AGAD na napalingon si Bryan sa pintuan ng kwarto kung saan lumabas si Brenda. At napapansin niyang napapadalas ang pagkunot ng kanyang noo na ito ang dahilan.
"I thought you're going out to do some work-related stuff?" Hindi niya natantya ang tono ng kanyang pananalita. Pabalang tuloy ang dating niyon.
"Oo nga. Bakit ba?" Tila ipinagtaka naman nito ang itinuran niyang iyon.
"Do you wear mini-skirts during work?"
"Ugh!" Brenda rolled her eyes. "Bryan, this is not a mini-skirt, okay?" May-diing anito.
"Malapit na sa mini-skirt `yan, Brenda." He said in between his gritted teeth.
He was really trying to suppress his unreasonable emotions that are surging out of him from God knows where it's coming from.
"Alam mo ikaw, para kang hindi nanggaling sa Canada. Atsaka pwede ba? Sa coffee shop lang naman kami magkikita. It's not as if we're meeting in their office para magsuot pa ako ng formal attire. Atsaka sabi nga ni Monch, trabaho at kaunting kamustahan `yung agenda ng pagkikita namin. So, okay lang `tong suot kong maong na palda at blouse. Okay na?"
"Why are you suddenly dropping out the "Sir" part?" Nakataas ang isang kilay na pamumuna na naman niya.
"Duh!" Brenda rolled her eyes once more, na para bang naiimposiblehan na talaga ito sa itinuturan niya.
Kung alam lang nito. Kahit siya ay naiimposiblehan na rin sa sarili niya, kanina pa.
"Kailangan ko pa ba talagang gamitin `yung Sir sa kanya? Eh ikaw naman `tong kausap ko ngayon at hindi siya mismo. May problema ba tayo, Sir Bryan?" Pasarkastiko pa nitong dugtong pagkaraan. Nakahalukipkip na rin ito ngayon sa harapan niya.
"Wala." Napipilitan na lang niyang tugon. "Take this!" Initsa niya rito ang susi ng kotse pagkaraan. Nabiglang sinalo naman nito iyon out of reflex.
"Ano namang gusto mong gawin ko dito?��� Anito na nakatingin sa kamay nitong may-hawak niyon.
"Aba malamang gamitin mo." Sarkastiko nang aniya dahil sa namumuong inis sa kanyang dibdib.
"Ano'ng gagamitin mo pauwi?" Naguguluhan namang anito.
"That means you should be home before I go home."
"Nababaliw ka na ba? Ano `yun, sisinghot lang ako do'n tapos uuwi na agad? Magko-commute na lang ako, okay?" Ibinalik nito sa kanya ang susi pero hindi niya iyon tinanggap.
"Kaya nga gagamitin mo ang kotse para mabilis kang makauwi. Matatagalan ka lalo kung magko-commute ka."
"Ano ba kasi ngayon kung matagalan ako? Hello? Twenty-five na po ako? Alam n'yo, kayong dalawa ni Ate, hindi ko talaga maintindihan ang itinatakbo ng isip n'yo minsan eh."
"Brenda, sundin mo na lang si Bryan." Pagsabat na ni Amanda sa kanila na ipinagpasalamat niya. Because he was clearly losing his temper which is so not him.
"Bryan, dito ka na mag-dinner." Anitong binalingan siya saglit atsaka muling ibinalik ang tuon kay Brenda. "And since dito magdi-dinner si Bryan, mahaba-haba pa ang oras na pwede kang mag-stay sa labas. Huwag mo nga lang masyadong tagalan at baka mamuti ang mga mata nitong si Bryan kakahintay sa'yo."
"Ate naman kasi…I don't need to use his car, okay?" Ngayon ay ang Ate naman nito ang sinusubukan nitong paintindihin.
Padarag na tumayo si Bryan. "Are you really planning to stay out late?"
Binalingan siya ni Brenda gamit ang nanlilisik nitong mga mata. "I just don't find it reasonable to use your car, Bryan. Look, I've been going out on my own simula nang magkatrabaho ako. I wear what I want kahit pa mini-skirt na tunay, and I stay out late when I need to. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan mong gamitin ko ang sasakyan mo when it's more understandable na ikaw ang gumamit niyon pag-uwi mo. Hindi mo pa ako kailangang hintayin and at the same time, hindi ko naman kailangang magmadali thinking na may naghihintay sa pag-uwi ko. Mas maliwanag na ba?"
