Download App
16.45% My Beast Boss / Chapter 13: 12. Witch Doctor

Chapter 13: 12. Witch Doctor

Gusto ko huminga. Ay, naka-kahinga pa naman unti. Paano ba naman kasi, kanina pa kami hindi nag-iimikan nitong halimaw na 'to.

Well, nakakahiya rin naman kasi yung nangyari kanina. Of course. May hiya rin ako 'no, hindi lang maganda.

Ma-iba nga. Sa totoo lang, kanina pa tumatakbo sa isip ko si Dwayne. Ano na kayang ginagawa 'nun ngayon? Alam kong malaki na siya at kaya na niya sarili niya.

Pero paano kung pasukin siya dun nang mga kidnappers? Yung mga pumapasok sa bahay-bahay para magnakaw? Tapos kunin siya 'don sa bahay at may gawin sa kanyang masama? 'wag naman sana..

I pursed my lips. Jusko! baka kapag nangyari 'yon, di na dadami yung lahi ni Dwayne!

Dahan-dahan akong humarap kay Logan. Pinaglaruan ko ang mga kamay ko, habang naka-yuko akong naka-harap sa kanya.

Sasabihin ko ba sa kanya?

"I know what was on your mind. You don't have to worry."

Ha? a-alam niya na yung tungkol kay Dwayne yung iniisip ko ngayon? Naka-connect ba yung utak niya sa utak ko? aba't, bakit di ko alam? Hindi siya nagpapa-alam!

Ina-ngat ko ang ulo ko at umusog ako nang mas malapit sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwa niyang braso habang naka-tingin lang siya sa daan.

"P-pero..sigurado ka ba na walang mangyayari kay Dwayne? P-pero paano kun--"

He glanced at me seriously. "If I said then it will be, she's matured enough.." then he keep away his eyes on me.

Sungit nitong halimaw na 'to? Nag-aalala lang kasi ako kay Dwayne. Pero sabagay, may punto rin siya. Pero 'pag may nangyari lang talagang masama kay Dwayne, hindi na lulubugan nang araw 'tong halimaw na 'to.

Umiwas nalang ako sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at lumapit unti sa bintana.

"Sir, nandito na po tayo.." ana nong driver.

Una muna akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan ako makalabas nung driver. Habang sa kabilang side naman pinagbuksan si Logan, saka sinara ang pinto.

Sinundan ko nalang si Logan sa pag-lalakad niya habang papasok kami sa isang private area ng airport. Tutal wala naman siyang pake at hindi man lang ako sinasabayan sa paglalakad. Halimaw talaga. Hanggang sa makarating at maka-pasok kami sa loob ng isang private plane at sinusundan ko lang siya.

Wow. Ganun pala kayaman 'tong halimaw na 'to. Akala ko pipitsugin lang, 'yon pala may pa-private private pang eroplano. 'Pag ako lang talaga yumaman, makakabili rin ako niyan. Dalawa pa.

"Will you just stare there for a whole time?" masungit nitong sabi.

Di ko napansin na kanina pa pala ako naka-tayo. Tinitignan ko lang naman yung mga nasa paligid. Ang ganda kasi. Hindi lang siya ordinary jet, talagang bongga may mga antique pang naka-display. E di, siya na mayaman! But of course, mas maganda pa rin ako kesa dito 'no.

"Oh sorry." Pagdaka'y umupo ako dun sa harap niya.

Itinuon ko na lang muna ang aking paningin sa labas ng bintana habang nagsisimula nang lumanding sa ere yung sinasakyan namin.

Halos mapakapit ako sa dibdib ko habang unti-unting umaangat pataas yung private jet. Sa totoo lang ay, first time kong makasakay dito. Hindi ko pa rin ako nakaranas na maka-sakay ng ordinaryong eroplano. Barko lang kasi yung sinakyan namin dati ni Dwayne papuntang probinsiya namin.

Halos napapa-kapit ako sa upuan sa tuwing umaangat pataas yung jet. Papatayin ata ako sa nerbyos ng jet nang halimaw na 'to! Hindi ba niya alam baka malagas beauty ko dahil lang dito? Wala na akong mukhang ihaharap 'pag baba namin. Hays. Huminga ako ng malalim.

Napa-tingin ako kay Logan nang marinig kong napa-ubo siya. He crossed his legs at bigla naman siyang nagsalita. "As we're still here, I will tell now about what we've been talked about last day.." may pinatawag siyang isang lalaki at pagdaka'y may dala-dala na itong folder.

Pagka-kuha niya sa folder ay inilapag naman niya ito sa ibabaw ng maliit na table sa harap ko. Bale nasa harap ko kasi si Logan at kaharap niya ako. Binuksan niya yung folder sabay abot niya sa'kin. "Get this.."

