Triton's Point of View
Kinabukasan ay naabutan ko si mama sa kusina at naghahanda ito ng agahan. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme papasok sa kanyang trabaho. Isa kasi siyang nurse sa isang hospital dito sa amin.
"Good morning, ma." bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi bago ako humarap sa hapag kainan.
"Good morning."
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay siya ng plato at kubyertos sa harapan ko.
Tatanungin ko ba siya tungkol sa mama ni Lei? Kagabi kasi ay hindi naabutan ni mama si tita Lilia dahil late nang umuwi si mama kagabi galing trabaho.
"Good morning." napatingin naman kami ni mama kay papa na kakapasok lang ng kusina.
Nakasuot na rin ito ng kanyang uniporme papasok sa University.
Nilapitan naman siya ni mama at saka ito humalik sa pisngi ng papa ko.
"Let's eat." wika ni mama at sabay silang umupo ni papa sa harap ng hapag kainan.
Walang nagsasalita sa aming tatlo. Abala sila mama at papa sa pagkain habang ako ay papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Gusto ko kasing malaman kung nasaan ang mama ni Lei. Kung saan ito nakatira. Kahapon kasi ay hindi na ako nagtanong pa dahil pumunta na ako sa kwarto ko at iniwan sila ni papa para mag-usap.
"May problema ba sa pagkain mo, Triton?" binalingan ko naman si mama nang marinig ko ang boses niya. "Ayaw mo ba iyang ham? Ipagluluto kita ng bago..."
"Okay na po sa akin ang ham." putol ko sa sasabihin ni mama.
"Kung gano'n bakit hindi ka pa kumakain?" si papa naman ngayon ang nagtanong sa akin.
"Papa... Mama..." humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos na hawak ko at saka ko sila tiningnan. "Iyong mama ni Lei, si tita Lilia. Saan po siya nakatira?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa bago muli silang tumingin sa akin.
"Why are you asking, anak?" maalumanay na tanong sa akin ni mama.
"Gusto ko lang po malaman. Gusto ko po kasi sana siyang makausap."
"Makausap?" tumango ako sa kanya.
"Bakit gusto mo siyang makausap?" tanong sa akin ni papa at binitawan nito ang kubyertos na hawak niya at napatingin sa akin. "Tungkol ba ito sa anak niya, Triton?"
Tumango lang naman ako kay papa.
"Problema nilang pamilya iyon, anak. Huwag ka ng makisali pa sa problema nila." maawtoridad na sabi nito sa akin.
"Pero gusto ko lang naman po tulungan si Lei para makilala niya si tita Lilia..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil matalim ang mga tingin sa akin ni papa. "Sorry po."
Nakita ko naman si mama na hinawakan niya sa braso si papa kaya naman nawala ang matatalim nitong tingin sa akin at napalitan ito ng pag-aalala.
"Anak, ayaw ko lang naman na madamay ka sa problema ng pamilya nila. Kaya ayaw kong makipagkita ka kay Lilia." wika nito sa akin.
"Tama ang papa mo, anak. Hayaan mong ang tadhana na ang bahalang pagtagpuin silang mag-ina." nginitian ako ng pilit ni mama. "And besides, gumagawa rin naman ng paraan si Lilia kung paano siya makikipagkita sa anak niya. Hayaan mo na lang sila, anak."
Tumango lang naman ako sa kanila at nagsimula na akong kumain.
Bakit ba ayaw nilang tulungan ko si Lei at tita Lilia na magkita? Hindi ba mapapadali ang pagkikita nilang dalawa kung tutulungan ko sila dahil kilala ko silang dalawa?
Muli kong tiningnan ang mga magulang ko nang may maisip akong plano.
Sorry, mom and dad. Gusto ko lang naman matulungan ang babaeng gusto ko para makilala ang mama niya.
"Triton, sumabay ka na sa papa mo sa pagpasok." napatingin naman ako kay mama.
Nasa may sala kasi kaming tatlo at inihahanda namin ang nga gamut namin papunta sa kanya-kanyang destinasyon ngayon.
"Huwag ka na munang mag-motor. Kilala kita. Alam kong hahanapin mo ang mama ni Lei pagkatapos ng klase mo mamayang hapon." tiningnan niya ako ng maigi.
Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti.
Nanay ko nga talaga siya. Alam niya kung anong tumatakbo sa isipan ko ngayon. Nakakainis!
"Tara na." sumunod naman ako kay papa nang lumabas na ito ng bahay.
"Sasabay ka rin po sa amin?" tanong ko kay mama nang nasa pintuan ako ng bahay.
"No, anak. Ma-l-late na ang papa mo sa University kung idadaan pa niya ako sa hospital. Kayo na lang dalawa dahil madadaanan naman niya ang ang school mo papuntang University."
"Sige po." Sabi ko sa kanya at tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.
Nasa labas na ng gate si papa at nakasakay na rin ito ng sasakyan. Bumusina ito nang makita niya akong palabas palang ako ng gate. Ibig sabihin lang iyon ay minamadali niya ako. Bakit kasi pinasabay pa ako ni mama kay papa?
