Download App
35.44% My Beast Boss / Chapter 28: 27. Facebook

Chapter 28: 27. Facebook

"Wahhh! Dwayne Suzanne Sandoval! May Facebook na ako!" masayang sabi ko. Nag-tatalon pa ako sa tuwa at sabay niyakap ko si Dwayne.

"Hays. Ganyan talaga mga reaksyon ng mga ignorante.." pabulong niyang sabi. Inirolyo pa niya ang mga mata niya. Kumalas naman ako sa pagkaka-yakap ko sa kanya.

"Ang sama mo sa ate mo Dwayne!" sabay nag-pout ako.

"Eto naman, di mabiro. Patingin nga ng facebook mo.." ibinigay ko sa kanya iyon. Pagka-kuha niya, tinignan niya 'yon sandali.

"Kailangan mo nalang ng picture mo ate sa profile. May picture ka na ba?" Umangat ang tingin sa akin ni Dwayne.

"Anong profile?" nagtataka kong tanong.

"Yung ilalagay mo dito sa bilog." sabay tinuro niya sakin. "Para ma notice ka sa Facebook at madami ang mag-add sayo." dagdag niya.

Nag-isip muna ako sandali. Naalala ko yung picture namin ni Logan.

Ay mali! Hindi pala kami mag-jowa. Pero wala namang masama kung picture namin yung ilalagay ko sa profile diba? Saka nasa sakin naman yung dahilan kung bakit yung picture namin ang nilagay ko sa profile.

"Dwayne. Ilagay mo yung picture namin ni Logan. I-profile mo, bilis!" utas ko sa kanya. Napansin kong napa-uwang pa ang kanyang bibig, pero pinandilatan ko lang siya. Ibinalik na niya kaagad yung tingin niya sa cellphone at napansin kong may kinakalkal na siya doon.

Ilang segundo ang lumipas nang makita ko siyang biglang ngumiti ng wagas.

"Wahh! ate! Ang cute niyo dito! Bagay kayo ng boss mo!" masayang sabi niya. Pina-tingin niya sa akin iyon at napalapad ang ngiti ko ng makita kong nandun na yung picture namin ni Logan sa Facebook.

Sepaking nga pala kay Logan, kinuwento ko na kanya lahat yung mga nangyari sa amin sa cebu. At ang gaga, tuwang-tuwa at parang kinikilig pa nung ikuwento ko na sa kanya yung nangyari sa akin sa cr. Dapat nga naawa siya sa akin eh. Paano kung natuklaw talaga ako ng ahas? Pero syempre, hindi ko na sa kanya kinuwento yung private scene na nangyari sa amin. Hindi pa niya pwedeng malaman yung mga ganung bagay.

Balik sa topic. Sandali, parang may kakaiba akong naramdaman sa bandang dibdib ko, at hindi ko mapag-wari yung nararamdaman ko habang pinag-masdan ko sandali ngayon yung picture namin 'don ni Logan.

Hays, siguro dahil may Facebook na ako. Tama. Hindi na rin ako mabo-bored kapag break time ko sa trabaho.

"Ate, eto oh. Pindutin mo 'to.." tinuruan ako ni Dwayne kung paano mag-upload ng pictures, at kung saan ko iyon makikita. Pati yung pag-aadd ng mga friends sa facebook, at marami pa. Halos ilang oras na rin pala ang nagugol namin sa pag-papaturo ko sa kanya sa facebook.

"Salamat Dwayne Suzanne! The best ka talagang kapatid!" magiliw kong sabi nang may pagpa-pasalamat sa kanya. Napuna kong napa-pout naman siya.

"Oh bakit? Hindi mo ba nagustuhan yung pa-thank you ng magandang ate mo?" napa-kunot ako. Inalis ko sandali ang tingin ko sa kanya ng tumingin ako sa Facebook ko.

"Gustoabakdkdllb.."

"Anong sabi mo?" hindi ko masyadong narinig dahil inaabala ko na ngayon yung sarili ko sandali sa pagfa-facebook.

"Ate, wag ka sanang magagalit ha. Tutal, tinuruan naman kita na mag-facebook, sana ako rin.." tinignan ko siyang mabuti ng sambitin niya iyon. Natigilan ako sandali at pakiwari ko ay may gustong siyang sabihin na dapat kong malaman.

"Oh sige. Ano ba 'yon?" naka-ngiti kong sabi sa kanya. Bahagyang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Basta promise mo, kapag sinabi ko sayo, hindi ka magagalit?"

"Oo na. Sige na. Ano ba 'yon?" bumuntong-hininga muna siya sandali. Saka niya ibinuka ang bibig niya.

"Yung isang daan na hiniram mo, kukunin ko na. Ipang-tatapal ko lang sa mukha ni Troy." sabay lahad ng kamay niya. "Oh ano ate? akin na ha? tutal, nilibre ka naman ng boss mo at hindi ka gumastos, akin na yung isang-daan." aniya niya, sabay taas-baba ng kanyang mga kilay at ngayon ay naka-ngiti ng malapad.

