Download App
35% TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 14: Chapter 13

Chapter 14: Chapter 13

Lei's Point of View

"What are you saying that you don't know where my mom is? You know that she's still alive, right? Kaya paanong hindi niyo alam kung nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Lola at halos napatayo pa ako sa kinauupuan kong silya.

"Francheska..." mahinang saad nito at saka siya dahan-dahang umupo at sumandal sa headboard ng kama. "I admit that I lied to you about your mother." napatingin siya sa akin. "Almost twenty years ko na itinago sa'yo na buhay ang mama mo at twenty years din kitang pinagkaitan na magkaroon ng ina. Sorry, for doing that. Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay mo kaya ginawa ko iyon, apo."

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Para maging maayos ang buhay ko inilayo niyo ako sa tunay kong ina? Bakit ginawa niyo iyon? Anong mali kung kapiling ko ang mama ko? Lola alam mo na noong bata pa ako uhaw ako sa pagkakaroon ng ina. Araw-araw kitang tinatanong tungkol sa mga magulang ko pero ni pangalan nila ipinagkait mo sa akin. Maski nga mga mukha nila hindi ko alam. Kaya sabihin niyo sa akin. Bakit inilihim niyo ang tungkol sa mga magulang ko lalo na ang tungkol sa mama ko? Bakit Lola? Bakit?" nagmamakaawamg tanong ko sa kanya.

Namayani naman ang katahimikan sa loob ng kwarto nang bitawan ko ang mga salitang iyon. Ang tunog lamang ng aircon at ang pagpatak ng tubig mula sa dextrose ang tanging maririnig mo. Nakatingin lang ako kay Lola. Nakayuko ito habang magkasalikop ang kanyang dalawang palad.

Alam kong may gumugulo sa isipan niya base sa itsura niya ngayon. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin siya sa mga palad niya.

Alam kong hindi na naman niya sasagutin ang tanong ko kaya naman napagpasiyahan ko na lamang na umuwi na lang. Lumapit naman ako sa couch na nasa loob ng kwarto kung saan nandoon ang bag ko at saka kinuha ito.

Muli kong nilingon si Lola at ganoon pa rin ang posisyon niya. Napabuntong hininga na lamang ako nang linagay ko na sa balikat ko ang bag. Nagsimula naman na akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto at handa ko na sanang buksan ang seradula nito nang magsalita siya.

"Twenty years ago when that incident happened..." napatigil naman ako sa pagbubukas ng pinto. Ibinaba ko ang kamay kong nakahawak sa seradula at humarap ako kay Lola.

Nakatingin siya ngayon sa akin. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila.

"Habang abala ako sa ginagawa kong paper works ay tumawag si Francis sa akin. Siya ang ama mo. Ang kaisa-isa kong anak na nasa Baguio. Isa siyang owner ng isang resto bar at sa Baguio niya naisipan magtayo ng business niya. Halos isang taon din siyang hindi umuwi rito sa Manila dahil busy siya sa pagpapalago sa kanyang business kaya naman nagulat ako nang sabihin niya sa aking may asawa at anak na siya. Hindi ako makapaniwala. Noong gabing iyon ay hindi ako makatulog dahil kinabukasan ay darating sila sa mansion at ipapakilala niya ang kanyang mag-ina sa akin.

Parang ayaw tanggapin ng utak ko nang sabihin sa akin ni Francis na ang kanyang asawa ay isang katulong sa Baguio. Si Lillia. Ang mama mo. Hindi ko lubos matanggap na mahuhulog sa isang katulong ang anak ko at higit sa lahat ay mayroon silang anak at ikaw iyon. Galit na galit ako noong araw na dumating kayo sa mansion lalo na sa mama mo. Sinabihan ko siyang mukhang pera dahil alam kong iyon lang ang habol niya sa anak ko pero nagkamali ako. Nagalit sa akin ang anak ko at sinabi niya sa aking hindi na siya magpapakita ulit pa sa akin kung ganoon ang trato ko sa mama mo.

