Download App
57.5% TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 23: Chapter 22

Chapter 23: Chapter 22

Lei's Point of View

Tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin ako sa kanya.

Anong ginagawa niya rito? Sinundan niya ba kami ni Triton? Ang buong akala ko kanina ay pumasok na ito sa klase niya.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Hindi naman niya ako sinagot at naglakad na ito palapit sa direksyon ko hanggang sa nilampasan niya ako at tinungo ang rooftop.

"Damon, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya at nilingon siya pero huli na para pigilan ko siya nang makita kong isinara nito ang pinto ng rooftop kung nasaan si Triton.

"Damon..." habol ko sa kanya pero isang malakas na pag-click lang ng pinto ang narinig ko. Mukhang ni-lock niya ang pinto para hindi ako makapasok.

Nilapit ko naman ang tainga ko sa pinto pero wala akong marinig na boses nila kaya naman bagsak ang mga balikat ko ngayon na naglalakad patungong classroom.

"Hindi naman siguro sila mag-aaway." wala sa sariling saad ko habang tinatahak ko ang daan patungong classroom.

May lahi yata kasing kabute ang Chinese na iyon dahil bigla na lang siyang sumusulpot sa kung saan.

Nang makarating ako sa harap ng classroom namin ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Marami ng estudyate sa loob at mukhang wala pa ang guro namin na si Mr. Mesia dahil siya ang first subject teacher namin ngayong araw ng Biyernes.

Pumasok naman ako sa loob ng classroom at tinungo ang upuan ko. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa upuan ko ay nakita ko naman sa hindi kalayuan si Shania na naka-upo at nakatingin ito sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at tuloy-tuloy ako sa paglalakad ko. Nang nasa harap na ako ng upuan ko ay pabagsak akong naupo rito at sumandal sa upuan.

Nakatingin lamang ako sa mga kaklase kong nag-uusap at nagtatawanan.

Ilang buwan na lang mag-g-grade 12 na kami. Ilang buwan na lang aalis na ako rito sa paaralan na 'to.

"Lei..." agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko nang marinig ko ang boses niya.

Umupo naman ako nang maayos at kinuha ang notebook na nasa loob ng bag ko at saka ko ito inabot sa kanya na agad naman niyang kinuha.

"Thank you pala sa notes na pinahiram mo sa akin." pagkasabi ko iyon sa kanya ay kinuha ko naman ang notebook ko at kunwaring nagbabasa.

Alam kong nakatingin lang ito sa akin dahil ramdam ko ang pagtitig nito habang nakatayo pa rin siya sa tabi ko.

"Lei, I'm sorry. Patawarin mo na sana ako sa nagawa kong mali sa'yo..." may sinasabi ito sa akin pero hindi ko maintindihan dahil nilagay ko sa tainga ko ang headphone na dala-dala ko.

Hindi ko pa rin siya pinapansin at abala pa rin ako sa pagbabasa ng notebook ko at pakikinig ng music nang makita ko siyang naglakad na paalis sa tabi ko kaya dahan-dahan ko naman siyang nilingon.

Naglalakad na ito pabalik sa upuan niya sa may likod sa katabi ng isang pinto ng classroom namin. Nagkibit balikat lang naman ako bago ko binitawan ang kwadermong hawak ko at tinanggal ang headphone na nasa tainga ko at nilagay ito sa bag.

Napatingin ako sa pambisig na orasan ko. Malapit ng magsimula ang klase.

Ibinaling ko naman ang tingin ko sa upuan ni Triton sa may likod ko dalawang upuan lang ang pagitan namin. Wala pa rin siya at ang tanging nakita ko lamang ay ang kaibigan niyang si Apollo.

Bakit kaya hindi pa siya bumabalik?

Abala ako sa iniisip ko nang mapatingin ako sa pinto ng classroom namin nang bumukas iyon. Akala ko si Triton na ang dumating pero nagkamali ako dahil nakita kong pumasok ang isang lalaking naka-suot ng uniporme na pang guro at may suot itong salamin na bumagay naman sa kanya dahil matangos ang kanyang ilong.

"Morning," bati nito sa amin at saka nito inilapag sa mesa na nasa harapan niya ang kanyang dalang aklat.

"Good morning, sir Mesia." sabay-sabay na bati namin sa kanya.

Tumango lang naman ito at kinuha nito ang dala niyang aklat kanina at nagsimula na itong magklase.

Habang nakikinig ako sa itinuturo ni Mr. Mesia ay napapatingin naman ako sa bisig ko kung nasaan ang relo ko. Ilamg minuto na lang kasi ay malapit na matapos ang klase niya sa amin.

Bakit wala pa iyong ugok na iyon?

"Lei, focus." bulong ko sa sarili ko at umiling para mawala sa isip ko ang sinungaling na iyon at muling tumingin sa white board kung saan may isinusulat si Mr. Mesia roon.