"Bilis, anak anong oras na." rinig kong sambit nito nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.
Magkatabi kami ngayon ni papa habang tinatahak namin ang daan papuntang eskwelahan. Nakatingin lang ako sa harapan kagaya niya nang magsalita ito kaya nilingon ko siya.
"You like that girl so much." nilingon ako ni papa at saka ngumiti. "Iyong anak ni Lilia. You like her, right?" tanong nito sa akin habang sa daan ang kanyang mga tingin.
Tumango lang naman ako sa kanya kahit alam kong hindi niya iyon nakita.
"Yes, dad. I like her so much. Almost four years ko na nga siyang gusto." nahihiya g kwento ko sa kanya.
Ngayon lang kasi kami nagkausap ni papa ng ganito at tungkol pa sa babaeng gusto ko.
"What? Seriously, anak?" nilingon niya ako at may pilyong ngiti sa kanyang mga labi at tumingin muli sa daan. "Apat na taon mo na siyang gusto? Hindi kaya mahal mo na siya, anak dahil umabot pa sa apat na taon ang pagkagusto mo sa kanya?"
Napaisip naman ako sa sinabi ni papa. Ako? Mahal si Lei? Mahal ko na siya? Posibleng mangyari iyon dahil siya lang naman ang babaeng bukod sa mama ko ay lagi ko siyang nasa isip tuwing paggising ko sa umga hanggang sa pagtulog ko sa gabi.
Pero paano ko nga ba masasabi at malalaman na hindi na lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko kay Lei kundi pagmamahal na?
"Anak..." nataranta naman ako nang marinig ko ang boses ni papa. "are you okay? Bigla ka na lang natahimik diyan."
Imbes na sagutin ko siya ay tinanong ko na lamang siya.
"Papa, papaano mo ba masasabing mahal mo o mahal mo na ang isang tao?" napatingin naman siya sa akin at saka siya ngumisi. "Gusto ko lang po malaman kung paano ko malalaman kung hindi na lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya. Na-curious po kasi ako sa sinabi niyo." dagdag ko sa sinasabi ko sa kanya.
Nakita ko naman siyang tumango.
"You like her, right?" muling tanong sa akin ni papa.
"Yes, I do."
"Bakit mo siya nagustuhan?"
"I like her because she is beautiful, smart, kind, talented and she has a big heart." komento ko.
"That's it?" lingon nito sa akin kaya naman tumango ako sa kanya bilang sagot. "It means you just admire her, you don't love her, Triton." paliwanag niya at tumingin muli sa harap ng sasakyan.
"If you love someone there's no reason why you love her. You can't say that you love her just because she is beautiful, kind, smart and talented. When it comes to love, you can't tell why did you love her because, there's no exact definition of love, Triton."
Ibig sabihin hindi pagmamahal ang nararamdaman ko kay Lei kundi isa lamang paghanga? Hindi ko siya mahal? Impossible!
"Nandito na tayo." napatingin naman ako sa labas ng sasakyan. Nasa harap na kami ng eskwelahan kung saan ako nag-aaral.
Binuksan ko naman ang pintuam ng sasakyan at saka bumaba.
"Mag-aral ng mabuti, Triton." tumango lang naman ako sa kanya. "Tungkol pala sa pinag-usapan natin, huwag mo masyadong isipin iyon anak. I know you like Lei very much but please huwag laging siya ang iniisip mo. Isipin mo rin ang sarili mo. Mga bata pa naman kayo kaya enjoy niyo muna ang pagbibinata at pagdadalaga ninyo."
Tumango lang naman ako sa kanya at nginitian siya. Naiintindihan ko naman ang sinabi sa akin ni papa. Gusto niya lang akong payuhan dahil kagaya ko rin siyang lalaki at higit sa lahat ay nag-iisang anak lamang niya ako.
"Ingat po kayo sa pag-d-drive." tumango lamang siya bago ko isinara ang pintuan ng sasakyan at umandar na ito palayo sa akin.
Pumasok lang ako sa loob ng gate ng eskwelahan ng hindi ko na matanaw ang kulay pulang sasakyan ni papa.
Dahil maaga pa naman para sa unang subject namin ay naisipan kong dumeretso na muna sa canteen para bumili ng kape dahil kumukulo iyong tiyan ko. Hindi kasi ako nakakain ng mabuti sa bahay kanina dahil sa pinag-usapan namin ng mga magulang ko tungkol kina Lei at tita Lilia.
"Sigurado ka talaga na pupunta ka bukas sa mansion?"
Malapit na ako sa canteen nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Boses iyon ni Lei. Sino kaya ang kausap niya? Iyong hilaw na intsik na naman ba?
Papasok na dapat ako sa pinto ng canteen nang napaatras ako at nagtago sa may pader dahil nakita ko siya kasama ang hilaw na intsik na iyon sa harap ng vendo machine malapit sa pintuan ng canteen.
"Syempre, naman. In-invite ako ng Lola mo. Ikaw lang naman ang may ayaw na pumunta ako e." rinig kong sambit ni Damon sa kanya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos habang pinapakinggan ko sila. Dapat ako iyong katabi ni Lei. Ako dapat iyong kausap niya at hindi iyong Damon na iyon.
