Download App
100% Dream real / Chapter 2: compass

Chapter 2: compass

Pagkatapos ng nalaman ko, agad akong nag excuse sa lahat ng mga professors ko at nag book agad ako ng flight para Cebu.

Nandito na ako ngayon sa eroplano at nakatulala lang sa kawalan. Naalala ko tuloy ang mga happy moments namin ng lola ko. Sabi pa ng lola ko noon na minsan daw ang mga panaginip natin nagiging totoo. Sometimes, what we have dreamt can also be a sign that there will be a danger coming. There are many meaning in every dream.

OMG! Baka ang napanaginipan ko nung may kinasal ay sign na yun na mamamatay si lola.. Sabi kasi sa akin ni lola nuon na kapag nanaginip ka daw ng may kinasal, ibig sabihin nun merong mamamatay na kakilala mo o mahal mo sa buhay. Tumulo nanaman ang luha ko.

-------------------

Sa wakas, dumating na din ako sa Cebu.

"Anak! Mabuti at dumating kana. Halika na umuwi na tayo para makita mo na lola mo." Napahagulhol ako habang yakap yakap ko si mama.

"Tara na, Ma." Tumango lang sya sa akin.

-----------------

"Lola, bakit mo ako iniwan. Akala ko ba hihintayin mo akong makagraduate? Bakit di mo tinupad ang pangako mo?" Umiiyak na naman ako.

"Ok lang po kami dito, basta po ha masaya ka dyan. Wag ka mag alala palagi kitang ipagdarasal. Maraming salamat po lola sa lahat ng happy memories. Sa mga kwento mo sa akin tungkol sa buhay buhay, sa mga engkanto at gaano kahiwaga ang ating mundo. Hindi ko po yun kakalimutan. Mahal na mahal ko po kayo lola. Sana po masaya ka kahit saan ka man ngayon. Mag-iingat po kayo dyan parati ha. I will miss you po lola." Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko habang si mama nasa aking tabi.

"Couz!" Paglingon ko, si Nathan pala ang pinsan ko sa side ni mama.

"Nathan!" Inambahan ko agad ng yakap ang pinakamalapit kong pinsan. Kapatid nya si Athena na andun pa sa Manila dahil may tinapos na exam.

"I miss you, couz!" Sabi ni, Nathan.

"Namiss din kita, Natnat!". Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"O sya, Nathan, ikaw na muna bahala kay Lucia ah. Aasikasuhin ko muna mga bisita natin". Sabi ni mama.

"Opo, Auntie Imelda". Sabi ni Nathan.

"Lucy, may ibibigay ako sa'yo. Wag tayo dito mag-usap. Punta tayo sa kwarto ko. Tara na.". Sumama ako kay Nathan patungo sa kwarto nya.

"Hindi pa din pala nagbago ang kwarto mo, Natnat. Ang linis pa din at hindi magulo. Heheh". Nginitian lang ako ni Natnat habang naka upo ako sa kama nya at umupo din sya sa tabi ko.

"Lucy, bago namatay si lola, nagkausap kami at may ipinabibigay sya para sayo daw. Eto oh." Nilahad ni Nathan sa akin ang isang bagay.

"Compass?, ang ganda nito Natnat.!" Parang nag ningning ang mata ko habang tinitingnan ang compass na binigay ni Nathan sa akin.

"May sinabi ba si lola kung bakit nya to binigay sa akin?." Tanong ko sa kanya.

"Wala, pero ang sabi nya lang ay ingatan mo lang daw tong compass at sa tamang panahon makakatulong to sa'yo." Naguguluhan ako kung ano ang ibig sabihin ng pinapasabi ni lola kay Nathan habang naka titig sa compass.

Hindi ko talaga mawala ang tingin ko sa ganda ng compass. Parang kumikinang ito sa paningin ko at parang merong bumubulong mula rito.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login