Download App
54.28% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 19: CELLPHONE

Chapter 19: CELLPHONE

"NAKAIINIS, BAKIT BA KAMI MAHIRAP??!!", ang sabi ni Malou habang nagdadabog at inihagis ang hawak na damit sa kama...naupo siya sa gilid ng kama ng nakayuko, habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa kanyang tagiliran na nakahawak sa gilid ng kama.

Ganano ba natin kamahal ang ating ina...ang ating ama na siyang nagtaguyod sa atin mula ng tayo ay isilang sa daigdig na ito?

Lumaki sa hirap si Malou. Hindi niya naranasan ang karangyaan ng pamumuhay hindi tulad ng kanyang mga kaibigan.

Ang ina ni Malou...si aling Cora ay isang ina na mapagmahal...ibibigay ang kaligayahn ng anak kung makakaya niya kahit maghirap siya.

"Anak, Malou bakit?", ang tanong ni aling Cora habang lumalabas sa kusina..."mayroon ka bang problema?", ang patuloy na tanong ni aling Cora na halos hirap sa pagsasalita.

Tuwing magsasalita si aling Cora ay dinadalahit muna ito ng ubo dahil sa taglay na karamdaman.

Sa tanong ni aling Cora sa anak, ay walang tugon mula dito subalit sa isipan ni aling Cora ay halos alam na niya ang dahilan...mayroong ipinabibili si Malou sa kanya na hindi matupad dahil sa kakapusan nila sa pera.

Lumabas ng silid si Malou. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme. Dumaaq siya sa harapan ng ina.

"Inay, huwag na lang ninyo akong pansinin dahil wala din naman pong mangyayari kung sabihin ko po sa inyo", ang sabi ni Malou sa ina.

Sa tono ng pagsasalita ni Malou ay halata ang hinanakit sa ina. Tumuloy sa kusina upang kumain ng almusal.

"Alis na po ako! Sana dumami ang mga nagpapalaba sa inyo para magkaroon tayo ng pera!!", ang may pagka bastos na sinabi ni Malou at tuloy tuloy na siyang umalis na hindi man lamang humalik sa ina na dati niyang ginagawa noon.

"Kaawaawa naman ang anak ko, magtatapos na ng High School subalit hindi pa nararanasan ang maging masaya dahil sa kahirapan namin", ang naibulong na lamang sa sarili ni aling Cora.

Nagpunta na sa kusina si aling Cora upang kumain ng bigla siyang dalahitin ng sunod sunod na ubo na naging dahilan upang may lumabas na dugo sa kanyang bibig. Pinunasan lang niya ang kanyang bibig na para bang bale wala lang sa kanya. Ang nasa isipan niya makapagtrabaho siya kaagad para sa kanyang anak.

Ang ganitong pangyayari sa buhay ng mag-ina ay paulit ulit na lang.

Nakatapos na rin sa paglalaba si aling Cora. Natutuwa siya dahil kapag nadala na niya ang mga damit sa mga nagpapalaba sa kanya ay magkakaroon na siya ng pera na panggastos sa araw araw nilang pagkain at para naq rin sa gastos ng anak sa school.

Dumating si Malou mula sa school at ng makita ang ina ay nagmano ito na hindi naman niya dating ginagawa noon.

"Mano po inay!" at pagkatapos ay tumuloy na sa kuwarto upang magpalit ng damit.

Sinundan siya ng ina sa kuwarto at kinausap.

"Anak, malapit na ang graduation ninyo...ano ba ang gusto mong regalo?" ang tanong ni aling Cora sa anak na hindi makapaniwala sa biglang pagbabago sa ugali nito.

Ang hindi alam ni aling Cora, kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa ugali ng kayang anak ay ang pinag-aralan nila sa school na ang isa sa naging topic ay ang pagpapahalaga sa magulang...na ang ina o ama ay dapat na igalang at mahalin dahil sila ang nag-aruga mula sa kanilang pagsilang...nagtaguyod kahit dumanas sila ng hirap sa buhay.