"Para saan 'to?" nagtataka kong tanong.

"Just read first so that you will know." masungit niyang sabi. Aba't nagtatanong lang naman. Ang sama talaga nang ugali ng Loga na to.

Binasa ko nang mabuti at syempre kahit pure english yung mga naka-sulat. Naiintindihan ko naman. Nabasa ko yung mga rules na hindi ko pwedeng gawin once na nalaman nung mga tao yung tungkol sa'min ni Logan.

"As you're reading it. I hope that you will work it well and I expect that you'll not disappoint me for this. Understand?" saad niya habang bahagya niyang inilapit sakin onti yung mukha niya at bakas ang seryoso sa kanyang mukha.

Ihampas ko kaya sa mukha niya 'tong folder? binabasa ko pa, nang-didistract.

Suddenly, pumipintig na naman yung banda sa dibdib ko. Nako baka kailangan ko na talagang ipa-tingin 'to sa doktor! Jusme!

Malapit ko nang matapos basahin yung kabuuan. Napakagat-labi ako nang mabasa ko yung nakasulat sa pinaka-dulo.

So kapag may isa akong nilabag sa rules? ipapa-laslas yung maganda kong mukha? joke. Magbabayad ako nang 1 million plus dun pa sa mga pagkaka-utang ko sa kanya! Aba't di na ata maka-tarungan 'tong mukhang perang halimaw na 'to ha! Ihulog ko na kaya siya ngayon dito? Ano ako? mayaman? maganda lang ako 'no! Smirk.

"Kailangan ko ba talagang gawin 'to? yung hahalikan ko siya for in necessary cases?" namilog ang mga mata ko. Bigla na namang kumabog yung dibdib ko. Parang kumukulo na ewan yung bandang tiyan ko. Hinimas ko ang tiyan ko.

'Di kaya natatae ako?

Umakto akong tumayo. "Mag c-cr lang muna ako.."aniya ko.

Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at agad ko nang tinungo yung cr.

Hindi pa ako nakaka-rating ng cr, parang sandali akong nahilo. Napa-hawak ako sa sentido ko at napa-kapit ako sa upuan.

Ano na bang nangyayari sa'kin? mamamatay na aba ako? oh no!

"You okay? Tsk. You really stubborn." Naramdaman kong may humawak sa dalawang braso ko. Napa-lingon ako kung sino 'yon, at nakita ko yung pagmumukha ni Logan.

Aba't may malasakit rin pala 'tong halimaw na 'to.

"I will accompany you." malumanay niyang sabi. At sinamahan naman niya akong papunta sa cr.

"I'll just wait you here outside.." aniya. Tumango nalang ako at kaagad akong pumasok sa loob ng cr.

Pagkasara ko nang pinto. Parang lalo pang sumakit yung tiyan ko na parang kinikiliti. Lalo na nung naka-hawak sa'kin si Logan. At bumibilis ang bugso ng bandang dibdib ko.

Oh my! Hindi kaya kinukulam ako ni Logan? magpa-albularyo kaya ako?

Medyo gumaan na yung pakiramdam ko, kaya lumabas na ako ng cr. Inalalayan naman niya ako papunta dun sa pwesto namin kanina. Nang marating na namin ay umupo na ako kaagad, saka rin siya umupo.

"Do you mind if I will ask you if you feeling well?"

Sabihin ko kayang magpa-alburyo ako pag naka-rating na kami ng Cebu?

Gusto kong uminom nang tubig kaya nagpakuha muna ako sa kanya ng tubig at inutusan niya 'yong babaeng stewardee. Napansin kong parang nagpapa-pansin kay Logan dahil parang nang-seseduce siya, lalo na sa suot niya na kulang na lang ay mapunit na yung damit ng gitna niya at iluwa na yung mga bombang naka-lagay roon. Bigla tuloy akong nairita. Ipadala ko kaya 'to sa bar? mukhang dun siya bagay? Well, pasalamat siya at maganda ako mabait pa. Congrats nalang kung patulan pa siya nang halimaw na Loga na 'to.

"You now okay?" tanong niya nang inumin ko na 'yong tubig na ini-abot niya sa'kin.

Hindi muna ako nagsalita sandali. Tinignan ko lang muna siya ng mabuti.

Napakunot-noo siya. "What? is there something wrong in my face?" naka-kunot niyang sabi.

Sasabihin ko ba? 'wag na lang kaya?

Huminga muna ako nang malalim. "Mag-papa-albularyo ako.."

"What?" Sabi niya at sabay nagsalubong ang kanyang mga kilay.


CREATORS' THOUGHTS
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

sorry for not updating!!!

You guys love this chapter?

Hoping for your rates, comments and gifts!!!!

love you guys!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login