Download App
34.04% My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 16: You'll Be Mine

Chapter 16: You'll Be Mine

"Nag-date kayo kagabi ni Yna? Nagbibiro ka lang pare no?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jerry na napasugod pa sa bahay ni Gian kasama si Teddy ng itext niya ang mga kaibigan na nagpaunlak na si Yna na makipag-date sa kaniya.

Masayang na humalakhak si Gian saka inabutan ng coke in can ang dalawa mula sa ref.

"You heard me right, Jerry. Take note: hindi ko siya pinilit. Siya pa nga una nagsabi na itreat ko siya ng tmawag siya sa office." Pagmamayabang nito saka naupo sa sofa.

"Siya ang tumawag sayo?" Tanong ni Teddy saka napatawa ng malakas.

"Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ni Gian.

"Ang tanga mo talaga pare. Hindi mo pa ba kilala si Yna? Wala pa siyang pinaunlakang date kahit nung college. Ni di pa siya nagkaboyfirend! Tapos ganun ganun na lang kung pumayag siyang makipagdate sayo?! May kailangan lang 'yung napakaimportante sayo." Nakangising sabi ni Teddy. Inis na tiningnan naman ni Gian ng masama ang lalake.

"Wag mo akong ibad trip Teddy ha! Kung meron dapat sinabi na niya sa akin no!" Snghal niya dito.

"Basta iba ang pakiramdam ko sa kanya kagabi. Pakiramdam ko, gusto na rin niya ako." Nakatulalang sabi ni Gian.

"Baliw!" Ani naman ni Jerry sabay batok sa kanya. "May kailangan lang yon! Tingnan mo, itaya ko man itong bago kong ipad." Pagpapatuloy nito.

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Panira kayo ng araw ha. Basta masaya ako kasi dadalawin pa ako ni Yna sa set ngayon." May pagmamalaking sabi niya sa dalawa.

"Ano?!" Sabay pang nagsalita sina Jerry at Teddy. Lalong napailing si Teddy.

"Iba na talaga iyan pare. Hindi ganyan si Yna. May kakaiba talaga." Sabi ni Teddy sa pagitan ng pag-inom ng coke.

"Whatever it is. I don't care. Ang mahalaga, lumalapit na siya sa akin. Hindi magtatagal, tuluyan na rin siyang mafo-fall sa 'kin." Malawak ang ngiting sabi ni Gian. Nagkitingan na lamang sina Jerry at Teddy.

"Good luck to that, pare." Sabi ni Jerry.

Napabuntong-hininga naman si Gian na hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.

"I don't care kung pinaglalaruan mo lang ako ngayon, Yna. I'm sure sa akin ka rin babagsak. You'll be mine." Bulong ni Gian sa sarili saka ipikit ang mga mata at pilit inirehistro sa kanyang imahinasyon ang maamong mukha ni Yna.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login