Download App
43.03% My Beast Boss / Chapter 34: 33. The Confession

Chapter 34: 33. The Confession

|| Dwayne Suzanne Sandoval ||

Tahimik lang akong kumakain habang sila ate at Troy ay nag-kwekwentuhan.

Yeah. Ganun na sila ka-close kaagad sa isa't-isa. Simula pa kanina. Wala pang ilang araw, alam mo 'yon. Feeling na kilala na nila ang isa't-isa.

"Siya nga pala Troy, saan ka pala nakatira ngayon?" magiliw na sabi ni ate Marsha kay Troy. Tumugon naman siya.

"I'm staying po with my tito so far. Besides, my parents are now in states.." aniya niya. Pagdaka'y sinubo niya ang kinakain niya. Napatango-tango si ate Marsha.

Ilang segundo ang lumipas at bumalot ang katahimikan sa paligid. Binali ang katahimikan ni Troy ng magsalita siya.

"By the way po, ate Marsha. May I ask you a permission to court your sister?" muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig matapos niyang sambitin iyon. Buti nalang at hindi pa napadami ang nainom ko.

Pero sandali, a-ako? liligawan niya?

"Hey, are you okay?" bakas sa mukha ang pag-alala ni Troy ng mapa-baling ang tingin niya sa akin. Pinilit kong ngumiti.

"Wala 'yan. Nagpa-samid lang talaga siya.." napatawang sabi ni ate Marsha. Pinandilatan pa ako. Letse si ate.

Nagpatuloy nalang ulit kami sa pagkain, habang ako ay naka-tuon lang ang atensyon sa kinakain ko.

"Troy.." napa-angat ang tingin ni Troy kay ate at naka-kunot noo.

"Katulad nga ng tanong mo sa akin kanina, sige. Pumapayag naman akong ligawan mo si Dwayne." napansin kong parang kumislap ang mga mata ni Troy, pagdaka'y sumilay ang ngiti nito sa kanyang labi.

Seryoso ba talaga si ate? Oo nga sabi na nga niya eh.

"T-thank you po, ate Marsha." masaya niyang sabi kay ate. Nakita ko si ate Marsha na kumindat pa sa akin.

Hindi ko alam pero naramdaman kong parang naiinitan ako sa kana-uupuan ko ngayon ng sabihin 'yon ni ate Marsha kay Troy. Jusme. Eto na nga yung sinasabi ko eh. Mukhang pinag-tutulakan na talaga ako kay Troy.

"Siya nga pala Troy, 'Wag ka nang mag-po sa akin. Saka, tawagin mo nalang akong ate Marsh. Okay?" malapad na ngiti ang binigay ni ate kay Troy. Samamtalang napa-kamot nalang ito sa kanyang ulo at tumango-tango.

"Saka, isa pa Troy. Hindi ka rin naman na mahihirapang ligawan 'yang si Dwayne. Promise.." base sa pagkaka-sabi niyon ni ate, parang may kakaiba sa susunod niyang sasabihin. Napansin ko si Troy na parang nag-taka, pero ngumiti pa rin siya.

"Yeah. I also feel it, ate Marsh.." pag-gatong ni Troy, at hindi niya ako nagawang tignan. Hambalusin ko siya eh. Feel niya mukha niya!

Napa-dapo ang tingin niya sa akin at sinuri kong mabuti 'yong ekpresyon niya. Naka-ngisi na siya sa akin ngayon ng wagas. Pero sandali, bigla namang may pumasok sa isip ko.

No. Huwag niyang sabihing..sasabihin niya kay Troy na gusto ka siya? Ahhhh!!

"Troy. Alam mo bang may gusto sa'yo si Dwayne?" Nang bitawan iyon ni ate Marsha, napansin kong natigilan sandali si Troy. Pero pagkatapos, napa-ngisi ito.

"Oh. I see. Well, I'll look forward on that. Besides, I believe in your words, ate Marsh.." inalis ko na kaagad ang atensyon ko kay Troy. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko ng maramdaman kong parang nag-iinit ang pisngi ko.

