"Denise?"
Tinig ng isang pamilyar na lalaki.
"Wake up."
"Chief Vicki, how is she?" Tanong ni Alex habang nakaupo sa tabi ng kinahihigaan ng walang malay na dalaga.
"Young Master-" Hindi natuloy na mahsalita pa si Chief Vicki.
"Call Dr. Jones"
Kakaibang personalidad ang ipinapakita ni Alex Wilson sa harap ng kaniyang mga tagapagsilbi.
Si Alex Wilson nga ba ang nakikita nilang lalaki sa harap nila ngayon?
Kailan pa nagkaroon ng "pag-aalala" sa katauhan ng binata.
Sa pagkakaalam ni Chief Vicki simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay lalo itong lumayo sa mga tao. Hindi madaling magtiwala. Hindi nalalamangan.
Kahit maraming tao ang nakapalibot sa kaniya ay nanatiling maingat siya sa mga tao.
Na-isapubliko ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang na sanhi ng car accident. Subalit bata pa siya upang maunawaan ang gulo ng mundo.
Nasisinagan ng tirik ng araw ang mga mata ni Denise nang imulat niya ang mga ito.
"Ah what happened?" Itinayo niya ang sarili at umupo sa kama.
"You're awake?" Tinig ng isang lalaki mula sa pintuan.
"What happened?" Luntian ang mga berdeng mata ni Denise na nakatitig sa lalaking nakatayo.
Dito niya lamang nakita ang mga mata ng dalaga na napakaganda habang hinahalikan ng araw ang kaniyang pisngi. Hindj maikakaila ang kagandahan niya.
"Simple lang. Nahulog ka sa bangin at sinagip kita." Diretsahang sagot niya.
"You still need to recover."
"I want to go hooo-" Natigil siya sa sasabihin. Ibinaling niya ang tingin sa bintana.
Home? Nakalimutan na niya ang kahalagahan ng apat na titik na yun. Naulila siya sa edad na apat sa pagkawala ng kaniyang ina nang lumubog ang barkong sinasakyan ng kaniyang ina.
Simula noon ay naramdaman niyang pati ang ama niya ay nawala na rin. Isang araw, umuwi ang kaniyang ama kasama ang isang babae. Na kinilala niyang step mother niya.
At lalong naramdaman niyang wala na nga siyang pamilya simula pa lamang.
"Denise? Is there something wrong?"
"Nothing. Thank you, Mr. Wilson."
"Tama. Pasalamatan mo ang asawa mo." Biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Ang dahilan kung bakit siya naglayas ay para makalayo sa mga tao sa kanila. At kung magmamatigas siyang bumalik pa sa bansa niya ay may punto pa ba iyon?
"How can I repay you?" Tanong ng dalaga nang walang pagpapatumpik pa.
"Since, you're eager to do so. Act as my wife. Don't try to escape for one more time." Pagkasabi ay lumabas ng pintuan ang binata.
He sighed. Thinking of what she said. Am I talking to her just right now?
Marahil ay nakalaninibago ang mga sinambit niya.
Knock. Knock.
"Miss-" Si Clarisse, hindi alam ang sasabihing pangalan.
"Denise." Wika niya na alam na ang sasabihin sa dalaga.
"Ah, Miss Denise. Ito po ang mga damit niyo na ipinamimigay ng young master." Nakatitig lamang sa babaeng nakaupo sa kama. Unang beses niya itong makita. Bakit hindi. Unang beses lang niyang nasaksihan na nagdala si Alex ng babae sa mansion.
"Thank you."
Clarisse nodded ang quietly take her way out.
Patakbo siyang nagpunta kay Vicki na noon ay naglilinis sa isang silid na tambakan ng mga napaglipasan ng panahon na mga gamit.
"Chief Vicki?" Pasigaw siya.
"Ano!" Halos mabitawan ng mayor-doma ang hawak na antigong litrato.
"Nakita ko na si Miss Denise." Balita nito.
Taas-kilay na naipinta ang ngiti ng matanda. "Clarrise, magtigil ka sa pagiging pakialamera mo sa buhay ng young master." At tuloy sa pagpunas ang matanda sa mga lintrato.
"Ano ba ang mga ito, Chief Vicki?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Lumang mga kagamitan ng yumaong mga magulang ng young master." There's a tears in her eyes.
"Umiiyak ka ba, Chef Vicki?" Usisa ni Clarisse.
"Take your leave and start doing your job!"
"Ahhhh. Yes, Chief Vicki." Tarantang nilisan niya ang silid.