SYNOPSIS: A man who lost his wife and a son due to a car accident, invent the time machine so he can bring back the time to prevent the accident. But instead, various disasters happened to him during his travel time and have chosen to die peacefully inside the machine.
TAG: Fiction Thriller
PROLOGUE:
"HA! HA! HA! I couldn't believe it. I am now rich. I have plenty of properties everywhere. I am a successful businessman. Lahat sila ay ako ang pinag-uusapan sa mga balita maging sa iba't ibang gatherings. Hanga sila sa aking talino", ang natutuwang pagmamalaki ni Douglas sa kanyang sarili.
"Douglas, a call from our President."
"Okay, honey, thank you."
"Douglas, napili kita upang gawing economist ng ating bansa. At ito ay dahil sa iyong katalinuhang taglay. Lahat sila ay ikaw ang kanilang iminumungkahi sa akin. And I think you are the best man for the position. What do you think, Douglas?"
"Mr. President isang karangalan po para sa akin, subali't hindi ko po matatanggap. Una may kulang pa po sa aking mga plano sa buhay na gusto kong gawin."
"Okay, good luck Douglas."
"Thank you, Mr. President."
Kaya hindi tinanggap ni Douglas ang alok ng Presidente ay dahil busy siya sa iniimbento niyang aparato na puwedeng ibalik ang oras sa iba't ibang panahon. Isang time machine na kapag pumasok ang sinoman sa loob nito at pindutin ang isang button ay babalik siya sa panahon sa iba;t ibang pangyayari, subali't hindi magbabago ang anyo ng isang gustong pumasok sa machine kahit pa matagal pang panahon.
"Malapit na, malapit ko ng matapos ang iniimbento kong ito at kikilalanin na ako sa buong mundo. Ituturing nila akong isang genius", ang tuwang tuwa na sabi ni Douglas sa kanyang sarili.
****
"Honey, sasama ka ba sa amin ng anak mo? Gusto kasi ng anak mo ay kasama kang mamamasyal."
"Next time na Honey, busy lang ako sa ginagawa ko."
"Papa sumama ka na sa amin ni Mama."
"Promise anak sa susunod sasama na ako. Kayo na muna ng Mama mo ang mamasyal, ha?"
"Sige po, Papa bye-bye."
Dala ang kotse, umalis ang mag-ina. Subali't nagkaroon ng aksidente, nabangga ang kotse nila at ang mag-ina ay tumilapon sa lakas ng banggaan. Maraming tao ang nagdatingan, mga pulis na nagsisiyasat at ambulansya na nagdala sa mag-ina sa ospitql subali't dead on arrival.
Dahil sa pangyayaring namatay ang mag-ina ni Douglas ay naging laman siya ng iba't ibang videoke bar at nilalasing ang sarili upang makalimot. Sinisisi ang sarili dahil pinabayaan niya ang mag-ina kahit alam niya na hindi pa marunong mag-drive ang asawa niya. At ito ang naging dahilan, naging pabaya siya at lubos na nagtiwala sa asawa sa pagmamaneho ng sasakyan.
Pagkauwi sa bahay ay kaagad siyang nakatulog dahil sa kalasingan at ng hatinggabi na ay nanaginip siya. Kausap daw niya ang kanyang mag-ina.
"Papa ibalik mo kami ni Mama, sige na Papa."
At biglang nagising si Douglas. Nawala ang sobrang kalasingan nito. Kitang kita niya sa panaginip ang anak, nagmamakaawa. Dito na napahagulgol ng iyak si Douglas. Hindi niya napigilan ang sobrang lungkot sa pagkawala ng kanyang mag-ina.
"Kung sinamahan ko sana sila sana ay buhay pa sila", ang sabi sa sarili habang patuloy siya sa pag-iyak.
Sinuntok ni Douglas ang dingding ng silid. Bumagsak ang picture nilang mag-anak at nabasag ang salamin.
"Asawa ko, anak ko patawarin ninyo ako, sana sinamahan ko kayo, nagsisisi na ako", at dinampot ang bumagsak na picture nila at matamang pinagmasdan. Inalis ang mga basag na salamin sa ibabaw, kinuha ang picture at itinago sa ilalim ng kanyang unan.
