Chapter 4: The eye
Dumating ang lunes ng umaga ma-araw ang panahon gaya ng nakagawian na gagawin ko papasok na ulit sa trabaho, gumayak naman
na ako para pumasok na, sumakay ako ng taxi papasok sa trabaho, gaya ng parating ginagawa, Di ko pa nagawang bumili ng
sasakyan eh, saka nalang kapag nagkaroon ng time pagkatapos ko makakuha ng lisensya sa LTO.
Kahapon kasi tinuruan na ako ng kuya ko mag-drive ng pa-atras nakuha ko naman din yun pagkalipas ng ilang oras na pagtuturo
nya, dun lang ako maghapon sa may subdivision nila nagpraktis. Malake naman yung daan dun para mapagpraktisan kaya nag-enjoy
ako sa paghawak sa kanyang kotse.
"Good morning sir" mga salitang naririnig ko, nasa labas palang ako ng company namin
"Good morning din" with matching bright smile naman ang ginaganti ko sakanila kahit di ko pa sila ganun talaga kakilala sa
dami ba namang empleyado, di ko na matandaan kung sino, basta kilala ko nalang sila sa mga muka.
Duon na ko dumaan sa may underground na parking lot ng mga sasakyan mas malapit kasi kung dito ako dadaan kesa sa harapan
pa ng building dahil iikot pa yung taxi, at ng mapansin ko ang isang kotse duon na isang montero, para kasing pamilyar yung
kulay nyang white, although alam ko na maraming ganitong kulay baka nagkakamali lang ako sa iniisip ko na sa General manager
namin yun na si Wendy kasi nakakita ako ng montero sa bahay nila na ganitong puti din, anyway tinuloy ko nalang ang
paglalakad at sumakay sa elevator.
"Good morning sir, what floor can I bring you sir?"
bati nung babaeng taga pindot ng numero ng floor ng building.
"good mornin' ahm 29th" sabi ko naman kaya pinindot naman nya yung numero ng elevator.
Pagkadating ko duon sige bati naman sakin ang mga empleyado, ako din naman sakanila kaya dumiretso na ako sa upuan ko at
kinuha ko na sa drawer ko yung laptop ko at nag-umpisa ng magtrabaho at magcheck ng mga papers at pirma ng kung ano anong
mga bagay, actually madali lang naman to nakakapagod lang sa dami ng kelangan tignan at basahin then pirmahan, minsan naman
nagpapahelp ako sa secretary namin na si Larny sya kasi ang nagbibigay sakin ng mga papers na titignan eh minsan di ko
maintinihan minsan nga naiisip ko na sya nalang kaya ang maging manager.
Habang busy ako sa ginagawa ko di ko na napansin yung oras alas dose impunto na pala, may tumawag yata sakin
"psst!" sa kaliwang banda, lumingon naman ako upang tignan kung sino yun at napansin ko yung babae na curl ang buhok na
wavy, na may blonde color nakasuot ng contact lense na kulay blue nagtataka ako kung sino yun tinignan ko lang sya na may
pagtatanong sa sarili "sino kaya to?" ng bigla sya magsalita "hey there mr."
habang nag sign sya sa palad nya ng korteng small letter b at letter c, meaning mr.busy napa "oh!?" nalang ako :O
Nakilala ko na ang boses nyang yun yeah I know who she is, "tara lunch tayo" sabi nya sakin napatayo naman ako at napatingin
sa kaliwang wrist ko, ng mapansin ko wala na palang relo dun, narinig ko naman sya tumawa
"haha ano wala bang relos dyan? Nahold-up na nga di ba" tapos ngumite sya :)
Napakamot nalang tuloy ako sa ulo.
"oo nga pala nu haha nakalimutan ko akala ko may relo pa din ako" tsaka ako tumingin sa wall clock at nakita ko na ang time
it's 12:05 na ng tanghali lunchtime na.
