Download App
50.76% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 33: Fall In Love

Chapter 33: Fall In Love

Chapter 31: Fall In Love 

Mirriam's Point of View 

Wala na kami masyadong ibang ginawa buong 3rd to 7th period kundi ang ipakilala ang sarili namin sa buong klase kahit na magkakakilala naman na kami ritong lahat.

Karamihan sa mga transferees ay na sa kabilang section kaya puro kami mga oldie rito sa Class 4-A.

May mga new and old teachers din kami, ibinigay na nila ang iilang introduction regarding sa mga subjects nila.

Samantalang isa pa rin si Miss Kim sa magiging subject teacher namin kaya laking tuwa rin namin 'yun dahil maliban nga sa para lang din namin siyang tropa ay napakagaling din niyang magturo. Ang ganda pa. Pero hanggang ngayon, single. 

At sa buong araw na nandito ako sa Enchanted University ay nagtataka pa rin ako bakit pumayag ako na makatabi si Jasper. Kausapin ko kaya mamaya si Haley na magtabi na lang kami? 

Nakakainis naman kasi itong si Harvey at wala man lang pasabi na ito ang magiging pwesto namin. Siya kasi 'yung nag decide nito! 

Inayos ko ang mga gamit na nakakalat sa lamesa ko 'tapos  tumayo. Kailangan ko ng pumunta dahil duty ko. Baka pagalitan pa ako ni ate Jean kung maghihintay siya sa G.Shop ng ilang minuto. Eh, may pupuntahan din kasing importante 'yun ngayon kaya ako muna ang pinabantay. 

Isinukbli ko na ang bag ko't tiningnan ang mga kaibigan ko na nagliligpit na rin ng mga gamit nila. "Mauna na muna ako" Paalam ko kaya pare-pareho silang napatingin sa akin. 

"Saan punta?" Tanong ni Haley. 

Ipinasok ni Harvey 'yung notebook sa bag niya. "Ayaw mong sumabay? Uuwi na rin namin kami." Cool na pag-aaya ni Harvey. 

"Para hindi ka na rin mamasah--" Hindi naipagpatuloy ni Jasper 'yung sasabihin niya dahil nahulog 'yung ballpen niya sa sahig. "F*ck!" Mura ni Jasper pagkapulot at pagkatingin niya sa tip nung Ballpen. Nabali kasi. 

Ayan din ang pangit sa masyadong mahal na ballpen. Napaka sensitive kapag nahulog o bumagsak lang ng isang beses. 

Pero maganda naman siya kapag ginamit, iyon nga lang ay kailangan din ng doble ingat.  

"Sabay-sabay na lang tayo." Segunda ni Kei na ngiti't inilingan ko lang. 

"Okay lang, may pupuntahan pa kasi ako." Sagot ko 'tapos tumingin sa mga kaklase ko na may kanya-kanya ring ginagawa. "Kaya kailangan ko na ring mauna" Dagdag ko pagkabalik ng tingin ko sa kanila.

Naglakad na ako paalis kasabay ang aking pagkaway.

Nakakailang hakbang na ako nang may humawak sa balikat ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at nilingon ang taong iyon.

Seryoso ang tingin niya sa akin kaya humarap ako sa kanya pagkatapos niya akong mabitawan. "What is it?" Tanong ko ng hindi siya binibigyan ng kahit na anong reaskiyon.  

Tumayo naman siya ng diretsyo. Nawala sa mukha niya 'yung sigla at talagang hindi tinataggal 'yung pagkaseryoso niya.

"She's… terrible." Naalala kong sabi ni Jasper kaya umiwas ako ng tingin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya. Nakikita ko mula sa peripheral eye vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin.

"Hindi ba't sinabi ko may pupuntahan ako?" Tanong ko 'tapos inilipat ang tingin sa kanya. "Kung may gusto kang sabihin, i-message mo na lang ako sa Messenger."  

Tumalikod ako para sana maglakad paalis, hinihintay na rin ako nila Kuya Jin sa park. "Mirriam, sandali." Muli akong pinigilan ni Jasper sa pag-alis at hinawakan ang kamay ko.

Nanlaki ang mata ko kasabay ang pagtibok ng puso ko. Ngunit mabilis ko ring inalis ang mga hawak niya sa akin kasabay ang pagharap ko sa kanya. "What do you want?" Tanong ko sa kanya. Diretsyo ang tingin niya sa mga mata ko at kumpara kanina ay mas seryoso na 'yung tingin niya. I think, this is the first time I have seen this face.  

"May problema ba tayo?" Tanong niya na napakagat sa ibabang labi ko.  

Humawak ako sa braso ko. "W-wala." Sagot ko pero hindi siya naniwala.

"You're lying." Sambit niya kaya nainis ako.

Nagsalubong ang kilay ko. "Kapag sinabi kong wala, wala!" Sigaw ko dahilan para makuha ang atensiyon ng ibang mga estudyante at mapatingin sa amin.

Lumabas na rin si Rose. "Hey, what happened?" Tanong niya habang parehong nakatingin sa amin.

Hindi ako umimik at umalis na nga lang sa harapan nila. Hindi naman na ako sinundan ni Jasper kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.

I don't want to be immatured, and I also don't want to overreact but I can't helped it.

I really like him but that is how he thinks of me.

Tss, dapat nung una pa lang alam ko na, 'di ba? Kaya bakit nasasaktan naman ako ng ganito?

