Download App
72.3% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 47: Danger Control

Chapter 47: Danger Control

Chapter 45: Danger Control 

Mirriam's Point of View  

Pumunta na muna ako sa faculty dahil pinapatawag daw ako ng club adviser namin sa Track and Field. Doon ako sa mismong office niya pumasok pagkakarating ko sa faculty.  

Binuksan ko ang pinto matapos kong kumatok. May inaayos si Coach Rosario na libro, related yata iyon sa sports. Lumingon siya sa akin at laking tuwa nang makita ako. "Oh, nandito ka na kaagad. Umupo ka muna." Lahad niya sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya.

Tumango naman ako saka naglakad palapit sa silya ko samantalang pumunta na rin naman si Coach sa kanyang upuan. May office siya dahil nagtuturo rin siya sa E.U.

Dati rin talaga siyang estudyante rito, kinuha niya 'yung kursong isports.

"Bakit mo po 'ko pinapatawag dito?" Panimulang tanong ko.

Tumango naman siya at ngumiti. "Gusto mo bang mag-aral sa Shin Juk Sports University?" Tanong niya sa akin na nagpalaki sa mata ko. Nag lean din ako dahil sa narinig ko.

"O-Opo! Gustong-gusto!" Bakas sa boses at mukha ko ang sobrang pagkasabik kaya mas napangiti si Coach Rosario kasabay ang kanyang pagtango.

"Edi wala siguro tayong problema, ano?" Tanong niya sa akin na ipinagtaka ko.

"Ano po'ng ibig n'yong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

May kinuha siyang isang form mula sa drawer na naroon lang sa kanyang tabi at inabot iyon sa akin.

Kinuha ko naman iyon at tiningnan. Laking gulat nang makita ko ang student form ng SJSU.

Umangat ang tingin ko. "P-Pero bakit? Akala ko ba isang student lang ang pwedeng makapasok--"

"Tama ka, but as you can see. Villanueva already rejected the offer." Saad niya, bumilis ang tibok ng puso ko't mas nanlaki ang mata. Hindi ko maintindihan, bakit niya ginawa 'yon?

Para sa akin? Dahil ba sa naging usapan namin nung gabing iyon kaya ginawa niya 'to?

Hindi, hindi naman gano'n kababaw ang rason ni Jasper para sumuko sa gusto niyang makuha sa future niya. At sino ba ako para gawin niya iyon?

Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi ni Coach. "Coach, huwag namang mang good time. Bakit hindi tatanggapin ni Jasper 'yung offer?" Naguguluhan ko pa ring tanong. "Gusto niyang makuha ang opportunity na 'to."

Itinagilid niya ang swindle chair para tingnan ang labas ng bintana. "Noong una, naguguluhan din ako. Gusto ni Jasper na makapasok sa SJSU pero may isa siyang rason na sinabi sa akin kaya pumayag ako sa naging desisyon niya."

Tumungo ako nang kaunti. "I have no idea what it is, but don't you think it's a bit insulting na saka n'yo lang ako naisip bigyan ng offer pagkatapos niyang tanggihan 'tong opportunity na ito?"

Lumingon siya sa akin. "Hindi namin intensiyon na 'yan 'yong maramdaman mo. In fact, qualified talaga kayong pareho ni Villanueva na pumunta sa SJSU." Humawak siya sa ulo niya. "Pero hindi pwedeng dalawa o tatlo ang makapasok sa unibersidad na 'yun na nagmumula sa kaparehong skwelahan. Kung ako lang naman ang masusunod, lahat kayo ipapasok ko ro'n." Seryoso niyang paliwanag.

Nagsalong-baba siya at ibinaba ang tingin. "Si Villanueva lang 'yung pinili namin-- pinili kong maging Team Captain dahil nag-aalala ako sa future na maghihintay sa kanya kapag naka-graduate kayo ng Highschool." Tinutukoy siguro niya 'yung pagiging tamad ni Jasper.

Kung sabagay, madalas din siyang pag-usapan sa faculty kapag pupunta ako roon, eh.

Ano raw ba'ng gagawin sa grades ni Jasper dahil napaka baba.

Hindi niya sineseryoso 'yung pag-aaral niya.

Gusto ko talagang matulungan si Jasper, pero paano ko gagawin 'yun kung sarili niya mismo? Hindi niya magawang matulungan?

"Pero masyado ko siyang minaliit sa gano'ng kaisipan at mali ko 'yon." Parang nalulungkot niyang sabi. "Kaya noong marinig ko 'yung side niya at sa gusto niyang mangyari. Masaya akong tanggapin na hindi niya kinuha ang oportunidad na binigay sa kanya ng E.U."

Natahimik ako sa sinabi ni Coach. Hindi ko aakalain na may ganito rin pala siyang side.

Pero kung iisipin ko, ano ba talaga 'yung gustong mangyari ni Jasper kaya niya tinanggihan 'yung offer na 'to? Anong rason 'yun?

Hinarap ulit niya 'yung swindle chair sa akin. "Kaya matatanggap mo ba itong bagong oportunidad na dumating sa 'yo ngayon?" Tanong niya sa akin kaya dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa student form ng SJSU.