Kinabukasan, ginising si Douglas ng matinding sikat ng araw ng pumasok ang sinag nito sa kanyang silid. Tumayo siya at dumungaw sa bintana upang lumanghap ng sariwang hangin ng bigla naisip niya ang ginagawa niyang aparato na time machine, at naging dahilan upang magkaroon siya ng pag-asa na muling makitang buhay ang mga ito. Sa gayon maitutuwid niya ang istorya ng kanyang buhay upang maiwasan ang posibleng sakuna na mangyayari sa kanyang mag-ina.
"Tama, kapag nagawa kong ibalik ang oras sa panahong buhay sila ay gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ko ang aking mag-ina", ang parang nababaliw na sinabi ni Douglas sa kanyang sarili.
Araw at gabi nag-ukol si Douglas ng Panahon sa kanyang ginagawang time machine, subali't Hindi pa rin niya ito ma-perfect ng husto.
Dahil sa problema niya ay muli siyang naging laman ng mga videoke bar at naglalasing upang kahit papaano ay malimutan ang kanyang mag-ina.
"Boss magsasara na po itong bar. Kayo na lang ang nariritong customer sa loob."
"P-pasensya na kayo", at tumayo na siya at nagbayad. Sinamahan siya ng guard sa labas at iniwanan na siya. Ng lumakad na siya ay parang nahilo si Douglas at siya'y naupo sa gilid hanggang sa siya'y makatulog.
"Papa!"
Parang boses ng anak ang narinig ni Douglas at siya'y nagising subali't dahil sa sobrang pagkalasing ay muli siyang nakatulog.
Sa kanyang pagkakatulog ay anaginip siya na kausap daw niya ang anak.
"Papa gusto ko kasama ka namin ni Mama sa pamamasyal kasi isasakay mo ako sa carousel doon sa carnaval at katabi kita ha Papa?"
"Oo naman anak at hindi lang sa carousel kahit sa iba't ibang puwede mong sakyan sa carnival sasamahan kita."
"Totoo Papa? Ang bait bait talaga ni Papa ko. Alam mo Papa love na love ko kayo ni Mama."
Hanggang umaga na nakatulog si Douglas. At nagulat ang guwardya ng makita siya sa labas na natutulog pa. Ginising siya nito.
"Sir, umaga na po nakatulog pala kayo dito sa labas."
"U-Umaga na ba?"
"Opo, itatawag ko kayo ng taxi."
"S-salamat ha, p-pasensya ka na."
Pagdating ni Douglas sa bahay ay nagtungo kaagad ito sa kanyang ginagawang time machine.
"Alam ko may kulang pa dito kung bakit ayaw umandar', ang sabi ni Douglas sa sarili na nag-iisip na mabuti kung ano ang idaragdag o babaguhin pa. Kinuha niya ang manual at pinag-aralan niya ang mga detalye.
Pagkaraan ng isang linggo ay matagumpay na natapos ni Douglas ang time machine.
"Sa wakas masusubukan ko na rin ang aking invention at ako ang kikilalaning pinakamatalino sa buong mundo HA! HA! HA!", ang malakas na tawa ni Douglas dahil sa nagawa niyang pambihirang aparato.
"TOK! TOK! TOK1" (someone is knocking the door)
"Ikaw pala kaibigang Boy."
"Oo kasi ilang gabi na akong may naririnig na maingay sa loob ng bahay mo e nag-aalala lang ako baka kung ano na iyon kaya pinuntahan kita."
"Ah oo, mayroon lang kasi akong kinukumpuni."
"Ganoo ba o sige alis na ako."
"Thanks for your concern."
Bukod sa time machine ay mayroon itong ka-match na timer na kailangang nasa braso ni Douglas at hindi dapat mawala.
"Dapat huwag ko itong aalisin sa braso ko at kung hindi ay maglalaho na ako at hindi na makababalik sa kasalukuyang panahon."
Tahimik na ang paligid at halos ay tulog na ang lahat ng tao. Hinihintay na lang ni Douglas na pumalo ang kamay ng relo sa ika-12 ng hatinggabi upang makapasok na siya sa loob ng time machine.
