Download App
50% Tanga Mo, Love / Chapter 14: Hello, Kitty

Chapter 14: Hello, Kitty

BWISET NA EXCITEMENT, HINDI NGA SIYA PINATULOG. Kahit na nung bandang alas-singko ng umaga'y umulan nang malakas at lumamig ang hangin. Tumitilaok na ang mga manok ay nakadilat pa rin si Jack, gising na gising ang diwa. Nang minsang napapikit siya at tila nanaginip, biglang kumakatok na sa pinto ng kuwarto si Nanay Rosing. "Oy, Jack, gising na! Male-late ka na!"

Isang zombie ang nakita niya sa reflection ng salamin. Isang zombie na nagsisipilyo, umiiling-iling, bumubulong-bulong ng, "Lagot ako nito kay Mrs. Santos."

Mukhang mamalasin nga talaga siya, dahil punuan rin ang mga jeep na dumadaan. At dahil umulan nung madaling-araw, basa ang kalsada, maputik sa ilang bahagi. Kung di ka mag-iingat ay pwede kang matalsikan ng dumi o kaya ay madulas. Puting puti pa naman ang uniform niya. Biglang parang tumalon ang puso niya pagtingin niya sa relo: sampung minuto na siyang late, at narito pa rin siya sa kanto nila.

Sa madaling-sabi, inabot ng halos isang oras na late si Jack. Mortal na kasalanan, sa standard ng school, lalo na ng teacher nilang si Mrs. Santos. Kung kasabay ko lang sana si Camille, naiisip ni Jack habang halos tinatakbo na ang daan patungong school, malamang hindi ako pagagalitan ng teacher. Isang joke, isang ngiti lang ni Camille, OK na. Sa may entrance ay naabutan niyang nagmo-mop ng basang sahig si Mang Kiko, ang janitor nila. "O, ang aga mo yata," pang-aasar pa nito, nakangisi.

"Mang Kiko, ang dulas naman ng sahig," sabi pa niya.

"Kaya nga huwag kang tumakbo para di ka madulas," sagot ng janitor, na sa school na tumanda at nagka-apo.

Nakalagpas na siya nang konti sa bahaging nalinis ng janitor nang may marinig siyang malakas, matinis na sigaw sa likod. Paglingon niya, tila sinakal ang puso ni Jack.

Si Camille, nadulas at nakasalampak sa sahig, nakasabog ang mga dalang gamit. Ang masama pa nito, sa anggulo ng pagkakadulas niya, hindi sinasadyang mabuyangyang ang palda ng dalaga. Kita ang pinakatago-tago nito. Kaya tulala si Jack—nakatayo lang siya dun na nakanganga.

Nagkataong sumaglit nun si Mang Kiko sa CR upang banlawan ang mop at hindi nito nakita ang pangyayari.

Hangos na tumayo si Camille, inayos ang sarili, halata ang galit sa mukha. Pinagpag ang blouse, inayos ang pagkaka-lilis ng palda. Saka hinarap si Jack.

"MANYAK!" sigaw nito, saka nagdadabog na umalis, walang lingon-likod.

Naiwang tulala pa rin si Jack, tila natuklaw ng ahas. Dalawang bagay ang nasa isip niya: (1) Sexy pala ni Camille ah; at (2) Talagang paborito pala nito ang Hello Kitty, kasi kahit sa…

Hindi malaman ni Jack kung magi-guilty o kikiligin, pero di niya namamalayang napapangiti na pala siya.

Saka naman dumating si Mang Kiko na galing ng CR, nasa kamay pa rin ang mop, nakatitig sa mukha niya. "Baliw lang?" pambubuska nito. "Tumatawa mag-isa?" Iniwan siya ni Mang Kiko na iiling-iling.

Oo, naisip ni Jack. Nababaliw na nga yata ako.

Kumakabog ang dibdib, alanganing sinundan niya si Camille patungo sa classroom nila. Parang gusto ng mga paa niya na umatras na lang at umuwi. Kilala niya si Camille. Malaking giyera ito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login