It shouldn't be like this.

*** 

Inis akong pumasok sa kotse namin nang makita ko ito.

Nandito rin pala si ate Jean. "I thought I will get to see Haley today" Parang nanghihinayang na wika ni kuya na inirapan ko naman sa kawalan.

"Ano ang problema?" Tanong ni ate Jean habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Nakaupo siya ro'n sa passenger seat habang si kuya naman ang magda-drive.

Naglabas lang ako ng hangin sa ilong at nagsalong baba nang tingnan ang labas ng bintana. Mga nag-uuwian na mga estudyante, gamit nila ang mga sari-sarili nilang sasakyan. "Wala 'yon, maliit lang na bagay" Walang gana kong sagot.

Naramdaman ko ang paglingon ni ate Jean sa akin. "Masasapok kita kung hindi ka magsasalita." Babala niya sa akin.  

Inis ko naman siyang tiningnan. "Ano ba naman 'yan, ate. Wala nga." Pagmamatigas ko. Ayoko ng sabihin, hindi naman din nila kailangang malaman 'yung mga gano'ng bagay.

Umismid si ate Jean. "Kung ayaw mo kasing tanungin ka ng ibang tao at malaman kung ano 'yung problema mo, huwag kang magdabog." Pangaral niya sa akin at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Tumawa naman si Kuya na nakatingin kay Ate bago ibinaling sa akin. "Hulaan ko, si Jasper 'yung problema mo, ano?" Hula niya na nagpamula sa akin. Lumingon ulit si ate samantalang napangisi naman si kuya. Tukmol! "Bingo!"

Napasimangot si Ate. "Sa unggoy?" Tawag talaga ni ate Jean kay Jasper, unggoy. Makulit kasi. "Don't tell me, in love ka na ro'n sa kinukwento mo sa akin?"

Ang totoo kasi niyan, sa ibang paaralan nag-aaral si Ate. Doon sa mas malapit sa amin na University dahil tinatamad daw siyang mag commute nang mag commute. Walking distance lang din papunta ro'n sa eskwelahan niya.

Mas namula pa ako. "Hindi ko naman siya kinukwento sa 'yo, ah?!"

Humarap siya sa akin at tumangu-tango. "Naiintindihan kita. Kapag talaga in love ka na, hindi mo na namamalayan na nagiging bukambibig mo siya." Sinabi niya 'yan na parang ang dami niyang alam.   

Ipinatong ko sa kandungan ko ang dalawa kong kamay at hindi napansin na nagdidikit na ang aking kilay. Sumasakit kasi 'yung dibdib ko lalo na kung alam ko ngang in love na ako sa kanya but he doesn't feel the same way.

Tumungo ako. "I didn't mean for this to go as far as it did and I really didn't mean to fall in love, but I still did." Nangingillid na ang luha ko. Ano ba 'yan!

Inangat ko ang ulo ko para makita sila na nakatingin pa rin sa akin ngayon. Nagulat sila nang makitang papaiyak na ako. "I don't want to feel this anymore."

Nalungkot si Ate kasabay ang malalim na paglabas ng hangin. "Mirriam..." Tawag niya sa akin.

Nagtakip ng bibig si Ate na parang naiiyak na rin. "Ate--"

"Kyaaaaaaahhhhh!" Isang nakabibinging tili ang kumulong sa loob ng kotse dahilan para magtakip kami ng tainga ni kuya.

Pagkatapos ay mabilis siyang bumaba ng kotse para lumipat dito sa pwesto ko.

Isinara niya ang pinto pagkatabi niya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. E-eh?

"Oh my gosh, Mirriam! I can't believe this, in love ka na nga talaga!" Tuwang-tuwa nitong sambit at higpit akong niyakap.  

Imbes na maiyak ako ay namuo ng pagkagulo ang mukha ko. Wait, what?

"Huh? Totoo 'yan?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni kuya. "Takte naman Mirriam, hindi ka pa pwedeng ma-in love! Bata ka pa! Bubugbugin ko na muna 'yung tukmol na 'yon bago ka niya makuha sa amin ni Dad" Lalabas sana siya ng sasakyan nang hawakan ko ang balikat niya. 

"Kuya naman, mainit na nga 'yung ulo ko, dinadagdagan mo pa. 'Wag ka nga." Inis na suway ko sabay pabagsak na sumandal sa lean seat. Hindi pa rin natatanggal ni ate ang pagkakayakap niya sa akin.

Sinarado ni Kuya ang pinto. "Tsk" Tanging nasabi niya.

Humiwalay na nga si Ate sa akin. "But Mirriam, kailan mo unang naramdaman 'yan?" Tanong niya. Ipinagdikit ko ang mga daliri ko tapos umiling.  

"I'm not sure" Sagot ko na may pait na ngiti sa aking labi. But maybe when I first saw him in the club. And I honestly didn't know na magiging importante siya sa akin.  

Ngumiti si Ate at hinawakan ang pisngi ko. "Mirriam, all you have to do is always be true to your feelings, and with that? I'm sure everythings gonna be alright"

Iyong problema ko ba 'yung tinutukoy niya?

Pinatunog ni Kuya ang mga daliri niya. "Tss, I frequently think about punching him in the face"

Binigyan naman namin si Kuya ng walang ganang tingin. "Stop it, will you?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login