At dumating na ang sandali na hinihintay ni Douglas at pagkapasok sa loob ng time machine ay pinindot niya ang isang button at siya ay biglang nawala at napunta siya sa taong 1831. Bigla siyang lumitaw sa grupo ng mga naghihimagsik sa kanilang mga amo o master dahil sa ginagawang kalabisan sa kanila bilang mga alipin. Pinagmamalupitan sila at ang iba ay pinarurusahan sa kaunting pagkakamali. Kaya gamit ang iba't ibang patalim ay pinasok nila ng sapilitan ang mga loob ng bahay ng kanilang mga master. Pinatay nila bawat miyembro ng kanilang pamilya. Bagama't si Douglas ay walang hawak na patalim ay nakasama siya sa mga hinuli ng mga police force at dinala sa kulungan upang hintayin ang utos na bitayin sila.
"What happened to my machine?", ang himutok ni Douglas sa sarili.
Subali't wala na siyang magagawa pa kung hindi ang maghintay sa mangyayari. Kapag hindi umabot ang computed hour sa timer niya ay tiyak he will be executed.
Anim na araw na sila sa kulungan at isang araw pa ang hihintayin niya upang pumunta naman siya sa ibang panahon at kung papalarin siya ay hindi na siya masasama sa mga bibitayin.
Kinabukasan, nabigla ang lahat ng nasa kulungan ng pumunta ang inutusang guwardya at sabihin na maghanda na sila dahil itong araw na ito ang pagbitay sa kanila.
Nang marinig ito ni Douglas ay bigla siyang natakot dahil baka hindi umabot ang timer niya at mapugutan siya ng ulo.
Sa pagkakataong ito ay nagsisigaw siya.
"HINDI AKO KASAMA NILA, MGA P****INA KAYO PAKAWALAN NINYO AKO DITO!"
Pinanunood lang siya ng mga kasamang bilanggo dahil hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi niya.
"WAZIMU!" shouted to him by one of the prisoners, meaning crazy.
Hindi rin naintindihan ni Douglas ang isinigaw sa kanya kaya tumahimik na lang siya.
Exactly at eight o'clock in the morning ay isa-isa na silang inilabas sa kulungan na nakatali ang kanilang mga kamay at guwardyado sila ng maraming mga militiamen. Dinala sila sa bibitayan na maraming tao ang mga nakapaligid upang sumaksi sa pagbitay sa kanila.
"Ano ba itong napuntahan ko, buwisit na time machine yon", ang tila pagsisisi ni Douglas sa kanyang naimbentong time machine.
Dahil marami silang bibitayin ay tinatantya niya ang oras dahil kapag sumapit ang ika-12 ng tanghali ay eksaktong puwede na niyang pindutin ang timer upang bigla siyang mapunta sa ibang panahon.
Si Douglas na ang huling bibitayin at habang dinadala siya sa bibitayan ay halos masira ang kanyang ulo. Isinalang na siya sa bibitayan upang pugutan ng ulo. Itinaas na ng executioner ang palakol at eksaktong twelve o'clock na kaya napindot niya kaagad ang timer kahit nakatali ang kanyang mga dalawang kamay sa likod niya at napunta naman siya sa ibang panahon.
Lumitaw naman siya pabalik taong 1942 at Nakita na lang niya ang sarili na kabilang siya sa mga allied soldiers na naglalakad at guwardyado sila ng mga, Japanese soldiers.
"Pare ano ba ito at ang haba ng pila at may mga guwardya pa na may hawak na mga baril?", tanong ni Douglas sa katabi niyang naglalakad.
"Hindi mo alam? Bakit saang Batallion ka ba at hindi mo alam kung bakit tayo nandito sa death march."
"Death march?."
"Oo at limampung milya na ang nalalakad natin papuntang Bataan."
"Ano na naman itong napuntahan ko? Buwisit na time machine yon", ang muling nasabi ni Douglas sa sarili.
"Bakero, PAK!" ang malakas na sipa sa kanya ng isang Japanese soldier.
"ARAY KO! g*go ito ah."
"Ikaw bagal lakad", ang sabi sa kanya.
"Pare huwag ka ng umalma at babarilin ka lang."
Hirap na si Douglas sa paglakad. Halos hindi na niya mabuhat ang kanyang mga paa. Ang kasama niya ay bigla na lang nabuwal at gumulong sa lupa at hindi na nakagalaw. At ng siyasatin ng sundalo ay patay na ito.