"Okay, class bring out one whole sheet of paper and copy this then answer." saad ni Mr. Mesia habang nagsusulat sa harapan.

Natigil ako sa pagsusulat ko sa aking papel nang bumukas ang pintuan ng classroom kaya napatingin ako rito at nakita kong niluwa ng pintuan ang lalaking kinaiinisan ko.

"Sorry, sir, I'm late."

Tumingin naman sa kanya si Mr. Mesia nang matapos niyang maisulat sa white board ang ipapagawa nitong activity.

"Come in." agad naman na pumasok sa loob ng silid si Triton at nagsimula na itong maglakad papunta sa upuan niya.

"You're five minutes late, Mr. Ventura. Where have you been?" tinanong siya ni Mr. Mesia kaya natigil siya sa paglalakad at ngayon ay nasa harapan siya ngayon ng klase.

"Traffic po."

Napairap na lamang ako sa hangin.

Sinungaling talaga.

Nang magsimula na siyang maglakad muli papunta sa upuan niya ay ibinaling ko ang atensiyon ko sa harapan kung nasaan nakasulat sa white board ang activity namin sa math. Malapit na sa tabi ko si Triton nang mapansin kong napatingin siya sa akin pero hindi ko ipinahalata sa kanya na nakikita ko siya.

Anong tinitingin-tingin mo diyan, ha? Kung tusukin ko ng ballpen iyang dalawang mata mo!

Naikuyom ko naman ang kamay ko at halos bumaon na ang mga kuko ko rito nang makita ko kung sino ang tiningnan niya. Si Shania, ang ahas na may dalawang paa. Dahan-dahan naman akong napatingin sa direksiyon ng ahas kong kaibigan.

Malandi ka talagang ahas ka!

Nakita ko kasi siyang nakangiti kay Triton at sa hindi malamang dahilan ay naiinis ako sa paraan ng pag ngiti niya rito. Sarap niyang tanggalan ng nguso tapos palitan ng nguso ng aso. Kainis!

"Okay, class listen..." napunta naman lahat ang atensiyon namin kay Mr. Mesia nang magsalita ito at pumalakpak. "dahil next week na ang exam niyo, itong isinulat ko rito sa harapan ay puwede niyong gawing reviewer. Kaya ngayon, we will answer this. Oral recitation tayo ngayon para makasunod iyong mga hindi nakakaalam ng lesson natin ngayon. Okay ba?" naka-ngiting tanong nito sa amin kaya tumango lang kami.

"Sir, sabi niyo po isusulat sa one whole?" tanong ng isa kong kaklase na si Maine.

"Maine, narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong ni Mr. Mesia at tiningnan niya si Maine na ngayon ay nakatayo habang hawak ang isang kapirasong papel sa kanyang kamay nito. "Oral recitation na ang gagawin natin miss Dela Cruz, kaya naman itago mo na iyang papel na hawak mo dahil alam kong hiningi mo lang naman iyan kay Jess."

Inirapan lang naman siya no Maine at saka umupo.

"Okay, who wants to answer number one?" tanong ni Mr. Mesia at tumingin sa klase.

Napatingin naman ako sa white board. Madali lang ang tanong ng number one.

What is the square root of twenty-five?

Itataas ko na dapat ang kamay ko para mag sagot nang magsalita si Mr. Mesia kaya naman hindi ko na sinubukan pang kunin ang atensiyon niya.

"Ako na lang ang magtatawag dahil alam ko namang ayaw niyong tumayo sa mga upuan niyo para mag-recite." sambit nito at naglakad papunta sa harapan ng klase habang hawak nito ang makapal na index card sa kanang kamay nito kung saan nandoon ang mga pangalan namin at bubunot siya ng sasagot sa tanong. "Okay, magbubunot na ako."

Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Mr. Mesia nang makita niya kung sino ang na bunot niya.

"Triton Ventura, please answer the question number one." sambit nito at inilapag sa mesa na nasa likuran niya ang index card na may pangalan ni Triton.

Ilang segundo pa ang nakalipas pero wala pa ring Triton na tumatayo at pumunta sa harapan kaya naman lilingunin ko na sana siya nang muli na namang nagsalita si Mr. Mesia kaya naman naupo ako ng maayos.

"Triton, are you listening?" naka-kunot ang noo ni Mr. Mesia nang tanungin niya si Triton.

Wala naman siyang nakuhang sagotmula kay Triton kaya naman nilingon ko ito at saktong paglingon ko naman ay sinigawan siya ni Mr. Mesia kaya nataranta itong tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Ay, Ventura!" malakas na sigaw nito.

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kwaderno na nasa harapan ko at pinipigilan na huwag matawa dahil sa ginawa ni Triton.

Timang talaga siya kahit kailan.