Gusto kong umiyak, ito kasi talaga 'yung gusto kong makuha simula nang makapasok ako sa Track and Field. Pero heto na sa harapan ko na, makukuha ko na.

Still…

Tumayo ako na sinundan naman niya ng tingin. "Garcia?" Taka niyang tawag sa pangalan ko.

Nakatungo lang ako nang ibaba ko ang student form sa lamesa. "Please, give me time to decide."

 

Hindi siya umimik kaagad pero nakita ko ang paglinya nang kaunting ngiti sa labi niya. "Sure. Hihintayin ko, matagal pa naman ito."

Ngumiti naman ako at inangat ang ulo para tingnan ang coach ko. "Thank you, Coach."

Masaya ako, masaya talaga ako sa nangyayari sa akin ngayon. Pero ayoko munang mag desisyon, may gusto pa akong malaman kay Jasper, hindi ko matatanggap 'yung offer na may doubt pa ako sa sarili ko.

Ang selfish din kung kukunin ko iyon ng hindi ko nalalaman 'yung totoong nararamdaman ni Jasper.

***  

ISINARA KO na ang pinto ng faculty kasabay ang paglingon ko kay Haley na hinihintay pala ako rito sa labas.

"Took you long enough." Pagkibit-balikat ni Haley samantalang ngiti naman akong kinawayan ni Kei.

Inaya na nila akong pumunta sa Mini forest pero dahil naisip kong wala namang gagawin sa umagang ito dahil vacant time rin naman namin pagkatapos ng homeroom period. Niyaya ko silang lumabas ng E.U dahil gusto ko rin talagang bumili ng Milktea.

Kakausapin ko talaga si Jasper 'pag may pagkakataon.

Haley's Point of View

TeaKo Milktea

 

"Mmh ~! Ang sarap talaga ng Milktea nila!" Maingay at tila parang paungol na pagkakasabi ni Kei.

Lumayo ako nang kaunti sa kapatid ko. "P-Pwede ba? Kung magko-comment ka sa mga kinakain mo, huwag kang umungol? Nakakahiya kang kasama."

 

Idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. "Hindi ko alam pero parang bumalik 'yung original version ni Haley. I like it."

"No wonder. Bumalik na 'yung alaala niya, eh." Parang balewala na sabi ni Mirriam kaya humiwalay sa akin si Kei at hinawakan ako sa balikat ko pagkalapag niya ng Milktea niya sa lamesa.

"Seriously? Bumalik na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kei. Hindi ko siya sinagot kaagad, inilipat ko lang 'yung tingin kay Mirriam na patuloy lang din sa pag-inum ng milktea niya.

"Gano'n ba ka-obvious?" Tanong ko pero bigla akong niyakap ni Kei kasabay ang paghimas himas niya sa ulo ko.

"Bumalik na si Haley ~" Sinabi niya iyan habang naluluha.

"H-Hoy. Bakit ka umiiyak d'yan?" Naiirita at nagtataka kong sabi sa kanya pero idinikit dikit niya ang pisngi niya sa akin.

"Well, it's because you won't suffer anymore."  

Napatingin ako sa kanya dahil doon.

Humiwalay na siya sa akin at tiningnan ako diretsyo sa aking mata. "Having no memories of the past gives you stressed and anxiety, right?" Teorya niya.

Umiwas ako ng tingin at bumuntong-hininga. "What are you talking about? Mas na-stress nga ako ngayong nakaalala na ako." Saad ko at kinuha ang Milktea ko para uminum. "Pero hindi na rin masama. Life gives you all of this negative emotions to remind you that you're still alive, so, that you'll also have your reasons to change, and explore everything."   

Nakita ko ang pag ngiti ni Mirriam. "You're right." Nakatingin lang ako sa kanya gamit ang peripheral eye view ko nang ngitian ko rin siya pabalik saka ko hinarap ang ulo ko't kumuha ng fries sa bowl.

"Lumabas tayo pagkatapos natin dito."

***

LUMABAS NA nga kami sa TeaKo Milktea. "Gusto n'yo ba munang pumunta sa Green Park?" Anyaya ko.

Lumingon kaagad si Kei sa akin. "H-Huwag na kaya tayo masyadong lumayo?" Parang nag-aalinlangan niyang sabi kaya napatingin na sa kanya si Mirriam.  

"Alam mo kanina ko pa napapansin. Ngumingiti ka pero parang 'di ka kumportable. May problema ba? O dahil pa rin 'to kay Harvey?" Taas-kilay na tanong ni Mirriam na ikinatungo ni Kei, pagkatapos ay umiling.

"H-Hindi. Not because of him, wala naman. Baka lang kasi ma-late tayo sa susunod pa nating subject kung lalayo pa tay--"

"Natatakot ka na baka may umatake sa isa sa atin, is that it?" Pangunguna ko kaya umangat ang tingin ni Kei samantalang napatingin naman si Mirriam sa akin.

Takang-taka sa sinabi ko.