Dahil sa panahong ito napunta si Douglas ay nagpapasalamat na rin siya dahil kung hindi ay pugot na ang kanyang ulo."S**t, something is wrong with the machine. I was not able to properly computed the time system where I could choose the year I want to go back."
Isa na namang sundalo ang dumaing kay Douglas.
"Pare, hirap na ako hindi ko na kayang maglakad, kinakapos na ako ng hininga."
"Magtiis ka lang pare, kumapit ka sa akin", ang sabi ni Douglas.
"A-Ano ang pangalan mo?"
"Douglas"
"A-Ako naman si Sgt. Jacob. Saan ka nga bang Batallion company kabilang?"
"Pare mahirap i-explain at baka isipin mo nasisira na ang ulo ko dahil sa dinaranas nating hirap ngayon."
"Pareng Douglas mamamatay na yata ako hindi ko na kaya", ang huling salita ni Sgt. Jacob at nabuwal na ito.
Sa mga nakikitang pangyayari ni Douglas ay nangingilabot ito. Naisip niyang muli ang timer at binilang kung ilang araw pa ang natitira para makapunta naman siya sa ibang lugar sa ibang panahon.
"May tatlong araw pa pala ang hihintayin ko", sabi sa sarili."
Sa hirap na dinaranas ni Douglas dahil sa ginawa niyang time-machine ay hindi niya mapigilan ang maluha. Gusto na niyang bumalik sa loob ng time-machine kaya lang hindi niya alam ang gagawin.
"Baka hindi na kami magkita ng aking asawa at anak", ang nasabi na lang ni Douglas.
Isang malakas na tadyak ang muling naramdaman ni Douglas sa likod niya.
"Bakero, Ikaw bilis lakad", ang utos ng Hapon sa kanya.
"Pare huwag ka ng umalma at babarilin ka lang niya."
Hirap na si Douglas sa paglakad. Halos hindi na niya mabuhat ang kanyang mga paa. Ang kasama niya sa paglakad ay bigla na lang nabuwal at gumulong sa lupa at hindi na kumilos. At ng siyasatin ng sundalong Hapon ay patay na ito.
Dahil sa panahong ito napunta si Douglas ay nagpapasalamat na rin siya dahil kung hindi ay napugutan na siya ng ulo.
"S***t, something was wrong with my machine. I was not able to properly computed for the time system where I could choose the year I wanted to go back."
Dumating din ang sandali na puwede ng pindutin ang timer sa bisig niya at ng pindutin niya ay bumalik siya taong 1975 na may kasalukuyang nagaganap na digmaan. At si Douglas ay basta na lang lumitaw sa isang Bangka na kinalululanan ng mga refugees. Many of these refugees were closely identified with the American enterprise and feared for their lives from the victorious troops. A common route of escape is by sea,
Anupa't dahil sa lakas ng alon sa gitna ng dagat ay muntik ng tumaob ang boat na sinasakyan nila.
"Buwisit talaga, minamalas yata ako ah. This is a terrible experience that happened to me. This is the result of my idiot machine", murmuring of Douglas to himself.
"Sir, are you an American?", asked by one in the boat to Douglas.
"No, I've just instantly appeared here in the boat", Douglas answered.
The man who is talking with Douglas has just kept silent, thinking that Douglas is crazy, maybe due to the trauma he has experienced.
Waiting for another few days would be a miracle for Douglas to survive.
"I'm hungry."
Douglas is looking to the man who is eating something like bread.
"Do you like some?"
"Yes, please."
Nang malapit na sila sa kanilang destination ay exactly seven days and Douglas has the chance to press the button of his timer.
And so, he instantly again appeared in a certain province he doesn't know where the said province is. It is lockdown due to an unidentified killer virus. He saw many soldiers around the circle with a heavy mask, forcing them to compress.
"Ano na naman itong napuntahan ko?", sabi ni Douglas na mangiyakngiyak na sa kamalasang dala ng kanyang time machine.
"MOVE! MOVE! FASTER!", ang sigaw ng mga sundalo sa kanila. Lahat sila ay tinipon sa isang malalim na hukay. Aabot sila sa mga hundred of people infected by the virus.