"Huwag na po kayong mag-alala inay, kahit wala na po", ang medyo malambing na sagot ni Malou sa kanyang ina, hindi katulad noon na kapag sumagot ay matigas ang boses na halatang may hinanakit.

Dahil sa pagbabago sa ugali ni Malou ay nasabi na lang ni aling Cora sa sarili..."Salamat sa

Diyos at nagbago na rin ang aking anak, hindi ako papayag na hindi ko siya maibili ng matagal na niyang hiling sa akin na bilhin ko para sa kanya...kaunti na lang ang kailangan kong pera para mabili ito at gusto ko maging sorpresa ito sa anak ko".

Ang ginagawang pag-iipon ng pera na pambili ng regalo ni aling Cora ay hindi niya sinasabi sa anak. Guato ni aling Cora na ibigay ito sa araw ng graduation ng anak.

Dumating ang araw ng graduation ni Malou at nabili na rin ni aling Cora ang 'cellphone' para sa anak, na ito ang matagal ng ipinabibili sa kanya dahil naiinggit siya sa kanyang mga kaklase na may mga cellphone.

Lihim na binalot ni aling Cora ang cellphone ng maganda...sinamahan ng sulat na ganito ang nilalaman..."Anak, pasensya ka na kung ngayon ko lang ito naibigay sa iyo, kasi pinag-ipunan ko pa ang pambili dito...pasensya ka na rin kung naging mahirap tayo bayaan mo itataguyod ko ang iyong pag-aaral...makatatapos ka ng kolehiyo...pasensya na rin kung hindi ko maibigay ang sarap ng mabuhay...subalit naroroon pa rin ang aking pag-asa...nating dalawa na balang araw ay magiging maligaya din tayo, ang nagmamahal mong ina".

Itinago muna ni aling Cora ang regalo niya kay Malou upang ibigay sa oras ng graduation.

Malapit na ang oras ng graduation,handang handa na si Malou sa kanyang puting damit. Lingid kay aling Cora ay kasama si Malou sa mga magtatapos na may karangalan at gumawa na rin siya ng talumpati na kanyang sasabihin sa oras na siya ay tawagin. Ganito ang talumpati na ginawa ni Malou na kanyang babasahin..."Mga guro at sa aking mga kamag-aral na magtatapos sa araw na ito. Maligaya tayo at masaya ngayon dahil sa kabila ng ating pagsisikap sa pag-aaral upang matuto ay narito tayo ngayon...lahat ay masasaya...subalit tayo lang ba ang masaya sa pagkakataong ito?...hindi...kundi higit na masaya ngayon ay ang ating mga magulang na nagtaguyod sa atin...kaya ang karangalang ito na aking tinamo ay iniaalay ko sa aking ina na kahit nahihirapan sa pagtanggap ng mga labada upang mayroon lang akong baunin sa school ay hindi niya ako pinabayaan...salamat sa iyo aking ina...sa iyo po ang medalyang ito!", ganito ang magiging talumpati ni Malou at saka niya tatawagin ang ina upang umakyat sa entablado.

"Inay, sumunod na po kayo sa school, ho?", ang sabi sa ina ni Malou.

"Sige anak at mamaya lang ay susunod na ako sa school, mag-ingat ka sa daan", ang sabi ni aling Cora na sa isip niya ay matutuwa ang anak sa kanyang regalo dito.

Nagbihis na si aling Cora na kahit may nararamdaman ay hindi niya ito pinansin, ang mahalaga sa kanya ay makarating sa graduation ng anak at maibigay dito ang regalo na kanyang pinaghandaang bilhin.

Lumakad na si aling Cora papunta sa graduation ng anak. Hindi alintana ang masamang pakiramdam basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay mabati ang anak at maibigay ang kanyang regalo dito.

Habang naglalakad si aling Cora papunta sa school ay nakaramdam siya ng pagkahilo at paninikip ng dibdib. Tumigil muna siya at nagpahinga, ng bigla sunod sunod siyang inubo na may kasamang maraming dugo. Nasa ganito siyang kalagayan ng makita siya ng kapitbahay at siya ay inalalayan.