"Trabaho naman ang dahilan nang paglabas mo, 'di ba?"
"Oo nga." Sagot ni Brenda sa pinababang tono na animo nanggigigil na talaga ito sa kanya, nagpipigil lang.
"Then I think may karapatan akong mag-demand ng kung ano ang gusto ko since I am your Boss now. I don't want you going out alone and staying late outside doing work for me. Kargo kita kapag may nangyaring masama sa'yo, Brenda. At hindi ba't kaya nga ako nandito ngayon para i-assure si Amanda that you'll be safe with me? Unreasonable na kung unreasonable, basta't hindi ka aalis kung hindi mo gagamitin ang kotse ko."
Laglag ang panga na nakatingin si Brenda sa kanya matapos ang kanyang mga sinabi. Maya-maya pa ay nagpapadyak na ito sabay tili.
"You're really starting to get into my nerves, Bryan. Ipagpatuloy mo pa iyan at talagang mapipilitan kang maghanap ng bagong assistant na iti-train ni Marissa. Tingnan ko lang kung makahanap ka nang makakapagtiis diyan sa pagta-tantrums mong ang hirap espilengin!" Iyon lang at tinalikuran na sila nito matapos humalik sa pisngi ni Amanda bilang pamamaalam.
Napangisi na si Bryan. Ngiting tagumpay. "Be sure to be back home before seven-thirty, sweety!" Pahabol niyang sigaw rito.
"Manigas kang maghintay!" Pasigaw din nitong sagot sa kanya.
He just chuckled. Nang lingunin niya si Amanda ay naabutan niya itong nakatingin sa kanya nang may panunukso ang mga mata. Nailang tuloy siya. Mabuti na lang at hindi na ito nag-usisa pa.
"Magluluto lang ako ng hapunan natin. Mag-usap tayo pagkatapos kong magsalang ng ulam. Feel at home, Bry." Anito sa kanya pagkaraan.
Umupo ulit sa sofa si Bryan nang maiwan siyang mag-isa sa sala atsaka siya nagpakawala ng buntong-hininga.
"I'm getting weirder and weirder each time." Naiiling na sabi pa niya maya-maya.
PAGKAPASOK sa coffee shop ay agad na nakita ni Brenda si Monching dahil kinawayan siya nito.
"Hey! You're here."
"I'm sorry. Did I keep you waiting, Sir?"
"Nope, hindi naman. Kararating ko lang din. Oh by the way, I ordered you coffee already. Do you still like butterscotch vanilla frappe?"
"Naaalala mo pa `yun, Sir?" Natutuwang aniya rito.
Natawa naman ito sa kanya. "Oo naman. Malakas ka sa'kin eh. Atsaka pwede ba? Drop the Sir. Wala naman tayo sa opisina eh. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan."
"Hmm… Okay. Sabi mo eh."
"So—"
"Oops! I'm sorry. Sasagutin ko lang `to." Ani Brenda na ang tinutukoy ay ang tumutunog niyang cellphone. "Excuse me." Tumayo siya at lumabas saglit sa coffee shop dahil medyo maingay doon. Marami kasing tao doon ngayon.
"Napatawag ka?" Bungad niya kay Bryan na siya palang tumatawag.
"You answered the phone, so I guess nakarating ka na?"
"Kararating ko lang. Ba't ka napatawag?"
"I'm just checking if you've arrived safely. Walang magga-guide sa pagmamaneho mo. And as you've said, first time mong magmaneho ng sports car."
"Second time na ngayon at third time naman mamaya pag-uwi ko. Okay na, Sir?" Hindi maiwasan ni Brenda na barahin ito. Naalala kasi niya ang pag-aaway nila kanina.
Hindi talaga niya maintindihan kung bakit biglang sobrang protective nito sa kanya na lagpas-lagpas na sa boundary bilang kaibigan o kahit pa bilang boss. Buti sana kung ang dahilan ay dahil nagkakagusto na ito sa kanya at nagseselos lang. Malamang ikaliligaya niya pa iyon. But, that is certainly not the case. Right?
"Fine. Basta umuwi ka nang maaga. And drive safely."
"Oo na nga sabi. Ikaw naman, i-enjoy mo na ang oras kasama si Ate. Minsan mo lang maso-solo iyan. Parating nakabuntot si Dr. Tolentino diyan."