Hindi na makapalag si Douglas sa pagkakataong iyon dahil sa pakiramdam niya ay nahawaan na siya ng virus. Gusto niyang sumigaw na wala siyang virus at doon lang siya dinala ng kanyang time machine subali't hindi na niya ginawa dahil hindi siya paniniwalaan.
Suddenly, Douglas saw all the soldiers aiming their guns to them ready to open fire upon signal.
At nangyari, pinaputukan sila ng mga sundalo, kaya ang ginawa niya ay nagkunwari siyang patay hanggang matabunan siya ng mga natumbang tinamaan ng bala at nabuwal.
Nang matiyak ni Douglas na wala na ang mga sundalo ay saka siya unti unting umalis sa pagkakadagan sa kanya ng mga patay na nabaril.
"AYOKO NG MABUHAY SANA NAGPABARIL NA LANG AKO!",ang sigaw ni Douglas dahil sa kamalasan na kanyang nararanasan at siya'y naluha.
At muli niyang naalala ang kanyang asawa at anak. Hindi na siya aasa pang magkikita pa sila.
"Mahal kong asawa, anak ko, patawarin ninyo ako", ang hinagpis na sinabi ni Douglas.
Dahil sa mga nangyayari kay Douglas ay desidido na siyang wakasan ang kanyang buhay. Hihintayin na lang niya na mag-lapsed ang timer niya. Hindi na niya pipindutin ang button nito hanggang sa siya ay maglahong kusa. Ayaw na niyang bumalik sa nakaraan upang makita lang ang asawa't anak.
Matalino si Douglas. Isa siyang genius. Subali't dahil sa eagerness niya na makita ang kanyang asawa't anak ay hindi niya lubusang nabigyan ng masusing pag-aaral ang time system ng kanyang machine.
At dahil sa pagkakamali niyang iyon ay kusa siyang babalik sa loob ng machine at ilalabas na siya doon sa loob na isa ng bangkay.
Nasa ganoong sitwasyon si Douglas na naghihintay na lang ng sandali na maglaho siyang kusa ay ginunita niya ang masasayang araw nila noon ng kanyang asawa't anak.
"Douglas gaano mo ba ako kamahal?", tanong ng asawa niya.
"Mahal kita hanggang kamatayan at hindi kita pababayaan."
"Papa tayo na laro na tayo."
"O,tawag ka na ng anak mong makulit ha ha ha."
"Honey diyan ka muna at kanina pa ako kinukulit ng anak mo."
"Sige at ihahandea ko na ang ating tanghalian at huwag na kayong masyadong lalayo."
"O anak catch the ball ha ha ha."
"Ang daya mo naman Papa eh ang taas mo na namang maghagis ng bola."
"Ha ha ha tayo na nga anak at makakain na at pagkatapos swimming naman tayo."
"Yeheyy sige Papa turuan mo akong lumangoy ha?"
"Oo na, ikaw talaga gusto lahat ay matutunan."
"Honey kain na tayo at mag smimming pa kami ng anak mo."
"Eto na nga at kanina pa nakahanda."
"Whew ang ginaw naman dito sa beach."
*****
"Mga kapitbahay pasukin na natin ang loob ng bahay ni Douglas dahil matagal na siyang hindi lumalabas at baka mayroon ng masamang nangyayari sa kanya", ang sabi ng isa sa kapitbahay ni Douglas.
"Sandali lang mga kasama ipagbigay alam muna natin ito sa mga may kapangyarihan para sigurado tayo sa ating gagawin", ang mungkahi ng isa.
At ganoon nga, ipinaalam nila sa mga pulis at saka tulong tulong nilang binuksan ang bahay ni Douglas.
Pagpasok nila ay wala silang nakitang kakaiba hanggang may nakita silang lagusan pababa ng bahay at doon tumambad sa kanila ang isang bagay na hindi nila maintindihan kung ano. Sinuri nila itong mabuti at mukhang naka-locked sa loob. Kaya tulong tulong silang sapilitang binuksan ito at sa kanilang pagkamangha at pagkagulat ay naroon si Douglas, wala ng buhay at inisip nila na namatay si Douglas due to suffocation inside the machine.
Have some ideas about my story? Comment it and let me know.
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
I promise to give you another short inspiring story, so enjoy reading. Thank you.