Seryoso lang 'yung tingin ko nang ngitian ko sila. "Joke lang." Pagbabawi ko pero bigla akong hinampas ni Mirriam sa braso ko. Eh, masakit kaya napahawak pa ako roon.

"Huwag kang magbiro ng ganyan. Nakakatakot." Wika ni Mirriam na hindi ko lang inimikan. Nag-iba kasi 'yung itsura nila, talagang natakot sila.

Hinawakan ko ang kamay ni Kei at Mirriam.

"Oh, siya. Tara sa Green Park. Wala naman yata masyadong tao ro'n ngayon." Pilit ko pa.

Medyo inaalis ni Kei ang hawak ko sa kanya. "B-But…"

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng malamig na tingin. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. "Kailangan nating mag-usap ng masinsinan." Saad ko at saka ko tiningnan si Mirriam. "Ikaw rin."

Tinuro ni Mirriam ang sarili niya.

***

UMUPO KAMI ni Mirriam sa swing samantalang kaharap naman namin si Kei at nakatayo lang.

"A-Ano 'yung pag-uusapan natin?" Kinakabahang tanong ni Kei.

Nag I-swing naman si Mirriam. "Seryoso ba 'yan?" Tanong pa niya.

Huminga ako nang malalim at pinapakiramdaman ang paligid. Wala pa naman akong nararamdaman na mali sa ngayon maliban nga sa wala talagang tao.

Kasi siyempre may mga klase at trabaho.

"First, Mirriam. May problema ka ba sa akin?" Diretsyong tanong kaya napahinto siya sa pag swing niya.

Taas-kilay niya akong tiningnan. "Huh?"

Nakatingin lang din ako sa kanya gamit ang peripheral eye view nang mapapikit ako. Iniisip ko kung tama bang sabihin 'to sa kanya, pero kung mananatili nga lang akong tahimik. Wala rin siyang sasabihin.  

Nahihiya siguro siya, saka gusto kong maging clear kami.

"By any chance, are you jealous? Sa amin ni Jasper." Tanong ko na mabilis nagpahawak sa kanyang braso. Pareho kaming napatingin ni Kei ro'n, mukhang alam niya 'yung ganyang pormahan ni Mirriam. Sa tuwing hahawakan kasi niya ang braso niya, nagsisinungaling na talaga siya.

"I-I'm not. Why would I?" Palusot ni Mirriam.

 

"Ikaw 'yung taong sumilip sa infirmary nung pinapahiran ako ni Jasper ng ointment sa likod, 'di ba?" Hula ko. Nakita ko kasi 'yung Black Ribbon, eh.

Eh, siya lang naman ang madalas kong makita sa E.U na gumagamit ng ganoon.

Pulang pula namang napatingin si Kei sa akin. "N-Naked?" Tanong niya kaya inilipat ko 'yung tingin sa kanya't tinanguan siya bilang pagsagot.

"That's right--" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay bigla niyang pinisil pisil ang pisngi ko. Aray ko!  

"Did you know what you're thinking? It's not right! Paano kung--" Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat para ilayo siya sa akin nang kaunti. Kaya nabitawan na n'ya ang pisngi ko. 

"Kei, calm down. It's not that he saw all of it--"

"Kahit na!" Bulyaw pa niya sa akin.  

Yumuko si Mirriam. "Maybe you're right. I'm jealous." Biglang pagsasalita ni Mirriam kaya ibinali ko 'yung tingin sa kanya. Nakaiwas na 'yung tingin niya sa akin pero makikita mo 'yung selos sa mukha niya. "You guys are always together. Mas close kayo ni Jasper kaysa sa akin. Naiintinidihan ko naman na best friend ka niya." Medyo nairita ako pagkabanggit niya sa bestfriend. Hindi ko naman ginusto 'yun, eh.

"…pero hindi ko kasi mapigilan, eh. Kahit alam ko na magkaibigan lang kayo, 'di ko maiwasang hindi magselos. Ewan ko, ayoko lang ng gano'ng feeling."

Wala munang bumuka sa bibig ko at hinihintay ko lang 'yung susunod niyang sasabihin. Pero dahil sa wala na siyang sinasabi ay nagsalita na ako.

"There's no reason for you to get jealous at all." Panimula ko. "It's just that we have our reason kaya madalas kaming magkasama." Chill na pagkakasabi ko.

Umangat ang tingin niya para tingnan ako. Kay Kei ko naman itinuon ang tingin pagkatapos kung saan medyo napaawang-bibig din siya at nagtataka sa paraan ng pagtingin ko. "Kei, you lied to us."  

"What?" Tanging naging reaksiyon niya.

"The reason you broke up with Harvey…" Panimula ko kung saan nag-iba na ang reaksiyon niya.

"Please, stop." Natatakot na sabi niya pero mas siningkitan ko lang ang paraan ng aking pagtingin para ipagpatuloy 'yung sasabihin ko.

"It's because--"

"STOP!" She shouted, lumingon ako sa likod ko kung saan nakikita ko na ang matalas napatalim na sasaksak sa akin. "HALEY!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C47
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login