Nakakainis! dapat sa simula pa lang, tinape ko na yung bibig ni ate Marsha! Urghh!!! Napaniwala naman niya 'tong ugok na lalaking 'to!

"Oh, Dwayne? May gusto ka bang sabihin?" inayos ko ang sarili ko ng inangat ko ang ulo ko kay ate Marsha. Pilit kong ngumiti. Alam kong naka-tingin sa akin ngayon si Troy.

"A-ako? a-hh, hehe.." Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang nanigas ako ngayon sa kina-uupuan ko. Grrrr! Ano ba 'tong pinasok ni ate Marsha!? ang sama niya!

"Sabi ko sa'yo Troy eh, hindi siya nakapag-salita. So, ibig sabihin, gusto ka talaga niya." sa pagkakataong iyon, parang gusto ko nang ibaon Ang sarili ko ngayon sa kina-uupuan ko. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko.

Saka ano? Parang pinag-pupustahan ata sila? At mukhang ata 'yon? Urgh! Lintek. Sisipain ko 'to si ate Marsha mamaya.

"Thank you for you honesty, ate Marsh. But, I was sad why Dwayne didn't told me her feelings. But it's okay, after I knew it now.." napa-rolyo nalang ako ng mga mata ko.

Hindi ko na nagawang ibaling kay Troy ang tingin ko. Kahit na para na akong istatwang naka-upo dito, nilakasan ko ang loob ko na tumayo at umalis sa kina-uupuan ko.

Tumungo muna ako kaagad sa loob ng kwarto ko at nag-kulong muna 'don.

Ugh! Hindi ko na talaga kaya yung pang-lalaglag sa akin ni ate Marsha! Urgh! Babawi ako sa kanya!

-----

|| Marsha Sandoval ||

Humagalpak ako sa tawa matapos kong ilaglag si Dwayne kay Troy. Nung umalis si Dwayne kanina, nag-tawanan lang kami ni Troy. Haha.

Alam ko naman na naging masama yung dating 'non kay Dwayne. Tss. Darating rin naman 'yan don. Aamin at aamin rin siya. Kaya inunahan ko na.

Saka ayoko na rin na maghirap sa panliligaw si Troy kay Dwayne, tutal nakikita ko naman kay Troy na mukhang mabait siya at masarap siyang kachikahan. Haha. Kaya ang labas, close na kami. Napa-ngiti ako ng wagas.

"Dwayne! kapag hindi ka lumabas diyan, paba-balikin ko dito si Troy.." pananakot kong sabi sa kanya.

Speaking kay Troy, umalis na siya kani-kanila lang. Halos ilang oras rin kaming nag-usap tungkol sa side niya at sa akin. Kasama na rin yung tungkol syempre kay Dwayne.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto niya, hanggang sa maka-pasok ako doon sa loob.

Nakita ko siya na naka-talukbong ng kumot. At mukhang ayaw niya atang makipag-usap sa akin.

Pero alam ko na hindi 'yan sa akin nagagalit. Kapag binatukan ko lang 'yan, bati na kami. Haha.

Inalis ko yung kumot sa kanya. Napansin kong naka-pikit na ang mga mata nito at mukhang natutulog na ata siya. Pero alam ko, nagtutulog-tulugan lang siya.

"Oy, Dwayne. Hindi mo ba talaga ako kakausapin? babatukan kita!"

Hindi siya nagsalita at naka-pikit pa rin ang mga mata niya. Batukan ko na kaya 'siya?

Umupo ako sa tabi niya at sinubukan ko siyang alugin ng bigla namang may pumasok sa isip ko. Napa-ngiti ako.

"Dwayne!! May sunog!!"

"Saan?" napa-hagalpak ako ng tawa ng mabilis siyang napa-bangon. Nakita ko ang masamang aura ng mukha niya ng tinapunan niya ako ng tingin.

Ibinagsak nalang niya ulit yung katawan niya sa kama at tinabunan niya ng unan yung mukha niya. Tumigil na ako sa pagtawa ko.

