Download App
26.15% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 17: Danger

Chapter 17: Danger

Chapter 16: Danger

Kei's Point of View 

Pareho kaming nakatingin ni Harvey kay Haley at Reed na parehong nakalayo ang tingin sa isa't isa.

Na sa sala kami at manonood sana ng movie, wala si Jasper dahil na sa bahay. Si Mirriam naman, na sa bahay lang din nila. 'Di naman all the time magkasama kami no'n, eh.  

Marahan kong inilipat ang tingin kay Reed na nakasimangot. Nasa harapan lang din namin sila at nakaupo sa parehong pahabang sofa. Ngunit may distansiya silang pareho. 

Tumikhim ako. "Uhm..." 

 

Tumayo bigla si Haley kaya pareho namin siyang sinundan ng tingin ni Harvey. "Kukuha lang ako ng pagkain sa ref." Paalam ni Haley bago siya nagmartsa paalis sa harapan namin. 

Pareho naman naming tiningnan si Reed na hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'di kalayuan.  

"What did you do?" Tanong ko sa kanya na nagpakamot sa ulo niya't salubong ang kilay na tiningnan ako. 

"Ba't ako nanaman sinisisi mo?" Iritable niyang tanong na nagpapitik ng kung ano sa sintido ko. 

Nakakainis talaga minsang sumagot 'tong si Reed. Ang ayos ayos ng tanong ko, pabalang naman kung sumagot. 

"Eh, sino pa ba 'yung pwedeng maging dahilan kaya nagka-ganoon 'yung mood niya? 'Di ba, ikaw lang naman?" Nakasimangot kong tanong na muling nagpakamot sa ulo niya. 

Tumayo na siya 'tapos ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa para umalis. "Uy, Reed!" Tawag ko sa kanya pero hindi lang niya ako pinansin.   

Napabuntong-hininga tuloy ako ng wala sa oras. Samantalang wala lamang pakielam si Harvey na nanonood ng movie na sinisimulan na pala niya. 

Nguso ko itong nilingunan. "You should say something to them."  

"Hindi naman na sila bata para pagsabihan, alam na nila 'yang ginagawa nila so let them." Sagot niya ng hindi inaalis ang tingin sa TV pero napatingin din sa akin mayamaya. "Also..." Hinawakan niya ang kabila kong balikat para itabi sa kanya. "You should pay attention to me, hindi sa kanila." Sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko na inurungan ko lang din. 

Inilayo ko kaagad ang tingin. "What are you doing?" 

Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pagngisi niya. "What do you think?" pa-suspense niyang tanong kaya ako naman itong hinampas siya sa dibdib at tinulak siya palayo sa akin.  

"Stop it." Nahihiya kong sambit. 

Humagikhik siya kung saan ito ang naging dahilan ng pagtitig ko sa kanya. He's giggling. 

"No worries. I won't do anything that could hurt you." Wika ni Harvey kasabay ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Nawala lang iyon makalipas ang ilang minuto. Nagkagat-labi rin siya't tumikhim. "But... " Naglayo siya ng tingin. Sa ngayon ay namumula na ang kanyang tainga. "I want to know when we can go further?" Tanong niya na talagang nagpaakyat sa mga dugo papunta sa aking mukha.  

Luminga-linga ako para makita kung may tao bang nakarinig saka ko kinuha ang unan at hinampas sa kanya. "H-hindi pa nga tayo kasal!" 

Tulad ko ay pulang pula na rin ang mukha ni Harvey. "I-idiot! I-I'm just asking!" He said as he blushed. "Huwag ka nga ring maingay!" Suway niya pagdikit niya nung index finger sa labi ko. 

Ngunit ang ginawa ko ay kinagat lamang ang daliri niya na nagpasigaw sa kanya. 

Dumating naman si Haley kasama ang pagkain na nakuha niya sa refrigerator gayun din ang pitchel na may lamang Apple juice. "Nasa'n si Reed?" Hanap nito kay Reed kaya inilipat ko sa kanya ang tingin ng hindi tinatanggal sa bunganga ko ang daliri ni Harvey. 

"Aray! Masakit, babae!" Daing ni Harvey na 'di ko pinapansin. Inalis ko lang ang pagkakakagat ko sa daliri niya nang sakto ring dumating si Reed. 

Ngumiti ako. "Saan ka galing? Hinahanap ka ni Haley." 

Bigla namang napatingin sa 'kin si Haley na may mapulang mukha. "H-hindi!" pagde-deny niya kaya mas lumapad ang ngiti sa labi ko. 

"What are you blushing for? Hinahanap mo lang naman si Reed?" Pagkibit-balikat ko at ibinaling ang tingin kay Reed na mapula rin ang mukha. Really, pure love is indeed the sweetest thing that suits for the both of them.  

They don't know how to express their feelings that they hurt each other unintentionally and kept it to themselves. But I believe that their love is like a candy. It taste so sweet yet so hard-- if they not spit it out and tell the truth what's inside their hearts. It will melt and lost in time.

Mirriam's Point of View 

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at tiningnan ang tatlo kong kapatid na narito sa malaking kwarto. Natutulog pa sila kaya tahimik akong lumabas ng room namin para makapagpalit ng jogging pants. 