Mabilis ang takbo ng sasakyan niya noong umalis sila ng bahay. Masakit para sa akin bilang ina ang ginawa sa akin ni Francis na sinagot niya ako at sinabing kakalimutan na niya ako bilang ina niya. Agad kong inabot ang telepono na nasa sala at tinawagan siya. Hihingi ako ng sorry dahil sa mga masasakit na salita na lumabas sa bibig ko tungkol sa mama mo. Noong tinawagan ko siya ay sinagot naman niya ito pero hindi pa ako nakakaapgsalita nang makarinig ako ng malakas na ingay sa kabilang linya. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malakas na busina ng mga sasakyan at ang pag-iyak ng sanggol. Tinawag ko ang pangalan ni Francis nang makarinig ako ng sirena ng ambulansya sa kabilang linya pero wala akong narinig na boses ng anak ko. At nalaman ko na lamang na wala na siya, na patay na ang anak ko at ang tanging nakaligtas lang sa aksidente ay ikaw at ang mama mo."

For almost twenty years ngayon ko lang nalaman ang mga pangalan ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magiging masaya ba ako o malungkot? Masaya dahil sa wakas alam ko na ang pangalan ng mga magulang ko o malulungkot dahil nalaman ko na ang dahilan kung bakit namatay ang papa ko?

"Kaya ba inilayo mo ako sa mama ko dahil sa tingin mo hindi niya ako kayang buhayin dahil lamang sa katulong siya?" tanong ko sa kanya. Sa wakas ay nakuha ko na rin na magtanong sa kanya. Kanina kasi ay parang nalunok ko ang dila ko habang nagkwe-kwento siya.

Nakita ko namang tumango siya bilang sagot.

"Sorry, Francheska."

Umiling lang naman ako at saka matipid siyang nginitian.

"Don't be sorry Lola. Naiintindihan ko naman iyong rason niyo kung bakit niyo ako inilayo sa mama ko. Ang sa'kin lang po sana ay hindi niyo inilihim sa akin ang tungkol sa kanya Sana hinayaan niyo akong makapiling siya." nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak ako.

"Please forgive me, Francheska."

Nandito na ako ngayon sa mansion at naka-upo sa isa sa mga sofa na nandito sa sala at inaalala pa rin ng huling sinabi sa akin ni Lola bago ako umuwi kanina dahil baka raw makakuha pa ako ng sakit pag nag-stay ako sa hospital at doon matulog, kaya naman sila manang Felly at Kuya Roger na lamang ang naiwang magbabantay sa kanya.

"Don't worry, hija. I will help you to find your mother."

Ibig sabihin makikita ko na ang mama ko? Tutulungan ako ng witch na iyon para mahanap ang mama ko?

Ang totoo niyan hindi naman talaga ako galit sa Lola ko at walang galit na nakatanim sa puso ko para sa kanya. Ang nararamdaman ko lang ay inis pero dati iyon. Noong hindi niya pa sinabi sa akin ang tungkol sa mga magulang ko. Kahit hindi naman gaanong maganda ang relasyon namin ni Lola ay mahal ko pa rin siya at nag-aalala ako para sa kanya.

"Miss Lei, handa na po iyong hapunan niyo." napatingin naman ako kay ate Nene na nagsalita sa harap ko.

Si ate Nene ay isang kasambahay dito sa mansion. Ang pagkakaalam ko ay mas matanda ito ng dalawang taon sa akin at isa siya sa binigyan ni Lola ng scholarship para makapag-aral muli.

"Wala akong gandang kumain, ate. Pwede bang paki padalhan niyo na lang po ako ng gatas?"

"Sige po."

Nagsimula naman nang naglakad si ate Nene palayo sa sala at tinungo nito ang kusina.

Habang hinihintay ko ang gatas na ipinatimpla ko kay ate Nene ay kinuha ko naman ang bag ko para tingnan ang ibinigay sa akin ni Shania kanina na notes dahil kokopyahin ko ito para may notes ako kung malapit na ang exams.