Saka lang nag-sink sakin na may utang pala ako na isang daan don sa lalaking kasama niya, nung gabing 'yon na nawala yung wallet ko. Speaking sa wallet, kapag sakaling mahanap ko pa 'yon, ipang-tatapal ko rin 'yon sa mukha ni Dwayne. Para malaman niyang wala akong pera.

"Oh ano ate, nag-hihintay na ako!'

"Si Troy ba 'yong pangalan nung lalaking kasama mo nung gabing 'yon?"

"Oo, bakit?" tugon niya ng may pag-tataka.

"Papuntahin mo dito, ako mismo mag-tatampal sa mukha niya." sambit ko.

"Ate naman eh. Mahal ko kasi este, ako nalang. Para maramdaman niya 'yung nararamdaman ko."

"Bakit, may nararamdaman ka ba sa kanya?" taka kong tanong. I crossed arms. Napa-taas naman siya ng kilay, pagkatapos ay napa-kimi sandali.

"W-walaa ano.."

"Bahala ka jan. Hindi ko ibabalik yung isang daan na hiniram ko sa kanya 'pag di mo inamin ang totoo.." Parang may nililihim kasi si Dwayne sa'kin eh. At mukhang may tinatago siya sakin tungkol dun sa lalaking 'yon. Nakita ko namang napa-kamot siya ng ulo.

"Ano? Kayo na ba nung lalaking 'yon?" naiinip kong sabi. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Sabay humagolgol ng iyak. Aba! anong nangyari sa babaing 'to?

"A-ate, gusto niya ako at gusto ko rin siya. Pero hindi ko masabi sa kanya, kasi alam kong magagalit kapag nalaman mong nilabag ko yung gusto mo.." Hindi ko alam kung matutuwa ako, maiinis o magagalit. Hays. may gusto lang pala siya sa Troy na 'yon eh.

WHAT? GUSTO NIYA YUNG LALAKING 'YON? Nalintikan na!

Hinarap ko siya sa'kin ng hawakan ko siya sa magka-bilang braso niya.

"Kailan pa 'to Dwayne? Matagal ka na bang may gusto sa lalaking 'yon?" tumango siya habang umiiyak siya.

Jusme! Nilamon na ng pag-ibig si Dwayne! Inunahan pa ako! Hmp!

"A-ate, galit ka ba dahil sa sinabi ko?" aniya at nakita ko sa mukha niya na parang nakaka-awa siya sa lagay niya.

Naisipan kong batukan siya, sabay napa-himas siya sa ulo niya. Ngayon, hindi na siya nakaka-awa. Haha.

Pumamewang muna ako bago nag-salita. "Gaga ka talaga! Akala ko pa naman kung ano. Syempre, magagalit ako kung nilihim mo na kayo na. Pero, ano pa ba magagawa ko?" tumigil muna ako sandali. nagkibit-balikat. "Eh di, kung gusto mo siyang jowain, ipa-kilala mo muna sa akin ng maayos." sabay nagcross-arms ako.

Hays. Ano pa nga bang magagawa ko. Nandiyan na 'yan eh. 'Pag tinamaan ka talaga ng pag-ibig, sabi nga sa kanta, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Hays. Pag-ibig nga naman.

Saka, kung mukhang magiging masaya naman si Dwayne dun para sa lalaking 'yon na si Troy. Kailangan ko nalang rin maging masaya para sa kanila.

Napansin kong ilang segundo siyang hindi umimik, napakurap-kurap pa siya habang naka-tingin lang sa akin.

"H-hindi ka ba talaga nagagalit ate?"

"Hays. Hindi nga. Saka sige, kung gusto mo siya, hindi naman ako striktong kapatid mo 'no. Hala sige, jowain mo! Basta gusto ko muna siyang makilala, ha?" sambit ko ng may ngiti sa labi.

"Salamat ate! Promise, ipa-kikilala ko siya sa'yo.." masaya niyang sabi. Sabay niyakap niya ako.

Bigla ko namang naalala yung isang daan na kanina lang ay, pinag-uusapan namin. Oo nga, ano rin ba talaga pakay niya sa isang-daan na 'yon?

"Oy, bakit mo nga pala gustong itampal sa mukha ng Troy na 'yon yung isang-daan?" pag-babalik ko 'don ng usapan.

Kumalas siya sa pagkaka-yakap. "Wala lang, gusto ko lang 'yon yung maging paraan ko para iparamdam ko sa kanya na gusto ko siya."

"Gaga ka talaga! Dami mong alam!" tinawanan lang niya ako. Hanggang sa tumawa nalang rin siya at nag-tawanan kami.


CREATORS' THOUGHTS
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

Hello there!!

sorry po sa matagal na Update.

I'll try to update two chapters soon.

Hope you like this chapter!

Vote

Comment

Send gifts!

lovelots ?

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C28
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login