"tara na sir" sabi nya sakin
"ok ma'am" sabi ko naman
saka ko binitiwan yung ballpen kong hawak at nagsabay kami ng paglakad papunta sa elevator para bumaba sa restaurant sa
may 2nd floor para kumain, habang nasa elevator kami pababa nagumpisa ako magsalita
"you look great ma'am ah, nice new look bumagay sayo lalo kang gumanda"
Pabiro kong sabi na ang muka ko ay seryoso para hindi halatang nagbibiro ako pero totoo gumanda sya lalo tignan mas ok
pala sakanya ang walang eyeglass sa mata.
Hinampas nya naman ako ng mahina sa braso
"ikaw naman wagas maka bola ah"
"di naman kita binobola ma'am eh" =)
"weh, wag mo na nga ako tawagin na ma'am pag lunch time naman, oh kaya pag tayo lang magkasama"
What does she mean na "tayo?" ayan ayan ah.
"ok sige ms.Gwendoline Heidi T. Guerlina"
"haha sira ka" tumawa sya ng sinabi ko ang buong pangalan nya, natandaan ko lang kasi nakasulat yun sa may desk nya, sa
name plate nakasulat. Yung Wendy kasi palayaw nya lang yun pinaikli ko pa yun sa tawag na "wen".
Nung nasa 2nd floor na kami ang daming tumitingin sa amin ni wen pero halata ko naman na si wen yung tinitignan nila
mapapansin mo naman kasi talaga yung pagbabago ng itsura nya alam naman ng lahat maganda sya maputi at mataray na masungit pa,
tingin na kala mo may dumaan na artista, ako nga eh di ko agad sya nakilala eh, pano ba naman kasi yung itsura nya pati super
straight ang buhok na nagsusuot ng eyeglass, ngayon contact lense na wavy na curl ang buhok na akala mo si madonna,
ang hindi lang nabago yung kulay ng lipstick nya pink pa din, konting blush on lang naman yung gamit nya sa muka, kung
titignan mo talaga mas lalo syang gumanda sa itsura nya ano kaya ang nakain nya at nagkaganito sya, baka bagong uso siguro
ngayon latest ba to sa ang pinaka?
Oh ang tanong, na ang bida ba na nagmake-over highlight na din ba sa isang nobela
o istorya? Hindi naman ata dun lang yun,
ang dami-dami ng ganitong eksena abay kung bakit ba ito ang pumasok sa image ng imajination nya. So ordinary pamilyar na sa
takilya =) laos na ba? Pinauso lang huhow ewan ^.^
Inasar kami ni Jamir na isa sa mga supervisor dito na medyo malapit samin parehas, di ko alam makapal lang talaga ang
peslak ng mga bakla. JOKE
"Woah bagay sila ni ma'am" sabi nyang ganyan at nagsipag ngitian at tawanan naman ang iba nyang kasama na nandun din
kumakain matatamis na ngiting pang-asar nahihiya na tuloy ako, nung tinignan ko naman si wen nakangiti lang parang gusto nya
din na tinutokso nya kami eh.
Umupo na kami sa table na free na walang naka-upo at tinawag yung magseserve at sinabi na namin ang mga order namin ang
inorder ko ay valenciana lang, di naman kasi ako ganun kalakas kumain madali lang din ako mabusog.
Kumain na kami huwow bakit ba katabi ko sya ngayon kumain dati yung ilang kasamahan ko sa department namin ang mga kasabay ko
kasama sila Jamir at Larny ngayon sya? Ok na din naman maganda naman sya eh. choss
"Nga pala wen bakit iba na style mo ngayon, yan ba ang naidulot ng nahold-up nung nakaraan?"
"Haha crazy, di nu wala lang naman bakit hindi mo ba nagustuhan?"
"Uhm nope, I realy like your looks now so different from the last time, hindi ka na mukang terror" at tumawa ako haha
"Akala ko kasi hindi eh babalik ko talaga to sa dati" tapos sumubo na sya ng pag-kain amp nagpaparinig ho ba sya sakin?