At ano iyong pinag-uusapan nila? Pupunta iyong hilaw na intsik na iyon sa mansion ng mga Vizconde? Anong meron?
Wala na yata sila dahil wala na akong narinig pa mula sa kanila kaya naman napagpasyahan ko nang pumasok. Pagpasok ko ay nagulat ako nang makita ko pa rin silang dalawa na nakatayo sa harap ng vendo machine. Tatalikod na sana ako nang makita ako ni Damon at tinawag.
Lintik na intsik talaga 'to! Ipapa-deport ko talaga siya sa China!
"Hey, Triton right?" napalingon naman si Lei at ibinalik nito ang tingin sa vendo machine na nasa harap niya.
"Let's go, Damon." pagkasabi iyon ni Lei ay naglakad na ito palabas ng canteen at sinundan naman siya ni Damon.
Iniiwasan niya ba ako?
Nang makalampas sila sa tabi ko ay nilingon ko sila at tinawag ang pangalan ng babaeng gusto ko.
"Lei..." napatigil naman siya sa paglalakad pero hindi ito lumingon sa akin. "can we talk?"
Please, lumingon ka Lei. Pumayag kang kausapin ako. Please.
Nakita ko naman siyang gumalaw sa kinatatayuan niya at dahan-dahan itong lumingon sa akin. Paglingon niya ay napalunok ako ng laway ko dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Ang dati nitong mga mata na mapupungay at puno ng saya, ngayon ay walang emosyon ang mata mata nito at ang lamig ng paraan ng pagtitig nito sa akin.
"Okay." maiksing sagot niya.
Totoo ba iyong sinabi? Pumayag siyang makipag-usap sa akin?
"Akala ko mag-uusap tayo? Bakit nakatayo ka pa rin diyan?" masungit na tanong nito sa akin.
Agad naman akong naglakad papunta sa kanya.
"Damon, mamaya na lang tayo mag-usap. Kakausapin ko pa kasi itong sinungaling na ito." pagkasabi niya iyon ay nilingon niya ako.
Parang may tumarak sa puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Talagang ipinamukha niya sa akin na sinungaling ako sa harap ng kaibigan niya.
Nakita ko naman siyang nauna nang naglakad kaya naman sinundan ko siya. Walang umiimik sa aming dalawa habang tinataham namin ang daan papuntang rooftop.
"Anong pag-uusapan natin?" humalukipkip ito ay saka niya ako nilingon pagkatapak namin sa rooftop.
"About yesterday, I'm sorry..." panimula ko at tiningnan ko siya sa kanyang mga matang walang ka-emo-emosyon. "I don't want to hurt you, Lei."
"You already did, Triton."
"I'm sorry, Lei. Kilala mo ako, hindi ko kayang gawin iyong bagay na iyon sa'yo. Ilang taon na tayong magkasama kaya hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Si Shania ang yumakap sa akin, hindi ako. Nakita mo naman na hindi ko siya yakap-yakap kahapon noong nakita mo kaming magkasama 'di ba?" lumapit ako sa kanya oara hawakan ang pala niya pero tinabig niya lamang ang kamay ko.
"Hindi kita kilala, Triton." madiin ang pagkakasabi niya iyon. "Dahil kung kilala talaga kita, dapat noon palang alam ko ng sinungaling ka! Iyong yakap na tinutukoy mo? Wala akong pakialam kung maglampungan pa kayo! Ang gusto ko lang malaman ay bakit nagsinungaling ka sa akin noong araw na iyon!" sumigaw ito at dinuro niya ako. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya dahil sobrang namumula ang buo nitong mukha.
"Anong sinasabi mo, Lei? Hindi kita maintindihan." maalumanay na tanong ko sa kanya.
"Don't fool me, Triton." matalim ang titig nito sa akin. "Triton, binigyan kita ng pagkakataon para sabihin sa akin noong araw na iyon ang totoo. Kung totoo bang umuwi ka kaagad sa bahay niyo. Dahil iyong araw na tinanong kita tungkol doon ay alam ko na ang totoo. Ang totoong nakipagkita ka sa kaibigan ko tungkol sa pakikipaghalikan mo sa kanya sa loob ng computer laboratory."
Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na alam na pala niya ang tungkol sa pakikipaghalikan ko sa kaibigan niya. Ang buong akala ko ay wala siyang kaalam-alam tungkol doon dahil wala naman siyang sinasabi o tinanong sa akin pero nagkamali pala ako.
"I'm sorry." iyon lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.
"Ang gusto ko lang naman malaman noong araw na iyon ay ang katotohanan. Ang laki ng tiwala ko sa'yo, pero sinira mo." mahinang sambit nito habang nakatingin pa rin ako sa mga mata niya. "Hindi ka lang nagsinungaling sa akin kundi naglihim ka pa sa akin, Triton." pagkasabi niya iyon ay umalis na ito sa harapan ko.
Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Lei, kahit hindi siya umiyak sa harapan ko ay alam kong nasaktan siya dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang binitawan nito kanina.