5:30 na ng umaga ngayon, ganitong oras ako usually nagjo-jogging dahil hindi siya ganoon kainit. Less tao rin ang makikita kaya mas kumporatable ako.

Nagpalit ako sa banyo 'tapos kumain lang ng loaf bread nang makababa ako't makarating sa dining room. Nakalagay lang din siya sa lamesa pero walang nakahandang pagkain dahil kami-kami lang din naman nila ate Jean ang nagluluto ng pagkain kapag wala rin sina Mama.  

Pero 'di ako kasing galing ni Haley kung magluto, dahil ako. Tumutulong lang dito sa bahay pero hindi totally'ng nagluluto. 

Tiptoe akong lumabas sa bahay at nag jogging sa labas.  Nakasimpleng sando lang ako't Black Jogging pants dahil 2km din ang balak kong takbuhin sa araw na 'to. 

5km pa nga sana para ma-reach ko 'yung 10,000 steps na required sa isang araw kaso hindi na kasi safe sa lugar na 'to. Wala pa man din akong kasama kaya diyan lang din ako sa bandang SBrown Street magche-checkpoint bago bumalik sa bahay. 

Safe naman ang lugar na ito ng ganitong oras, kaya pwede naman akong lumayo layo o umikot sa lugar na 'to.

Bawat pag jogged ko ay ang siyang pagbuga ko ng hininga.

"Bakit ang lamig yata ngayon kumpara sa usual?" Tanong sa sarili.  

"Good morning, hija. Jogging ulit?" Bati sa akin ni Lola Owl na madalas ko ring makita sa lugar namin kapag nagja-jogging ako. Nagwawalis siya sa tapat ng bahay nila ng ganitong oras. 

Huminto ako sa tapat ni Lola at saka nagmano bilang pagrespeto. "Opo. Tumataba kasi yata ako, eh." 

Kain kasi ako nang kain. Kahit ba na sabihin pa nating may summer training ako kung madalas naman ang pag stress eating ko, useless. Tataba talaga ako. 

"Hindi naman. Sakto nga lang 'yung katawan mo, pero alam mo ba na ganyan din ako kapayat nung kabataan ko? Habulin pa nga ako, eh. Kasing ganda mo pa." makwelang kwento ni Lola na nagpatawa sa 'kin.  Iba talaga mambola ang mga matatanda. Nadadala ako sa puri. 

"Salamat, Lola." Pagpapasalamat ko saka nagpaalam para muling mag jogged. 

Sa kalagitnaan nga ng pagtatakbo ko, medyo nagtaka ako kasi parang ghost town na 'yung lugar. Wala pang gising ng ganitong oras sa area na 'to?  

"Hoy, ano na? Ang tagal mo namang tingnan." 

Bumaling ang tingin ko sa limang lalaki na nakaitim. Sa sobrang tahimik ng lugar, kahit katamtaman lang ang boses nila ay naririnig ko.

"Sandali! Binabasa ko pa! 'Wag kang atat!" Sagot naman nung lalaki na may hawak-hawak na papel. 

Nagkaroon ako ng masamang kutob sa mga lalaking nakikita ko ngayon kaya nagtago ako sa makapal at malaking poste. 

Even though I have no idea why I'm hiding.  

"Hmmm... Mirriam, Haley and Keiley," Pagbanggit nung lalaki sa pangalan namin dahilan para manlaki ang mata ko. Napatakip din ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko ay maririnig nila ang pagsinghap ko. 

"Ito na talaga 'yung pinapaasikaso ni boss sa 'tin? Hindi na masama. Ang gaganda ng mga 'to, eh?" Taas-noong sabi saka nagtawanan ang mga kasama niya. Sumilip ako sandali sa kanila para makita kung ano ang ginagawa nila. Hindi naman sila ganoon lalayo mula sa kinaroroonan ko. 

Buti nga kamo, 'di nila ako napansin kanina kasi kung hindi. Who know what will happen to me? 

Lumunok ako ng sariling laway. But what's happening? Ba't nila binanggit 'yung pangalan namin? 

Coincidence? No! It can't be. 

"Pero naro'n din 'yung tatlong lalaki na madalas nilang kasama. Harvey pa nga yata 'yung pangalan nung isa. Halata rin na binabantayan nila 'yung mga babaeng iyon" pagbibigay impormasyon ng kasama niya.

"Tss, mga pakilamero talaga 'yong tatlong 'yon!" Pasigaw na sabi nung lalaki na may hawak-hawak na papel. "Pero tuloy pa rin ang plano! Kukunin natin sila kapag nakahanap tayo ng pagkakataon. 'Di natin 'to pwedeng palagpasin." Saad niya't tiningnan isa-isa ang mga kasama niya. "Pero uunahin muna natin 'yang Smith na 'yan bago natin kunin ang tatlong babaeng iyon at dalhin kay boss." 

Malapad na ngumisi ang lalaking iyon habang napasandal naman ako't napatingala.  

Malakas ang tibok ng puso ko. Who are they? 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login