Ano to fling, flirt, friends, future? Naku >.< masyado akong pakipot lang naman, base on my roll kahit gusto ko na sya
sung-gaban di pwede dahil may magagalit yung bumuo sa pagkatao ko na author ng story na to, clue poetry to =)
Pagkatapos namin kumain tumayo na kami para magpunta sa kanya kanya naming mga departamento mag-basa at pumirma ng ilang mga
dukumento, mag-ikot sa paligid at icheck ang mga ginagawa ng mga empleyado at pati sa mga prudukto.
Nung uwian na bumaba na ako sa underground para lumabas na sa likod ng building kung san ako mag-aantay ng taxi na dadaan
habang nakatayo ako duon nag-aantay may biglang bumusina mula sa likod ko, nagulat ako muntik ko ng mabitawan yung dala kong maliit na maleta. kotseng montero na kulay white at
nakita kong binubuksan ng driver yung bintana ng kotse.
Then i saw wen.
"Ma'am kaw pala, wow ah ginamit muna pala ulit yan? takot na mahold-up ah"
"Crazy sabi ko wag na mag ma'am pag wala na sa work, halika sumabay kana sakin mamaya mahold-up ka pa ulit eh"
"Hindi na mag-kaiba tayo ng daan eh tsaka nakakahiya kung ikaw pa maghatid sakin babae ka kaya nakakahiya gentleman kasi ako"
pabiro ko sakanyang ganyan
"Ah so gentleman ka pala ha sige di ikaw na lang magdrive nito" sabi nyang ganyan, loko talaga sya gustong gusto yata ako
nito kasama eh hindi pa nakuntento nakasama nya na nga ako nung lunch time.
"Di pa ako ganun kagaling sa pagmaneho eh tsaka wala pa akong lisensya kukuha palang kasi ako nun kasi student palang to"
"Ah I see ok, ayaw mo talaga papilit sige sige take care ka ha" at pina-andar nya na nagwave naman ako sakanya ng nakangite tapos nagstop
ulit sya mga 2 meters na yung distansya ng kotse nya sa harap ko dumungaw sya sa may bintana at tinawag ako.
"hey sir" halaka parang tanga lang huminto pa at di nalang dumiretso tapos sya pa tatawag sakin ng sir ngayon eh ayaw nya
ngang tawagin ko sya na ma'am pag wala na sa work. Lumapit ako pa-jogging papunta sakanya.
"Oh bakit?"
"Uhm may cellphone ka na ba ulit?"
"Yeah bumili ako last Saturday why?"
"Ah kala ko wala pa eh, akin na number mo"
Yun lang naman pala kaya binigay ko nalang sakanya at saka sya nag bye ulit at tuluyan ng umalis. Maya- maya naman may
dumaan ng taxi at sumakay na ako para bumyahe na pa-uwi.
Nakapasok na kami ng subdivision namin ng mapansin ko na naman ang lugar ng
playground pag tinitignan ko na to ngayon parang nahihiwagaan na ako dito ang weird talaga tapos oarang ang lagkit nalang ng tingin ko dito eh luma naman na ang itsura.
Pumasok na ako sa bahay ng makarating ay nagpalit na ako ng damit at nag-luto na ako ng dinner at ng makaluto na kumain na
ako, habang nanunuod sa sala ng palabas sa tv. May nagtext sa cp ko ang lakas pala ng tone, naka timer kasi yung profile ng cp
pag nasa work kasi ako naka silent lang to. Medyo nagulat pa ako kasi hindi pa ako sanay sa gamit kong phone.
"Good evening teo" isang number lang na nagtext hindi ko kilala wala pa nga kasi ganung laman ang contacts ng cp ko kasi bago
palang, kuya at ate ko palang ang laman ng contacts ko.