Imbis na si Bryan ay mas ang sarili ni Brenda ang pinapaalalahanan niya ng bagay na iyon. Na sa Ate niya nagkagusto itong si Bryan at baka nga may gusto pa rin hanggang ngayon. At hindi sa kanya. Because she's starting to get false hopes.
"I don't really mind kung parati mang nakabuntot sa kanya ang dati mong doktor. Ang sinasabi ko, umuwi ka nang maaga."
Okay, she must admit that her keart skipped a beat this time. Nabalewala tuloy ang pagpapaalala niya sa sarili ngayon-ngayon lang. Paano naman kasi, iba ang dating sa kanya nang sinabi nitong iyon. Para bang sinasabi nitong wala na itong pakialam kung may minamahal na ang Ate niya. At ang importante lang dito ay makauwi siya nang maaga.
Tama ba ang pagkakaintindi niya? O tama talaga siya?
Sige Brenda, ipagpilitan mo talaga iyang pag-iilusyon mo. Warning na naman sa kanya ng bahaging iyon ng isip niya.
"Brends, did you hear me? Hindi ka na sumagot diyan."
"O-oo. N-narinig kita. Uuwi nga ako nang maaga. Sige na,"
"Wait—"
"Bye!" Hindi na ito pinagsalita pa ni Brenda. Baka mag-short circuit na naman kasi ang puso niya sa mga pinagsasabi nito. Delikado. Mamaya na lang niya ulit ito kakausapin kapag maayos-ayos na ang lagay ng puso niya.
Pagbalik niya sa loob ay pinilit niyang iwaglit si Bryan sa kanyang isipan. Pinag-usapan nila ni Monching ang tungkol sa commercial shooting nito. Pero dahil hindi naman pala talaga importante iyon, nauwi sila sa mahaba-habang chikahan. They talked about their past few projects together. Ang pinagsimulan nang pagkakaibigan nila. At marami pang iba.
"Brends, I've been meaning to ask you this, kaya lang ay hindi ako nagkakaro'n ng tamang timing eh. Itatanong ko sana kung okay lang ba na—"
"Oops! I'm sorry ulit. Saglit lang, ha? Sasagutin ko lang `to. Babalik ako agad." Ani Brenda atsaka tumayo at lumabas ng coffee shop dala-dala ang cellphone niyang tumutunog na naman.
"Ano na naman ba? Pangalawang tawag mo na `to ah! Eh 'di sana sumama ka na lang sa'kin dito kung ganitong oras-oras mo'kong tatawagan!" Naiinis nang asik niya kay Bryan na siya na namang tumatawag sa kanya. Nahihiya na siya kay Monching dahil dalawang beses na niya itong iniwan doon.
"I just want to remind you that it's past six already. Sobrang traffic na ngayon kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na."
"Bryan, hindi pa kami tapos mag-usap ni Monching, okay? May itatanong pa nga dapat sa'kin `yung tao kaso tumawag ka na naman." May panggigigil nang litanya niya rito.
"Ano pa ba'ng hindi n'yo napag-uusapan eh sobra isang oras ka nang nandiyan?"
"Kung hindi ka ba naman tawag nang tawag, eh 'di sana alam ko na ngayon ang sagot diyan sa tanong mo, 'di ba?"
"Kapag hindi ka dumating dito nang alas siete, susunduin kita diyan."
"Teka! Seven-thirty 'di ba, sabi mo?"
"Well, I changed my mind. See you here at seven or I'll see you there. And I'm telling you Brenda," may pagbabantang anito, "hindi mo gugustuhing makaharap ko `yang Monching na `yan kapag ganitong wala ako sa mood."
"Pero—Bryan? Bryan?! Grrr!" Napaungol na lang sa panggigigil si Brenda dahil binabaan lang naman siya nito ng tawag.
Pumasok ulit siya sa coffee shop pero hindi na para ituloy ang pakikipag-usap kay Monching kundi para magpaalam dito.
"I'm really sorry, Monch. Promise, babawi ako next time. Ha? Ako naman ang magti-treat sa'yo."
Hilaw itong ngumiti. "It's okay. Si Bryan ka'mo ang naghahanap sa'yo, 'di ba? The Boss always comes first for us employees."