"Triton, kanina pa kita tinatawag para sagutin ang tanong ko. Now, I'm asking you again. What is the square root of twenty-five?" rinig kong tanong sa kanya ni Mr. Mesia.

Hindi ko kasi sila nilingon dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng isang sinungaling kaya naman pinapakinggan ko na lamang sila.

"I don't know, sir."

Iyan hindi  kasi nakikinig! Kung saan-saan kasi tumitingin!

"Ang simple ng tanong ko hindi mo pa masagutan? Nakikinig ka ba habang nagtuturo ako?" muling tanong sa kanya ni Mr. Mesia.

"Hay nako, Mr. Ventura. Ang ganda mong lalaki tapos walang laman iyang utak mo. Nakakahiya ka!"

Burn, baby burn!

Gusto kong tumawa sa mga huling salita na sinambit ng math teacher namin. Realtalk kung realtalk!

"Who wants to help, Mr. Ventura?"

Napatingin naman ako kay Mr. Mesia nang nasa harapan na ulit siya ng klase. Itataas ko na ang kamay ko para sagutin ang tanong nito kanina nang may nagsalita kaya napalingon ako rito.

"Okay, Ms. Rodriguez what is the answer?"

Tumayo naman ang kaibigan ko at saka sinagot ang tanong ni Mr. Mesia.

"The square root of twenty-five is five, sir."

"Tama! The square root of twenty-five is..." huminto sa pagsasalita si Mr. Mesia at napatingin sa likuran ko kung saan nandoon si Triton at tinapos nito ang sinasabi ng teacher namin.

"Five, sir."

"Okay, maupo na kayong dalawa. Next time, Triton makinig ka sa mga tinuturo ko o magpaturo ka kay Shania. She is good in mathematics kaya sa kanya ka magpaturo."

Hindi lang siya magaling sa mathematics, sir. Magaling din siyang umagaw at lumandi.

"Sir, akala ko po ba hindi na kayo magbibigay ng activity at honeworks kasi exam na next week?" tanong na naman sa kanya ni Maine ng may sinusulat sa white board si Mr. Mesia.

"This is not a homework miss Dela Cruz. Mga pointers to review ito para alam niyo kung anong re-review-hin niyo sa subject ko." nang matapos isulat ni Mr. Mesia ang isinusulat nito sa sa white board ay nilingon niya kami.

"Good luck sa exam niyo next week. Mag-review kayo ng maigi para mataas ang grado niyo." kinuha na nito ang mga gamit niya sa mesa at nagsimula nang maglakad paalis ng classroom namin.

Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko sa ere at nagsimulang mag-ingat nang tuluyan na ngang nakalabas sa classroom si Mr. Mesia.

"Did you bring your P.E. uniform, today?" agad ko namang ibinaba ang dalawang kamay ko nang pumasok na ng silid si Mr. Reynes, ang PE teacher namin tuwing Biyernes.

"Yes, sir!"

"Kung gano'n, magbihis na kayo dahil maglalaro tayo ngayon ng volleyball. Volleyball girls versus volleyball boys." nang sabihin niya iyon ay lumabas na ito sa klase at tinungo kung nasaan ang covered court na paglalaruan namin.

Tumayo naman na ako sa upuan ko at kinuha ang back pack ko at isinukbit sa balikat ko para pumunta sa CR at makapagbihis na ng PE uniform.

"Sabay na tayo." napalingon naman ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya at tumabi sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot at tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko papuntang CR.

"Lei, sorry..." agad ko namang nilagay sa tainga ko ang headphone na kakukuha ko lang sa bag ko at pumasok na sa isang cubicle nang makarating kami sa loob ng CR ng mga babae at malakas itong isinara.

Habang nagpapalit ako ay nakasuot pa rin sa akin ang headphone ko. Ayaw kong tanggalin ito dahil alam kong nagsasalita lang sa labas ng cubicle si Shania tungkol na naman sa nangyari kahapon.

Ayaw ko nang makinig pa sa kanya, sa kanila ni Triton. Ayaw ko nang makarinig pa ng mga kasinungalingan nila.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng cubicle para ayusin naman ang buhok ko. Naglalakad na ako papunta sa harapan ng salamin para mag-ayos ng may humawak sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

Nangungusap ang mga mata ni Shania na nakatingin sa akin at may sinasabi ito pero hindi ko marinig dahil may suot akong headphone at wala akong pakialam sa kanya kung ano man ang sinasabi niya.

Kinuha ko naman ang kamay kong hawak niya at saka ko siya tinalikuran. Bahala siya sa buhay niya.

"Nasaan na ba iyong tali ng buhok ko?" mahinang sambit ko habang hinahanap ko sa loob ng bag ko ang panali ng buhok ko.

Hinahanap ko lang ang panali ko sa buhok habang nag--h-hum nang magulat ako dahil may isang kamay ang marahas na humablot sa suot kong headphone.