Tapos may sumunod na text ulit
"wendy to, number ko=)"
Ah kay wendy pala to oo nga pala binigay ko sakanya yung number ko kanina.
Magrereply na sana ako sakanya kaso wala na pala akong load dahil ubos ko na yung free load ng sim tsaka hindi pa ako
ulit nakaka-aply ng bagong plan para sa load kaya lumabas ako at kinuha ko ang bike para mapaload sa isang retail store
medyo malayo-layo dito yun kaya kelangan ko magbike para mabilis ako makadating, patag naman tong lugar kaya hindi mahirap
magbike saglit lang nandun na ako.
Nung nakarating ako duon nagpaload nalang ako ng worth 300php para good for 1 month na magagamit at saka ulit ako sumampa sa
bike para umuwe at habang nagbibike ako malapit na sa bahay napadaan ako sa playground na parang napabayaan na ang itsura
at nakita ko duon ang isang babaeng nakaitim as always she is horror lang kung makaitim wala na yatang ibang damit ang
babaeng to bigla syang lumingon at nagulat ako kaya muntikan na akong bumagsak buti nalang nagamit ko yung binti ko para
itapak sa espalto, yung mga mata nya di ko ma-ipinta kung anong klaseng mata ang nakikita ko sobrang kakaiba ang mga tingin
nya matalas yun kung baga sa isang kutsilyo, parang isang mata ng mga multo sa isang horror na palabas nasindak nga ako sa
tingin na yun na bigla nalang yumuko ulit yung muka nya sa harap ng semento gaya ng unang nagkausap kami, parang sobrang hiwaga
ng babaeng ito walang cool sakanya kundi isang cool talaga na hangin ang dumampi sa balat ko na naging dahilan para tumaas
ang balahibo ko.
Kakilabot parang gustong kong pag pawisan.
Tinuloy ko ang pagbike ko, at huminto sa harap nya at balak ko syang kausapin kahit na alam kong parang nakakatakot ang mga
tingin nya batid ko naman maganda sya so bakit ako matatakot, kelan pa nagkaroon ng nakakatakot na itsura kung maganda
naman di ba?
"hi" bati ko, at ibinaling nya ang muka nya sa harap ko pero this time naman nagulat din ako sa loob-loob ko nagbago yung
mga matang nakatingin sakin kanina ngayon ang mga mata nya ay parang nakakabighani na parang nagnining-ning na bituin o
dyamante, ang kanyang mga matang nakatitig sakin nakakapang lunok ng laway, eh kanina lang napabuntong hininga ako.
Puppy eyes yata to ng isang tuta at pag-papacute ng isang batang babae ang mga matang ganito nakakagaan ng pakiramdam, sana
ganito sya lagi kung titingin o lilingon kesa yung parang monster effect.
Nagulat pa ko ng magsmile sya at nag salita ng
"hello"
ngumiti naman ako at nagsalita pa ulit
"bakit nga pala last time pumunta ka sa bahay? tapos bigla ka naman nawala?"
"huh?" yan ang sagot nya parang buang lang nga sya kausap lumilipad siguro ang utak nya eh.
"ah wala naman" sabi ko nalang tapos, bigla nyang nilahad yung kamay nya sakin ng nakangiti
"Cassandra" inabot nya yung kanang kamay nya, nagtataka na naman ako, nung nakaraan nilahad ko yung kamay ko
sakanya pero hindi nya inabot eh kung gantihan ko kaya to, tsaka nasabi nya naman na din yung pangalan nya last time eh.
Unli sa pagpapakilala lang ha.
Inabot ko naman yung kamay nya at nakipagshake hands ako sakanya, naramdaman ko yung lamig ng kamay nya, ang lamig talaga
nun pasmado yata tong babaeng to eh yung kamay nya akala mo humawak ng yelo o kaya naman nilagay nya sa freezer yung kamay
nya sa lamig. Frozen hands.
— New chapter is coming soon — Write a review