damit ay tinignan niya ako nang puno ng pagtatanong. He's still in a shock mode. "A-anong nangyari? B-bakit ako nandito?" Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinusubaybayan niya ang bawat galaw ko. Para namang may ginawa ako sa kanya kung makatingin siya.

"Tss. Find out yourself." I crossed my arms and raised my eyebrows.

Hindi na siya nagsalita at pinikit na lang ang mga mata na tila inaalala kung ano ang nangyari kagabi. Mukhang sobrang dami nga talaga ng nainom niyang alak tapos dumagdag pa ang pambubugbog nila Tiago. Buti hindi siya tuluyang nagka-amnesia.

Nang muli siyang magmulat ng kanyang mata ay deretso iyong tumingin sa akin. Duon ko lang napansin na namumugto pa ang mga iyon halatang galing sa pag-iyak.

"You're the girl," he whispered but enough for me to hear. "Tell me, w-wala naman a-akong g-ginawa sa'yo diba? Wal---"

"You're not my type," asik ko para hindi na niya ituloy pa ang sasabihin, alam ko narin naman. "Incase you don't remember, binugbog ka lang naman ng mga siga sa kanto and you pa---"

"Psh. I know. I remember," suplado nitong turan. Hindi parin niya inaalis ang tingin sa akin. "Anyway, thank you for helping me."

Tumayo ako at lumakad patungong kama kung saan nakaupo ang lalaki--I didn't bother to asked his name, that's not my thing. Humiga na lang ako sa tabi niya, hindi binigyan pansin ang kanyang presensya. Wala akong pakaelam kung nakaupo man siya ngayon sa tabi ko, I felt sleepy dahil kaunting oras lang ang naging tulog ko dahil sa kanya. And, I kinda miss my bed. Nakatitig lang ako sa kisame nang marinig kong muling magsalita ang lalaki.

"Hindi ka ba naiilang?" Umayos pa siya ng upo paharap sa akin, napangiwi siya nang pagmasdan ako. "Hindi kaba naiilang na may lalaki rito sa k'warto mo?" tanong pa nito.

"Kung aalis ka siguro, hindi. Pero kung mananatili ka rito baka sipain na kita palabas," walang emosyon kong turan.

"A demon with a good heart, huh?"

"What?"

"You." Itinuro pa niya ako habang nakatingin sa akin. "You're like a demon with a good heart."

Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Hindi ko alam kung paano niya iyon sinabi pero hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ang salitang iyon. A demon with a good heart? I don't think of myself having a good heart. I'm a rebel, a woman who makes people miserable. I'm far for a person who has a good heart. I think?

"Just a demon, I'm not a good person." Emotionless and with a flat voice, I said.

Narinig ko siyang tumawa dahilan para lalo akong mainis. "If you are one, bakit mo ako tinulungan? Bakit mo ako pinatulog dito sa k'warto mo at dito pa mismo sa kama mo? Bakit mo ako inalagaan? You clean my wounds too." He said proudly.

Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan, naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng aking puso. Natigilan man ay nilabanan ko parin ang pagtitig niya. Gusto kong ipakita sa kanya na mali siya, na hindi ako mabuting tao. Dahil hindi naman talaga ako mabuting tao. May mabuti bang rebelde? May mabuti bang sumasagot sa magulang? I don't think so.

"Hindi ako ang naglinis ng sugat mo, the owner of this bar, did. Hindi rin kita tinulungan, nagkataon lang na gusto ko ng away. I let you slept here not because I wanted to, ayaw ko lang na mapahamak kapag hinayaan kita sa labas," litanya ko.

I hate people who's giving me a good compliments. I want them to tell the truth, like what my father does. I'm a rebel and a war freak as well.

He shrugged. "Kahit ano pang sabihin mo, you helped me parin."

Huminga na lang ako nang malalim at hindi siya pinansin. Hindi ko alam kung paano niya nasabing mabait akong tao, because I know to myself that I'm not. Hindi rin naman p'wedeng nasabi niya iyon dahil lang tinulungan ko siya ng isang beses. One good act is not enough to prove that I'm a good woman.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumasok sa CR. Hindi naman gano'n kaliit ang k'warto dahil pinagawa talaga ito ni Cooper para sa akin, incase na maglayas na naman daw ako ay may mapupuntahan ako kahit papaano. That monkey knew me very well.

"You're unbelievable." Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita ang lalaki na nakatayo malapit sa pinto ng CR. Naka-topless lang siya at tinutuyo ang basang buhok habang nakatingin sa akin, may tumutulo pang butil ng tubig sa kanyang pisngi. "Kanina ka pa nakatitig sa akin, ako ang naiilang sa'yo," turan nito dahilan para mapakunot ang noo ko. Doon ko lang na-realize na sa kanya ako nakatitig, hindi ko man lang malayan.

"Get out," walang emosyon kong saad, nilalabanan ang kahihiyan. "Lock the door when you leave." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Gusto ko na siyang ipagtulakan palabas ng k'warto ngunit wala akong lakas nang loob. I felt weak this time.

"What's your name?" biglang tanong nito habang sinusuot ang kanyang damit.

"None of your business," tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Okay, none of your business, I'm Caliber Montesillo ..." natatawang turan nito. "Your name is too long can I just make it sho---" dugtong pa niya na ikinalingon ko.

"You!" I hissed. "Get out of my room, now," pagtataboy ko pa sa kanya. "Crybaby." Taas kilay kong dugtong.

"I know there's a reason behind your bad attitude." Muli ko siyang tinignan nang masama, sa sobrang sama ay para ko siyang papatayin. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinakakaelaman ako. "And, I cried for reasons…"

"Get out. You ashole."

Naiiling na lang ako habang naririnig ko ang mahinang pagtawa niya bago lumabas sa aking k'warto. Caliber Montesillo. Sounds rich. His name sounds familiar too, parang narinig ko na siya somewhere, hindi ko lang matandaan and I don't care.

"You're like a demon with a good heart." Tila may kung anong bagay na nagpaalala sa akin ng katagang iyon.

Maraming tao ang nagsabi sa akin na hindi ako mabuting tao, that I have a trashy attitude, even my own father said that I'm just a waste of time. Pero ang lalaking iyon ay naniniwala na hindi ako masamang tao, gano'n din si Cooper. They both believe that I have a good heart, na hindi ako kasing sama nang akala ko.

I have trashy attitude, alam ko iyon. Basura ang ugali ko tuwing kaharap ko ang sarili kong ama gayon din ang aking kambal. Sila naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

I know to myself that I'm not a good person, I'm a bad person, a demon, like what what my father used to say.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login