"Aling Cora ano po ang nangyayari sa inyo?", ang tanong ng kapitbahay.

"Puwede ba akong makiusap sa iyo na ibigay sa anak kong si Malou ang regalo kong ito?", ang sabi ni aling Cora sa paputol putol na salita.

Nakita din sila ng iba pang mga kapitbahay kaya naisugod sa ospital si aling Cora na binawian na rin ng buhay pagdating doon.

Sobrang nakakalungkot ang ganitong pangyayari sa buhay ng mag-ina.

Niuwi na rin sa kanilang bahay ang bangkay ni aling Cora sa tulong na rin ng mga kapitbahay. Inayos nila ang kabaong at nilagyan ng mga bulaklak.

Nagsimula na ang graduation...isa isa ng tinawag ang mga nagtapos...isa isa rin tinawag ang mga nagtapos na may karangalan upang magbigay ng kanilang talumpati. Tinawag na ang pangalan ni Malou...umakyat sa entablado at nagtalumpati siya na pinalakpakan ng lahat ng nagtapos...at sa huli ng kanyang talumpati ay tinawag niya ang kanyang ina upang ibigay ang medalya...subalit wala ang kanyang ina...nalungkot siya dahil ito lang ang pagkakataon na mabigyan niya ng kaligayahan ang ina subalit bigo siya...ito sana ang magandang pagkakataon na makabawi sa kanyang ina dahil alam niya kahit hindi sabihin sa kanya ng kanyang ina ang marami niyang pagkukulang dito.

Umuwi na si Malou na malungkot na habang naglalakad na pauwi ay naroron ang maraming katanungan na gusto niyang malaman..."ano ang nangyar kay inay bakit hindi siya nakarating?...bakit niya ako hinayaang mag-isa?...sabi niya sa akin siya na ang pinakamasayang ina dahil magtatapos na ako...pero bakit wala siya?"

Nasa ganoong pagiisip si Malou ng bigla siyang kinabahan na hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit...kaya binilisan niya ang paglakad, makarating lang kaagad sa kanila.

Nang malapit na si Malou sa kanilang bahay ay nagulat siya, bakit maraming tao sa kanila ang kaagad na tanong niya sa sarili.

Nagmadali siya na halos tumakbo at sa kanyang pagkagulat ay isang kabaong ang dinatnan niya sa kanilang bahay...at ng tingnan niya ay ang kanyang ina...umiyak siya ng umiyak..."kaya pala wala ka sa school ay nandito ka nasa loob ng kabaong...nalungkot ako kasi hindi kita nakita sa graduation ko... iyon pala ay may nangyari sa iyo...tingnan mo inay itong medalya na ito...alay ko ito sa iyo...patawarin mo ako inay...patawad sa marami kong pagkukulang sa iyo",

Pagkatapos ng lamay ay maayos namang nailibing si aling Cora sa tulong na rin ng mga kapitbahay na nakiramay.

Isang araw pagkatapos ng libing ay dumating ang kapitbahay nila at may ibinigay kay Malou, ang regalo kay Malou ng kanyang ina.

Nang buksan ni Malou ang regalo sa kanya ng ina at mabasa ang kasamang sulat ay doon siya lalong nalungkot dahil wala na ang kanyang ina..."salamat inay sa regalo mo, saan ka man naroroon sana maging maligaya ka at iingatan ko ang regalo mo para lagi kitang naaalala", ang madamdaming nasabi ni Malou at hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha.....END


CREATORS' THOUGHTS
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Sana nagkaroon ng inspiration ang kuwentong ito sa lahat ng makakabasa, lalo na sa mga kabataan na nakalilimot na pahalagahan ang ginagawang pagsisikap ng kanilang mga magulang, para sila ay maitaguyod sa kabila ng iba't ibang mga pagsubok.

Thank you, guys, for reading.

Rio Alma

More short inspiring stories are coming, so enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login