"I know right?" Nahihiyang ganti niya rito. "Pa'no, mauna na'ko. Thank you sa treat at ingat ka pauwi."
"Ikaw din."
Mabilis nang tinungo ni Brenda ang sasakyan at kung malakas nga lang ang apog niya ay baka binilisan na rin niya ang pagmamaneho. Pero ang totoo niyan ay may kaunti pa rin siyang takot sa mga sasakyan kaya kapag nagkakaroon siya ng pagkakataong magmaneho ay parati siyang pa-safe.
Kanina ay nagagawa niyang magmaneho nang mabilis-bilis dahil kasama naman niya si Bryan. Nakakabawas kasi sa kaba niya kapag may kasama siya sa loob ng sasakyan. Hindi ganitong nag-iisa siya.
Kung bakit kasi masyado siyang minamadali ni Bryan? Maiinis na sana ulit siya rito pero naalala niya ang sinabi nito kanina.
I don't really mind kung parati mang nakabuntot sa kanya ang dati mong doktor. Ang sinasabi ko, umuwi ka nang maaga.
Sa halip na inis ay nauwi sa kilig ang nararamdaman ni Brenda.
"Argh! I'm going crazy!"
"O! SOBRANG aga mo naman yatang nakabalik, Brenda?" Bungad sa kanya ng Ate Amanda pagkauwi niya.
Sinuwerte siyang hindi pa gaanong inabot ng traffic ang shortcut na dinaanan niya at himala sa himala rin na nagkaroon siya ng kaunting lakas ng loob na medyo bilisan ang pagmamaneho kaya hayun at nakarating siya sa kanila ng quarter to seven.
Bago sinagot ang kapatid ay binalingan na muna ni Brenda si Bryan na kasunod ng Ate niya sa pagbubukas ng pintuan. Pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"Paano naman kasi, maya't-maya kung tumawag ang Boss ko kaya umuwi na lang ako agad."
"Mabuti nga at nang sabay-sabay na tayong maghapunan. Pinalambot ko pa kasi ang karneng baka kaya hindi pa kami nakakakain. Halika't nakapaghain na ako sa mesa."
Akmang susunod na si Brenda sa kapatid nang pigilan siya ni Bryan sa braso. Kunot-noong binalingan niya ito.
"Huwag ka nang magalit sa'kin, please?"
Ayun ang magaling niyang boss at nagpapaawa effect ngayon sa kanya na parang bata. He must've known that his charm always works for both her and her sister.
"I just want you to be safe, okay? Pagkatapos nang nangyari sa'yo noon, you must understand how your sister and I feel about you." Sinsero na nitong sabi pagkaraan. That touched her soft spot.
Napabuntong-hininga na lang si Brenda maya-maya. "Okay, fine. Pero huwag naman sobra, pwede? Para n'yo naman kasi akong ginagawang bata eh. Last time I know, I'm already an adult. I'm even capable of living alone if I must."
"I can't promise that, pero susubukan ko. You must also try not to provoke me. I get more competitive kapag gano'n."
"Hindi naman kasi ako makikipag-argumento sa'yo kung—"
"Mga bata, halina kayo bago pa lumamig `tong inihain ko. Sa susunod n'yo na pag-usapan kung anuman `yang pinag-dedebatehan n'yo na naman diyan, okay?" Tawag sa kanila ng Ate niyang nauna na sa kusina.
Bagsak ang balikat na nauna na siya kay Bryan na tumungo sa kusina. Pero nang maramdamang hindi ito sumunod sa kanya ay nilingon niya ito. Ayun at parang batang nagpapasundo sa kanya ang tinamaan ng lintik. Nagkamot ng kilay si Brenda dahil sa pagtitimpi pero sa huli ay binalikan pa rin naman niya ito.
Bakit hindi? He really looks so cute when he's like that. Parang ang sarap nitong lambingin.
Some women doesn't like childish men, because they prefer the masculine ones. At sa totoo lang, hindi rin iyon hilig ni Brenda. Pero ewan kung bakit parang exempted itong si Bryan sa rules.
Hinatak niya ito papunta sa kusina hawak ang isa nitong kamay atsaka pinaupo na roon bago pa ito mag-inarte ulit.
Samantala, wala silang kamalay-malay na lihim silang pinagtatawanan ng kanyang Ate Amanda habang nakamasid ito sa kanila.