"Ano ba!" sigaw ko at nabitawan ko ang bag na hawak ko at masama ko siyang tiningnan.

Ano bang problema ng ahas na 'to?

"Kanina pa ako nagsasalita rito, Lei. Hindi mo man lang ako pinapansin." aniya habang hawak nito ang headphone ko kaya naman hinablot ko ito sa kanya.

"Anong pake ko? Kita mong may headphone akong suot kanina hindi ba?" pinakita ko sa kanya ang headphone ko. "Kaya paano kita maririnig? Bobo lang, Shania?" pagkasabi ko iyon ay inirapan ko siya at tinalikuran na siya.

"Bobo naman niya, kita niyang may headphone akong suot kanina." mahinang bulong ko at pinulot ang bag ko na nahulog sa sahig.

"Anong sinabi mo, Lei?"

Napairap naman ako sa hangin bago ko siya sinagot.

"Ang sabi ko, bobo. Bobo ka, Shania. Bobo." sagot ko sa kanya habang nakatalikod ako sa kanya.

Wala naman siyang sinabi kaya naman nagsimula na akong naglakad palabas ng CR ng may humila ulit sa braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Ano ba, Shania! Hindi tayo naglalaro rito ng thug of war para hila-hilain mo ako!" sigaw ko sa kanya at kukunin ko na dapat ang braso ko na hawak niya nang humigpit ang pagkakahawak niya rito dahilan para mainis ako sa kanya.

"Let go of my hands!" sigaw ko dahil ang sakit ng pagkakahawak nito sa akin.

"Paano kung ayaw ko?" may sumilay na isang nakakapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Pinalampas ko kanina iyong hindi mo pagpansin sa akin, Lei pero iyong tawagin mo akong bobo sa harap ng maraming tao?" tumingin siya sa paligid namin at ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Napatingin rin naman ako sa loob ng CR. May mga iba pa pala kaming kasama roon at mga kaklase namin ang mga ito. Nakatingin lang sila sa amin habang nagsasagutan kami ni Shania.

"Totoo naman a!" sigaw ko sa kanya at hindi ko sinasadyang matulak siya dahilan para mabitawan niya ang braso ko at napaupo sa sahig.

"Ouch." rinig kong daing nito nang mapaupo siya sa sahig at ang kaliwang braso nito ang itinungkod nito para hindi siya tuluyang mapahiga.

Nakita ko namang dumugo ang kamay niya na ginamit niya para hindi siya tuluyang matumba kaya agad ko siyang nilapitan.

"Shania, sorry..." hahawakan ko na dapat siya para tulungan siyang tumayo pero natigilan ako nang makita ko siyang nagmamadaling pumasok sa CR ng mga babae.

Alam kong nagulat siya nang makita niya ang posisyon namin ni Shania.

Si Shania na halos mapahiga na sa sahig at duguan ang braso nito na may sugat at ako na nasa tabi niya na hawak siya sa magkabilang braso.

"Lei, anong ginawa mo kay Shania?" nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Triton ng makalapit siya sa amin.

Nag-aalala ba siya kay Shania?

Tumayo naman ako mula sa pagkakaluhod ko at hinarap si Triton para magpaliwanag.

"Triton, nagkakamali ka. Hindi ko naman sinasadyang maitulak—"

Natigilan ako sa sinasabi ko nang makita kong linapitan ni Triton si Shania at inakay niya ito palabas ng CR.

Hindi man lang ako pinakinggan ni Triton maski lingunin ako nang paalis na sila.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na naman iyong pakiramdam na para bang may pumipiga sa puso ko.

"Lei, you okay?" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Charity, isa sa mga kaklase ko.

Napatingin naman ako sa loob ng CR. Wala ng ibang tao bukod sa amin ni Charity. Mukhang umalis na iyong iba dahil tapos na iyong pinapanood nila kanina. Mga chismosa talaga.

Tumango lang naman ako sa kanya.

"May sugat ka sa braso mo." turo nito sa braso ko kung saan iyon ang hawak kanina ni Shania. Nagkaroon ng maliit na sugat doon dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Shania kanina na halos bumaon ang mahahaba nitong kuko.

"Okay lang ako, Charity. Maliit na sugat lang ito." nginitian ko siya at pinulot ang bag ko. "Sige, punta lang ako ng clinic para humingi ng gamot."

"Gusto mo ba samahan na kita?"

Umiling lang naman ako sa kanya.

"Okay ka lang, Lei? Anong problema?" nataranta naman si Charity nang makita niyang napadaing ako habang hawak ko ang kanang tainga ko.

Bigla kasi itong kumirot kaya napahawak ako rito.

"I'm okay, Charity. Don't worry." nginitian ko ito.

"Lei, iyong tainga mo dumudugo!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login