Napatingin naman ako sa brown envelope na nahulog mula sa bag ko nang ilabas ko ang notebook ni Shania. Pinulot ko naman ito at saka binuksan. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko kung anong laman ng envelope.

"Sino ang mga 'to?" tanong ko sa sarili ko habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato.

Mga litrato kasi iyon ng baby na babae at may kasama itong isang lalaki at babae. Mukhang sila ang mga magulang ng baby.

"Ito ba iyong tinutukoy ni Kuya guard kanina sa akin? Kanino kaya galing ito? Bakit wala man lang pangalan na iniwan o kaya contact number lang sana? At sino ba ang mga ito? Hindi ko naman sila kilala kaya bakit nila sa akin binigay? Hindi kaya nagkamali iyong nang-iwan sa school guard kanina?" tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan pa rin ang mga litratong hawak ko.

"Miss Lei, ito na iyong gatas mo." napatingin naman ako kay ate Nene na naglalakad palapit sa akin kaya naman inilapag ko muna sa sofa ang hawak kong litrato bago ko kinuha kay ate ang isang basong gatas.

"Thank you." pasasalamat ko nang kunin ko sa kanya ang tinimpla niyang gatas.

Ngumiti lang naman ito.

Handa na sana akong inumin ang gatas na hawak ko nang makita kong kumuha si ate Nene ng litratong nakapatong sa sofa.

"Parang nakita ko na dati ang picture na 'to." anito at saka ipinakita niya sa akin ang litratong hawak niya.

Litrato iyon ng mag-asawa habang hawak nila ang kanilang anak. Ang saya-saya nilang tingnan sa litrato.

Ano kayang pakiramdam pag buo ang pamilya mo?

"Tama! Naalala ko na kung saan ko nakita ang litratong ito!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni ate Nene.

"Kiala mo ang mga nasa picture?" tanong ko.

Umiling lang naman ito.

"Hindi ko sila kilala pero nakita ko na minsan ang litratong ito." sagot niya.

"Saan?"

"Sa study room po ng Lola niyo."

"What? Bakit may ganito sanang litrato si Lola sa study room niya? Kaano-ano naman sana niya..." napatigil ako sa pagsasalita nang napagtanto ko kung sino ang mga nasa litrato.

Binigay ko naman ulit kay ate Nene ang gatas na hawak ko. Magtatanong pa sana siya pero tumakbo na ako diretso sa study room ni Lola na nasa second floor. Hindi pa ako nakakapunta roon dahil ipinagbabawal ni Lola na pumasok ako roon. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa kwartong iyon.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay dahan-dan kong pinihit ang seradula at unti-unti kong binuksan ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang napakadilim na kwarto kaya agad ko namang hinanap ang switch ng ikaw na nahanap ko rin agad.

Pagbukas ng ikaw ay tumambad sa akin ang napaka laki at napakaluwang na study room. Pero nagtataka ako dahil wala naman akong makitang kahit na isang libro man lang. Ang laman ng nasabing study room ay mga naglalakihang litrato na nakalagay sa picture frame.

Naglakad naman ako palapit sa isang litrato ng isang lalaking may kayumangging balat. May mahahabang pilikmata at may mapupungay na mata. Matangos din ang ilong ng lalaking nasa litrato at may manipis itong bibig. Mukha siyang kastila.

"Siya ba ang papa ko?" bulong ko.

Naglakad-lakad pa ako sa loob ng kwartong iyon hanggang sa dumako ang mga mata ko sa litratong nakapatong sa mesa. Iyon ang litratong tinutukoy ni ate Nene. Lumapit naman ako rito at kinuha ito.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa litratong hawak ko. Hinaplos ko naman ang litratong hawak ko.

"Papa... Mama..." umiiyak ako habang may ngiti sa aking mga labi. Sa wakas nasilayan ko rin ang mga mukha ng mga magulang ko kahit sa simpleng litrato na hawak ko ngayon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login