"Dwayne! galit ka ba sa akin?" this time, naging malumanay ako pag-sasalita ko. Ilang segundo ang lumipas at hindi siya nagsalita.

"Dwayne! kapag hindi mo ako kina-usap, babatukan kita diyan. Magbibilang na ako hanggang tatlo.." at nag-simula na akong mag-bilang.

"One..two..th--" napa-ngiti ako nang bigla siyang nagsalita.

"Umalis ka na ate. Oo na, hindi ako galit sa'yo..."

"Sige, aalis ako. Pero sa isang kondisyon.." ngumisi ako sandali. Alam ko kung paano paikutin si Dwayne. At alam kong susunod siya kaagad.

Hindi muna siya nagsalita mukhang hinihintay niya yung susunod kong sasabihin.

"Tawagan mo si Troy ngay--"

Hindi ko naituloy yung dapat na sasabihin ko sa kanya nang sandali, parang may narinig akong may tumigil na kotse sa harap, at bumusina.

Tumayo muna ako sandali at lumabas sa kwarto ni Dwayne, para alamin kung may tao sa labas.

Sandali, napa-tanong ako sa sarili ko, na baka si Troy lang 'yon. Malay natin, baka na-miss kaagad si Dwayne. Haha.

Binuksan ko ang pinto at tumungo ako sa gate. Hanggang sa binuksan ko na rin ang gate.

Natigilan ako sandali ng makita ko siya ngayong naka-tayo sa harap ko. Naka-suot ng blue blazer formal suit at blue rin na pants. Naka-halukipkip siya at walang ekspresyon ang guwapo niyang mukha habang naka-pukol ito sa akin.

Sandali, bigla namang pumintig ang puso ko.

"Logan?" di ko makapaniwalang sabi. Napakurap-kurap pa ako.

"How are you?" hindi ko nawagang umimik nang mapatitig ako sa kanya. Napukaw naman ang atensyon ko ng magsalita siya.

"O-okay lang ako.." nautal kong sabi. Bigla namang bumalot ang katahimikan sa pagitan namin.

"You can freely stare me for a whole time if you want.." pagkasabi niya niyon, napukaw ang atensyon ko nang di ko namalayang napa-titig pala ako sa kanya.

Jusme! Ano na naman bang nangyayari sa akin?

"A-ahh, hehe.." sabay napa-kamot nalang ako sa ulo at bahagyang napa-yuko. Naramdaman kong parang nag-init ang pisngi ko.

Medyo nabigla ako ng mapansin kong bahagya siyang lumapit sa akin nang mapa-angat ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko nagawang maka-atras dahil parang dumikit na yung paa ko sa kinatatayuan ko.

Umayos ka Marsha! Maghulos-dili ka.

"B-bakit ka nga pala napadalaw dito? M-may kailangan ka ba?" nagtataka kong tanong. Una, hindi niya ako sinabihan sa pag-balik niya dito galing states. Pangalawa, bigla-bigla nalang siyang pumunta dito sa bahay.

Ay, Oo nga. Bakit nga ba niya sasabihin sa'kin? Boss ko lang naman siya at sekretarya niya lang ako. Jusme! Napaka-ilusyunada ko talaga.

"I want you to teach me on how to use Facebook, now.." napa-tigil siya sandali. Hinantay ang susunod niyang sasabihin.

"Now, will I get inside?" normal niyang sambit. Napa-tango ako.

"S-sige. Tuloy ka sa loo--" Hindi na niya pinatapos akong sasabihin ko ng bigla niya akong hawakan sa kamay ko at hinila papasok sa loob. Sandali, naghurumentado naman ang puso ko ng gawin niya iyon.

Jusme! Inaatake na naman ako ng hypertension. Este, ng sakit ko.


CREATORS' THOUGHTS
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

hello there!!

send gifts

vote

comment??

it's my pleasure so I write up this story!

thank you and lovelots ❤️

ps. sorry kung hindi ko kaagad na-update 'tong chapter, nadelete kasi. But. I hope you like this chapter!

kbye.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C34
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login