Eesha
13
Carranglan
Nangyari 'to nung 2018. Mga panahong mahilig pa kaming gumala ng mga kaibigan ko hanggang gabi. So around 7 or 8PM, naglalakad kami sa F.C. Otic kasi ihahatid na namin 'yung isa naming kaibigan.
Habang naglalakad kami, hindi ako mapakali. Kung saan-saan ako tumitingin. Tapos biglang tinakbuhan ako ng mga kaibigan ko. Dahil medyo mabagal akong tumakbo at may hika ako, nahuli ako.
I decided na maglakad nalang. Nakita ko yung mga kaibigan ko naglalakad nalang din, pero medyo malayo ako sakanila.
Meron akong napansin sa up and down na parang lumang bahay na. Wala daw nakatira doon. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa bahay. Napansin kong may bata dun at may kasamang matanda. Hindi ko maaninag 'yung mukha nila.
Kinabahan ako kaya tumakbo ako papunta sa kaibigan ko. Napaiyak ako sa takot kasi wala talagang nakatira dun. I hugged my bestfriend sa sobrang takot.
Tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung anong nangyari pero hindi ako sumasagot. Puro tingin lang ako sa taas. Umiiyak lang at hindi nagsasalita.
Then after one week, naexperience ko 'yung tinatawag nilang sleep paralysis. Hindi ako makagalaw, pero alam kong nakahiga ako at nakikita ko 'yung pader ng kwarto ko kasi naka-tagilid ako matulog.
Nakamulat 'yung mata ko at hindi ako makagalaw. May nakikita akong larawan ng mga taong hindi ko kilala.
Narealize kong 'yung dalawa sa nakikita ko, ay 'yung bata at 'yung lola niya.