Download App
13.92% My Beast Boss / Chapter 11: 10. The Deal

Chapter 11: 10. The Deal

"S-sir! pwede mo na ba akong bitawan?" sa totoo lang talaga, kanina pa siya naka-hawak sa kamay ko. Ang bilis na nga pintig ng puso ko.

Nako, baka ito na yung huling araw ko! 'wag naman po sana! ayoko pang maagnas yung beauty ko!

Nakita kong humarap siya sa'kin at nagmumukha na namang halimaw yung mukha niya.

Gosh! mag-handa ka na Marsha! Tanggal ka na talaga sa trabaho!

Yumuko nalang muna ako. Syempre, paawa effect. Pero okay lang kung tanggalin na niya ako. Syempre joke lang! hirap kaya mag-hanap ng trabaho. Sa ganda kong 'to.

"So, do you have something to tell?" naka-pamulsa niyang tanong. Hinihintay lang ang sasabihin ko.

Huminga muna ako nang malalim. Ano naman sasabihin ko sa kanya? siya 'tong nag-dala dito sa'kin, dapat siya yung may sasabihin.

Dinala niya kasi ako dito sa office niya. At halos napagod rin ako sa kahihigit niya sakin. Pasalamat siya, mabait at maganda ako.

Saka ano ba yung sinabi niya kanina na babayaran ko sa kanya? may utang ba ako sa kanya? Sa ganda kong 'to, umuutang ba ako?

Ini-angat ko ang ulo ko. "Siya nga pala sir, may utang ba ako sa'yo? Sabi mo kasi kanina, magbabayad ako sainyo?" naka-ngiti kong sabi. Syempre, idadaan ko nalang sa ngiti. Buti nalang at mukhang humupa na yung pagka-halimaw niya.

Napansin kong humakbang siya papunta sa swivel chair niya at naupo. Pinatong niya ang kanyang mga bisig sa ibabaw ng lamesa nang magka-hawak ang kanyang kamay.

"What if I say yes?" saad nito habang naka-tingin sakin.

Napa-takip ako ng bibig. Really? aba't kailan pa ako nagka-utang sa halimaw na 'to? Sa ganda kong 'to, nagka-utang pa ako sa kanya?

"If you don't want to pay then, I understand. But you'll be out." pagbabanta niya. Sabay nagcross legs siya habang nilalaro ang kanyang mga daliri na nasa ibabaw ng desk niya.

Magkano ba utang ko sa halimaw na 'to? Baka limang-piso lang naman?

Lumapit ako nang bahagya sa kanya. Umupo ako sa chair na nasa harap ng table niya at tinitigan ko siya nang mabuti.

"Magkano ba utang ko sayo sir? Oh eto.." sabay lapag ko nang limang-piso sa harap niya. "Oh ayan sir, bayad na ako. Baka pwede ka naman nang manahimik.." sambit ko nang nilapit ko sa kanya ang mukha ko. Hinapyawan lang niya nang tingin yung limang-piso na nilapag ko.

And it was the same way again na pumintig na naman yung puso ko.

Kunin ko nalang kaya yung limang-piso? pandagdag rin 'yon sa pagpapa-check up ko.

"You really don't use your mind ms. Marsha Sandoval." He paused. He lean his back on her swivel chair. "Just be my fake girlfriend. And you'll be paid.."

Napa-atras ako sa sinabi niya. Hello? yung ganda kong 'to gagamitin niya for her own sake? Aba't parang di ata maganda 'yon? Well, okay sana kung magiging girlfriend niya ako. Pwede pa.

Joke lang, syempre ayoko namang magka-roon nang karelasyon na halimaw. Baka mamaya niyan lapain nalang niya ako. Eh di, hindi na exotic yung kagandahan ko. Endangered na.

Napansin ko ang pag-lean niya ng kanyang mukha sakin. "Deal or not?" naka-ngisi niyang sabi. Halos naaamoy ko na yung hininga niya, at ang bango.

Ano kaya gamit niyang toothpaste? Colgate kaya? Imposibleng nag-totoothpaste yang Logan na 'yan nang mumurahin. Ay ewan ko ba!

Nag-isip muna ako sandali dun sa sinabi niya. Habang naka-tingin ang paningin ko sa kisame.

Paano kung pumayag ako sa deal niya? eh di, siguro pag natapos na 'yon. baka gamitin niya ulit ako. At siya lang ang manginginabang? Paano naman kung hindi ako pumayag? eh di, baka pabayarin niya pa ako ng milyon-milyon dahil sa 'utang' kong sabi niya? at baka idagdag pa niya yung vase niya na nabasag ko? Hays. naloloka na ang maganda niyong ate!

Pagdaka'y tumingin ako sa kanya.

Bigla na namang bumilis yung pintig ng puso ko. Muntikan ko nang mailapat kasi sa kanya yung labi ko. Natanaw kong bumaba ang kanyang tingin sa labi ko. Goodness! ayoko pa! gusto ko pang maipagtapos sa pag-aaral ang kapatid ko!

Lumayo ako nang bahagya sa kanya. "I really hate waiting. Your wasting my time. Just say if you don't. But then, if it so, you'll pay double also because of my antique vase that you've broke." naiinip niyang sabi.

Ngumiwi muna ako. "Okay. sige deal." na-ngiti kong sabi.

Bigla namang sumilay ang mga mata niya. "But in one condition.." pagdaka'y nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Hindi ko na babayaran yung utang ko at nabasag kong vase. Deal?"

Ano ka ba Marsha! anong klaseng kondisyon 'yan? sinabi na nga niya kanina eh. Mukhang hindi ka nakikinig. Well, nililinaw ko lang naman.

"If I said, then it is." naka-ngisi niyang sabi. "Be ready for tomorrow, at night. We will go to Cebu for three days.."

Parang biglang nagpantig ang mga tenga ko sa sinabi niya.

Cebu? talaga? as in? Yung lugar na gustong-gusto kong puntahan! Pupuntahan namin?

"Sir, totoo ba talaga? as in, sa Cebu tayo pupunta?" nagniningning ang mga mata kong kumaka-usap sa kanya. Gusto ko talagang marinig ulit 'yon sa kanya.

"I hate repeating myself, ms. Marsha. If what you heard then it is." Napa-talon nalang ako sandali sa tuwa.

"I'll do my best sir para talagang magmukha akong girlfriend mo. You'll not regret it sir!" masaya kong sabi.

"Then that's good. Then, we'll be have a good relation for that night if that will be.." pagkasabi niya niyon ay may dinukot siya sa kanyang bulsa.

"By the way, just finish your task for today, so that you don't have things to do for tomorrow." pahabol niyang sabi habang nagkaka-likot siya sa cp niya.

"Okay sir. Aalis na po ako. Bye!" pagdaka'y lumabas na ako ng office niya.

Masaya kong binabaybay ang daan papunta dun sa office ko. Habang nasa elevator ako, di ako mapakali sa sobra kong excited. Pero bigla ay, naalala ko si Dwayne.

Ano nalang mangyayari kay Dwayne kapag iniwan ko siya mag-isa?

Wala pa naman akong cellphone para kontakin siya kung sakali. Baka kung mapano siya kapag wala ako.

Nalungkot ako sandali. Bawiin ko nalang kaya yung sinabi ko?

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kausapin ang boss ko.


CREATORS' THOUGHTS
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

keep supporting my this sorry guys!!

Don't forget to rate, vote and especially your feedback!!

Love you guys!!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login